“Nasisiraan na talaga kayo ng ulo, ano?! You made Casey signed the divorce paper!” sigaw muli ni Lola Isabel. Ilang sandali pa ay natahimik siya at napalingon sa kalawan habang malalim ang kaniyang paghinga at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Matanda na siya upang magalit nang ganito. “Call her,” saad ulit ni Lola Isabel at nilingon muli si Dylan. Mariing napapikit si Dylan at sumagot, “La, please, let’s stop this,” marahan ngunit madiin na sambit ni Dylan. “Call her and apologize right now! Bumawi ka sa kaniya at itigil niyo ang divorce na yan!” Napahilot na lamang si Lolo Joaquin sa gitna ng kaniyang mga mata dahil sa inaasal ng kaniyang asawa ngayon. Talagang nagsisisi na siya na isinama niya pa ito rito ngayon. Sandaling natahimik si Dylan at kumukuha ulit ng tyempo upang magsalita, “No. Nakapag-desisyon na po ako,” madiin niyang sagot. Akmang aabutin ni Lola Isabel si Dylan upang hampasin ito sa kaniyang balikat nang bigla itong mapaatras at saglit na napap
Malamig ngunit malalim ang tingin na binabato ni Dylan kay Casey. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ‘to dito? Inisiip niya na baka makikipagkita na naman ito sa iba. Pero bakit ngayong wala na siyang pakealam ay saka sila nagkatagpo. Kung gano’n nga ay dapat ng ma-finalize ang kanilang divorce sa lalong madaling panahon. Ngunit kalakip nito ang mga sermon at gulong magagawa ni Lola Isabel. Buong araw ay nakakatanggap siya maraming text mula sa matanda at pinipilit siyang kausapin si Casey. Walang nagawa si Dylan kundi patayin ang kaniyang cellphone bago ito sumabog. Nanliit naman ang mga mata ni Suzane habang nakatitig kay Casey. Inisiip niya kung bakit palagi nalang sila nagkikita. Akmang tatalikod na sana si Dylan nang bigla siyang hinawakan ni Suzane sa braso at nagsimulang maglakad patungo kay Casey. Nakita naman ni Casey kung paano pasadahan ni Suzane ng kaniyang kamay ang braso ni Dylan. Pahilim siyang ngumisi. “Pathetic,” bulong niya sa kaniyang sarili. “Cas,” ani
Kumunot ang noo ni Suzane habang mariin ang titig nito kay Casey. Umiigting naman ang panga ni Dylan at nang maramdaman niya ang kusang pag kuyom ng kaniyang kamao ay patago niyang pinasok ang kaniyang kamay sa bulsa na kaniyang pants. Hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Lincoln kaya palihim siyang napangisi. Natutuwa siyang makita na tuluyan nilang naiinis ang lalake. “Hindi mo dapat tinago kay Dylan ang pakikipagkita mo sa iba, Casey,” sambit ni Suzane.Nakaramdam ng inis si Casey nang marinig ‘yon. Sinasabi ba ni Suzane na may affair na si Casey noon sa ibang lalake? Parang binabaliktad pa siya nito. Ngunit imbes na ipakita ang kaniyang pagkainis ay bahagya lamang siyang natawa na mas lalong ikinakunot ng noo ni Suzane.“If that’s what you really think then go for it. Bakit ko naman idedeny kung nauna na kayo na mag conclude?” sagot niya habang naka ukit pa rin sa kaniyang labi ang mapaglarong ngiti. Nilipat niya ang kaniyang tingin kay Dylan na mariing nakatitig sa kaniya ngay
Nanlaki ang mga mata ni Casey dahil sa gulat nang makita si Dylan. Bakit ba lagi nilang nakakasalubong ang isa’t-isa? Parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Ngunit nakita niya ang pagkakataon na ito upang tanungin ang lalake tungkol sa finalization ng kanilang divorce dahil sa tuwing tinatanong niya ito tungkol sa bagay na yon ay palaging sinasabi ng lalake na siya na raw ang bahala. Ngunit hindi naging maganda ang kanilang paghaharap kanina kaya nag bago ang isip ni Casey at napag desisyonan nalang na nalagpasan si Dylan. Ngunit bigla siyang hinatak ng lalake at naglakad sila papunta sa isang empty room. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi na agad nakawala si Casey mula sa higpit ng mga kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso. Pabagsak na sinara ni Dylan ang pinto ng silid. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa braso ni Cassy upang hindi ito makatakas mula sa kaniya. Sinamaan siya ng tingin ni Casey at pilit na kinakawala ang kaniyang sarili mula sa pagkakahawak ni
