"I miss you," ani ng namamaos na tinig ni Max. May pagmamadaling binuksan ang butones ng blusa ni Amalia. Tila hayok na sinunggaban ang punong dibdib ng dalaga kahit may tabing pa iyon na maliit na tela. Ang kamay ay abala sa pagdama sa ibabang parte ng katawan nito kahit may suot pang nakatabing doon. May kasamang gigil ang halik at binigyan ng marka ang parting iyon ng katawan ni Amalia.Daig pa ni Amalai ang sinisilaban ng apoy ang katawan nang mga sandaling iyon. Napapaindak ang kanyang balakang at lalong idinidiin sa kamay ni Max ang part ng katawan na dinadama nito. Tagos sa mini skirt na suot ang init ng kamay nito na nagpapawindang sa sistema ng kanyang libido. Ayaw niyang magpatalo, ang kanang kamay niya ay humahagod na rin sa itaas ng suot na pantalon ni Max. Habang ang isang kamay ay nakayakap sa ulo nito upang alalayan sa pagkasubsob sa kanyang dibdib."Uhmmmm..." impit na ungol ang kumawala sa kanyang labi nang isubo ni Max ang dunggot ng kanyang isang dibdib. Nilaro ng d
"I like you!"Napasimangot si Amalia at hindi natuwa sa pag-amin ni Max. "Ano ako, bata?""Do you love me?" Nakangiti na tanong ni Max sa dalaga na parang batang nagtatampo sa kanya ngayon.Muntik ng mabulunan si Amalia sa tanong ni Max. Mabilis niyang tinungga ang laman ng baso na tubig upang alisin ang bumara sa kaniyang lalamunan. "Because I love you!" Seryuso pa rin ang binata habang nakatitig kay Amalia. "I want to hea— what the!" Napatayo siya mula sa kinaupuan nang maibuga ni Amalia ang tubig na nasa bibig nito sa kaniyang harapan. "Naku, sorry!" Mabilis na dinaluhan ni Amalia ang binata at pinunasan ng tisue ang bandang dibdib ng damit nito na nabasa niya ng tubig. "Huwag ka ngang mag-joke nang ganyan kapag kumakain ako." Paninermon nito sa binata habang mariing pinupunasan ang damit nito gamit ang tissue."Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako?" Sikmat nito sa dalaga sa matigas na tinig. Nainis siya hindi dahil sa nabasa siya ng tubig na galing pa sa bibig nito. Kundi dah
MALUNGKOT ang magdamag ni Amalia dahil pagkahatid sa kanya ni Max sa kanyang tinutuloyan ay umalis din ito kaagad. Na-disappoint pa siya dahil mababaw na halik lang ang iginawad sa kanya at walang sweet words na binigkas. Nakatulogan na lang niya ang inis na nadarama para kay Max. Hanggang sa paggising ay dala pa rin niya ang inis na nadarama."Mahal daw ako, hmmp!" Piping himutok niya sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa building na pinagta-trabahuhan. Hindi maganda ang kanyang gising dahil sa nangyari kagabi."Ang arte mo kasi, may paligaw-ligaw ka pang gusto!" sikmat ng kanyang kunsensya sa sariling isipan."Bakit, mababawasan ba ang katigasan niya kung manligaw muna siya sa akin?" Umirap siya sa kawalan habang kausap ang sarili. Nagtatalo ang isipan hanggang makarating sa opisina. Pabagsak na umupo sa kanyang upuan at iginala ang paningin sa paligid. "Napaaga yata ako." naibulong ni Amalia sa kanyang sarili nang walang makitang tao sa paligid. Dala ng pagkainip ay tinaw
NAKANGITING tinanggap ni Amalia ang bulaklak at hindi na nagtanong kung saan galing iyon. Gusto niya lang talaga makakita ng bulaklak at lalong sumidhi ang nais nang makita kanina ang hawak ni Joy. Hindi na nabura ang ngiti sa kaniyang labi habang sinasamyo ang halimuyak na amoy ng roses. Pipitas na sana siya ng isang petal nang may malaking kamay ang dumaklot sa hawak niyang bulaklak. Hindi agad siya nakahuma dahil sa gulat. Awang ang bibig na napatitig sa galit na mukha ng lalaking hawak na ngayon ang card na kalakip sa bulaklak."Love, thank you at hinayaan mo akong maiparamdam sa iyo ang malinis at wagas kong pag-ibig na sa iyo ko lamang naramdaman. Alam ko na matagal mo nang inasam na makatanggap ng bulaklak. Sinamahan ko na rin ng chocolate upang malasahan mo ang tamis ng aking pagmamahal. Samyuhin mo ang dalisay kong pag-ibig sa bulaklak na aking pinili para sa iyo. Lubos na umiibig sa iyo, Mr. D!"Naikuyom ni Max ang dalawang kamao matapos lamukusin ang card na kasama ng bulak
