"MR. FUENTES, you may now start your presentation." I just remained quiet when I heard my father's voice echoed the board room meeting.Our father already gave Theodore and I the responsibility for the Reverio Corporations, but he's still here. Wala naman akong pakialam kung ano ang mga gustong gawin ni Daddy sa mga kompanya. Sa kaniya naman nagmula ang lahat nang 'yon at ipinamana lamang sa amin."Aren't we gonna wait for Mr. Nerillano?" Mrs. Dela Torre asked, another board member of Reverio Corporations.My father sighed. "He's gonna be late. I'll just let him in later."I just shrugged my shoulders. Hindi ako masyado pamilyar sa mukha ni Mr. Nerillano, pero ang alam ko ay malapit sila na magkaibigan ni Daddy at may hotel-chains ito. He's an investor in our company, and the same as my father was also in their hotel-chains.Natahimik ang lahat nang umpisahan ni Mr. Fuentes and presentation niya. He reported all the transactions this month in REV Shipping Lines. It was fine to listen
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.—This is story has flawed characters. If you’re looking for a perfect character then this won’t reach your standard. I write the most clichè plot twists, and I still do learning to improve my writing style.Typographical and grammatical errors are still ahed.If this story didn’t reach your standard, I’ll improve someday for you to desire my works again.Thank you.—©desiredink2022
"Baby?" kinakabahang tawag ko nang makabalik sa pwestong pinanggalingan ko kanina, pero wala akong nadatnan doon. "Where are you, baby?" Luminga-linga pa ako para matingnan ang mga tao sa isang restaurant ng mall kung nasaan kami ngayon.Nasaan na ba siya?Kinakabahang lumabas ako ng restaurant at mas tinalasan ang mga mata na inilibot ang paningin sa dagat ng mga tao."Baby? Where are you? Come back here. This is not a good joke," sunod-sunod na sabi ko habang naglalakad sa harap ng restaurant.Hindi ako maaaring umalis na lang dito dahil baka bumalik siya rito at magkasalisihan kami. Mas mahihirapan ako sa paghahanap sa kaniya."Nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili at gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko ang emosyon, at patuloy na naghanap sa paligid malapit sa restaurant.Sa gitna ng paglalakad ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang napakapamilyar na lalaki na magiting na naglala
"Mahal kong kapatid, kailangan ko talaga ng tulong mo..." Mahigpit na hinawakan ni Ate ang dalawang kamay ko at pinipisil iyon habang nakanguso ang mga labi niya.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at paulit-ulit na humihingi ng tulong sa akin si Ate Cray tungkol sa problema niya."Ate Cray naman..." maingat na reklamo ko. "Masyadong mahirap kasi 'yong pinapagawa mo..."Napabuntonghininga si Ate Cray at bahagyang yumuko. Nanatili pa rin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko na para bang ayaw niya talagang mawalan ng pag-asa sa pangungulit sa akin."Zrei, pangako, huling pabor na 'tong hinihiling ko." Sinalubong niya ulit ang mga mata ko. Bakas pa rin ang pagmamakaawa niya. "Pagbigyan mo lang ang gusto ko, hmm?"Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga. Hindi talaga ako sang-ayon sa gustong ipagawa niya sa akin. Kahit saang anggulo tingnan, hindi talaga ako sang-ayon, pero kahit na anong sabi ko no'n kay Ate
"Naiintindihan mo naman ang lahat ng sinabi ko, 'di ba?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Ate Cray."Uh, oo, walang problema," sagot ko at tipid na ngumiti sa kaniya."Buti naman, Zrei. Aasahan kita bukas. Sabay na tayong pupunta sa office ni Tredore para isagawa 'yong plano, okay?" nakangiting sabi niya sa akin.Tumango ako. "Pero, Ate... kinakabahan pa rin ako sa gusto mong ipagawa."Bumuntonghininga siya. "Don't be, okay? Nandito naman ako. Hindi naman kita pababayaan kapag naging successful ang plano natin."Siguradong-sigurado siya na magtatagumpay ang gusto niya."Alright," tanging sagot ko na lang."By the way, hindi mo pa nakikita ang mukha ni Tredore, right?" nakangiting tanong ng kapatid ko."Hindi pa," sagot ko.Nakangiti niyang inilabas ang kaniyang cell phone at nagsimulang magpindot-pindot doon. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi kaya wala sa sariling napangiti
Warning: SPGNapabalikwas ako sa aking kinauupuan nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Tredore. Mula ro'n ay lumabas si Ate Cray.Malaki ang pagkakangiti niya kaya sa palagay ko ay nagtagumpay siya sa unang hakbang ng kaniyang plano."A-Ate..." Hindi ko maiwasan na mautal. Halos bumigay na rin ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba.Kung kanina ay gusto ko na lang umalis dito, pero heto pa rin ako, gagawin ang bagay na labag sa prinsipyo ko para sa kasiyahan ng aking kapatid."The rest is on you, Zrei. I trust you," nakangiting sabi niya sa akin. She then tapped my right shoulder as if she was calming me.Napabuntong hininga ako. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking hand bag. Inilibot ko pa ang paningin sa buong palapag na 'to kung nasaan ang opisina ni Sir Tredore, pati na rin ang front desk ng secretary at waiting lobby area. Walang ibang tao maliban sa amin."Don't be nervous. I'm sure na hindi ka niya
KINABUKASAN, wala akong maramdaman kung 'di pagkahabag. Nagsisisi ako na pumayag ako sa mga plano ni Ate Cray.Alam kong simula pa lang ay maling-mali na ang gusto niyang mangyari pero ano ang ginawa ko?Pumayag ako.Pumayag ako sa kaisipang, kasiyahan niya ang magiging kapalit no'n. Pumayag ako dahil mahal na mahal ko ang kapatid ko at ayokong nakikita siyang nahihirapan, lalo pa't wala siyang kakayahan na magbuntis kaya sa akin siya umaasa.Pero nang dumating sa punto na nakita ko si Tredore na nagpipigil at kinokontrol ang sarili ay natauhan ako bigla. May taong naghirap dahil sa plano ni Ate.Akala ko ay magiging madali lang ang lahat pero hindi pala...Nang makita ko siya kung paano niya pigilan ang sarili na huwag akong mahawakan man lang ay siyang nagpasikip sa dibdib ko.Hindi ko alam...Hindi ko alam kung anong emosyon ang naramdaman ko noong mga sandali na 'yon.Hindi ko maipaliwanag...
WEEKS had passed as Ate Cray's plan happened. Ilang linggo na ang lumipas simula noon at sa loob ng mga araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang unti-unting ilayo ang sarili ko sa kanila.I felt guilty. Kahit kailan ay madadala ko na yata ang pakiramdam na 'to dahil sa nangyari. I knew that what Ate Cray has planned was out of the line, yet I still did it for the sake of my sister's happiness.Kung sakali mang magbunga ang nangyari hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, lalo pa't alam kong sa huli ay hindi mapupunta sa akin ang batang mabubuhay sa sinapupunan ko.Why sulking now, Zreinessa? Kasalanan ko pa rin ang nangyari. I have the choice to refuse about Ate Cray's plan, but in the end, I tolerated it for her happiness in exchange.Nawala ang mga iniisip ko nang maramdaman na parang maduduwal ako. Hindi ko na napigilan at agad na kumaripas ng takbo patungo sa banyo ng kwarto.I vomited. Nakaluhod ako sa