Share

KABANATA 26

TAMARA’S P O V

“Tamara…’’ nabigla si Harry sa sinabi ko. Ang mukha nito ay tila hindi makapaniwala habang tulalang nakatingin sa akin.

“Get out, Harry!” I roared. “Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo! Get out of my life! Get the fuck out! Now!”

Napayuko ito. Dahan-dahan at tahimik ang mga hakbang nitong lumabas ng bahay.

Isinalya kong muli ang pinto pasara at saka ko isinandal ang likod ko sa pinto bago ako dumausdos pababa at naglupasay sa sahig. Tinakpan ko ng aking kanang kamay ang aking bunganga upang kontrolin ang malakas na paghagulgol.

Alam kong nandoon pa din sa labas si Harry. Nararamdaman kong nandoon pa rin siya, nakatayo at nakikiramdam.

Hindi niya ako dapat marinig. Hindi niya dapat malaman na umiiyak ako. Baka akalain niya na siya ang iniiyakan ko. Baka ang akala ng damuho ay nanghihinayang ako sa kanya.

Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay narinig ko ang mga mabibigat na yabag niya habang naglalakad palayo.

I wiped my tears harshly, and slowly, I stood up.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status