ILANG minuto akong nanatili sa likod ng pader, sinisigurado na sa paglabas ko ay wala na sina Sathel at Tredore.Kadarating ko lang dito sa Spain tapos makikita ko agad si Tredore?I can't believe this!I'm hiding from him and yet, he's here?Lumabas ako sa pinagtataguan ko makalipas ang ilang minuto. Nakahinga ako nang maluwag nang wala na sina Sathel at Tredore.Napagpasyahan ko na lang maglibot-libot sa paligid. Doon ako nagsimula sa likod para hindi makatakaw ng pansin. Hindi lang isang building ang The Neri, apat na building ang nakapalibot sa paligid ko. That's the NeA, NeB, NeC, and NeD. Kasalukuyan akong nandito sa NeA.Hindi lang ako ang naglilibot-libot sa paligid. Karamihan sa mga nakikita ko ay mukhang mga turista na pinili ang hotel namin para kanilang masilungan. Napapangiti ako tuwing may nakikitang mga tao na mukhang tuwang-tuwa habang nanatili rito.I'm glad that they're please as they stay in our hotel.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na pala ako
I HAVE a peaceful life living here in Spain. It's been a week since I arrived here. Talagang nakatutulong sa akin ang pagtatrabaho sa hotel dahil nawawala sa aking isip kung ano ang mga iniwan ko sa Pilipinas.Wala rin akong balita kay Ate Cray. Hindi niya pa ako natatawagan sa nakalipas na isang linggo. Maybe she's busy being with Tredore, right?Wait! I sounded like a jealous woman.Napailing na lang ako sa isip ko. Naalala ko pa noong mga unang araw ko rito kung saan nandito rin si Tredore. Nagawa kong hindi magkrus ang mga landas namin. Halos hindi na ako lumabas ng opisina ko hanggang sa mabanggit sa akin ni Sathel na umalis na siya ng Spain at bumalik ng Pilipinas.I'm glad right now that I shouldn't worry about him being around here anymore. Mas kampante ako ngayong alam ko na wala siya.Nawala ako sa mga iniisip ko nang makarinig ng katok sa pinto ng aking opisina. Kasunod noon ay pagbukas at iniluwan si Sathel na may dalang dokumento."Madam! Good afternoon!" he greeted as h
"THE baby's well productive, Miss Nerillano." Napangiti ako sa sinabi ni Doc. Annie, ang bago kong OB na kinuha ni Daddy."It's good to hear, Doc," I softly said as I touched my stomach tenderly.May kalakihan na ang tiyan ko pero hindi kasinglaki ayon sa buwan nito. Tatlong buwan na lang ang hihintayin ko at makikita ko na ang pinakamamahal kong anghel."Are you sure that you don't want to know its gender?" nakangiting tanong sa akin ni Doc. Annie.I shook my head. "I want to surprise myself po.""Well, you'll be really surprised." She shrugged her shoulders."Madam, may gusto ka pong kainin?" tanong ng aking personal nurse na si Kyla."Wala pa naman, Kyla," sagot ko sa kaniya at ngumiti.Naupo ulit si Doc. Annie sa isang couch at may binabasang dokumento. Tumabi naman sa akin si Kyla. Mula pa sila Pilipinas at dahil kay Daddy kaya sila nandito ngayon sa tabi ko."Ayaw mo talaga malaman 'yong gender, Madam?" pang-uusisa ni Kyla.I smiled. "Ayoko talaga, Kyla. Gusto kong malaman sa mi
"PUSH hard, Zrei! Come on! You can do this!" paulit-ulit na sabi ni Doc. Annie.Hingal na hingal na ako kaiire pero hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos 'to. Hindi ko naman na magiging ganito pala mahirap ang manganak!"AAAAHHHH!" I pushed hard as I was catching my breath."Kaunti na lang, Zrei. The baby's head is now showing," rinig kong sabi ni Kyla.Agad naman akong nabuhayan dahil sa narinig ko sa kaniya.My baby...Nagpakawala ulit ako ng isang mahabang pag-ire. Pinilit kong maging sunod-sunod iyon para matapos na ang paghihirap ko."Sasapakin ko talaga si Sathel. Ang lakas ng loob na sasama rito tapos wala naman pala siya!" rinig kong reklamo ni Kyla pero hindi ko na muna pinansin dahil sa kagustuhang matapos na ang nangyayari."Last one, Zrei! Push!" ani Doc. Annie na agad ko namang sinunod.Hingal na hingal ako nang marinig ang iyak ng sanggol. I suddenly have the urge to cry when I heard its angelic cries, but Doc. Annie stopped me. Her next words made me stunned for
