"ANO po ang kailangan nila?" magalang na tanong ni Ruel sa lalaking nakatayo sa harap ng bahay na tinutuloyan niya. "Ikaw ba si Ruel?"Sinuyod ni Ruel ng tingin ang lalaking kaharap. Kahit ngayon niya lang ito nakaharap ay may idea na siya kung sino ito."Ako nga po."Ngumiti si Robert sa binata, nag-ayos pa siya upang magmukhang pormal sa kaharap."Mabuti naman at nahanap na kita. Kahapon pa ako naghahanap sa iyo upang makita ang anak ko.""Kayo po ang father ni Cris?" pinasigla ni Ruel ang kaniyang tinig. "Oo, Hijo. Matagal ko na siyang hinahanap at sobrang nag-aalala nang mapanuod ang balita.""Naku mabuti naman po at nahanap niyo ako. Hindi ko po kasi alam kung sino ang kuntakin na kamag anak niya.""Kumusta na siya, pwede mo ba akong dalhin sa kaniya?"Walang pag-aalinlangan na pinapasok ni Ruel ang lalaki sa kaniyang tinutuloyang bahay. "Pasok po muna kayo at tatawagan ko ang aking assistant upang ihatid si Cris dito. Huwag po kayong mag-alala at maayos lang siya. Sumakit lang
"HELLO po!" masayang bati ni Cris sa mag-asawang naabutang nananghalian."Aba, Ineng, ikaw pala!" Tumayo si Danny upang salubungin ang bagong dating na nasa bungad ng kanilang pintuan. Sa liit ng kanilang kubo ay kita ang loob ng bahay mula sa pinto maging ang kusina."Kailan ka pa nakabalik?" Masiglang bati ng asawa ni Dany sa dalaga at pinatuloy ito sa loob."Kanina lang po at dito na ako dumiritso." Iniabot ni Cristine sa mga ito ang kaniyang pasalubong. Kinuwento niya rin ang tungkol sa nangyaring karera na ikinamangha ng mag-asawa."Kaya ka ba bumalik dito ay para magpasalamat kay Senyorita Arcile?" tanong ng asawa ni Danny kay Cris."Opo, gusto ko ring mag-relax muna at dito ko naiisipang pumunta at ituloy ang pagbabakasyon. Mahirap din ang buhay sa Manila at wala roon ang hilig kong trabaho.""Naku hindi bagay sa iyo ang maging katulong sa rancho, kung gusto mo talaga maghanap ng trabaho dito ay pwede kitang ilapit sa kumpare ko.""Nagpapasalamat na po ako sa inyo ngayon palang
NAGKUBLI si Jay sa isang sulok ng kuwadra nang makitang may kausap si Renzel na lalaki. Nakatalikod ang mga ito sa kinaroonan niya kaya gumawa siya ng paraan upang makalapit sa mga ito. Bitbit ang isang sakong dayami at mabagal ang bawat hakbang palapit sa mga ito."Manmanan mo siya." Tukoy ni Argus sa bagong alalay ng nobya."Banta ba siya sa buhay ni Arcile?" tanong ni Renzel sa binatang kaibigan. Nagulat pa siya kanina dahil sumunod ito sa kaniya para lang sabihin ang tungkol kay Cris."I can't explain but I felt strange sa tuwing nakikita siya."Tumawa si Renzel at tinukso ang kaibigan dahil iba ang nakikita niya rito sa tuwing mabanggit ang pangalan ng babae.Napaisip ng malalim si Jay kung sino ang tinutukoy ng lalaki at kung bakit kailangan pabantayan. Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakalampas na siya sa dalawa."Kanina ka pa ba riyan?" Sita ni Renzel sa lalaking dumaan sa kanilang harapan at mukhang lutang pa ito.Naudlot ang pag-apak ng isang paa ni Jay
"How dare you to touch her!" Inundayan niya ng magkasunod na suntok sa mukha ang lalaki na nagulat din sa bigla niyang pagsulpot. Kung hindi pa natumba si Cristine dahil nawalan ng balance ay hindi niya tantanan ang lalaki. Walang nakapansin sa gulong nilikha niya dahil maingay ang paligid at malayo sa kinaroonan ng mga taong abala sa sayawan at inuman. Ang lalaki ay hindi na rin magawang bumangon at mukhang nakatulog na ito dahil sa suntok niya at sa kalasingan na rin."Let's go!" Walang ingat niyang binuhat ang dalaga. Nagagalit pa rin siya dahil hindi nito sinunod ang bilin niya kanina kaya kamuntik na itong mapahamak."Aray!" Sapo ni Cristine ang ulo dahil naalog iyon sa tuwing humahakbang ang binata. "Nahihilo na po ako!" Sandaling tumigil sa paghakbang si Argus at ibinaba ang dalaga. Muli niyang sinalo ang beywang nito nang gumiwang ito sa pagkatayo."Walk!" galit niyang mando sa dalaga.Napalabi si Cristine at hindi sinunod ang binata. "Bakit ka galit?" Sinilip pa nito ang muk
