Share

Book 9: Chapter 2-Trespassing

MULA sa kabilang kanto ay may aninong nagmamasid kay Wigo na nakatanghod sa malawak na lupain ng Hacienda Libertad. Katabi ng lupain na iyon ang malawak na farm ng pamilyang Andres.

"Shit!" He cursed while looking around, ramdam niyang may nagmamasid ng palihim sa kaniya ngayon. Ito rin ang pakiramdam niya noong unang araw niya sa lugar na iyon.

"Ang aga naman ng malignong ito!" biro ni Wigo sa kanyang sarili. Bukod tanging siya lang ang naroon kaya ang sarili lang din niya ang kanyang kausap. Napapikit siya ng mga mata nang mapatapat ang paningin sa sinag ng araw. Ngunit naidilat niya rin agad iyon nang may mahagip ang kanyang paningin bago pa maipikit ang mga mata. Kinurap niya ng ilang beses ang mga mata upang sanayin sa silaw ng araw. Sinipat ang lugar kung saan nakita ang anino ng isang tao.

"Sino po sila?"

"Oh darn!" Kamuntik nang mapatalon si Wigo dahil sa gulat nang may magsalitang bata sa kanyang likuran. Naudlot ang paglapit sa lugar kung saan niya namataan ang tao kanina.
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении
Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
Maricris Laureta Garnace
oh oh wigo boi......thanks author
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status