Share

Prologue

"Baby?" kinakabahang tawag ko nang makabalik sa pwestong pinanggalingan ko kanina, pero wala akong nadatnan doon.

"Where are you, baby?" Luminga-linga pa ako para matingnan ang mga tao sa isang restaurant ng mall kung nasaan kami ngayon.

Nasaan na ba siya?

Kinakabahang lumabas ako ng restaurant at mas tinalasan ang mga mata na inilibot ang paningin sa dagat ng mga tao.

"Baby? Where are you? Come back here. This is not a good joke," sunod-sunod na sabi ko habang naglalakad sa harap ng restaurant.

Hindi ako maaaring umalis na lang dito dahil baka bumalik siya rito at magkasalisihan kami. Mas mahihirapan ako sa paghahanap sa kaniya.

"Nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili at gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko ang emosyon, at patuloy na naghanap sa paligid malapit sa restaurant.

Sa gitna ng paglalakad ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang napakapamilyar na lalaki na magiting na naglalakad patungo sa puwesto ko.

Umusbong ang kaba sa aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Bakit siya nandito?

Ano ang ginagawa niya rito?

Sinundan niya ba ako rito?

Pinahanap?

Paano niya ako nahanap?

Malapit na siya sa kinatatayuan ko pero nagmistulang estatwa ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ako makagalaw. Gustong-gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa.

Mas lalong nadepina at lumawak ang kaniyang pangangatawan sa limang taon na hindi ko siya nakita. Mas lalong nagsusumigaw sa kaniyang ang karangyaan. Mas lalong nakaka-intimidate ang kaniyang presensiya.

Shit!

"Mommy! Mommy!" Napapikit ako nang marinig ang boses na 'yon.

Bakit dito pa?

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang magtama ang mga paningin namin. Ang kaniyang malalamig na titig na nagbibigay pa rin ng kung anong epekto sa akin.

"Mommy!" Napakurap-kurap ako at bumagsak ang aking paningin sa anak kong hinihila ang laylayan ng dress ko.

"Yes, baby?" Nag-squat ako sa kaniyang harapan at sinapo ang malalambot niyang pisngi. "Where have you been, Zeirode?"

Agad naman siyang ngumuso at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil doon.

"I'm sorry, Mommy! I saw a mascot outside that's why I left..." pagkwento niya.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang malungkot na mukha ng napakagwapo kong anak.

"It's okay. Just don't do that again, okay? You should wait for me next time," paalala ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"You're not mad at Zeirode?" inosenteng tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Of course not, my baby."

Napahinto ako sa pakikipag-usap sa anak ko nang makarinig ng isang malakas na tikhim mula sa aking likuran.

"Who is he, Mommy?" masungit na tanong ng anak ko.

Gusto kong matawa sa paraan ng pagtanong niya. Para siyang hindi limang taon na bata.

"I don't know, baby. Let me handle this, okay?" malambing na sabi ko sa kaniya.

"Alright. Make it fast, Mom," aniya.

Napailing na lang ako. Alam ko na kung kanino nagmana ang anak kong 'to. Napatigil muli ako nang may tumikhim na naman sa aking likuran at bumalik ang kaba sa dibdib ko.

"Uh... what can I do for you, Sir?" pormal na tanong ko kahit sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Anong problema niya sa itinanong ko?

"Zreinessa Nerillano." Ang pagbanggit niya sa pangalan ko ay para bang may kung anong kuryente na dumaloy sa pagkatao ko. "It's been years."

Napalunok ako. "Sir Tredore Reverio, yes, it's been years. It's nice seeing you here."

Bahagya siyang tumawa. "Who's with you?"

Mas lalong umalpas ang kabog sa dibdib ko dahil sa tanong niya pero buong tapang ko siyang sinagot.

"Zeirode Nerillano, my son," pagpapakilala ko sa anak ko.

"It's not nice meeting you. You may now leave us," malamig na sabi ng anak ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon at agad na sinaway ang anak ko.

"Rode," tawag ko sa kaniya.

Umangat naman ang masungit na tingin niya sa akin. "Are you not yet done talking? You said that you don't know him, right? And you also said, that 'Don't talk to strangers.'"

Halos mapanganga ako sa haba ng sinabi niya. Limang taon lang ba talaga 'tong anak ko?

Pilit akong ngumiti kay Tredore. "Don't mind my son. I'm sorry for that..."

Kinabahan ako nang makitang nasa anak ko ang kaniyang atensyon.

Hindi...

Hindi niya maaaring malaman...

Ayoko nang magkaroon ulit ng koneksyon sa kaniya... sa kanila...

Hinding-hindi pwede ang anak ko...

Kahit ikaw pa ang ama niya, hindi pwede...

DESIREDINK

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status