NAGKUBLI si Jay sa isang sulok ng kuwadra nang makitang may kausap si Renzel na lalaki. Nakatalikod ang mga ito sa kinaroonan niya kaya gumawa siya ng paraan upang makalapit sa mga ito. Bitbit ang isang sakong dayami at mabagal ang bawat hakbang palapit sa mga ito."Manmanan mo siya." Tukoy ni Argus sa bagong alalay ng nobya."Banta ba siya sa buhay ni Arcile?" tanong ni Renzel sa binatang kaibigan. Nagulat pa siya kanina dahil sumunod ito sa kaniya para lang sabihin ang tungkol kay Cris."I can't explain but I felt strange sa tuwing nakikita siya."Tumawa si Renzel at tinukso ang kaibigan dahil iba ang nakikita niya rito sa tuwing mabanggit ang pangalan ng babae.Napaisip ng malalim si Jay kung sino ang tinutukoy ng lalaki at kung bakit kailangan pabantayan. Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakalampas na siya sa dalawa."Kanina ka pa ba riyan?" Sita ni Renzel sa lalaking dumaan sa kanilang harapan at mukhang lutang pa ito.Naudlot ang pag-apak ng isang paa ni Jay
"How dare you to touch her!" Inundayan niya ng magkasunod na suntok sa mukha ang lalaki na nagulat din sa bigla niyang pagsulpot. Kung hindi pa natumba si Cristine dahil nawalan ng balance ay hindi niya tantanan ang lalaki. Walang nakapansin sa gulong nilikha niya dahil maingay ang paligid at malayo sa kinaroonan ng mga taong abala sa sayawan at inuman. Ang lalaki ay hindi na rin magawang bumangon at mukhang nakatulog na ito dahil sa suntok niya at sa kalasingan na rin."Let's go!" Walang ingat niyang binuhat ang dalaga. Nagagalit pa rin siya dahil hindi nito sinunod ang bilin niya kanina kaya kamuntik na itong mapahamak."Aray!" Sapo ni Cristine ang ulo dahil naalog iyon sa tuwing humahakbang ang binata. "Nahihilo na po ako!" Sandaling tumigil sa paghakbang si Argus at ibinaba ang dalaga. Muli niyang sinalo ang beywang nito nang gumiwang ito sa pagkatayo."Walk!" galit niyang mando sa dalaga.Napalabi si Cristine at hindi sinunod ang binata. "Bakit ka galit?" Sinilip pa nito ang muk
Kinabukasan ay maagang gumising si Cris upang mag-jogging. Ito ang routine nila noon ni Caroline, ang maglibot sa rancho at sabayan ang mabagal na pagtakbo ang ilan sa mga kabayong umiikot sa malawak na lupain."Wala ka pa rin bang maalala?" usisa ni Robert kay Cris nang makasalubong ito. "Goodmorning po, Papa!" Bati ni Cris sa lalaki sa halip na sagutin ito. Sumabay na rin ito sa mabagal niyang pagtakbo."Alalahanin mo, isinama ka noon dito ng iyong ina at itinuro sa iyo kung saan nakatago ang yaman ng angkan nila. Kailangan mo iyon maalala upang makaalis na tayo rito." Pag-uulit ni Robert bago humiwalay sa dalaga ng tinahak na daan.Tumigil si Cris sa paghakbang at sinundan ng tingin ang paplayong lalaki. "Mother your ass!" gigil niyang bulong at pinukol ng masamang tingin ang likod ni Robert."Hello, Miss Beautiful!" Kamuntik ng matisod si Cristine nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay ang nakangising mukha ni Jay ang bumungad sa kaniya. Kilala na niya
NANINIBAGO si Arcile sa mga kinikilos ng nobyo. Lagi na itong dumadaan sa Rancho upang bisitahin siya na kabaliktaran sa ugali nito noon. Gumaan na rin ang loob niya sa bago niyang assistant at masasabi niyang mas magaling itong mangabayo kaysa kaniya."Cris, sa tingin mo magustohan ni Argus itong suot ko?" Tanong ni Arcile dito habang sinusuri ang sarili sa salamin. Nilingon niya ang kausap nang walang tugong narinig mula rito."Cris?" Pukaw niya sa tila natutulog ng diwa ng babae. Nasa mukha nito ang lungkot habang ginagala ang tingin sa loob ng kaniyang silid. "Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagandang silid?" Biro ni Arcile kay Cris.Naikurap ni Cris ang mga mata bago itinuun ang paningin kay Arcile. Naririnig niya ito kanina na nagsasalita pero hindi niya napigilan ang sariling sariwain sa isip ang alaala ng kaibigan. Ngayon lang ulit siya nakapasok doon na dating silid ni Caroline.Ngumisi siya kay Arcile bago sumagot upang alisin ang lungkot na nadarama. "Sort of." Maiksi