Matapos ang ilang minuto ay agad nahimasmasan si Dylan mula sa nangyari. Lumabas siya ng silid at nakita si Casey na naglalakad palayo. Suminghap siya at tinawag ito, “Cassandra!”Lumingon naman ang iilang mga babaeng kasabayan nila sa hallway. Nakakakuha na sila ng atensyon mula sa ibang mga tao ngunit wala siyang pakialam. Napahinto si Casey ngunit hindi yon sapat para mapalingon siya kay Dylan. “May mahalagang taong nag aantay sakin, pwede ba tumigil kana?” saad ni Casey. Natawa nang mapait si Dylan at pinasadahan ang loob na kaniyang pisngi gamit ang kaniyang dila. Talagang mahalagang tao para kay Casey si Mr. Ybañez? Naiinis na si Dylan habang iniisip ito. Hindi niya man maipaliwanag kung bakit ngunit nananaig ngayong gabi ang inis na nararamdaman niya sa mga kinikilos ni Casey at kung paano ito mag bitaw ng mga salita sa kaniya.“Sayo na rin nanggaling na mahalaga ang pangalan ng pamilya mo so why not fix that divorce as soon as possible? Kapag natanggap na natin ang divor
Tila mas natuwa pa si Lincoln nang marinig ang mga salitang ‘yon mula kay Casey. Nagustuhan niya ang pagbibigay nito ng assurance sa kaniya. “Well, totoo naman. Kung hindi rin dahil sayo ay hindi ko na bibigyan ng importansya at panahon ang kasong ito. Isa sa mga ipapangako ko sayo ay hinding-hindi ko pagdududahan ang galing mo, Ms. Hera,” sagot nito at kinindatan si Casey. Ngunit hindi lamang hanga siya sa galing nito sa pag hawak ng mga kaso, humahanga rin siya dito bilang isang matapang na babae na hindi madaling masindak ng kung sino man. Nabasa naman agad ni Casey ang nais na ipahiwatig nito. Nilapag niya nang maingat ang kaniyang juice nang hindi tumitingin sa lalake at nagsalita, “Wala na rin naman tayong magiging interaskyon sa susunod na mga buwan pag natapos na natin ang kasong ito at ang birthday party ni Mr. Romualdez, hindi ba? Kaya pagkatapos ng lahat ng ito hindi na tayo mag tatagpo.” Para kay Casey ay dapat maputol na ang kanilang ugnayan sa oras na matapos na
Biglang naman kumislap ang mga mata ni Suzane na parang yon lamang ang hinihintay niyang assurance mula kay Dylan buong gabi. Hindi na siya nakipag talo pa at agad na kumapit sa leeg ni Dylan nang buhatin siya nito at nagsimula nang mag lakad paalis. “Dy, hindi naman big deal yong pag bagsak ko. Kapag binaba mo ako rito makikita mo na kaya kong mag lakad nang maayos,” aniya habang naglalakad sila patungo sa kotse.Hindi na sumagot si Dylan at mas hinigpitan na lamang ang kaniyang hawak kay Suzane. Ang kaniyang ekspresyon ay may pinaghalong takot at pag-aalala na tila hindi niya manlang napansin sina Casey at Lincoln na nakatayo ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Hindi maiwan ni Casey na mapanood ang eksena dahil dumaan ito mismo sa harapan nila. Ngayon, sigurado na siyang si Suzane nga ang nilalaman ng puso ni Dylan. Ngunit hindi manlang siya nakaramdam ng kirot sa katotohanang yon. Sa pagkakataong yon ay napagtanto niyang nakapag move on na nga siya. Noong mga unang buwa
