"KUMUSTA na siya?" tanong ni Dexter kay Ashton matapos nitong masuri si Cris."Wala pa ring malay pero wala naman damage na natamo. Sinuri ko ang ulo niya at mayroong palatandaang naaksidente nga siya noon. Pero naalagaan naman ang sugat niya at naghilom ng maayos ito. Hintayin na lang nating magising siya."Pinagmasdan muna ni Dexter ang dalaga bago tumalikod at kinausap si Ruel."Tiyak na hahanapin siya ng ama at ikaw ang haharap sa kaniya. Sundin mo ang lahat ng instructions ko." Bilin ni Dexter kay RuelTinandaan ni Ruel ang lahat ng bilin ng nakakataas sa kaniya. Nagulat pa siya kanina sa nalaman tungkol sa totoong pagkatao ni Cris. Ngayon niya naintindihan kung bakit naroon ang kanilang mga boss sa patimpalak. Siya ang tumatayong guardian ng kaibigan at may hawak bilang manager nito sa karera. Kaya nakakatiyak na siya ang hahanapin ng ama nito kapag hindi mahanap ang dalaga."May posibilidad na maalala niya ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukoyan. Pero mas ok na ang ganyan
HINDI mawala sa isip ni Arcile ang nangyari kahapon. Hindi siya makapaniwalang magawa niya ang bagay na iyon. Hindi niya akalaing kaya niya palang lumipat sa isang kabayo habang tumatakbo ito. Ilang ulit niyang napanuod ang balitang nag-trending sa facebook at youtube. Ngayon niya ramdam ang takot para sa sarili kung sakaling nahulog din siya.Napatitig si Arcile sa babaeng katunggali. Walang halong pagkukunwari o pabida ang ginawa niyang pagligtas sa buhay nito kahapon. Natakot siya ng mga oras na iyon para sa buhay ng babae at hindi para sa buhay niya kaya walang pagdalawang isip na tinulongan ito. Naipagpasalamat niya lamang at parang taong may-isip ang kaniyang kabayo. Tinulongan siyang mapadali ang paglipat sa kabilang kabayo. Bonus pa at nauna ito sa finish line kahit wala nang sakay."Ayos ka na ba ngayon?" masuyong tanong ni Argus sa nobya. Hindi niya iniwan ito sa silid mula kahapon dahil nagkaroon ito ng aftershock sa nangyari kahapon.Nakangiting tumango si Arcile sa nobyo.
"Saan po kayo pupunta, Ma'am?""Gusto pong magpapahangin sa garden ng aking kaibigan." Nakangiting tugon ni Cristine sa lalaki. "Ituloy mo na po manong ang pagkain mo." Pigil ni Caroline sa lalaki nang tangkang tutulongan siya sa paglalakad.Nakahinga nang maluwag ang dalawa nang sumunod ang guard sa utos ni Caroline. Malayo ang garahe mula sa gate at ang pinto ang mas malapit sa kinaroroonan nila ngayon."Tunta, bakit mo iniwan ang pwesto mo?" narinig nilang bulyaw ni Darwin sa guard. "Kukuha lang po ako ng tubig sa loob , boss, dahil nakalimutan kong magdala." Sagot ng lalaki sa among nangangalit ang ngipin dahil sa galit. Lalo itong nagalit nang malamang lumabas ng bahay ang magkaibigan."Ako na ang magbubukas ng gate, ito ang susi ng kotse ko." Inabot ni Caroline ang susi sa kaibigan.Sa una ay tumutol si Cristine na iwan ang kaibigan. Ngunit masusukol sila pareho ng kaibigan kung hindi niya ito sundin. Alam niyang inuubos ng kaibigan ang lakas nito para makalabas sila. Kung siy
HINDI alam ni Cristine kung ilang oras na siyang nakaharap sa salamin. Malungkot na nakipagtitigan sa sariling mukha sa salamin. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya kapag humarap sa salamin. Hindi nagbago ang kaniyang mga mata at labi ngunit malaki pa rin ang pinagkaiba ng dating mukha at ngayon. Pakiramdam niya ay parang nag-iba ang hugis ng kaniyang ilong at mukha. Mas naging matingkad din ang kulay niya at ang dating manipis na kilay ay kumapal. Kinapa niya ang maliit na nunal na nasa gilid ng kaniyang labi. Mapait ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi habang nakipagtitigan sa sariling mga mata. Masasabi niyang ibang mukha ang makikita sa kaniyang katauhan pero ang mga mata niyang nangungusap kung maningin ay naroon pa rin. Siya si Cristine o Cris kung tawagin ng mga mga magulang. Dapat ba siya magpasalamat kay Robert dahil kahit papaano ay hindi binago ang kaniyang pangalan? Bilang bagong katauhan ay kailangan niyang panindigan ang bago niyang pangalan ngayon. Gusto niya
