SINENYASAN ni Grey si John na sagutin na ang kaniyang tanong. "Sa tuwing may mamatay na hayop sa kanilang farm ay may kumakalat na balitang kami ang may gawa. Maging ang maligno na nakikita umano ng kanyang tauhan ay sa amin pinaparatang bilang paninira sa kanilang pamilya. Ang isa sa tauhan ko ay pinatay ng hindi pa kilalang tao. Pinagbintangan nila na ito ang may gawa ng lahat sa farm. Dahil sa sunod-sunod na banta sa aking pamilya ay nagpasya akong kumuha ng private detective upang imbistigahan ang anumalya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko lubos naisip na maaring masilaw sa pera ang taong na hired ko upang mag imbistiga sana.""Narito ba ngayon ang taong tinutukoy mo?" tanong ni Grey kay John. Nang sumagot itong wala ay inilabas niya ang isang larawan. "Siya ba ang tinutukoy mo?""Yes!"Naipilig ni Micko sa kaliwa't kanan ang ulo nang iharap ni Grey sa lahat ang larawan ni Wigo."Hindi ko siya kilala." Mariin na tanggi ni Julian kay Micko sa mahinang tinig lamang."I know, ju
"Your honor, narito ang record ng transaction ng aming ahensya kay Mr. Trinedad kaya nakarating dito si Mr. Wigo Alcantara. Hindi totoong nasilaw sa pera ang aking kliyente tulad sa ipinararatang sa kaniya. Bawat detalye sa pag-iimbistiga ay ipinapasa niya sa amin kaya alam ko ang resulta sa imbistigasyon. Maging ang pagkamatay ng isa sa tauhan nila sa hospital at ang autopsy ng hayop. Lahat nang ito ay pinagtagni ni Mr. Alcantara kaya nagkahinala siya na ang tunay na salarin ay nasa loob lang ng hacienda.Bagsak ang mga balikat ni Grey habang nakikinig sa salaysay ni Cloud. Pagtingin niya kay John ay pinagpapawisan na ito ng malapot.Tumikhim muna ng mahina si Cloud bago nagpatuloy muli sa pagbigay ng statement. "Maging ang biodata ng biktimang namatay ay hindi rin magkatugma sa tunay nitong pagkatao. At si Mang Kanor na isa sa tumatayong witness na nagpapatunay na sinaksak ni Mr. Julian si Ms. Mishelle ay tiyuhin ni Mr. Trinedad. Kung mayroon man dapat magsampa ng kaso rito ay ang a
"TANGGAPIN mo na ang alok ni Tito Max." Payo ni Dexter kay Wigo nang bisitahin niya ito."Wala na bang ibang trabaho? Ang boring naman na panuurin ko lang ang isang tao at buntutan upang masiguro na hindi tatakas?" nababagot na tanong ni Wigo dito habang nag-e-exercise ng mabagal. Hindi na masakit ang kanyang likod ngunit hindi pa iyon pwedeng pwersahin. Muli siyang yumukod at ibinaba ang dalawang kamay hanggang sahig at marahang itinuwid muli ang katawan. "Bawal ka pa makipaghabulan sa kriminal at makipagsuntokan. Take this job or manatili ka pa rito ng tatlong buwan?" Napabuntong hininga si Wigo habang pinupunasan ang sariling pawis sa leeg at braso. "Alam mong hindi ako sanay na walang ginagawa.""So, I will arrange your appointment now with your new employer. I assure you na hindi mo pagsisihan ang trabahong ito." Makahulogang turan ni Dexter bago iniwan ang huli.Napaisip si Wigo habang sinusundan ang pagtalikod ni Dexter. Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na paningin ang kai
"Maari kang pumasok sa loob or sa kahit saan at mamasyal kung mainip ka dito." Bilin ni Josh kay Wigo nang mai-park na ang sasakyan sa harap ng kompanya."I'll be ok here, Sir. Don't worry about me." Sinadya niyang iharang ang katawan sa pintuan na lalabasan ni Rovelyn upang hindi agad ito makalabas. Matapos maisara ang pinto sa front ay ang pinto naman sa back ang binuksan. Bahagya siyang yumukod upang iabot ang kamay sa dalaga. Inirapan lang ng dalaga ang binata at hindi tinanggap ang alok nitong alalayan siya. "Thanks but I can manage." Ngumiti siya nang makitang nangunot ang noo ng ama."Dito lang po ako sa labas upang masiguro na hindi ako matakasan ng binabantayan ko." Pabiro na tugon ni Wigo sa suhistyon ng ama ng dalaga kanina. Napangisi siya nang pukulin siya nito nang masamang tingin at nagbabanta na huwag na magsalita."Ikaw ang bahala, Hijo. Papasok na kami sa loob." "Ahm, Sir?" tawag ni Wigo sa ginoo bago pa makalayo ang mga ito. "May kilala po ba kayong pangalan na Oda?
