TAMARA’S P O V“Pero sasabihin mo sa kanya?” tanong ulit ni Wendy, na ang tinutukoy ay si Daniel.“Hindi…” ulit ko. Hindi niya kailangang malaman ang ipinagbubuntis ko, lalo na ang pagpapakasal ko sa ibang lalake.Tumahimik ito. At medyo nakahinga ako ng maluwag dahil ayoko munang marinig ang pangalan ng lalakeng nakabuntis sa akin.Maya-maya lamang ay suminghot singhot ako. “Amoy sunog…” komento ko habang patuloy sa pagsinghot.“Shit! Ang niluluto ko!” at saka ito patakbong bumalik sa kusina.………..Dumating na ang araw ng kasal namin ni Harry. Isang long white dress ang suot ko at walang mga manggas ito. Three months na ang tiyan ko, pero hindi ito halata sa suot kong dress at dahil maliit lamang akong magbuntis.Dumating si Wendy at nagulat ako nang makita kong halos pareho kami ng suot na damit. Para kaming kambal.“Nakita ko ito sa isang ukay-ukay…” humagikgik pa nitong sabi habang umiikot sa harap ko. Alam kong sinadya niyang pareho kami ng suot dahil siya ang kasama kong bumili
TAMARA’S P O VHabang ako'y nakahiga at nakatitig sa madilim na kisame ay iniisip ko pa rin kung nagsasabi nga ba ng totoo si Harry. Kung lahat-lahat ba nang mga nangyari sa kanila nang mga babae niya ay naikuwento niyang lahat sa akin. Siguro nga ay tapos na talaga ang lahat sa kanila ni Abby, at ng kanyang boss na si Sabrina.Iniisip ko ngayon ay kung mayroon pang ibang babae. Kung ‘yung dalawa ba ay kasali lamang sa mahabang listahan niya, at marami pang ibang babaeng involved dito. At ano pa kaya ang mga pinaggagawa niya sa anim na taon naming pagsasama.Ang pagpapakasal niya ba sa akin ay kunwa-kunwarian lamang? Pinakasalan niya lang ba ako para ipamukha sa lahat na kayang-kaya niyang makuha kung ano gusto niya? Ipinagyabang lamang ba niya ako sa mga kakilala niya?Siguro ay wala na akong pakialam doon. Ang importante ngayon ay wala na siya sa buhay ko. Sa buhay naming mag-ina. Kailangan na lang naming magmove on at tulungan ang anak ko na matanggap na hindi talaga kami para sa i
TAMARA’S P O VAfter two weeksTumunog ang cellphone ko, at nang tinignan ko ay pangalan ni Harry ang nasa screen. Sa nakalipas na dalawang linggo ay panay ang text ang tawag niya sa akin, at ang lahat ng iyon ay hindi ko sinasagot.“Hello?’’ naisipan kong sagutin ang tawag niya ngayon, dahil nacurious din ako kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.“Salamat sa Diyos, sumagot ka din. Akala ko hindi mo na ulit ako kakausapin.” Mahina ang boses na saad nito.“What do you want?’’ I snapped, rolling my eyes at his statement.“I just… I just want to come over… Gusto kong makita si Lily. Miss ko na miss ko na siya. Kayong dalawa. Sobra…’’ he choked. “Please, payagan mo na akong pumunta diyan sa bahay.”I sighed deeply.“Sige. Pumunta ka dito mamayang alas-sais ng gabi. Isang oras mo lang pwedeng makita si Lily, at kapag tulog na siya ay saka tayo mag-uusap.”Malamig ang boses ko habang kinakausap ko siya. Sana lamang ay maramdaman niya na wala na talagang pag-asa at wala na akong amor na
TAMARA’S P O V“Ay wow teka lang ha. Kung makapagsalita ka parang pinapalamon mo ako ah.” Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na ang best friend ko pa mismo ang magsasabi nito sa akin. “Kaibigan lang kita, Wendy. Ang nanay ko nga hindi ako mapagsalitaan ng ganyan, tapos ikaw… Napakasakit mong magsalita. Jinajudge mo na agad ako ni hindi mo pa nga alam ang buong pangyayari! Akala mo kung sino kang malinis at walang ginawang kasalanan! Wala akong pakialam kung ano man ang tingin mo sa akin. Wala akong pakialam kung ganyan kakitid ang utak mo, at kung ano-anong masasakit na salita ang lumalabas sa bibig mo dahil lamang sa hindi ko sinunod ang mga payo mo!” Tumaas-bumaba ang dibdib kong himutok dito. “Siyangapala, huwag ka nang mag-abala pang padalhan ako ng walang kwenta mong libro! At isa pa, huwag na huwag ka nang tatawag sa akin dahil ayaw namin ni Lily ng istorbo!”At saka ko ibinaba ang tawag habang nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa sobrang g
