MALUNGKOT ang magdamag ni Amalia dahil pagkahatid sa kanya ni Max sa kanyang tinutuloyan ay umalis din ito kaagad. Na-disappoint pa siya dahil mababaw na halik lang ang iginawad sa kanya at walang sweet words na binigkas. Nakatulogan na lang niya ang inis na nadarama para kay Max. Hanggang sa paggising ay dala pa rin niya ang inis na nadarama."Mahal daw ako, hmmp!" Piping himutok niya sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa building na pinagta-trabahuhan. Hindi maganda ang kanyang gising dahil sa nangyari kagabi."Ang arte mo kasi, may paligaw-ligaw ka pang gusto!" sikmat ng kanyang kunsensya sa sariling isipan."Bakit, mababawasan ba ang katigasan niya kung manligaw muna siya sa akin?" Umirap siya sa kawalan habang kausap ang sarili. Nagtatalo ang isipan hanggang makarating sa opisina. Pabagsak na umupo sa kanyang upuan at iginala ang paningin sa paligid. "Napaaga yata ako." naibulong ni Amalia sa kanyang sarili nang walang makitang tao sa paligid. Dala ng pagkainip ay tinaw
NAKANGITING tinanggap ni Amalia ang bulaklak at hindi na nagtanong kung saan galing iyon. Gusto niya lang talaga makakita ng bulaklak at lalong sumidhi ang nais nang makita kanina ang hawak ni Joy. Hindi na nabura ang ngiti sa kaniyang labi habang sinasamyo ang halimuyak na amoy ng roses. Pipitas na sana siya ng isang petal nang may malaking kamay ang dumaklot sa hawak niyang bulaklak. Hindi agad siya nakahuma dahil sa gulat. Awang ang bibig na napatitig sa galit na mukha ng lalaking hawak na ngayon ang card na kalakip sa bulaklak."Love, thank you at hinayaan mo akong maiparamdam sa iyo ang malinis at wagas kong pag-ibig na sa iyo ko lamang naramdaman. Alam ko na matagal mo nang inasam na makatanggap ng bulaklak. Sinamahan ko na rin ng chocolate upang malasahan mo ang tamis ng aking pagmamahal. Samyuhin mo ang dalisay kong pag-ibig sa bulaklak na aking pinili para sa iyo. Lubos na umiibig sa iyo, Mr. D!"Naikuyom ni Max ang dalawang kamao matapos lamukusin ang card na kasama ng bulak
"ANO ang ginawa mo sa kaibigan ko, Sir?" May bahid na takot ang boses ni Wigo at pinaglipat-lipat ang tingin kay Max at sa walang malay na kaibigan."Hinaan mo ang tinig mo at baka magising siya!" pabulong na sikmat ni Max kay Wigo."Gosh!" Naipaypay ni Wigo ang kaliwang kamay sa sariling mukha nang makumpirma na mali ang nasa isipan. "Tinakot mo ako, Sir! Kanina pang umaga ako nati-tense sa inyo ni Amalia dahil sa lintik na bulaklak na iyan!""May alam ka ba kung sino ang nasa likod ng taong nagpadala ng basurang iyan?"Naantala ang paghawak ni Ashton sa paghawak palapulsohan ni Amalia pagkarinig sa galit na tinig ni Max. Nilingon niya ang dalawa at nakita niya ang pagtuwid ng katawan ni Wigo habang nakatitig kung saan nakaturo ang kamay ni Max. Basura ang tawag ng huli sa magagandang rosas na nakapatong sa lamesa. Natampal niya ang sariling noo at gustong batukan si Wigo dahil nadulas ang dila nito."You ordered him to investigate about that case, Sir." Si Ash na ang sumalo sa paliw
NAPABALIKWAS ng bangon si Amalia nang magising. Sa lamesa agad ni Max dumako ang kanyang paningin at hinanap ang bagay na nasa panaginip. Bakas sa mukha ni Max ang pag-alala nang mapalingon sa gawi niya. "Nasaan ang flowers ko?" Galit niyang tanong sa nagulohang binata dahil sa kanyang inaakto. Tinulak niya ito nang tangkang yayakapin siya dahil gumiwang siya mula sa biglaang pagtayo. Hindi niya maintindihan ang sarili nang gumising at hindi mahanap ang gustong makita. Kumakalam ang sikmura niya at nahihilo."Huwag mo na iyon hanapin dahil ipinatapon ko na." Pabaliwalang sagot ni Max at sinubukan muling hawakan ang dalaga ngunit bigla itong bumunghalit ng iyak. "Nagpabili na ako ng bagong bulaklak kaya huwag ka nang magalit." Pang aalo niya dito ngunit umupo ito sa sahig at parang batang naglupasay doon habang umiiyak."Ayaw ko nang galing sa taong napilitan lang bilhin, ibalik mo iyon dahil akin iyon!" Bulyaw niya sa binata hanang patuloy sa pag-iyak."Darn! What are you doing, wi
