Share

Chapter 1

"Mahal kong kapatid, kailangan ko talaga ng tulong mo..." Mahigpit na hinawakan ni Ate ang dalawang kamay ko at pinipisil iyon habang nakanguso ang mga labi niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at paulit-ulit na humihingi ng tulong sa akin si Ate Cray tungkol sa problema niya.

"Ate Cray naman..." maingat na reklamo ko. "Masyadong mahirap kasi 'yong pinapagawa mo..."

Napabuntonghininga si Ate Cray at bahagyang yumuko. Nanatili pa rin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko na para bang ayaw niya talagang mawalan ng pag-asa sa pangungulit sa akin.

"Zrei, pangako, huling pabor na 'tong hinihiling ko." Sinalubong niya ulit ang mga mata ko. Bakas pa rin ang pagmamakaawa niya. "Pagbigyan mo lang ang gusto ko, hmm?"

Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga. Hindi talaga ako sang-ayon sa gustong ipagawa niya sa akin. Kahit saang anggulo tingnan, hindi talaga ako sang-ayon, pero kahit na anong sabi ko no'n kay Ate Cray ay hindi niya pinakikinggan. Ipinagpipilitan niya pa rin ang gustong mangyari.

"Mahal na mahal ko si Tredore... ayokong mawala siya sa 'kin, Zrei. Parang awa mo na tulungan mo 'ko..." naiiyak na sabi niya. Kulang na lang ay lumuhod din siya sa harap ko para lang pumayag ako sa gusto niya.

"Ate... alam mong hindi ako sang-ayon sa gusto mong mangyari," sabi ko.

"Zrei, hindi ko naman 'to ipapagawa sa 'yo kung pwede akong mabuntis..." mahinang sabi niya at nag-unahan na sa pagbagsak ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Kumirot ang dibdib ko dahil do'n. Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang malaman namin ang sitwasyon ni Ate Cray. Ayon sa doktor na pinuntahan namin, may komplikasyon sa bato si Ate at malabong mabuntis siya. Sobrang nasaktan si Ate Cray dahil do'n. Walang gabi na hindi siya umiiyak dahil do'n. Nai-kwento niya na rin sa 'kin na ilang beses na raw may nangyari sa kanila ni Tredore pero hindi man lang daw siya nabubuntis kaya naisipan niya nang magpatingin.

"Ate..." tanging sambit ko.

Nakayuko na siya at patuloy na umiiyak. Nasasaktan ako para sa kalagayan ni Ate. Wala man lang akong magawa para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya.

Ito na ba ang hudyat para pumayag ako sa gusto niyang mangyari?

Kahinaan ko kapag nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ang mga importantent tao sa akin.

"Zrei... nagmamakaawa ako. Kapag nalaman ni Tredore na hindi ako maaaring mabuntis... iiwanan niya ako!" palahaw niya.

"Hindi pa rin 'to tama, Ate..." naninimbang na sabi ko.

Umiling siya. "Zrei naman. Iisipin mo pa rin ba 'yang mga prinsipyo mo? Ayaw mo ba akong matulungan man lang?" umiiyak na sabi niya.

"Hindi naman sa gano'n, Ate..." depensa ko.

"Ipinararamdam mo sa 'kin na ayaw mo akong tulungan, Zrei..." puno ng hinanakit na sabi niya.

"Hindi, Ate," agap ko. "Iniisip ko lang na baka mayroon pang ibang paraan."

Sinalubong niya ang mga mata ko. "Sabihin mo, Zrei, may iba pa bang paraan? Gusto mong sa ibang babae ko ipagawa 'tong hinihiling ko sa 'yo?"

Natahimik ako.

"Masakit na nga para sa 'kin na sa 'yo ko ipapaubaya 'to 'tapos gusto mong sa ibang babae ko pa ipagawa?!" Tumaas ang boses niya kaya napapitlag ako.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Ngayon lang ako nasigawan ni Ate Cray. Sa buong pagsasama namin ay malapit talaga kami at bilang lang sa aming mga daliri ang mga panahon na may hindi kaming napagkakaunawaan.

"Sorry... hindi ko sinasadyang masigawan ka, Zrei..." sinserong sabi niya.

Mariin akong napalunok. Malapit na akong pumayag sa gusto niyang ipagawa sa akin, pero napapaisip ako sa kung ano ang maaaring mangyari sa akin kapag tuluyan akong pumayag.

