"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Mang Kanor sa dalawang nakasalubong.
"Po?" nagulat si Rovelyn sa tanong ng ginoo. Kilala niya ang huli at ito ang napili niyang maging tour guide sa lugar na iyon."Kanina ko lang po siya nakilala, Manong. Nagkayayaan kami na tumagay sandali for getting to know each other." Kumindat pa si Wigo sa ginoo upang maniwala at bahagya siyang gumiwang sa pagkakatayo. Hanga siya sa babae at naging maagap ito sa pag alalay sa kanya."Papasok na po kami sa loob." Nakangiti ang mga mata ng binata habang ininguso ang bahay na tinutuloyan, ilang dipa lang ang layo sa kinatayuan. Alam niya na alam ng ginoo na iisa ang kanilang tinutuloyan ng babae, kung kaya hindi na nagtanong pa ito kung paano sila nagkakilala ng dalaga."Wala ng ibang tao kaya maari ka nang umalis!" Pahaklit na binaklas ang naka akbay na braso ng binata sa kanyang balikat."Easy," nakangisi na dumistansya si Wigo sa babae. Ang sexy nitong tign"MAARI ko bang malaman kung sino ang nag rekuminda sa kanya, sa inyo? "Sinabi ni John ang pangalan at itinala ni Wigo iyon. "Kumusta nga pala ang kapatid mo?" Pag-iiba ni Wigo sa usapan. "She's getting better." Kulang sa emosyon na tugon ni John kay Wigo. Naikwento ni John kay Wigo bago pa ito magsimula sa trabaho tungkol sa alitan ng kanyang pamilya at sa kabila. Dati ay maayos ang samahan ng bawat isa. Nagkalamat lamang nang magkahiwalay ang kanyang kapatid at ang apo ni Don Sebastian, one year ago. Galing siya sa ibang bansa at ngayon lang nagpasyang hawakan ang pamamahala ng kanilang lupain dahil kamuntik na itong ma bankrupt."If you don't mind—" pansamantala siyang nag isip habang nakatitig kay John."What is it?" tonong nababagot na tanong ni John sa kausap."Ah, nevermind," matipid siyang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa hawak na papel. "I had to go!" Kapagdaka'y tumayo siya at nakipagkamay kay John.
"WHAT the hell do you think you were doing there?" hindi napigilan ni Wigo ang sarili na huwag sitahin ang dalaga pagkapasok nila ng bahay.Dagling napipilan ang dalaga sa inakto ng kanyang housemate. Ramdam niya na galit ito at hindi alam kung bakit."Kung hindi ako dumating ay baka isa ka na lang bangkay ngayon." Hinubad niya ang suot na jacket at pabagsak na ipinatong sa armchair."Kung nagagalit ka dahil inuunahan kita sa pagtuklas ng kaso, well trabaho lang at walang personalan." Naiinis niyang tugon sa binata at hindi na pinansin ang nahamig na concern sa pananalita nito.You're the most impossible woman that I've ever meet!" Pumalapatk si Wigo at tinalikuran ang huli."Look, kung ano man ang ikinagalit mo ay hindi ko ihihingi ng apology. Besides, amanos na tayo. Dalawang beses kitang inilayo sa alanganing sitwasyon at ako naman ay iniligtas mo sa bingit ng kamatayan." Bawi niya upang humaba pa ang pag uusap nila ng binata. Hindi ni
HINDI rin nakatulog si Wigo pagkapasok ng silid. Binabagabag ang kaniyang isipan ng misteryusong kaso na hawak. Palaisipan sa kanya kung bakit ibang pagkatao ang ibinigay sa kanya tungkol sa biktima. Kinuha niya ang kanyang laptop at nagtipa ng mga natuklasan sa pag-iimbistiga. Kailangan niyang pagtagni-tagnihin ang lahat mula sa simula hanggang ngayon. Maging ang profile ni John ay kanyang inalam at nagulat siya sa natuklasan."Hindi maari," nagsalubong ang kanyang mga kilay habang binabasa ang files. "Nakadalawang uwi na siya ng Pinas sa loob ng isang taon?" Kausap niya sa kanyang sarili habang dinu-double check ang arrival date ni John sa Pilipinas. Ang pagkakaalam niya ay sa America nanatili ang huli dahil nagma-master degree ito roon. Pero sa nakikita niya ay galing Hongkong ang lalaki at umuwing Pilipinas pero hindi nagpakita sa pamilya. Tinignan niya ang araw kung kailan nakatakda sana ang kasal ni Mishelle at Julian. "Ahh darn, ano ang motibo sa
Ngayon nagsisi si Wigo kung bakit hindi pa sumang-ayon kay Mang Kanor na sumakay sila sa kabayo. Bigla siyang nakaramdam ng pagod dahil sa haba na rin ng nilakad. Tumataas na rin ang araw kaya masakit na sa balat. Marunong naman siya mangabayo pero never pa nagpatakbo ng mabilis.."Woohhh!"Hindi na nagulat si Wigo nang may humintong kabayo sa kanyang harapan. Ang astig lang talaga tignan ng kaibigan niya kapag sumakay ng kabayo. Ito ang cowgirl ng kanilang grupo na sanay mangabayo."Hop in!" Inabot ni Cris ang kamay sa binata habang nakangiti.Maliksi ang kilos ni Wigo at nakaakyat agad sa likod ng kabayo kahit hindi inabot ang kamay ni Cris.Napangisi si Cris dahil sa ginawa ng kaibigan. Bilang ganti sa pagtanggi sa kaniyang pag-alalay sana dito na makaakyat ay agad niyang pinatakbo ang kabayo, kahit hindi pa nakaupo ng maayos ang binata. Natawa siya nang agad itong yumakap sa kaniyang baywang upang hindi mahulog.Mula sa pinag
