"HELLO, Ma?" pigil hininga niyang sagot sa cellphone dahil muli siyang hinalikan ni Max sa taenga."Nag-aalala ako dahil malalim na ang gabi ay wala ka pa, hinahanap ka na rin ng anak mo." Himig nanenermon na turan ng ginang kay Amalia. Mula nang pumasok sa trabaho ang anak ay bihira na nila ito nakakasama. Pero nitong lingo ay alam niyang wala itong hawak na kaso kaya nakakauwi sa kanila sa gabi."So-sorry po," kandabuhol ang paghinga niya nang dumama ang kamay ni Max sa kanyang kasarilinan. "Nakalimutan kong magpaalam na gagabihin ako ng uwi dahil nagkayayaan ng inom kasama ang mga ka-workmate ko."Dinig niya ang pagbuntong hininga ng ina at binilin na huwag na siyang umuwi kapag nalasing dahil alanganing oras na. Ang anak ay inagaw ang cellphone sa lola nito at kinausap din siya. Hindi pa niya napigilang na umalpas ang impit ungol sa kanyang bibig, habang kausap ang anak nang isinubo ni Max ang pinksih nipple niya. "Mommy, are you okay po?" tanong ng anak."Ahm, yes anak, ah—" hin
"Ma, kaibigan ko po at isa sa senyor sa trabaho." Agad na palilala ni Amalia kay Max sa ina.Nang-aarok ang tingin ni Loida sa binatang kaharap. Alam niyang malayo ang edad nito sa kaniyang anak kaya may pagdududa sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magkamali pa ang anak sa pagpili sa isang lalaki."Goodmorning po, pasensya na kung umaga ko nang naihatid ang anak niyo." Magalang na bati ni Max sa ginang."Pumasok muna kayo sa loob." Nilakihan ni Loida ang bukas sa pintuan matapos tanguan ang lalaki."Mommy!" Napatingin si Max sa batang tumatakbo pasalubong kay Amalia. Ang cute nito at kamukha ng huli."Hello my Princess!" Idinipa ni Amalia ang dalawang kamay at paluhod na umupo upang salubongin ng yakap ang anak.Napangiti si Max sa nakikitang saya sa mukha ni Amalia at ganoon din sa bata. Parang may mainip na kamay ang humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang dalawa. Naisip niyang ang gago ng ama ng bata dahil naisip nitong ipalaglag noong nasa sinapupunan pa lang ang huli."I
"BAKIT dito?" Nakasimangot na tanong ni Amalia kay Wigo nang ihimpil nito ang minamanehong motorcycle sa isang eskinita."Gutom ka 'di ba?" Nagpatiuna na siya ng lakad papasok sa isang karenderya.Naipadyak ni Amalia ang isang paa sa lupa at nanatili sa kinatayuan. "Ang ganda ng suot ko tapos dito mo ako edi-date?"Nakangisi na nilingon ni Wigo ang kaibigan. "Sino ba ang may sabi na date ito? Pasalamat ka nga at sinamahan pa kita at pumalit sa pwesto ng nang-indiyan sa iyo." Nang-aasar niyang buska sa dalaga. "Doon na tayo sa restaurant, treat ko at ako naman ang nag-aya sa iyo." Naka cross arms na humarap siya kay Wigo."Maganda sa pandinig pero tagalid tayo sa ganyang lugar," nag-iisip na turan ni Wigo. "Hindi malabong naroon din si Heneral Max dahil pang mayaman ang lugar na ganoon." Paliwanag niya dito nang taasan siya ng kilay ng huli."Kailan ka pa naduwag?" nang iinsultong tanong ni Amalia dito. "At saka ano naman kung makita natin siya roon?""Sus, tapang mo kapag hindi siya
"TSK! ano ba ang problema mo at nagawa mong maglasing kasama ang ibang lalaki?" Galit na sikmat ni Max kay Amalia pagkababa niya dito sa kama."Wala kang pakialam kung sasama ako kahit kanino!" Tinulak niya si Max na humahawak sa kanyang braso. Bumangon siya at pasalampak na umupo sa kama. "Darn!" muling napamura si Max at inayos ang sariling kamuntik nang matumba dahil sa lakas ng pagkatulak sa kaniya ng dalaga."Bakit, ikaw ba ay pinapakilaman ko kung may iba kang babaeng kasama?" namumungay ang mga mata niyang nakatunghay kay Max. Ang mga kamay ay parang lantang gulay na nakataas at dinuro si Max. "Wala akong kasamang ibang babae." Himig nauubusan ng pasensya na ani ni Max."Sinungaling, hek!" napasinok siya habang nagsasalita. " Alam kong may iba kang babaeng kasama kaya hindi natuloy ang lakad natin!" Kandatulis ang nguso niyang turan."Ayst, let's talk tomorrow Kapag hindi ka na lasing." Tatayo na sana si Max at iwan ang dalaga nang hilahin nito ang kanyang braso."At saan ka
