Share

Book 8: Chapter 22-Sender

NAKANGITING tinanggap ni Amalia ang bulaklak at hindi na nagtanong kung saan galing iyon. Gusto niya lang talaga makakita ng bulaklak at lalong sumidhi ang nais nang makita kanina ang hawak ni Joy. Hindi na nabura ang ngiti sa kaniyang labi habang sinasamyo ang halimuyak na amoy ng roses. Pipitas na sana siya ng isang petal nang may malaking kamay ang dumaklot sa hawak niyang bulaklak. Hindi agad siya nakahuma dahil sa gulat. Awang ang bibig na napatitig sa galit na mukha ng lalaking hawak na ngayon ang card na kalakip sa bulaklak.

"Love, thank you at hinayaan mo akong maiparamdam sa iyo ang malinis at wagas kong pag-ibig na sa iyo ko lamang naramdaman. Alam ko na matagal mo nang inasam na makatanggap ng bulaklak. Sinamahan ko na rin ng chocolate upang malasahan mo ang tamis ng aking pagmamahal. Samyuhin mo ang dalisay kong pag-ibig sa bulaklak na aking pinili para sa iyo. Lubos na umiibig sa iyo, Mr. D!"

Naikuyom ni Max ang dalawang kamao matapos lamukusin ang card na kasama ng bulak
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Silvestre
salamat po sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status