Natawa lamang si Lincoln at nagsalita, “Chill. Wala naman akong sinasabi,” aniya at inapakan ang brake at nag hahandang lumiko sa kaliwang bahagi ng highway. Saglit niyang sinulyapan si Dylan na katulad niya ay nag aantay pa rin sa red light. Nang mag simula ng gumalaw ang mga sasakyan sa kanilang harapan ay agad na siyang lumiko sa kaliwa. Sa buong biyahe ay nanatili lamang natahimik si Casey. Hindi siya interesadong makipag usap kay Lincoln at baka mapunta na naman ang usapan kay Dylan. Gusto niya na lamang umuwi at makapag pahinga. Pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang gabing ito para sa kaniya katulad na kung gaano kaliit ang mundo para sa kanilang dalawa ni Dylan.Palagi na lamang silang nag tatagpo. Talaga bang sinusubok siya ng tadhana at pinaglalaruan siya ng panahon?Hindi siya natutuwa dito.Ilang beses ding nag tatangka si Lincoln na basagin ang katahimikan at maya maya ay kinakausap si Casey ngunit ang mga sagot niya ay kasing ikli rin ng pasensya niya ngayong gabi. Ay
Tuloy-tuloy lamang na naglalakad si Dylan papunta sa direksyon nila Casey habang madilim ang ekspresyon nito. Nabigla naman si Suzane sa kilos ng lalake kaya ilang beses niya itong tinawag at pinigalan ngunit parang hindi siya naririnig nito. Naka tuon lamang ang atensyon ni Dylan kay Casey at kung paano makipag titigan ang babae sa ka-date nito.Pinadyak niya ang kanang paa sa sahig nang dahil sa inis at padabog na sumunod kay Dylan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nasa utak ng lalake at ganito ito kumilos ngayon. Iniwan lamang siya na akala mo ay hindi siya ka-date nito. Naiinis siyang isipin na si Casey na naman ang dahilan nito. Parang lumalala lamang ang sitwasyon dahil sa desisyon ni Casey na makipag ugnayan sa kalaban ni Dylan.Hindi siguardo si Suzane kung magandang ideya ba yon dahil ang ibig sabihin non ay lalong kakamuhian ni Dylan si Casey dahil sa mga naging kilos ng kaniyang pinsan, o maiinis dahil sa halip na mas lumaya ang loob ni Dylan kay Casey ay parang mas n
Nanatili ang matatalim na mga tingin na binabato ni Dylan sa dalawa. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang kamao na nais ng kumuyom dahil sa inis. Nang mapansin ni Suzane ang madilim na ekspresyon ng lalake ay agad siyang nag taka kaya sinundan niya kung saan ito naka tingin. Ganon na lamang ang gulat niyang makita ang kaniyang pinsan at ang kaaway ni Dyla na mag kasama. Binaba ni Suzane ang kaniyang tingin sa braso ni Lincoln na naka pulupot sa bewang ni Casey. Napasinghap siya at napa-kurap ang kaniyang mga mata. Siguro ay talagang naka move on ang kaniyang pinsan at hinihintay na lamang ang settlement ng divorce kaya andito ito ngayon at kasama si Mr. Ybañez— ang malaking tinik sa Almendras Group. Ngunit iniisip ni Suzane ay hindi naman ito kailangan gawin ni Casey— ang ipakita sa lahat ng tao na hindi na maayos ang pagsasama nila ni Dylan. Dahil para sa kaniya ay hindi lamang si Casey ang may pangalan na masisira, kung hindi si Dylan din. Parang gusto rin mang agaw ng atens
Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Dylan habang papasok ito sa mansyon. Nakasuot ito ng black suit at may iilang silver highlights sa braso ng kaniyang suit. Para siyang lumilinawag habang naglalakad. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha, malalim at madilim ang kaniyang bawat tingin. Kabaliktaran ito sa kalmadong awra ni Lincoln habang naka tingin sa kaniya. Naka ngisi pa ang lalake at inaabangan na ang mga susunod na mangyayari ngayong gabi. Habang si Suzane naman ay mahigpit ang kapit sa braso ni Dylan. Hindi siya mapakali at hindi komportable sa mga binabatong tingin ng mga tao sa kanila. Oo, ito ang kaniyang gusto— atensyon. Ngunit kakaiba ang kahulugan ng kanilang mga tingin. Parang nanghuhusga at pilit na pinapasok ang kaniyang pagkatao upang malaman kung ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar kasama ang asawa ng kaniyang pinsan. Hindi na lamang ito pinansin ni Suzane at pilit na ngumiti na may lakas ng loob. Nakasuot siya ng sage green dress at sumasabay ito sa kaniyang b
