Ngayon nagsisi si Wigo kung bakit hindi pa sumang-ayon kay Mang Kanor na sumakay sila sa kabayo. Bigla siyang nakaramdam ng pagod dahil sa haba na rin ng nilakad. Tumataas na rin ang araw kaya masakit na sa balat. Marunong naman siya mangabayo pero never pa nagpatakbo ng mabilis..
"Woohhh!"Hindi na nagulat si Wigo nang may humintong kabayo sa kanyang harapan. Ang astig lang talaga tignan ng kaibigan niya kapag sumakay ng kabayo. Ito ang cowgirl ng kanilang grupo na sanay mangabayo."Hop in!" Inabot ni Cris ang kamay sa binata habang nakangiti.Maliksi ang kilos ni Wigo at nakaakyat agad sa likod ng kabayo kahit hindi inabot ang kamay ni Cris.Napangisi si Cris dahil sa ginawa ng kaibigan. Bilang ganti sa pagtanggi sa kaniyang pag-alalay sana dito na makaakyat ay agad niyang pinatakbo ang kabayo, kahit hindi pa nakaupo ng maayos ang binata. Natawa siya nang agad itong yumakap sa kaniyang baywang upang hindi mahulog.Mula sa pinag"KAILAN mo natanggap ang sulat na ito?" tanong ni Wigo kay John habang sinusuri ang sulat."Kagabi lamang, may bumato niyan sa harden kagabi bago mo kami naabutan sa labas. "Maari ko bang makuha iyan at ako na ang magtago?" "No, ako na ang mag-keep nito. Kung sakaling magkaroon ng problema ay magagamit ko ito sa kung sino man ang gusto kaming pabagsakin." Mabilis na tanggi ni John at ibinulsa ang hawak na papel at dinukot ang cellphone mula sa kabilang bulsa.Napabuntonghininga si Wigo habang nag iisip. Kapagdaka'y tumingin siya kay John, abala na ito sa pakipag-usap sa cellphone. Hinintay niyang matapos ito sa kausap, at wala pang isang minuto ay ibinaba na ang tawagan na parang bang nagmamadali."Kailangan ko nang bumalik sa lamay ni Esang.""Aalis na rin ako, sabay na tayo." Tumayo si Wigo at nauna nang lumabas ng opisina. Agaw dilim na rin ang paligid at dala niya ang kanyang motor.Hindi dumiritso ng uwi si Wigo p
"Tutuloyan ko na ba siya?" tanong ni Mang Kanor sa kausap."Hayaan mo muna at mapapakinabangan pa natin siya. Itulad siya kay Esang kapag lumamig na ang sitwasyon. Asikasohin niyo na ang dapat asikasohin bago pa dumating ang kapulisan." Sagot nito kay Kanor habang inihahanda ang sarili."Fuck!" pilit na iminumulat ni Wigo ang mga mata kahit nanghihina na siya. Nasa harapan niya si Mishelle at wala na itong malay-tao dahil sa saksak sa tagiliran nito. Kitang-kita ni Wigo kung paanong inilagay sa kamay ni Julian ang patalim na ginamit ng isang lalaki kanina sa pansaksak kay Mishelle. Naipikit niya ang mga mata nang sumikip ang daloyan ng kanyang paghinga. Pakiramdam niya ay naging manhid na siya at hindi na alam ang nangyayari sa paligid. Sari-saring ingay ang kanyang naririnig at walang linaw kung saan at kanino galing ang tinig. Pakiramdam niya ay isang taon na siya sa kinalagyan bago maramdaman na tila umaangat ang katawan mula sa lupa. "Huwag
"BUHAY pa ba?" tanong ni John kay Mang Kanor habang nakahiga ito sa hospital bed. Napangiti pa siya dahil umaayon ang lahat sa kanyang plano. Sinadyang barilin siya upang palabasin na totoong may nagtaka sa buhay nilang magkapatid."Nakakulong na si Julian," naging mailap ang tingin ni Mang Kanor sa pamangkin at nagdadalawang isip ibalita ang tungkol sa detective na pinakuha niya noon. "Si Mishelle ay nasa kritikal pa rin ang buhay dahil maraming dugo ang nawala.""Magaling, hindi na dapat siya mabuhay!" ngising demonyo ang humulma sa labi ni John. " How about Wigo?" Lalong umilap ang tingon ni Kanor at hindi alam kung ano ang isasagot sa pamangkin. Iilan lang ang nakakaalam na mag-anak sila ni John at kapatid niya ang namayapang ina nito."Ipaligpit mo agad kung sa tingin mo ay maging hadlang siya sa lahat.""Hindi natin siya magalaw." Kinakabahan ma bulong ni Kanor.Dumoble ang gatla sa noo ni John sa naging sagot ng tiyuhin. "Hindi ko alam kung saan galing ang bantay sa kanya. M
SINENYASAN ni Grey si John na sagutin na ang kaniyang tanong. "Sa tuwing may mamatay na hayop sa kanilang farm ay may kumakalat na balitang kami ang may gawa. Maging ang maligno na nakikita umano ng kanyang tauhan ay sa amin pinaparatang bilang paninira sa kanilang pamilya. Ang isa sa tauhan ko ay pinatay ng hindi pa kilalang tao. Pinagbintangan nila na ito ang may gawa ng lahat sa farm. Dahil sa sunod-sunod na banta sa aking pamilya ay nagpasya akong kumuha ng private detective upang imbistigahan ang anumalya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko lubos naisip na maaring masilaw sa pera ang taong na hired ko upang mag imbistiga sana.""Narito ba ngayon ang taong tinutukoy mo?" tanong ni Grey kay John. Nang sumagot itong wala ay inilabas niya ang isang larawan. "Siya ba ang tinutukoy mo?""Yes!"Naipilig ni Micko sa kaliwa't kanan ang ulo nang iharap ni Grey sa lahat ang larawan ni Wigo."Hindi ko siya kilala." Mariin na tanggi ni Julian kay Micko sa mahinang tinig lamang."I know, ju