"KAILAN mo natanggap ang sulat na ito?" tanong ni Wigo kay John habang sinusuri ang sulat."Kagabi lamang, may bumato niyan sa harden kagabi bago mo kami naabutan sa labas. "Maari ko bang makuha iyan at ako na ang magtago?" "No, ako na ang mag-keep nito. Kung sakaling magkaroon ng problema ay magagamit ko ito sa kung sino man ang gusto kaming pabagsakin." Mabilis na tanggi ni John at ibinulsa ang hawak na papel at dinukot ang cellphone mula sa kabilang bulsa.Napabuntonghininga si Wigo habang nag iisip. Kapagdaka'y tumingin siya kay John, abala na ito sa pakipag-usap sa cellphone. Hinintay niyang matapos ito sa kausap, at wala pang isang minuto ay ibinaba na ang tawagan na parang bang nagmamadali."Kailangan ko nang bumalik sa lamay ni Esang.""Aalis na rin ako, sabay na tayo." Tumayo si Wigo at nauna nang lumabas ng opisina. Agaw dilim na rin ang paligid at dala niya ang kanyang motor.Hindi dumiritso ng uwi si Wigo p
"Tutuloyan ko na ba siya?" tanong ni Mang Kanor sa kausap."Hayaan mo muna at mapapakinabangan pa natin siya. Itulad siya kay Esang kapag lumamig na ang sitwasyon. Asikasohin niyo na ang dapat asikasohin bago pa dumating ang kapulisan." Sagot nito kay Kanor habang inihahanda ang sarili."Fuck!" pilit na iminumulat ni Wigo ang mga mata kahit nanghihina na siya. Nasa harapan niya si Mishelle at wala na itong malay-tao dahil sa saksak sa tagiliran nito. Kitang-kita ni Wigo kung paanong inilagay sa kamay ni Julian ang patalim na ginamit ng isang lalaki kanina sa pansaksak kay Mishelle. Naipikit niya ang mga mata nang sumikip ang daloyan ng kanyang paghinga. Pakiramdam niya ay naging manhid na siya at hindi na alam ang nangyayari sa paligid. Sari-saring ingay ang kanyang naririnig at walang linaw kung saan at kanino galing ang tinig. Pakiramdam niya ay isang taon na siya sa kinalagyan bago maramdaman na tila umaangat ang katawan mula sa lupa. "Huwag
"BUHAY pa ba?" tanong ni John kay Mang Kanor habang nakahiga ito sa hospital bed. Napangiti pa siya dahil umaayon ang lahat sa kanyang plano. Sinadyang barilin siya upang palabasin na totoong may nagtaka sa buhay nilang magkapatid."Nakakulong na si Julian," naging mailap ang tingin ni Mang Kanor sa pamangkin at nagdadalawang isip ibalita ang tungkol sa detective na pinakuha niya noon. "Si Mishelle ay nasa kritikal pa rin ang buhay dahil maraming dugo ang nawala.""Magaling, hindi na dapat siya mabuhay!" ngising demonyo ang humulma sa labi ni John. " How about Wigo?" Lalong umilap ang tingon ni Kanor at hindi alam kung ano ang isasagot sa pamangkin. Iilan lang ang nakakaalam na mag-anak sila ni John at kapatid niya ang namayapang ina nito."Ipaligpit mo agad kung sa tingin mo ay maging hadlang siya sa lahat.""Hindi natin siya magalaw." Kinakabahan ma bulong ni Kanor.Dumoble ang gatla sa noo ni John sa naging sagot ng tiyuhin. "Hindi ko alam kung saan galing ang bantay sa kanya. M
SINENYASAN ni Grey si John na sagutin na ang kaniyang tanong. "Sa tuwing may mamatay na hayop sa kanilang farm ay may kumakalat na balitang kami ang may gawa. Maging ang maligno na nakikita umano ng kanyang tauhan ay sa amin pinaparatang bilang paninira sa kanilang pamilya. Ang isa sa tauhan ko ay pinatay ng hindi pa kilalang tao. Pinagbintangan nila na ito ang may gawa ng lahat sa farm. Dahil sa sunod-sunod na banta sa aking pamilya ay nagpasya akong kumuha ng private detective upang imbistigahan ang anumalya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko lubos naisip na maaring masilaw sa pera ang taong na hired ko upang mag imbistiga sana.""Narito ba ngayon ang taong tinutukoy mo?" tanong ni Grey kay John. Nang sumagot itong wala ay inilabas niya ang isang larawan. "Siya ba ang tinutukoy mo?""Yes!"Naipilig ni Micko sa kaliwa't kanan ang ulo nang iharap ni Grey sa lahat ang larawan ni Wigo."Hindi ko siya kilala." Mariin na tanggi ni Julian kay Micko sa mahinang tinig lamang."I know, ju
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l