"ANO ang ginawa mo sa kaibigan ko, Sir?" May bahid na takot ang boses ni Wigo at pinaglipat-lipat ang tingin kay Max at sa walang malay na kaibigan."Hinaan mo ang tinig mo at baka magising siya!" pabulong na sikmat ni Max kay Wigo."Gosh!" Naipaypay ni Wigo ang kaliwang kamay sa sariling mukha nang makumpirma na mali ang nasa isipan. "Tinakot mo ako, Sir! Kanina pang umaga ako nati-tense sa inyo ni Amalia dahil sa lintik na bulaklak na iyan!""May alam ka ba kung sino ang nasa likod ng taong nagpadala ng basurang iyan?"Naantala ang paghawak ni Ashton sa paghawak palapulsohan ni Amalia pagkarinig sa galit na tinig ni Max. Nilingon niya ang dalawa at nakita niya ang pagtuwid ng katawan ni Wigo habang nakatitig kung saan nakaturo ang kamay ni Max. Basura ang tawag ng huli sa magagandang rosas na nakapatong sa lamesa. Natampal niya ang sariling noo at gustong batukan si Wigo dahil nadulas ang dila nito."You ordered him to investigate about that case, Sir." Si Ash na ang sumalo sa paliw
NAPABALIKWAS ng bangon si Amalia nang magising. Sa lamesa agad ni Max dumako ang kanyang paningin at hinanap ang bagay na nasa panaginip. Bakas sa mukha ni Max ang pag-alala nang mapalingon sa gawi niya. "Nasaan ang flowers ko?" Galit niyang tanong sa nagulohang binata dahil sa kanyang inaakto. Tinulak niya ito nang tangkang yayakapin siya dahil gumiwang siya mula sa biglaang pagtayo. Hindi niya maintindihan ang sarili nang gumising at hindi mahanap ang gustong makita. Kumakalam ang sikmura niya at nahihilo."Huwag mo na iyon hanapin dahil ipinatapon ko na." Pabaliwalang sagot ni Max at sinubukan muling hawakan ang dalaga ngunit bigla itong bumunghalit ng iyak. "Nagpabili na ako ng bagong bulaklak kaya huwag ka nang magalit." Pang aalo niya dito ngunit umupo ito sa sahig at parang batang naglupasay doon habang umiiyak."Ayaw ko nang galing sa taong napilitan lang bilhin, ibalik mo iyon dahil akin iyon!" Bulyaw niya sa binata hanang patuloy sa pag-iyak."Darn! What are you doing, wi
"SINO po ang asawa ng pasyente?" Iginala ng may edad na doctor ang tingin sa lahat ng naroon sa labas ng emergency room."Kumusta na po siya, Doc?" hindi na inintindi ni Max kung sino ang hinahanap ng huli. "Kailangan ko po makausap ang asawa niya." Magalang na sagot ng Doctor sa kaharap."Ahm, doc," lakas loob nagsalita si Wigo. Nag-alala siya na baka mapagkamalan na tatay ni Amalia si Max at masuntok pa ito ng huli."Ikaw po ba ang asawa? Sumunod ka po—""Naku, hindi po!" mabilis na putol ni Wigo sa iba pang sasabihin ng manggagamot. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay nang matuon sa kanya ang matatalim na mga titig ni Max. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na siya ang asawa ng pasyente." Tinuro niya si Max gamit ang kanyang nguso at mga mata ay nakatutok kay Max. Ayaw niyang gamitin ang daliri at baka biglang maabot iyon ng huli at baliin."Ohh, sorry!" Bahagyang iniyuko ng Doctor ang ulo kay Max. " Congratulation po dahil maging tatay ka na.Nagugulohan na inabot ni Max a
"PWEDE mo nang bitawan ang mission mo kay Amalia." Kausap ni Dexter kay Wigo.Nakahinga ng maluwag si Wigo at masaya dahil maganda ang results ng kaniyang mission kahit na nakatikim siya ng suntok sa mabagsik na dating heneral. Bukod sa bonus na makukuha ay may pustahan pa na siya ang panalo. Nakangising tinignan niya isa-isa ang mga kapustahan at mukhang mga natalo sa sabong ang mukha ng mga ito."Pambihira, bakit kasi hindi gumamit ng protection si Mareng Amalia?" nakasimangot na reklamo ni Cris habang dinudukot sa walet ang sampung libong piso. Sabi ko naman kasi sa inyo na huwag na akong isali sa pustahang ito at masama ang sugal." Segundang reklamo ni Ruel at fifteen thousand naman ang natalo sa kaniya."Hindi ko naman kasi akalaing bumigay si Amalia. Ang akala ko ay may allergies na siya sa lalaki." Kumakamot sa batok na turan ni Jay dahil siya ang naglakas loob na unang nakipag pustahan kay Wigo. Malaki ang nawala sa kaniya dahil triple ang kaniyang pusta. Si Cris naman ang hu