NAGPUPUYOS sa galit ang kalooban pero hindi alam kung ano ang dapat gawin matapos siyang nakawan ng halik ni Wigo. Halos dumugo na ang loob ng kaniyang labi dahil sa diin ng pagkalapat niyon. Naiinis din siya sa sarili dahil hinahayaan ang binata na gawan siya ng labag sa kaniyanv kalooban. Gusto niya itong suntokin sa mukha ngunit hindi naman maiangat ang kamay. Never siya natakot sa banta kahit lalaki pa ito, pero ngayon—at sa bodyguard pa niya? Parang ang sarili na lang niya ngayon ang gusto niyang suntokin upang gisingin ang sarili. At bakit ba natatakot siyang parusahan nito kapag gumawa pa siya ng hindi nito magustohan? Ei, kaya naman niya itong gantihan o ipaglaban ang sarili. Siya ang dehado rito at hindi ang antipatikong lalaking ito. "Do you want to punch my face?" tanong ni Wigo habang nasa daan ang tingin."Moron!" pabulong niyang sagot dito.Ngumisi si Wigo at binagalan ang pagpatakbo ng saskayan. Pinasadahan ng dila ang sariling bibig. Ninamnam muli ang halik na iginawa
"Thingking of me?" mapanuksong tanong muli ni Wigo sa dalaga. "In your dream!" Inirapan niya ito at tinalikuran ngunit mabilis itong humarang sa kanyang daraanan.Napangiti si Wigo sa inaaktong dalaga. Wala na ang ugali nitong Pulis Patola. "Don't worry Hal, the feeling is mutual!" bulong niya habang marahang humakbang palapit sa dalaga.Nahigit niya ang hininga nang ga-dangkal na lang ang layo sa kanya ng lalaki. "Anong Hal pinagsasabi mo riyan?" Tinulak niya ito palayo sa kanya at humakbang paurong nang hindi manlang ito natinag sa kinatayuan. "Short for Mahal." Nakangisi niyang paliwang sa dalaga."Pwede ba, hindi bagay sa iyo iyang kakornihan mo!" Tinulak niyang muli ang binata nang lumapit sa kanya. Nayakap niya bigla ang sarili nang humangin."Stop!" Pinahaba niya ang kanyang kamay upang abutin ang dalaga ngunit lalo lamang itong nataranta at humakbang paurong. Mabilis ang kilos at tinakbo ito upang pigilan sana ang tuluyang pagkahulog nito sa tubig. Ngunit nawalan din siya n
PARANG mga magnanakaw ang dalawa na maingat sa paghakbang papasok sa loob ng bahay. Hindi siya pwede makalikha ng ingay at makikita ang hitsura niya. Todo hila ni Rovelyn ang laylayan ng suot na t-shirt sa takot na masilipan siya ni Wigo. She felt embarrassed at nakakahiyang isiping naglalakad siyang walang suot panloob. Mabagal pa ang kaniyang hakbang dahil bukod sa takot makalikha ng ingay, mahapdi ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita.Kung siya lang ang masusunod ay bubuhatin na niya ang dalaga. Ngunit ma pride ito, ayaw niyang dagdagan ang pagkailang nito sa sitwasyon nilang dalawa."Pwede ka nang umalis." Pabulong niyang pagtataboy kay Wigo pagkatapat sa pintuan.Nagdadalawang isip si Wigo habang tinitignan ang dalaga. Nasa first floor ang kaniyang silid at ito naman ay nasa second floor. "Gusto kong masiguro na okay ka lang at pag-usapan ang nangyari sa atin.""Wigo, please, gusto ko munang mapag-isa." Tonong napapagod na pakiusap niya sa binata.Napilitang iwan na niya ang da
KANINA pa hindi mapakali si Rovelyn sa loob ng kanyang opisina. Ang totoo ay pinilit lamang niya ang sarili na pumasok kahit hindi maganda ang pakiramdam niya. Umandar na naman ang pride niya at ayaw ipakita kay Wigo ang kahinaan. Disappointed siya sa tinakbo ng pag-uusap nila after na may mangyari sa kanilang dalawa kagabi."Wala manlang katamis-tamis sa katawan," padabog siyang umupo sa kanyang upuan. "Ouch!" Daing niya nang masaktan dahil binigla ang pag-upo. Hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang sakit sa pagitan ng kanyang hita, maging ang buong katawan. "Ang laki kasi ng gagong iyon!" maktol niyang kausap sa kanyang sarili. Natigil lamang ang pagsisinti niya nang may kumatok."Ma'am, narito ang inyong personal bodyguard." "Pakisabi na hindi pa oras ng uwi ko." Nakasimangot niyang utos sa kanyang Secretary. "Ei, ma'am," may pag-alinlangan nitong tawag sa pangalan ng among dalaga. "Nakapasok na po siya." Ngumiti ito ng hilaw habang tinuturo si Wigo na nakatayo sa bukana ng pintu
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l