Bumungad kay Casey ang liwanag ng napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna. Lahat naman ng tao ay nag tinginan din sa kanila. Kitang-kita ang iba't-ibang reaksyon ng mga bisita. Karamihan sa kanila ay nanlaki ang mga mata sa gulat, ang iba naman ay naka kunot ang noo at tila hindi naiintindihan kung bakit magkasama ang dalawa, at ang iilang mga tao naman ay nag bubulong-bulungan sa isa't-isa. Nilipat ni Lincoln ang kamay ni Casey sa kaniyang braso at halos mapasinghap ang babae sa gulat ngunit kumapit nalang siya rito.Isang alala ang biglang dumaan sa isip ni Casey. Dati ay braso ni Dylan ang kaniyang hawak. Mahigpit ang kapit niya rito lalo na kapag kinakabahan siya. Aminado man si Casey na higit sa sampung beses na silang nakadalo sa mga ganitong okasyon ay kinakabahan pa rin siya, lalong-lalo na kapag sinusundan siya ng tingin ng mga tao. At ang simpleng pag kapit niya sa braso ni Dylan ay nakakapag pagaan ng loob niya kahit papaano.Mariing iniling ni Casey ang kaniyang ulo
Natagpuan ni Casey ang kaniyang sarili na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lincoln. Hinawakan niya nang mahigpit ang sariling kamay dahil nilalamig ito at nanginginig. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya dahil samot-saring mga emosyon ang nag aaway away sa loob niya. Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang kaniyang sarili. Walang duda ang natatanging ganda niya ngayong gabi, alam niya yon mismo sa kaniyang sarili. Kaya kung kaba man ang nararamdaman niya ay dapat hindi siya mag patalo rito at buong tapang na harapin ang mga pangyayaring nag hihintay sa kanila.Habang nasa biyahe ay pabalik-balik naman ang tingin ni Lincoln sa kaniya. Napapansin man yon ni Casey ay hindi hinayaan niya nalang dahil nakatuon ang kaniyang atensyon na pakalmahin ang sarili.Alam ni Lincoln na maganda si Casey ngunit nawindang pa rin siya dahil mas may ikakaganda pa pala ito. Hindi sapat ang salitang "maganda" upang i-describe si Casey ngayong gabi. Higit pa siya sa isang anghel na
Nakatingin lamang si Casey sa hindi pa rin makapaniwala niyang kaibigan. "Ano ba, Daisy, para kang tanga dyan," saad nito. Nilingon naman siya ni Daisy at tinignan nang masama, "Ikaw ang parang tanga, Cas! Bakit mo naman ako binibigla nang ganito?!" singhal nito. Kibit-balikat naman na sumagot si Casey, "Bigla ka rin nag tanong e." Naiintindihan naman ni Casey ang naging reaksyon ng kaibigan kaso ayaw niya lang talaga sana na gawin itong big deal kahit malaking bagay naman talaga ito. Alam niya rin na nag-aalala lamang si Daisy sa kaniya dahil sa mga posibleng mangyari sa gabi na yon. Agad naman na lumapit si Daisy kay Casey at hinila ito pabalik sa dining table at sapilitan na pinaupo sa upuan. Hinanda na ni Casey ang kaniyang sarili sa isang malaking deep talks. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Cas? Final na ba itong plano mo na pumunta sa party kasama si Lincoln?" sunod-sunod na tanong ni Daisy, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kaibigan. "Oo. Desidido na ako rito, Daisy.