Alam kong sa sandali na ibigay ko ang sagot na inaasahan niya ay wala na akong kawala. Malalagay rin ako sa alanganin. Magiging walang kasiguraduhan ang lahat ng mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

Malalim akong bumuntonghininga at mahigpit na humawak sa mga kamay ni Ate na nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

"Pumapayag na 'ko," pigil hiningang sabi ko.

"Totoo, Zrei?" Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko.

"Oo, Ate Cray, basta para sa 'yo," sabi ko at malumanay na ngumiti sa kaniya.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkaka-squat sa aking harapan at mahigpit akong niyakap.

"Thank you, Zrei! Tatanawin kong malaking utang na loob 'to..." malambing na sabi niya.

Tahimik lang akong tumango at hinagod-hagod ang kaniyang likod para kumalma siya sa kaniyang pag-iyak.

"Pag-usapan na natin 'yong gagawin ko, Ate," tanging sabi ko.

Nang mahimigan ko ang pagkaantok ni Ate Cray ay ipinagpabukas ko na lang ang magiging pag-uusap naming dalawa tungkol sa gusto niyang ipagawa sa akin.

Alam kong mali dahil makakasakit kami ng tao. Higit sa lahat, hindi rin ako marunong magsinungaling kaya hindi talaga ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari.

Bumuntonghininga ako. Wala na akong magagawa pa, pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Nakatulog na lang ako na hindi naaalis sa isipan ko ang mga maaaring mangyari.

"GOOD morning, Dad." H*****k ako sa kanang pisngi niya nang makarating ako sa dining table para mag-almusal.

"Good morning, hon," bati niya pabalik.

Napangiti naman ako at tahimik na umupo sa bakanteng upuan. Kaming dalawa lang ang nasa hapag pero maraming pagkain ang nakahain. Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi naman na bago ito sa akin.

"Where's Ate?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"She left this morning. Pupunta raw kay Tredore." Nagkibit-balikat si Daddy.

Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.

"By the way, substitute teacher muna ang magtuturo sa 'yo ngayon," biglang sabi ni Daddy.

"Po? But why?" kunot noong tanong ko.

"May emergency raw si Mr. Gresena," sagot ni daddy.

"Do you know who will be my substitute teacher?" tanong ko pa.

"Well, Mr. Gresena said that he's his most trusted friend naman, kaya no need to worry, hon." Ngumiti sa akin si Daddy.

"Okay," tanging sabi ko at nagkibit-balikat.

Homeschool na ang pag-aaral ko simula pa noong elementary ako. And now, two months na lang ay makaka-graduate na ako ng college with a business degree.

Naalala ko pa kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko. Kindergarten pa lang ako no'n. Kahit napakatagal na panahon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari dahil hindi ko talaga malilimutan ang araw na iyon.

Sinundo ako no'n ni mommy sa school na talagang nakasanayan ko na. Hindi ko alam na iyon na pala ang magiging huling pagsundo niya sa akin. May nagtangkang mag-kidnap sa akin pero nanlaban si Mommy at ayaw niya akong ibigay sa mga kidnappers, kaya binaril siya sa mismong harapan ko at iniwan kami.

Napabuntonghininga ako nang maalala na naman ang mapait na nakaraan. Namatay si Mommy nang araw na 'yon. Simula no'n ay hindi na ako hinahayaan ni daddy na makalabas ng mansyon nang mag-isa.

"You okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Yes, Dad." Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang ayos lang ako.

Kaya simula no'n ay napagdesisyonan ni Daddy na mag-homeschool na lang ako. Hotel chains ang pinagkakakitaan ng pamilya ko kaya hindi imposible na may magtangka talaga sa mga buhay namin dahil angat ang hotel sa bansa maging sa labas ng Pilipinas.

Nang makabalik ako sa kuwarto ay inayos ko lang ang sarili bago nagtungo sa study room para hintayin ang substitute teacher na sinasabi ni Daddy.

Sana nga lang ay hindi masungit ang substitute teacher ko ngayon.

Wala pa rin si Ate, kaya paniguradong mamayang gabi pa kami makapag-uusap tungkol sa ipapagawa niya sa akin.

"Miss Zreinessa Nerillano." Nanindig ang mga buhok ko sa batok nang makarinig ng isang baritonong boses mula sa aking likuran.

Mariin akong napalunok bago dahan-dahan na lumingon sa isang lalaki na nakatayo sa entrance ng study room. Nakasuot siya ng navy blue button-down long sleeves na naka-tucked in sa itim na slacks niya. Ang sleeves ng polo niya ay nakatupi hanggang sa kaniyang siko kaya litaw na litaw ang muscles at mga ugat sa kaniyang braso. Nakabukas din ang unang tatlong butones ng kaniyang damit kaya mas lalo akong napalunok.