"Your honor, narito ang record ng transaction ng aming ahensya kay Mr. Trinedad kaya nakarating dito si Mr. Wigo Alcantara. Hindi totoong nasilaw sa pera ang aking kliyente tulad sa ipinararatang sa kaniya. Bawat detalye sa pag-iimbistiga ay ipinapasa niya sa amin kaya alam ko ang resulta sa imbistigasyon. Maging ang pagkamatay ng isa sa tauhan nila sa hospital at ang autopsy ng hayop. Lahat nang ito ay pinagtagni ni Mr. Alcantara kaya nagkahinala siya na ang tunay na salarin ay nasa loob lang ng hacienda.Bagsak ang mga balikat ni Grey habang nakikinig sa salaysay ni Cloud. Pagtingin niya kay John ay pinagpapawisan na ito ng malapot.Tumikhim muna ng mahina si Cloud bago nagpatuloy muli sa pagbigay ng statement. "Maging ang biodata ng biktimang namatay ay hindi rin magkatugma sa tunay nitong pagkatao. At si Mang Kanor na isa sa tumatayong witness na nagpapatunay na sinaksak ni Mr. Julian si Ms. Mishelle ay tiyuhin ni Mr. Trinedad. Kung mayroon man dapat magsampa ng kaso rito ay ang a
"TANGGAPIN mo na ang alok ni Tito Max." Payo ni Dexter kay Wigo nang bisitahin niya ito."Wala na bang ibang trabaho? Ang boring naman na panuurin ko lang ang isang tao at buntutan upang masiguro na hindi tatakas?" nababagot na tanong ni Wigo dito habang nag-e-exercise ng mabagal. Hindi na masakit ang kanyang likod ngunit hindi pa iyon pwedeng pwersahin. Muli siyang yumukod at ibinaba ang dalawang kamay hanggang sahig at marahang itinuwid muli ang katawan. "Bawal ka pa makipaghabulan sa kriminal at makipagsuntokan. Take this job or manatili ka pa rito ng tatlong buwan?" Napabuntong hininga si Wigo habang pinupunasan ang sariling pawis sa leeg at braso. "Alam mong hindi ako sanay na walang ginagawa.""So, I will arrange your appointment now with your new employer. I assure you na hindi mo pagsisihan ang trabahong ito." Makahulogang turan ni Dexter bago iniwan ang huli.Napaisip si Wigo habang sinusundan ang pagtalikod ni Dexter. Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na paningin ang kai
"Maari kang pumasok sa loob or sa kahit saan at mamasyal kung mainip ka dito." Bilin ni Josh kay Wigo nang mai-park na ang sasakyan sa harap ng kompanya."I'll be ok here, Sir. Don't worry about me." Sinadya niyang iharang ang katawan sa pintuan na lalabasan ni Rovelyn upang hindi agad ito makalabas. Matapos maisara ang pinto sa front ay ang pinto naman sa back ang binuksan. Bahagya siyang yumukod upang iabot ang kamay sa dalaga. Inirapan lang ng dalaga ang binata at hindi tinanggap ang alok nitong alalayan siya. "Thanks but I can manage." Ngumiti siya nang makitang nangunot ang noo ng ama."Dito lang po ako sa labas upang masiguro na hindi ako matakasan ng binabantayan ko." Pabiro na tugon ni Wigo sa suhistyon ng ama ng dalaga kanina. Napangisi siya nang pukulin siya nito nang masamang tingin at nagbabanta na huwag na magsalita."Ikaw ang bahala, Hijo. Papasok na kami sa loob." "Ahm, Sir?" tawag ni Wigo sa ginoo bago pa makalayo ang mga ito. "May kilala po ba kayong pangalan na Oda?
NAGPUPUYOS sa galit ang kalooban pero hindi alam kung ano ang dapat gawin matapos siyang nakawan ng halik ni Wigo. Halos dumugo na ang loob ng kaniyang labi dahil sa diin ng pagkalapat niyon. Naiinis din siya sa sarili dahil hinahayaan ang binata na gawan siya ng labag sa kaniyanv kalooban. Gusto niya itong suntokin sa mukha ngunit hindi naman maiangat ang kamay. Never siya natakot sa banta kahit lalaki pa ito, pero ngayon—at sa bodyguard pa niya? Parang ang sarili na lang niya ngayon ang gusto niyang suntokin upang gisingin ang sarili. At bakit ba natatakot siyang parusahan nito kapag gumawa pa siya ng hindi nito magustohan? Ei, kaya naman niya itong gantihan o ipaglaban ang sarili. Siya ang dehado rito at hindi ang antipatikong lalaking ito. "Do you want to punch my face?" tanong ni Wigo habang nasa daan ang tingin."Moron!" pabulong niyang sagot dito.Ngumisi si Wigo at binagalan ang pagpatakbo ng saskayan. Pinasadahan ng dila ang sariling bibig. Ninamnam muli ang halik na iginawa