Share

Book 8:Chapter 21-Damay

MALUNGKOT ang magdamag ni Amalia dahil pagkahatid sa kanya ni Max sa kanyang tinutuloyan ay umalis din ito kaagad. Na-disappoint pa siya dahil mababaw na halik lang ang iginawad sa kanya at walang sweet words na binigkas. Nakatulogan na lang niya ang inis na nadarama para kay Max. Hanggang sa paggising ay dala pa rin niya ang inis na nadarama.

"Mahal daw ako, hmmp!" Piping himutok niya sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa building na pinagta-trabahuhan. Hindi maganda ang kanyang gising dahil sa nangyari kagabi.

"Ang arte mo kasi, may paligaw-ligaw ka pang gusto!" sikmat ng kanyang kunsensya sa sariling isipan.

"Bakit, mababawasan ba ang katigasan niya kung manligaw muna siya sa akin?" Umirap siya sa kawalan habang kausap ang sarili. Nagtatalo ang isipan hanggang makarating sa opisina. Pabagsak na umupo sa kanyang upuan at iginala ang paningin sa paligid.

"Napaaga yata ako." naibulong ni Amalia sa kanyang sarili nang walang makitang tao sa paligid. Dala ng pagkainip ay tinaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Silvestre
salamat po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status