"SINO po ang asawa ng pasyente?" Iginala ng may edad na doctor ang tingin sa lahat ng naroon sa labas ng emergency room."Kumusta na po siya, Doc?" hindi na inintindi ni Max kung sino ang hinahanap ng huli. "Kailangan ko po makausap ang asawa niya." Magalang na sagot ng Doctor sa kaharap."Ahm, doc," lakas loob nagsalita si Wigo. Nag-alala siya na baka mapagkamalan na tatay ni Amalia si Max at masuntok pa ito ng huli."Ikaw po ba ang asawa? Sumunod ka po—""Naku, hindi po!" mabilis na putol ni Wigo sa iba pang sasabihin ng manggagamot. Mabilis niyang itinaas ang dalawang kamay nang matuon sa kanya ang matatalim na mga titig ni Max. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na siya ang asawa ng pasyente." Tinuro niya si Max gamit ang kanyang nguso at mga mata ay nakatutok kay Max. Ayaw niyang gamitin ang daliri at baka biglang maabot iyon ng huli at baliin."Ohh, sorry!" Bahagyang iniyuko ng Doctor ang ulo kay Max. " Congratulation po dahil maging tatay ka na.Nagugulohan na inabot ni Max a
"PWEDE mo nang bitawan ang mission mo kay Amalia." Kausap ni Dexter kay Wigo.Nakahinga ng maluwag si Wigo at masaya dahil maganda ang results ng kaniyang mission kahit na nakatikim siya ng suntok sa mabagsik na dating heneral. Bukod sa bonus na makukuha ay may pustahan pa na siya ang panalo. Nakangising tinignan niya isa-isa ang mga kapustahan at mukhang mga natalo sa sabong ang mukha ng mga ito."Pambihira, bakit kasi hindi gumamit ng protection si Mareng Amalia?" nakasimangot na reklamo ni Cris habang dinudukot sa walet ang sampung libong piso. Sabi ko naman kasi sa inyo na huwag na akong isali sa pustahang ito at masama ang sugal." Segundang reklamo ni Ruel at fifteen thousand naman ang natalo sa kaniya."Hindi ko naman kasi akalaing bumigay si Amalia. Ang akala ko ay may allergies na siya sa lalaki." Kumakamot sa batok na turan ni Jay dahil siya ang naglakas loob na unang nakipag pustahan kay Wigo. Malaki ang nawala sa kaniya dahil triple ang kaniyang pusta. Si Cris naman ang hu
"ANO ang problema, Joy?" iritableng tanong ni Nam sa pinsan nang magdabog ito sa kaniyang harapan."I hate her! Bakit siya pa? Marami namang mga babaing mas nababagay sa kaniya." Maktol ni Joy sa harapan ng pinsan."Pride na lang ang umiiral sa iyo kung bakit hindi mo mabitiwan si Max. Hindi mo matanggap na isang katulad ni Amalia lang ang ipinalit niya sa iyo."Inirapan ni Joy ang pinsan dahil pinamumukhaan pa talaga siya nito. Tama ito, mas nangingibabaw ang pride sa kaniya ngayon at insulto sa kaniyang pagkababae na mas minahal ni Max si Amalia. Ang babaeng isang disgrayada at hindi pa nakakaangat sa buhay."Huwag mo nang hinataying makagawa ka ng kasalanan, Joy. Lalo mo lamang ibinababa ang iyong sarili dahil ipinipilit sa taong ayaw na sa iyo." Patuloy na paninirmon ni Nam sa pinsan.Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Joy upang mabawasan ang paninikip ng dibdib dahil sa sama ng loob. May punto naman ang pinsan, maganda siya at may pera. Dagdag pang may tinapos sa magandang
"Sorry kung hinayaan kitang si Wigo ang kasama mo kanina papunta rito. Hindi sana mangyari ang lahat ng ito kung ako ang nakasama mo sa pagharap sa babaeng iyon."Napalabi si Amalia at inirapan si Max. Sobrang higpit pa ng yakap nito sa kaniya na para bang takot na may humablot bigla sa kaniya."Hello po, daddy!"Napataas ang kilay ni Wigo nang marinig ang tawag ng anak ni Amalia kay Max. Hindi niya alam na close na pala ang dalawa. Kita niya rin ang pagkagulat sa mukha ni Amalia habang nakatitig sa anak nito."Pumasok na kayo sa loob at mainit na dito." Anyaya ni Loida sa lahat at nagpatiuna na sa pagpasok sa bahay. Ang apo ay nagpabuhat na sa lalaking alam niyang magiging ikalawang ama nito."Hello, My Princess, are you okay?" Malambing na tanong ni Max sa bata habang hinahaplos ito sa pisngi."Takot po ako kanina, daddy, kasi may bad old woman na gusto akong kunin."Nagkapalitan ng tingin sina Wigo at Amalia dahil parang may sariling mundo na ang dalawa. Mabagal ang mga hakbang nil