Share

KABANATA 22

TAMARA’S P O V

I closed my eyes and took a deep breath before I unlocked the door to the bedroom. May susi ito sa bahay pero sa kwarto ay wala. Hindi naman kasi namin ugaling maglock ng kwarto kaya hindi kami nagdadala ng susi nito tuwing aalis kami.

Bumungad sa akin ang maputlang si Harry. Ang mga mata nitong may mga maiitim na eyebags sa ilalim ay nagsusumamo at nagmamakaawa sa akin, pero hindi ko ito binigyang-pansin. Ang napansin ko ay ang pangangayayat niya ng bahagya.

“Tamara…” matamis ang ngiting ibinigay niya sa akin. “Akala ko hindi mo na ako muli pang kakausapin. Salamat…”

“Tumigil ka, Harry…” tiim ang mga bagang na sabi ko. Akala naman nito ay madadaan ako sa pagngiti ngiti niyang iyon. Tumabi ako at sinenyasan ko siyang pumasok.

Alanganing humakbang siya papasok, at huminto ito mismo sa harap ko.

“Upo!” utos ko dito na para bang isang aso ang kausap ko.

Agad naman itong tumalima at naupo sa kama.

“Hindi diyan!” agad kong pigil dito. “Doon ka maupo.” Itinuro ko ang upuan sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status