TAMARA’S P O V“Mommy?” pagpasok ko sa kwarto ni Lily ay tinawag kaagad niya ako habang dahan-dahan itong bumangon at naupo. Dali-dali akong lumapit dito at niyakap siya ng mahigpit. “I had a bad dream, mommy. Nakakatakot ‘yung monster na kumuha kay daddy…” she whispered. “Hinabol ko sila pero hindi ako makatakbo, kaya nakuha niya si daddy tapos bigla silang nawala, mommy.”“Oh, anak. It was just a bad dream. Don’t worry, hindi ito totoo.” I kissed her head and held her close.“Nagising ako pero wala ka sa tabi ko. I missed you, mommy…” She hugged me back, tight and long embrace. “I love you, mommy.”“I love you too, anak. Andito lang si mommy. Hinding-hindi kita iiwanan.”“Bakit wala ka kanina nung pinapatulog ako ni daddy? Tinanong kita sa kanya, sabi niya busy ka daw po.” She said after a while.“May mga inayos lang ako kanina…”Tumango ito. “Sa susunod kayong dalawa na ni daddy ang magpaptulog sa akin ha?”Natahimik ako.“Tignan natin, anak.” At hinalikan ko siya sa noo at kinumut
TAMARA’S P O VThe pearl earring.Fragments of words darted in and out of my memory, and I felt like I wanted to explode.“Napulot ko ‘yan sa office pagkatapos ng meeting.”“Baka may nakahulog kaya ibinulsa ko muna.”Buong pag-aakala ko ay pagmamay-ari ni Sabrina ang hikaw. At dahil iyon din ang sinabi sa akin ni Harry.I closed my eyes to calm myself down. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang dibdib ko ay tumaas-baba, at hindi ko alam kung dahil ba ito sa galit, pagkamuhi, paninibugho. Lahat na. naghalo-halo na ang aking mga nararamdaman sa oras na ito.When I opened my eyes, the boy was there in front of me, staring confusedly at me. Binalikan niya ang libro at napakunot-noo ako. “Okay lang po kayo?” tanong nito, ang mukha ay nabahiran ng pag-aalala. Hindi ako umimik. Alam kong namumutla ako ngayon dahil ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko.Ano nga ulit ‘yung sinabi niya kanina tungkol kay Wendy?“Parang may gusto siyang iparating.”Bumuntong-hininga ako ng mal
TAMARA’S P O VHindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanggap ko na ang alok ni James na magpalipat sa Cebu at tanggapin ang aking bagong posisyon bilang isang branch manager. Tutal ay nabalitaan kong lumipat na din dawdito sa Maynila si Wendy, dahil talaga namang pumatok ang bagong librong isinulat niya. Kabi-kabila ang mga guestings at promotions niya ngayon. Narinig ko pa nga na mukhang isasa-pelikula pa yata ang librong iyon—ang librong ang kabit ang bida.Habang pinag-aaralan ko ang mga documents sa harapan ko ay napatingin ako sa dingding sa harap ko, kung saan may mga nakasabit na mga paintings. Isa na dito ang painting ng isang babae at isang lalake na magkayakap at walang mga saplot, pero natatakpan pa rin ang kanilang kahubdan dahil magkahugpong ang kanilang mga katawan na siyang tumatakip sa isa't isa.And unwittingly, I couldn’t help but think of Harry, my unfaithful, cheater, soon-to-be ex-husband. Naiimagine kong silang dalawa ni Wendy, magkadikit ang mga katawan sa isan
DANIEL’S P O VSaglit kong pinanood si Samantha habang umiiyak. I felt sorry for her, but only a little. Because somewhere in the icy difference of my detachment was an echo of what I had once felt when I looked at her.Ang kanyang buhok na mahaba ay medyo mag pagkabrown at nangingintab, ang kanyang mapupungay na mga mata ay may mahahaba at malalantik na pilikmata, at ang kanyang mga labi ay makapal ang ibaba at namumula. Lahat ng nakikta ko sa kanya. Lahat ng panlabas na anyo niya, ay parang kay Tammy.Noong malasing ako nang gabing iyon, inakala kong siya ang pinakamamahal kong si Tammy. Kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. At kaya naman ako pumayag na magpakasal kay Samantha ay para mapagbigyan ang kahilingan ng aking amang may malubhang sakit. “I don’t have long to live, son…” wika nito. “Isang taong mahigit na lamang ang itatagal ko dito sa mundong ibabaw.”Iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko, and only left a simple note on my pillow. Mahalaga pa ba kung sino ang babaeng pa
TAMARA’S P O VKinabukasan ay maagang inihatid ni mama si Lily sa school kaya naman pagbaba ko sa kusina para mag-almusal ay hindi ko na sila naabutan. Hindi rin ako ginising ng anak ko. Siguro ay sinabi dito ni mama na hindi ako papasok sa trabaho ngayon. Nag-isip na lamang siguro ng dahilan si mama kung bakit, dahil alam kong matanong ang anak ko.Nagkape muna ako, at kumain ng tasty bread na nilagyan ko ng palaman na peanut butter. Habang kumakain ay nagiiscroll ako sa cellphone ko kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Pwede siguro ako sa call center dahil fluent naman akong magsalita ng english. Pwede din sa office ulit, mag-iistart ako sa mababang posisyon kagaya ng secretary o personal assistant. Ilang araw pa lang naman kasi akong branch manager sa opisina kaya hindi ko ito pwedeng ilagay as experience.Ah, bahala na. Lalabas na lamang ako at maghahanap kung ano ang mga hiring.Pagkahugas ko ng ginamit kong tasa ay umakyat na ulit ako sa taas para maligo. Kailangan kong u
