Share

Book 8:Chapter 17-Conditi9n

"Bakit ang tagal mo?" naiiritang tanong ni Max kay Wigo nang makaupo na ito paharap sa kaniya.

Napatingin muna si Wigo sa pambisig na orasan, wala pa namang thirty minutes ang lumipas mula nang tumawag ito. "Traffic po kasi, Sir." Pagsisinungaling niya upang hindi na siya sermunan pa.

"Hindi ba sumunod sa inyo ang lalaking iyon?" tukoy ni Max sa ama ng anak ni Amalia.

Napatitig si Wigo sa mukha ng heneral at lihim napangisi sa nakikitang kaseryusohan ng huli.

"Hindi po, sir, saka kahit sumunod iyon ay tiyak na kawawa siya kay Amalia." Biro ni Wigo.

"Babae pa rin siya at ang alam ko ay may alam din sa self defense ang lalaking iyon."

Gustong tumaas ng kilay ni Wigo sa narinig. Hindi niya alam ang tungkol sa buhay ng lalaking iyon. Mukhang inalam talaga ni General Max ang buhay ng kaibigan lalo na ang nakaraan nito.

"Ang alam ko po ay wala siyang balak makipagmabutihan pa muli sa lalaking iyon, Sir. Wala rin siyang balak ipakilala rito ang anak niya ngunit namimilit ang lalaki."

Naikuyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status