"Ok ka Lang?" Hinawakan ni Jolina sa balikat ang kaibigan nang mapansing nakapikit ito ng mga mata."Bigla lang sumakit ang ulo ko." Nanatili siyang nakayuko at inilayo ang sarili sa kaibigan."Ah kaya ba absent ka kahapon dahil—""Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap?" mahinahon niyang pagtataboy sa babae. Banaag sa mukha ni Jolina ang pagkalito at pag-alala kay Amalia. Nang mapagtantong wala sa mood makipag-usap ang huli ay tumalikod na siya at iniwan ito.Mabilis niyang isinubsob ang mukha sa lamesa nang wala na ang kausap. Ilang minuto pa ay narinig niyang bumati ang nasa malapit sa kaniya sa isang taong ayaw niya rin sana munang makita. Ngunit kailangan niyang maging propisyonal at isantabi ang sariling damdamin dahil nasa trabaho siya. Pinatigas ni Amalia ang anyo nang marinig ang papalapit na yabag sa kaniyang pwesto."Bakit mo ako tinakasan?"Kahit hindi niya sulyapan ay kilala ni Amalia ang kung sino ang nagsalita. Nangunot ang noo ni Max nang matalim na titig ni Amalia
NAGMAMADALI si Amalia sa pag-alis ng opsina upang hindi siya maabutan ni Max. Gusto niyang iwasan ang binata muna dahil magulo pa ang kanyang isipan. Ang paghinga niya ng malalim pagkarating sa ground floor ay naudlot nang mapagsino ang lalaking nakatayo sa exit door. Huli na para siya ay umurong upang magtago."Maari ba tayong mag-usap?" Humarang si Anthony sa daraanan ni Amalia nang tangkang lampasan siya nito."Wala tayong dapat pag-usapan!" Matigas na tanggi ni Amalia sa binata. Sinipat niya ang kabuuan ng katawan ng lalaking kinabaliwan noon. Lumaki ang katawan at mukhang maayos ang trabaho ayon sa suot nito ngayon na pang office attire."Nasa kabilang building lang ang establamentong pinapasukan ko," paliwanag ni Anthony nang mabasa ang sa kung ano ang nasa isip ng dalaga. " Mag-usap tayo kahit para sa anak na lang natin." Pakiusap nito sa dalagang halatang ayaw siyang makita o makausap.Naikuyom ni Amalia ang kanang kamao nang makaramdam ng inis sa kaharap. Gusto niyang bigyan
"Bakit ang tagal mo?" naiiritang tanong ni Max kay Wigo nang makaupo na ito paharap sa kaniya.Napatingin muna si Wigo sa pambisig na orasan, wala pa namang thirty minutes ang lumipas mula nang tumawag ito. "Traffic po kasi, Sir." Pagsisinungaling niya upang hindi na siya sermunan pa."Hindi ba sumunod sa inyo ang lalaking iyon?" tukoy ni Max sa ama ng anak ni Amalia.Napatitig si Wigo sa mukha ng heneral at lihim napangisi sa nakikitang kaseryusohan ng huli."Hindi po, sir, saka kahit sumunod iyon ay tiyak na kawawa siya kay Amalia." Biro ni Wigo."Babae pa rin siya at ang alam ko ay may alam din sa self defense ang lalaking iyon."Gustong tumaas ng kilay ni Wigo sa narinig. Hindi niya alam ang tungkol sa buhay ng lalaking iyon. Mukhang inalam talaga ni General Max ang buhay ng kaibigan lalo na ang nakaraan nito."Ang alam ko po ay wala siyang balak makipagmabutihan pa muli sa lalaking iyon, Sir. Wala rin siyang balak ipakilala rito ang anak niya ngunit namimilit ang lalaki."Naikuyo
"GOOD MORNING!" Buo at malagom na tinig ni Max ang bumuhay sa natutulog niyang diwa. Napabalikwas pa siya ng bangong nang makita ang guwapong mukha ng binata na nakatunghay sa kanya."Huwag ka na munang pumasok at napagod kita ng husto kagabi." Pilyong ngumiti si Max at nasa mukha ang pagkamangha habang nakatitig sa kanya."Gosh, ang akala ko ay panaginip lang na dito ka natulog," naibulalas niya at hinuli ang braso ni Max. "Aalis ka na?" tanong niya dito nang masipat ang kasuutan ng huli. Nakabihis pang opisina ito at amoy niya rin ang pabango nito na gustong-gusto niyang amuyin."Yes, may meeting ako sa labas ngayong umaga kung kaya huwag ka na munang pumasok." Dumukwang siya sa harap ni Amalia at binigyan ito ng isang mabilis na halik sa labi. "I have to go, take a rest ok?""Pero hindi ka pa nakapag almusal." Tila natural na sa kanila ang kanilang relasyon at feeling ni Amalia ay mag-asawa na sila ni Max. Gusto pa niya sana itong makasama ng matagal sa silid na iyon lalo na at b
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l