Kinabukasan ay maagang gumising si Cris upang mag-jogging. Ito ang routine nila noon ni Caroline, ang maglibot sa rancho at sabayan ang mabagal na pagtakbo ang ilan sa mga kabayong umiikot sa malawak na lupain."Wala ka pa rin bang maalala?" usisa ni Robert kay Cris nang makasalubong ito. "Goodmorning po, Papa!" Bati ni Cris sa lalaki sa halip na sagutin ito. Sumabay na rin ito sa mabagal niyang pagtakbo."Alalahanin mo, isinama ka noon dito ng iyong ina at itinuro sa iyo kung saan nakatago ang yaman ng angkan nila. Kailangan mo iyon maalala upang makaalis na tayo rito." Pag-uulit ni Robert bago humiwalay sa dalaga ng tinahak na daan.Tumigil si Cris sa paghakbang at sinundan ng tingin ang paplayong lalaki. "Mother your ass!" gigil niyang bulong at pinukol ng masamang tingin ang likod ni Robert."Hello, Miss Beautiful!" Kamuntik ng matisod si Cristine nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay ang nakangising mukha ni Jay ang bumungad sa kaniya. Kilala na niya
NANINIBAGO si Arcile sa mga kinikilos ng nobyo. Lagi na itong dumadaan sa Rancho upang bisitahin siya na kabaliktaran sa ugali nito noon. Gumaan na rin ang loob niya sa bago niyang assistant at masasabi niyang mas magaling itong mangabayo kaysa kaniya."Cris, sa tingin mo magustohan ni Argus itong suot ko?" Tanong ni Arcile dito habang sinusuri ang sarili sa salamin. Nilingon niya ang kausap nang walang tugong narinig mula rito."Cris?" Pukaw niya sa tila natutulog ng diwa ng babae. Nasa mukha nito ang lungkot habang ginagala ang tingin sa loob ng kaniyang silid. "Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagandang silid?" Biro ni Arcile kay Cris.Naikurap ni Cris ang mga mata bago itinuun ang paningin kay Arcile. Naririnig niya ito kanina na nagsasalita pero hindi niya napigilan ang sariling sariwain sa isip ang alaala ng kaibigan. Ngayon lang ulit siya nakapasok doon na dating silid ni Caroline.Ngumisi siya kay Arcile bago sumagot upang alisin ang lungkot na nadarama. "Sort of." Maiksi
PAGBALIK ni Renzel sa kulungan ng kabayo ay wala na roon si Cris. Luminga muna siya sa paligid kung may iba bang taong makakita sa kaniya. Agad na kinuha ang bagay na naka install sa loob ng kuwadra at pinuntahan si Argus."Ito na ang video." Iniabot ni Renzel kay Argus ang video na kuha sa kuwadra ni Lexus. Hindi niya pinanuud iyon at hinayaang ang kaibigan na ang makakita."Thank you, si Darwin na muna ang tutukan mo." Biglang nagbago ang plano ni Argus. Nang makaalis na ang kaibigan ay saka niya pinanuod ang video clip."Hey, Baby!"Naglapat ang mga ngipin ni Argus nang marinig ang tinig ni Cris habang kinakausap ang kabayo. Tahimik niyang pinanuod ang sunod pang pangyayari sa video."What happened?" Hinaplos ni Cris ang ulo ng kabayo. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala sa kabayo. Sinuri pa nito ang katawan ni Lexus kung may sugat ba. "Hey wake up, you don't miss me?" naluluhang kausap nito sa kabayo."Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Argus at mabilis na iniwas ang
"BOSS, nawawala po si Robert." Pagbabalita ng isa sa tauhan ni Darwin na siyang inutusang tawagin si Robert, dahil dalawang araw na itong hindi nakikita."Hanapin niyo ang gagong iyon!" Bulyaw ni Darwin sa lalaki. Nag-igtingan ang mga ugat sa kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakuyom. Malapit na rin ang election at kailangan niya nang malaking pundo dahil balak niyang tumakbo bilang gobernador ng kanilang lalawigan. Mabilis na sumunod ang inutusan sa takot na dito niya ibunton ang galit. "Nasaan si George?" pabulyaw niyang tanong sa isa pang tauhan."Pabalik na siya dito, Boss."Marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Darwin upang pakalmahin ang sarili. Nawawala rin ang pamilya ni Cristine kaya malaki ang kutob niyang may sumasabotahe sa kaniyang mga galaw.Hindi mapakali si Cris habang hinihintay na mapagbuksan siya ni Arcile ng pinto. Ilang araw na rin itong tahimik at napapansin niyang malalim lagi ang iniisip. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak kanina at nagkulong sa