PARANG mga magnanakaw ang dalawa na maingat sa paghakbang papasok sa loob ng bahay. Hindi siya pwede makalikha ng ingay at makikita ang hitsura niya. Todo hila ni Rovelyn ang laylayan ng suot na t-shirt sa takot na masilipan siya ni Wigo. She felt embarrassed at nakakahiyang isiping naglalakad siyang walang suot panloob. Mabagal pa ang kaniyang hakbang dahil bukod sa takot makalikha ng ingay, mahapdi ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita.Kung siya lang ang masusunod ay bubuhatin na niya ang dalaga. Ngunit ma pride ito, ayaw niyang dagdagan ang pagkailang nito sa sitwasyon nilang dalawa."Pwede ka nang umalis." Pabulong niyang pagtataboy kay Wigo pagkatapat sa pintuan.Nagdadalawang isip si Wigo habang tinitignan ang dalaga. Nasa first floor ang kaniyang silid at ito naman ay nasa second floor. "Gusto kong masiguro na okay ka lang at pag-usapan ang nangyari sa atin.""Wigo, please, gusto ko munang mapag-isa." Tonong napapagod na pakiusap niya sa binata.Napilitang iwan na niya ang da
KANINA pa hindi mapakali si Rovelyn sa loob ng kanyang opisina. Ang totoo ay pinilit lamang niya ang sarili na pumasok kahit hindi maganda ang pakiramdam niya. Umandar na naman ang pride niya at ayaw ipakita kay Wigo ang kahinaan. Disappointed siya sa tinakbo ng pag-uusap nila after na may mangyari sa kanilang dalawa kagabi."Wala manlang katamis-tamis sa katawan," padabog siyang umupo sa kanyang upuan. "Ouch!" Daing niya nang masaktan dahil binigla ang pag-upo. Hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang sakit sa pagitan ng kanyang hita, maging ang buong katawan. "Ang laki kasi ng gagong iyon!" maktol niyang kausap sa kanyang sarili. Natigil lamang ang pagsisinti niya nang may kumatok."Ma'am, narito ang inyong personal bodyguard." "Pakisabi na hindi pa oras ng uwi ko." Nakasimangot niyang utos sa kanyang Secretary. "Ei, ma'am," may pag-alinlangan nitong tawag sa pangalan ng among dalaga. "Nakapasok na po siya." Ngumiti ito ng hilaw habang tinuturo si Wigo na nakatayo sa bukana ng pintu
NANG gabing din na iyon ay kinausap ni Wigo nang sarilinan ang ama ni Rovelyn. Naipon na niya ang lahat ng lakas ng loob upang tanggapin ang kung ano man ang maging parusa sa kanyang nagawa. Inaasahan na rin niyang makatanggap ng suntok sa ginoo. Sa garden sila nag-usap ng ginoo matapos makapaghapunan. Hindi naman siya naduduwag, kaso takot siya na baka ayawan siya at ilayo sa kaniya ang dalaga. Parang sumapi sa ginoo ang aura ni Max nang marinig ang kaniyang pag-amin tungkol sa nangyari sa kanila ni Rovelyn."Tarantado ka! Hindi kasama sa pinatatrabaho ko sa iyo ang paggalaw sa anak ko!"Hindi siya umilag nang suntokin siya ng ginoo sa mukha. Masakit pero hindi niya ininda iyon. "Sorry, sir, handa ko po panagutan ang ginawa ko sa iyong anak."Marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Josh at muling naikuyom ang kamao. Pinigilan ang sarili na masuntok muling ang binata. Kung ibang tao lang ito at hindi alam ang family background, sisiguradohin niyanvmg hindi na ito sisikatan pa ng
"Hindi na ako nagulat sa balita mong ito, pero ang bilis mo naman yata tinarabaho?" makahulogang turan ni Dexter mula sa kabilang linya."May bangus kasing umaaligid, sir."Natawa si Dexter at biglang naalala si Jeydon. Mukhang may bangus talagang kaagaw kapag ang trababo ay bodyguard."Masaya ako at makakalabas ka ng buhay riyan sa kabila nang kabalbalan mong ginawa." Biro ni Dexter."Madiskarte, 'to, sir." Tumatawa niyang sagot."Maiba tayo, ano ulit ang gusto mong hilingin?" Napatikhim si Wigo bago idinulog ang kailangan. "Kailangan ko pong umuwi muna bukas upang ayusin ang dapat ayusin. Sa sunod na lingo ay kailangan kong samahan si Sir Josh sa ibang bansa.""Kung ang inaalala mo ay ang maging kapalit mo riyan, pwede mong kontakin si Jay.""Salamat, sir!"Agad niyang tinawagan si Jay matapos silang mag-usap ni Dexter. Nakailang ring pa ang cellphone nito bago may sumagot."Gabi na, napatawag ka?""May naisturbo ba ako?" nakangisi niyang tanong kay Jay."Huwag mo akong itulad sa i
