NAGHALO ang emosyong nadarama ni Amalia matapos ang kaso na hawak ni Cloud. Lungkot at saya—saya dahil nakulong na ang mga salarin at nabigyan ng katarungan ang mga biktima na kasamahan nila Micko noon. Lungkot dahil ililipat siya ng trabaho. Hindi niya alam kung bakit kailangan siyang ilipat at hindi bilang isang agent na."Huwag kang mag-alala, mas magandang trabaho ang naghihintay sa iyo roon at makikita mo pa rin kami kung gustohin mo." Pampalubag loob ni Dexter kay Amalia nang mapansing nalulungkot ito."Napamahal na po kasi sa akin ang trabaho bilang isang agent." Malungkot pa rin siya habang tinititigan ang iba pang kasama na naroon sa office."Mapapasabak ka pa rin naman sa laban doon." Makahulogang turan ni Micko na ikinamaang ni Amalia."May kailangan ba akong e-spy doon, Boss?" Bigla siyang nabuhayan ng loob."Pwede rin," ani Dexter habang nakangiti. Nagkatingan sila ng makahulogan ni Micko."Mga boss, baka pwede akong sumama sa rakit ni Amalia?" Pinagkiskis ni Cris ang dal
"So, totoo ngang ballpen na ang hawak mo sa halip na baril.""Ano ang ginagawa mo dito?" emotionless na tanong ni Max sa dalagang bagong pasok sa kanyang opisina na walang pasabi. "Hindi ka ba marunong kumatok?"Ngumiti si Joy bago denidma ang pagsusungit ng huli. " Kanina pa kita pinapanuod mula sa pintuan. Nakabukas din ang pinto kaya tumuloy na ako."Sa kabilang silid ang opisina ni Nam.""Ikaw ang binibisita ko," hindi na niya hinintay na alukin siya ng binata na umupo. "I'm happy at naisipan mong e-manage na itong negosyo mo. Malayo sa kapahamakan at magkaroon ka ng time na makasama ako palagi." "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na—""Alam kong mali ang ginawa kong pag-iwan sa iyo noon. Kung sinabi mo lang agad sa akin noon na may itinayo kang negosyo ay baka nagdalawang isip ako na iwan ka."Napatiim bagang si Max sa inaakto ng kaharap. Tila ba maliit na bagay lang ang nagawa nitong kasalanansa kanya at siya pa ang may mali. Tama ito na hindi niya pinaalam dito ang tungkol
"Take those papers and arranged it for me." Turo ni Max sa papeles na nakapatong sa kanyang lamesa. Tila isang heneral pa rin kung magmando at hindi pinansin ang pagbago ng mood ng dalaga."Aalis ka, Sir?" pigil ni Amalia dito nang tumalikod."I had a meeting.""Nang ganiyan?"Naudlot ang pagbukas ni Max sa seradura ng pinto at nilingon si Amalia. "What do you mean?" dumoble ang gatla sa kanyang noo nang mahuli kung saan na naman nakatingin ang mga mata nito."Baka may iba pang makakita diyan sa natutulog mong alaga." Ininguso ni Amalia ang nakabukas na zipper ng pantalon ni Max.Sa halip na makaramdam ng pagkapahiya, lihim siyang napangisi at tuloyang lumapit sa dalaga. "Do it for me.""Aba't—" hindi makapaniwalang lumayo siya sa binata. "Ako ba ang nagbukas niyan at sa akin mo pinapasara?" Nag-aalangan pa ang kamay kung ituturo o hindi ang pinag-uusapan nila."Do I have to call her?" nanunubok na tanong ni Max dito. Napangisi siya nang umirap ito sa kanya."Edi tawagin mo po, hangga
"ANO na naman ginawa mo at nagalit ang dragon?" pabulong na tanong ni Wigo kay Amalia at ikinubli ang mukha mula sa matalas na mga mata ni Max."Bakit ako? Nagpapalibre lang naman ang alam kong kasalanang nagawa ko ngayon." Halos si Amalia lang ang nakakarinig sa sariling tinig. Lalo siyang dumikit kay Wigo upang ito ang ipananggalang kung sakaling sumabog ang temper ng masungit na heneral."Lumayo ka na nga sa akin!" Halos itulak ni Wigo si Amalia palayo sa kanya nang tumalim ang tingin ni Max na nakatingin sa katawan nila ni Amalia. Napasimangot si Amalia at nagmatigas sa kinatayuan. Hindi siya nagpatinag sa pasimpling tulak sa kaniya ng kaibigan. Nang hawakan siya ni Wigo sa balikat upang itulak ay tumikhim si Max."Ah, boss," tabingi ang ngiti at parang napapaso na binitiwan niya ang balikat ni Amalia. Lumipat siya sa likod ng dalaga at mula doon ay marahang itinulak ang kaibigan palapit kay Max. Parang estatwang nanigas ang katawan ni Amalia at halos sapilitang naihakbang ang m
