Share

KABANATA 24

TAMARA’S P O V

“Nagulat na lang ako nang dumating siya sa resort noong araw na iyon. Nakarinig ako ng mga katok, at akala ko ikaw ‘yun. Akala ko sumunod ka sa akin. Akala ko sinorpresa mo ako---’’ Bumuntong-hininga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto, andun siya nakatayo. ‘Yun ang totoo, Tam. Hindi talaga namin pinlano ang pagpunta niya doon. Tinanong pa nga niya kung nasaan ka daw, sabi ko masama ang pakiramdam mo, kaya nagstay ka na lang sa bahay.”

Napaismid ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sa babae niya kahit ang pinakamalilit na detalye tungkol sa buhay namin? “O tapos? Nagsex na kayo?”

Umiling ito.

“Sabi niya, may dinalaw lang daw siya malapit sa lugar. May kamag-anak daw siya sa Batangas na matagal na niyang hindi nadadalaw, at dumaan lang sa resort para sana bumati sa atin. Wala daw siyang kaalam-alam na mag-isa lang ako sa cottage. Pinapasok ko siya, tapos…’’ napabuga ito ng hangin. Tila nahihirapang ipagpatuloy ang susunod na sasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status