Nilapitan ni Jay si Wigo nang makita itong pumasok sa kusina. "Hanep, ilang milya ang layo ng silid ng babantayan ko at inabot ka ng isang oras bago nakabalik?" Nilingon ni Wigo si Jay at ngumiti ng nakakaloko. Tumuloy siya sa kusina at sumandok ng pagkain. "Nakailang round, bro?" pabulong na pangungulit ni Jay sa kaibigan nang ayaw siyang sagutin. "Ang bibig mo.""Huwag kang mag-alala, tayo lang ang nandito. Ang biyanan mong hilaw ay pumasok sa silid nila.""Tsk, hintayin mo na lang ako rito at ihatid ko lang itong pagkain sa nobya ko." Iwas ni Wigo sa makulit na kaibigan. Sumipol lang si Jay sabay ipinamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng suot na pantalon, habang sinusundan ng tingin ang pag-akyat sa hagdan ni Wigo. Mukha itong ulirang asawa na ngayon sa dalang tray kung saan nakalagay ang pagkain. Sa sala na lamang siya naghintay kay Wigo at mayroon pa silang dapat pag-uusapan.Napangiti si Wigo nang maabutang nakapikit ang nobya habang nakasandal sa headboard. Pag
"HI!" bati ni Rovelyn sa mga eagles member nang bisitahin niya ang departaminto ng mga ito. Isang araw pa lang na wala ang nobyo ay na miss na niya ito. Nagpasya siyang pumaroon kasama si Jay upang maibsan kahit papaano ang lungkot na nadarama. Kilala na niya sina Dexter, Cloud, Micko, Jeydon at James. Ang gusto niyang makilala pa ay ang ka batch ng nobyo upang kumalap pa ng kakaibang ugali ng huli."Lower!" pabirong ganting bati ni Cris kay Rovelyn.Napatitig si Rovelyn sa babaeng bumati sa kanya. Tinuro niya ito habang hinahagilap sa isipan kung sino at saan niya nakilala ang babae."Ako nga ito." Malapad ang ngiti na turo ni Cris sa sarili upang maalala siya ng kaharap."Sinong ikaw? " natatawang buska ni Jay kay Cris."Gusto mo ng sipa?" Itinaas ni Cris ang isang paa upang balaan si Jay sa pangsupalpal sa kanya."Tama, ikaw nga!" Naibulalas ni Rovelyn habang tinuturo si Cris. Natandaan niya ito noon sa probinsya ngunit hindi matandaan ang pangalan."Sabi ko nga, ako ito! Duhhh!" u
"CAROLINE, ano ang ibig sabihin nito?" nagugulohang tanong ni Cristine sa kaniyang bestfriend. Magkaibigan na sila mula pagkabata at hindi siya nito itinuring na ibang tao kahit anak lamang siya ng mayordoma ng mga ito. Ang ina ng kaibigan ay mabait rin ngunit nakapag-asawa muli at hindi iyon nagustohan ng kaniyang kaibigan. Nadagdagan pa ang pagkadisguto ng kaibigan sa amain nito dahil dalawang taon lang ang nakalipas ay namatay ang ina ng kaibigan."Kailangan kong masiguro na sa mabuting tao mapunta ang aking mamanahin."Lalo lamang nangunot ang noo ni Cristine sa narinig at nakaramdam ng inis sa kaibigan, "nahihibang ka na ba? Hindi biro ang halaga ng ari-arian ninyo para sa akin mo ipamana. Saka, ano bang kalokohan na namang pumasok diyan sa kukuti mo? Para ka namang mamatay na at gumawa ka pa ng last will and testament." Ngumiti si Caroline sa kaibigan at niyakap ito. Pinigilan ang sariling mapaiyak at hindi magawang ibuka ang bibig upang sambitin ang nasa isipan. Ito na lang a
"ARE you okay?" tanong ni Dexter kay Cris nang bigla itong napatulala sa larawang ipinapakita niya dito.Napakurap si Cris bago ibinalik ang tingin sa kaniyang Big Boss. Parang namagneto kasi siya sa pagkatitig sa larawan ng babaeng nasa larawan."Matagal na siyang nawawala at hindi naniniwala ang pamilya niya na patay na siya," pagbibigay imporma ni Dexter tungkol sa kasong ipapa-trabaho sa isa sa Jr. Agent ng eagle niya.Muling pinakatitigan ni Cris ang mukha ng babae. Maganda ito at makinis ang kutis kahit hindi ito kaputian. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung patay na nga ang babae. Napatingin siya sa kaniyang braso, haharap pa sana siya sa salamin nang biglang may nagsalita sa kaniyang tabi."Magkakulay lang kayo ng balat pero hindi magkamukha kaya huwag ka nang mag-aksayang titigan ang mukha mo sa salamin."Masamang tingin ang ipinukol ni Cris kay Jay na siyang nagsalita at inirapan ito. Nakalimutan niyang kasama niya ito sa loob ng opisina."Ilong palang ay wala ka nang pan