Lumipas ang araw at buwan, sumidhi ang lihim na pagkagusto ni Cristine kay Argus. Sa ginagawa niyang pag-iwas sa binata ay lalo lamang niya itong nami-miss. Maging ang relasyon nilang magkaibigan ay naapiktohan. Nang maka-graduate sila sa pag-aaral ay nilibang niya ang sarili sa trabaho upang makalimot sa kahibangan ng puso.Simple lang ang gusto ni Cristine sa buhay, ang maiahon sa hirap ang pamilya sa pamamagitan ng sariling sikap. Wala siyang balak na agawan ang kaibigan dahil siya ang unang masaktan kapag makita itong malungkot. Ibinuhos niya ang oras sa trabaho at at pagsali sa karera ng kabayo. Ngunit kahit nasaan siya ay naroon din si Argus kaya hindi niya napigilang yumabong pa ang damdamin para rito. Nagpasya si Cristine na lumayo at magbakasyon muna sa kanila. Pero dahil sa ginawa niya ay lalong naging malungkutin ang kaibigan. Dumagdag pang nagkaroon ng business trip si Argus."Bakit hindi ko napansin ang pagbagsak ng kaniyang katawan noong magkasama pa kami?" malungkot n
"ANO po ang kailangan nila?" magalang na tanong ni Ruel sa lalaking nakatayo sa harap ng bahay na tinutuloyan niya. "Ikaw ba si Ruel?"Sinuyod ni Ruel ng tingin ang lalaking kaharap. Kahit ngayon niya lang ito nakaharap ay may idea na siya kung sino ito."Ako nga po."Ngumiti si Robert sa binata, nag-ayos pa siya upang magmukhang pormal sa kaharap."Mabuti naman at nahanap na kita. Kahapon pa ako naghahanap sa iyo upang makita ang anak ko.""Kayo po ang father ni Cris?" pinasigla ni Ruel ang kaniyang tinig. "Oo, Hijo. Matagal ko na siyang hinahanap at sobrang nag-aalala nang mapanuod ang balita.""Naku mabuti naman po at nahanap niyo ako. Hindi ko po kasi alam kung sino ang kuntakin na kamag anak niya.""Kumusta na siya, pwede mo ba akong dalhin sa kaniya?"Walang pag-aalinlangan na pinapasok ni Ruel ang lalaki sa kaniyang tinutuloyang bahay. "Pasok po muna kayo at tatawagan ko ang aking assistant upang ihatid si Cris dito. Huwag po kayong mag-alala at maayos lang siya. Sumakit lang
"HELLO po!" masayang bati ni Cris sa mag-asawang naabutang nananghalian."Aba, Ineng, ikaw pala!" Tumayo si Danny upang salubungin ang bagong dating na nasa bungad ng kanilang pintuan. Sa liit ng kanilang kubo ay kita ang loob ng bahay mula sa pinto maging ang kusina."Kailan ka pa nakabalik?" Masiglang bati ng asawa ni Dany sa dalaga at pinatuloy ito sa loob."Kanina lang po at dito na ako dumiritso." Iniabot ni Cristine sa mga ito ang kaniyang pasalubong. Kinuwento niya rin ang tungkol sa nangyaring karera na ikinamangha ng mag-asawa."Kaya ka ba bumalik dito ay para magpasalamat kay Senyorita Arcile?" tanong ng asawa ni Danny kay Cris."Opo, gusto ko ring mag-relax muna at dito ko naiisipang pumunta at ituloy ang pagbabakasyon. Mahirap din ang buhay sa Manila at wala roon ang hilig kong trabaho.""Naku hindi bagay sa iyo ang maging katulong sa rancho, kung gusto mo talaga maghanap ng trabaho dito ay pwede kitang ilapit sa kumpare ko.""Nagpapasalamat na po ako sa inyo ngayon palang
NAGKUBLI si Jay sa isang sulok ng kuwadra nang makitang may kausap si Renzel na lalaki. Nakatalikod ang mga ito sa kinaroonan niya kaya gumawa siya ng paraan upang makalapit sa mga ito. Bitbit ang isang sakong dayami at mabagal ang bawat hakbang palapit sa mga ito."Manmanan mo siya." Tukoy ni Argus sa bagong alalay ng nobya."Banta ba siya sa buhay ni Arcile?" tanong ni Renzel sa binatang kaibigan. Nagulat pa siya kanina dahil sumunod ito sa kaniya para lang sabihin ang tungkol kay Cris."I can't explain but I felt strange sa tuwing nakikita siya."Tumawa si Renzel at tinukso ang kaibigan dahil iba ang nakikita niya rito sa tuwing mabanggit ang pangalan ng babae.Napaisip ng malalim si Jay kung sino ang tinutukoy ng lalaki at kung bakit kailangan pabantayan. Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakalampas na siya sa dalawa."Kanina ka pa ba riyan?" Sita ni Renzel sa lalaking dumaan sa kanilang harapan at mukhang lutang pa ito.Naudlot ang pag-apak ng isang paa ni Jay
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l