TAMARA’S P O VAyos na sana ang lahat. Papatawarin ko na sana siya sa ginawa niya sa akin, kaya lang ay bigla ulit itong nagsalita at sinabing, “Kung magreresign ka man, kailangan mong bayaran ang breach of contract…” nakangisi nitong sabi. “Pero isang tingin ko pa lang sa’yo ay hindi mo na kayang bayaran ito…” dagdag pa nito bago tumaas-baba ang tingin nito sa akin at pinagmasdan ang lumang kasuotan ko. “Hindi din siguro sasapat ang ipon mo para bayaran ako, tama ba?”Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi na ako nakakapamili ng mga bagong suotin sa opisina dahil iniisip ko ang ipon ko para kay Lily. Para sa kanyang pangangailangan ang kakaunting naipon ko kaya hindi muna ako gumagastos para sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko at sa anak ko. Heto ako nagtitiis upang mabuhay siyang mag-isa samantalang ang tatay niya ay isang milyonaryo at may-ari ng isang matagumpay na kumpanya.Eksaktong paglapit sa akin ni Daniel ay lumipad
TAMARA’S P O VNagkita ulit kami ni Daniel noong may party ang company, pero isa iyon sa mga hindi ko inaasahang mangyayari. At dahil doon ay nakita kami ni Harry at nag-isip agad ito ng masama tungkol sa amin. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita, pero wala namang problema kung magkita ulit kami, pero ‘yung maging boss ko siya at araw-araw kaming magkakasama, hindi ko ata kakayanin iyon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Paano kung malaman niya ang tungkol kay Lily? Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Natatakot akong gawin niya iyon. Mas mabuti pang magresign na lamang ako sa trabaho, at kahit bumalik kami sa Maynila, huwag lamang mawala ang anak ko sa akin.Noong sinabi sa akin ni Wendy na nagpakasal na ulit si Daniel, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay galit na galit sa akin ang mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Maluwag kong tinanggap ang naging kapalaran namin ni Daniel. Alam kong hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil ayaw sa akin n
TAMARA’S P O V As usual, nagviral ang video na iyon ni Wendy at tinadtad ito ng iba’t ibang mga comments kagaya ng: “Malandi ang author ng book, bagay lang sa kanya ‘yan!” “Mang-aagaw! Homewrecker! Kulang pa sa’yo yan!" “Dapat ipasunog lahat ng libro mo. Wala nang bibili niyan! Hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad!” Tapos may nabasa pa akong mga comment tungkol naman ito kay Harry. “’Yang lalaki, may anak yan na six or seven years old. Kaklase dati ng anak ko ang anak niyan sa Cubao.” “Cubao? Di ba taga Cebu si Wendy? Paano sila nagkikita ng ganun kalayo?” “Baka naman etong babae talaga ang habol ng habol at panay ang punta dito sa Maynila para magpakantot lang sa lalaking ‘yan! Idinadahilan lang 'yung libro niya, Napakalandi talaga! Sariling kaibigan mo ang niloko mo! Ahas ka! Doon ka sa gubat nararapat!” “Balita ko naglayas na ‘yung tunay na asawa kasama ‘yung anak nila.” “Kahit ako man, iiwanan ko talaga ang babaerong ‘yan! Walang kwentang lalaki!” Sinubukan ko pang b
TAMARA’S P O VUmiiyak na si Harry sa harap ko. At nagsimula na naman itong maglitanya. Mga araw-araw na message niya sa akin na parang sirang plakang inuulit-ulit niya ngayon.“I’m sorry, Tamara. Please forgive me. Please… pwede pa tayong magsimula ulit. Hindi ko kakayanin ang mawala ka. Ang mawala kayo ni Lily sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Tam. Please…”He looked up at me. And I was reminded of the way he had looked up at my mom as we sat in the living room of her house six years ago. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng sinseridad habang kinakausap ang mama ko para hingin ang mga kamay ko. He was so raw and honest, like his words, stumbling, yet so sweet and gentle.“Alam mo, mabuti na lamang at hindi ikaw ang tunay na ama ng anak ko.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit na namuo sa dibdib ko. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga pagdurusa ni Lily. Sa tuwing sinasabi nito na, ''hindi na ako mahal ni daddy, mommy,'' para akong sinasaksak ng
