Share

Book 7: Chapter 42-Puwede ka ng bumitaw

NANG masiguro ni Max ang kaligtasan ng lahat sa hospital ay muli siyang umalis ang bumalik sa Davao. Kailangan nang tuldokan ang kasamaan ni Tony at may sapat silang katibayan na laban dito. Nilapitan niya si Ashton na siyang umaayos ngayon sa mga sugatan.

"Pakisabi na lang sa kanila na isasagawa na ang operasyon kay Raiko at hindi na sila mahintay."

Isang tapik sa balikat ang itinugon ni Max sa balikat ni Ashton bago tumalikod kasama ang ilan sa tauhan. Mabilis lang sa kaniya ang biyahe dahil may gamit na private chopper.

Nang wala na ang general ay luminga muna si Ashton sa paligid bago pumasok sa isang silid. Siniguro niyang walang nakakita sa kaniya at muling binuksan ang isang secret door. Pagkababa sa hagdan ay muling binuksan ang isang malawak na silid na nasa basement.

"Dad, kumusta ang pasyente?" tanong ni Cloud sa ama na siyang nag-aasikaso kay Dark.

"Maayos na ang lagay niya, ang lakas ng kaniyang katawan at kahit maraming dugo ang nawala ay nakaligtas pa rin kay kamatayan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status