Share

KABANATA 25

TAMARA’S P O V

“Si Sabrina? ‘Yung boss mong nilalandi ang lahat ng empleyado niya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Naalala ko ang hikaw na suot nito noong family day. Hindi ito pearl. Isa itong diamond. Pero kay Harry na mismo nanggaling na kay Sabrina ang hikaw na hawak ko.

“Wala namang ibig sabihin iyong nangyari sa amin. It was just a distraction to her. At saka…” tumingin si Harry sa aking mga mata. “Aalis na ako sa trabaho ko sa isang buwan. Tinapos ko na ang lahat sa amin bago pa dumating ‘yung araw na may nangyari sa resort. Nagpasa na ako ng resignation bago ako bumiyahe pa-Batangas.”

Pero hindi na ako nakikinig sa kanya.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Itong lalakeng ito na kamukhang-kamukha ng first love ko na si Daniel de Guzman. Itong lalakeng ito na ipinangakong mamahalin ako, aalagaan ako habang-buhay. Itong lalakeng ito na pinakasalan ako, anim na taon na ang nkararaan. Ang lalakeng ito na sinira ang tiwala at niloko hindi lang ako, kundi pati na ang anak ko. Ang lal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status