Sino 'to? Ang perfect naman niya yata?

Siya na ba ang substitute teacher ko?

Nang magtama ang mga paningin namin ay parang huminto ang paligid. Sinalubong ako nang malalim at malamig niyang titig sa akin. Makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, mapula at mamasa-masa ang kaniyang labi. At ang kaniyang mga panga... nag-igting iyon kaya mas lalong nadepina ang perpekto niyang mukha.

Shit! Nagkakasala na ako rito!

"How do I look, Miss Zreinessa Nerillano?" malamig na tanong niya at tumindig na naman ang mga buhok ko sa batok maging sa mga braso ko.

Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Uh... kayo na po ba 'yong substitute teacher na ni-refer ni Sir Gresena?"

Mas pinili ko na lang na hindi sagutin ang tanong niya at magbukas ng panibagong topic. Baka may kung ano pa akong masabi kapag sumagot pa ako sa kaniya.

"About that, yes," sagot niya.

"Okay," tanging sabi ko at pumunta sa may study table para buksan ang laptop ko.

Nakaupo na ako sa aking swivel chair pero nanatiling nakatayo naman ang substitute teacher ko sa may pintuan. Napakunot ang noo ko dahil doon.

"Uh, Sir? Bakit hindi pa po kayo pumapasok?" maingat na tanong ko.

"I don't want to be accused of trespassing, Miss Zreinessa Nerillano," sagot niya.

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Trespassing pa siyang nalalaman, eh, nasa loob na nga siya ng pamamahay namin, 'di ba?

"Sorry about that. Pwede ka nang pumasok, Sir," nakangiting sabi ko na lang.

Tahimik lang siyang pumasok at agad na nagtungo sa study table ko. May nakalaan naman na isang swivel chair sa tabi ko para kay Sir Gresena, pero siya muna ang pansamantala na gagamit no'n ngayon,

Maingat niyang inilapag sa malawak na study table ang isang ataché case na dala niya at mula roon, inilabas niya ang kaniyang laptop. Iniwas ko na lang ang atensyon ko sa kaniya at itinuon ang paningin sa sariling laptop.

"Shall we start?" tanong niya.

"Yes, sir," pormal na sagot ko naman.

Sa ilang oras na pagtuturo niya sa akin ay wala naman akong naging reklamo. Hindi nga nagkamali si Sir Gresena sa pagpili sa kaniya bilang substitute teacher ko. Naipaliwanag niya nang maayos at malinaw sa akin ang mga topics namin ngayon. Magaling din naman magturo si Sir Gresena pero 'di ko lang maiwasan isipin na mabilis kong naintindihan ang mga paliwanag ng substitute teacher ko ngayon.

"Sir, I'll go downstairs po. Magpapaakyat lang po ako ng lunch," sabi ko nang mapansing malapit na mag-alas dose ng tanghali.

"Alright," tanging sagot niya at nanatiling nakatingin sa laptop ang kaniyang mga mata.

Napanguso ako sa hindi malamang dahilan. Tahimik akong tumayo at kung minamalas nga naman ako ay sumabit ang takong ng heels ko sa paanan ng swivel chair!

"Shit!" kinakabang sigaw ko at hinihintay ang pagbagsak ko sa malamig na tiles ng study room pero hindi iyon nangyari.

Nanatili akong nakapikit pero ramdam ko ang mainit na bisig na nakayakap sa akin. Matindi ang naging paglunok ko bago idilat ang aking mga mata. Hindi magkamayaw ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nanlalaking mga matang napatingin ako kay Sir nang mapagtanto ang posisyon namin ngayon! Bumagsak ako sa kandungan niya at nakapulupot sa baywang ko ang mga braso niya!

Ramdam ko ang pag-apoy ng aking mga pisngi pero hindi ko magawang maialis ang titig ko sa lalaking nasa harapan ko. Ang malalim at malamig niyang mga mata ay para bang hinihigop ang kaluluwa ko.

"S-Sorry, Sir... pasensya na po," nauutal na sabi ko at akmang aalis na sa kandungan niya nang pigilan niya ako.

"Stay still," aniya sa malamig na boses.

Napalunok ulit ako at napakurap-kurap. Bahagyang nakabuka ang aking mga labi pero wala akong maisip na tamang salita na puwedeng sabihin sa mga sandaling 'to.

"H-Ha?" lutang na tanong ko.

"Stay fucking still, Zreinessa." Napapitlag ako nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa balat ng leeg ko.

DESIREDINK

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status