"HELLO, Ma?" pigil hininga niyang sagot sa cellphone dahil muli siyang hinalikan ni Max sa taenga."Nag-aalala ako dahil malalim na ang gabi ay wala ka pa, hinahanap ka na rin ng anak mo." Himig nanenermon na turan ng ginang kay Amalia. Mula nang pumasok sa trabaho ang anak ay bihira na nila ito nakakasama. Pero nitong lingo ay alam niyang wala itong hawak na kaso kaya nakakauwi sa kanila sa gabi."So-sorry po," kandabuhol ang paghinga niya nang dumama ang kamay ni Max sa kanyang kasarilinan. "Nakalimutan kong magpaalam na gagabihin ako ng uwi dahil nagkayayaan ng inom kasama ang mga ka-workmate ko."Dinig niya ang pagbuntong hininga ng ina at binilin na huwag na siyang umuwi kapag nalasing dahil alanganing oras na. Ang anak ay inagaw ang cellphone sa lola nito at kinausap din siya. Hindi pa niya napigilang na umalpas ang impit ungol sa kanyang bibig, habang kausap ang anak nang isinubo ni Max ang pinksih nipple niya. "Mommy, are you okay po?" tanong ng anak."Ahm, yes anak, ah—" hin
"Ma, kaibigan ko po at isa sa senyor sa trabaho." Agad na palilala ni Amalia kay Max sa ina.Nang-aarok ang tingin ni Loida sa binatang kaharap. Alam niyang malayo ang edad nito sa kaniyang anak kaya may pagdududa sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magkamali pa ang anak sa pagpili sa isang lalaki."Goodmorning po, pasensya na kung umaga ko nang naihatid ang anak niyo." Magalang na bati ni Max sa ginang."Pumasok muna kayo sa loob." Nilakihan ni Loida ang bukas sa pintuan matapos tanguan ang lalaki."Mommy!" Napatingin si Max sa batang tumatakbo pasalubong kay Amalia. Ang cute nito at kamukha ng huli."Hello my Princess!" Idinipa ni Amalia ang dalawang kamay at paluhod na umupo upang salubongin ng yakap ang anak.Napangiti si Max sa nakikitang saya sa mukha ni Amalia at ganoon din sa bata. Parang may mainip na kamay ang humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang dalawa. Naisip niyang ang gago ng ama ng bata dahil naisip nitong ipalaglag noong nasa sinapupunan pa lang ang huli."I
"BAKIT dito?" Nakasimangot na tanong ni Amalia kay Wigo nang ihimpil nito ang minamanehong motorcycle sa isang eskinita."Gutom ka 'di ba?" Nagpatiuna na siya ng lakad papasok sa isang karenderya.Naipadyak ni Amalia ang isang paa sa lupa at nanatili sa kinatayuan. "Ang ganda ng suot ko tapos dito mo ako edi-date?"Nakangisi na nilingon ni Wigo ang kaibigan. "Sino ba ang may sabi na date ito? Pasalamat ka nga at sinamahan pa kita at pumalit sa pwesto ng nang-indiyan sa iyo." Nang-aasar niyang buska sa dalaga. "Doon na tayo sa restaurant, treat ko at ako naman ang nag-aya sa iyo." Naka cross arms na humarap siya kay Wigo."Maganda sa pandinig pero tagalid tayo sa ganyang lugar," nag-iisip na turan ni Wigo. "Hindi malabong naroon din si Heneral Max dahil pang mayaman ang lugar na ganoon." Paliwanag niya dito nang taasan siya ng kilay ng huli."Kailan ka pa naduwag?" nang iinsultong tanong ni Amalia dito. "At saka ano naman kung makita natin siya roon?""Sus, tapang mo kapag hindi siya
"TSK! ano ba ang problema mo at nagawa mong maglasing kasama ang ibang lalaki?" Galit na sikmat ni Max kay Amalia pagkababa niya dito sa kama."Wala kang pakialam kung sasama ako kahit kanino!" Tinulak niya si Max na humahawak sa kanyang braso. Bumangon siya at pasalampak na umupo sa kama. "Darn!" muling napamura si Max at inayos ang sariling kamuntik nang matumba dahil sa lakas ng pagkatulak sa kaniya ng dalaga."Bakit, ikaw ba ay pinapakilaman ko kung may iba kang babaeng kasama?" namumungay ang mga mata niyang nakatunghay kay Max. Ang mga kamay ay parang lantang gulay na nakataas at dinuro si Max. "Wala akong kasamang ibang babae." Himig nauubusan ng pasensya na ani ni Max."Sinungaling, hek!" napasinok siya habang nagsasalita. " Alam kong may iba kang babaeng kasama kaya hindi natuloy ang lakad natin!" Kandatulis ang nguso niyang turan."Ayst, let's talk tomorrow Kapag hindi ka na lasing." Tatayo na sana si Max at iwan ang dalaga nang hilahin nito ang kanyang braso."At saan ka
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l