TAMARA’S P O VNapagdesisyunan kong ibigay na lamang kay Harry ang bahay. Ipinagpipilitan nito na kailangan daw naming maghati kapag naibenta na niya ito. SIyempre hati kami. Hindi ako papayag na mapunta lang ang perang mapagbebentahan namin sa babae niya. At saka mas lugi ako dahil may anak ako. Alam ko naman na hindi siya magsusutento kay Lily, at hindi ko naman talaga hihingin iyon sa kanya, at kahit magpumilit pa ito ay hindi ko tatanggapin dahil wala siyang obligasyon sa anak ko. Wala na siyang karapatan ngayon sa anak ko, dahil lahat ng pagkakataon na ibingay ko ay binalewala lang nito. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng anak ko.Isang araw ay tumawag ito pero hindi ko ito sinagot kaya naman nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa voice mail.His voice cracked with emotions as he said, “Natanggap ko na ang annulment papers kaninang umaga lang. Gusto kong malaman mo na… hindi ako kumokontra dito. Nagkasala ako sa’yo. Niloko kita, at alam kong hinding-hi
TAMARA’S P O VIt’s been two months. Two months had passed since the day I found out about Harry and Wendy’s secret affair. At magmula noon ay natahimik na ang buhay ko. Nalaman kong niloloko ako ng asawa ko, fine. Ipinagpalit niya ako sa iba, at sa sarili kong kaibigan, fine. Huwag na huwag lang nila akong guguluhin, lalong lalo na ang anak ko dahil talagang magsasampa ako ng kaso para sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang ngayon na gawin, pero ayoko na ng gulo. Gusto ko na lamang manahimik para sa kapakanan ng anak ko.Nagdesisyon na rin akong umalis sa bahay na ipinundar naming mag-asawa at nagsabi sa mama ko na doon muna kami sa kanya sa bahay nito sa Sampaloc.Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit namin ni Lily at inilagay ang mga ito sa mga boxes at bags. Lilipat muna kami sa bahay ni mama. Doon muna kami titira dahil ayoko nang manatili pa sa bahay na ito. Maraming mga alaala ditto na gusto ko nang kalimutan.Si Harry ay hindi malaman ang gagawin habang pinapanood ang mga tagaha
HARRY’S P O VNung tumawag si Wendy at sinabi sa akin na nakunan si Tam, pakiramdam ko ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari iyon. Ako ang may dahilan kung bakit siya nakunan. Kay tagal kong hinintay na magkaanak kaming dalawa. Kay tagal naming sumubok, ngunit mawawala lamang ito sa isang iglap dahil sa mga panlolokong ginawa ko.Naalala kong napag-usapan pa namin ito ni Wendy noong una kaming nagkita sa isang coffee shop. Hindi ko malaman kung paano napunta doon ang usapan namin pero bigla na lamang itong binanggit ni Wendy. Hindi ko rin alam na nasabi ito ni Tamara sa kanya.“Sabi ni Tam, tinatry niyo daw magkaroon ng anak? Totoo ba?” tanong nito, at sinagot ko ito ng marahang tango sabay ngiti, pero tinignan niya lang ako nang may awa sa kanyang mga mata na ikinakunot ng aking noo. “Hindi mo nga siya masatisfy, paano mo pa siya mabubuntis?” she sighed, and I secretly rolled my eyes. “Huwag kang mag-alala, ituturo ko ang lahat sa’
HARRY’S P O VMay ipinakita pang isang litrato si Abby sa akin. Ito ay ang plate number ng kotse ko para daw maniwala ako na nakita niya talaga ako noong gabing iyon. At sa ikatlong picture ay ang ulo ni Wendy na nakasubsob sa pagitan ng aking mga hita habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang buhok niya, ang mga mata ko ay nakatirik, at nakabuka ang aking bunganga.Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko. Ang unang unang pumasok sa isip ko ay, hindi ito kailangang malaman ng asawa ko.“Isa siyang kaibigan…” medyo nanginginig pa ang boses ko nung sinagot ko si Abby. “Nag-away sila ng asawa niya, kaya… dinadamayan ko lang siya sa problema niya.” Pagsisinungaling ko dito.“Talaga ba?” Abby chortled. “Pero bakit naghahalikan kayo? Ang dalawang magkaibigan ay hindi maghahalikan dahil lamang sa isang problema sa pamilya. Huwag kang magsisinungaling sa akin kuya.”Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba namang tanga ang maniniwala sa mga sinabi ko?"Sasabihin mo ba sa ate mo?” ta