PAGBALIK ni Renzel sa kulungan ng kabayo ay wala na roon si Cris. Luminga muna siya sa paligid kung may iba bang taong makakita sa kaniya. Agad na kinuha ang bagay na naka install sa loob ng kuwadra at pinuntahan si Argus."Ito na ang video." Iniabot ni Renzel kay Argus ang video na kuha sa kuwadra ni Lexus. Hindi niya pinanuud iyon at hinayaang ang kaibigan na ang makakita."Thank you, si Darwin na muna ang tutukan mo." Biglang nagbago ang plano ni Argus. Nang makaalis na ang kaibigan ay saka niya pinanuod ang video clip."Hey, Baby!"Naglapat ang mga ngipin ni Argus nang marinig ang tinig ni Cris habang kinakausap ang kabayo. Tahimik niyang pinanuod ang sunod pang pangyayari sa video."What happened?" Hinaplos ni Cris ang ulo ng kabayo. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala sa kabayo. Sinuri pa nito ang katawan ni Lexus kung may sugat ba. "Hey wake up, you don't miss me?" naluluhang kausap nito sa kabayo."Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Argus at mabilis na iniwas ang
"BOSS, nawawala po si Robert." Pagbabalita ng isa sa tauhan ni Darwin na siyang inutusang tawagin si Robert, dahil dalawang araw na itong hindi nakikita."Hanapin niyo ang gagong iyon!" Bulyaw ni Darwin sa lalaki. Nag-igtingan ang mga ugat sa kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakuyom. Malapit na rin ang election at kailangan niya nang malaking pundo dahil balak niyang tumakbo bilang gobernador ng kanilang lalawigan. Mabilis na sumunod ang inutusan sa takot na dito niya ibunton ang galit. "Nasaan si George?" pabulyaw niyang tanong sa isa pang tauhan."Pabalik na siya dito, Boss."Marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Darwin upang pakalmahin ang sarili. Nawawala rin ang pamilya ni Cristine kaya malaki ang kutob niyang may sumasabotahe sa kaniyang mga galaw.Hindi mapakali si Cris habang hinihintay na mapagbuksan siya ni Arcile ng pinto. Ilang araw na rin itong tahimik at napapansin niyang malalim lagi ang iniisip. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak kanina at nagkulong sa
"Now tell me, sino ang lalaking kausap mo sa video?" Muling tanong ni Argus sa dalaga."Binabantayan mo ang bawat kilos ko?" Biglang nakaramdam si Cristine ng galit sa binata at hindi inintindi ang selos na nahahamig sa tinig nito ngayon."Kung hindi ko pinagawa iyan ay baka napahamak ka na sa manyak na George na iyon!" Biglang tumaas ang timbre ng boses ni Argus na ikinaigtad ni Cris."Hi-hindi ako ang taong inaakala mo." Pagkaila pa rin ni Cristine sa binata at humakbang paurong."And where do you think you're going?"Napasinghap si Cris nang haklitin siya ng binata sa beywang. Sa isang iglap lang ay sakop na nito ang nakaawang niyang bibig. Hindi niya nagawang gamitin ang natutunang self defense dahil ginupo siya ng kahinaan ng kaniyang puso."A-argus..." namamaos ang tinig na tawag niya sa binata nang bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg."I miss you!" Tuluyan nang natunaw ang yello sa puso ni Cristine nang mahamig sa tinig ng binata ang pangungulila. Nang muli nitong sakupin a
SA OPISINA ni Argus ay maagang pumunta si Renzel upang mag-report sa kaibigan."Tama nga ang hinala ko noong una na kay Cristine iniwan ni Caroline ang lahat ng kaniyang ar-arian." Inabot ni Renzel sa binata ang hawak ng record tape na nanggaling sa opisina ni Darwin. "Kung ganoon ay maaring iba ang dahilan ng pagkamatay ni Caroline?" nababaghang tanong ni Argus sa kaibigan."Malaki ang posibilidad na tama ang hinala mo. Malinis magtrabaho si Darwin at maging ang doctor ay wala na rin.""Sa tingin mo, sinadya ni Cristine na baguhin ang kaniyang mukha upang malayang makabalik sa Rancho?"Lingid sa kaalaman ni Darwin ay nataniman ni Renzel ng video recorded sa ilalim ng table nito kung saan madalas ito naglalagi kasama ang tauhan ng ginoo."Sa tingin ko ay nawala siya sa kaniyang sarili alaala based sa nangyaring aksidente sa araw ng karera nila ni Arcile." Conclusion ni Renzel dahil sa pinagtagning pangyayari.Nahulog sa malalim na pag-iisip si Argus. Ramdam niyang marami ang nagbago