Nakatitig lamang si Daisy kay Casey habang inaantay nito ang isasagot ng kaibigan. Si Lincoln naman ay tahimik lang din na inoobserbahan si Casey habang nakikinig lang sa usapan ng magkaibigan. Iniisip niya kung ano nga ba ang magiging apekto sa kanilang lahat ng magaganap na party, lalo na at mainit ang mata ng mga tao sa kanila ngayon dahil sa mainit-init nilang issue. Palihim naman na napangisi ang lalake habang iniisip na siya ang magiging kasama ni Casey sa gabing yon. Siguradong magiging sampal ito kay Dylan, at natutuwa habang iniisip yon, Nag-aalala naman si Daisy para kay Casey. Sa tuwing may nagaganap kasi na okasyon ay palaging si Dylan ang kasama nito upang ipakita sa lahat ng mga tao na matibay pa rin ang kanilang pagsasama, kahit na sa likod ng mga kurtina ay ang isang madilim na katotohanan na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ngunit iba na ang kanilang sitwasyon ngayon, kaya hindi sigurado si Daisy sa magiging kahihinatnatan ng mangyayaring party gayong may posibi
Sa mga nag daang minuto ang tahimik lamang silang tatlo habang nagluluto ng hapunan. Inabot ng kasambahay ang sandok na may lamang sabaw ng sinignang na baboy kay Casey upang tikman ito habang nagluluto siya ng chicken curry. Si Lincoln naman ay seryoso talaga sa kaniyang sinabi na tutulong siya sa pagluluto ngunit natatakot si Casey para rito kaya inutusan niya na lamang ang lalake na hugasan ang mga lettuce na gagamitin nila mamaya para sa pag gawa ng salad dressing. Habang si Daisy naman ay nilipat na ang kaniyang atensyon sa dalawa mula sa mga pagkain. Inoobserbahan niya ang mga kilos nila. Sigurado siyang may namamagitan sa dalawang yon. Agad naman napaisip si Daisy. Posible kaya na mangyari agad yon? Na magkaroon agad ng interes si Casey sa ibang lalake? Imbes na mabaliw kakaisip ay hindi na napigilan ni Daisy na mag tanong, “Cas, mag kwento ka na kasi. Kailan ba kayo nagkakilala? I mean, syempre kilala niyo ang isa’t-isa sa pangalan, pero alam niyo yon? Kailan kayo nagsim
Napahinga nang malalim si Casey habang pinipilit pa rin siya ni Daisy na mag kwento tungkol sa kanila ni Lincoln. Hindi naman talaga big deal ang meron sa kanila ni Mr. Ybañez dahil pure business lang ang namamagitan sa kanila. Pero alam niyang hindi siya titigilan ni Daisy kakatanong.“Malalaman mo rin yan next time,” saad ni Casey ay sinadyang mag bigay ng mapanlarong ngiti sa kaibigan. Napakunot ang noo ni Daisy at napanguso pa ito, hindi nagustuhan ang sinagot ni Casey. “Next time?! Pwede namang ngayon na e! Ang daya kaya! Baka mas mauna pa malaman ng mga chismosa sa blue app ang tungkol sa inyo ng lalakeng yon kesa sa akin na kaibigan mo!” padabog na giit ni Daisy.Natawa naman si Casey sa inaakto ng kaibigan, “Napaka-oa talaga nito. Ililibre nalang kita ng dinner,” ani Casey.Lumiwanag naman ang mukha ni Daisy at nagsimulang tumalon sa saya na agad naman sinaway ni Casey dahil maraming customers ang nakakakita sa kanila.“Ipagluluto mo na ba ako?” malawak na ngiting taong ni D