"DO your fucking works properly! Inuulit ko sa inyo! Apo ko ang nawawala! I don't want to hear that there are still no progress the next time I called!" umalingawngaw ang sigaw ni Daddy sa buong sala.Halos ibato niya ang hawak na cell phone pero mukhang natauhan din agad siya."Useless!" he furiously uttered.My father was really furious when he heard about what happened at the hospital. Agad siyang lumipad dito sa Spain at kagabi pa siya nandito sa bahay na ibinigay niya sa akin."Calm down, Dad," mahinahong sabi ko.Hindi ko nga alam kung paano ko nagagawang mapakalma si Dad kahit gulong-gulo na rin ang kaloob-looban ko. Hindi ko pa rin matanggap na nawala nga ang isang anghel ko. I was blaming myself. Kung hindi lang ako nawalan ng malay noong mga panahon na 'yon ay baka may nagawa ako! Hindi ko matanggap na naging mahina ako noong mga panahon na kailangan ako ng mga anak ko.I was a useless mother..."I'm sorry..." my father trailed off. Nawala ang mga iniisip ko dahil sa lungko
"THEY have pretty names." Sathel smiled. Umaliwalas na rin ang kaniyang mukha."Of course!" I chuckled. "Hindi ko akalain na dalawang anghel pala ang dinadala ko.""Surprise talaga, Madam," aniya."Sobra." Napangiti ako nang maalala ang reaksyon ko sa gitna ng panganganak."Nangingiti ka r'yan?" pang-aasar niya.I glared at him. "Pakialam mo ba! Mas dinaig mo pa nga reaksyon ko no'ng malaman kong kambal ang anak ko!"Gulat na gulat kasi ang hitsura niya. Akala mo siya 'yong nagbuntis!He chuckled. "Nakakagulat naman kasi talaga, Madam. Sino ba naman nag-expect na kambal na pala ang dala-dala mo?"I let out a heavy sigh. "Hahanapin ko pa rin si Zreandra. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang taong may gawa nito sa pamilya ko.""I will help you as I can, Zrei. Tutulong ako sa paghahanap," he muttered.I'm so lucky to have Sathel on my side. He's my greatest friend. Talagang nag-aalala ako para sa kaligtasan niya no'ng mabalitaan ko ang nangyari sa kaniya.Hndi ko yata matatang
"MADAM, ako na magbubuhat kay Sir Zeirode," Mang Isko offered.I shook my head. "Ako na po, Mang Isko. Kaya ko po." I smiled.Maingat kong binuhat si Zeirode na nakatulog sa biyahe namin pauwi galing hotel. Nagpasundo ako kay Mang Isko dahil kinakabahan ako magmaneho ng sasakyan kapag kasama si Zeirode na natutulog.Hindi man lang natinag ang pagkakatulog ng aking anak nang buhatin ko siya. Napangiti ako dahil gano'n pa rin ang pagkama-antukin niya.Nang makarating sa kwarto ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. He moved a bit, but his sleep wasn't disturbed still. Napailing na lang ako at inayos ang comforter sa kaniyang katawan.I heaved a deep sigh as I sat on the couch at the living area of my room. Pagod na sumandal ako sa couch at tumingala sa kisame."I felt so drained..." I whispered to myself.Mistulang naubos ang lakas ko nang makita si Tredore at ang kaisipang makikita niya kami ni Zeirode. Of course, I want my son to meet his father, but this is not the right time and
"ZREI, ayos ka lang?" tanong ni Sathel nang makabalik ako sa mesa namin. "You look pale."I smiled. "Ayos lang ako. Tinanggal ko lang 'yong lipstick. Hindi ko gusto 'yong shade."Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko dahil nagtagal ang kaniyang titig sa akin. "You sure?""Yes, Sath. Don't worry about me, okay?" pangungumbinsi ko pa.He sighed as he nodded."Let's eat?" Pinilit kong maging masigla ang boses para mawala ang pagdududa ni Sathel.Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami nang harapan ni Tredore. Alam kong nagpaplano na siya kung paano makukuha ang anak ko.Pinasubaybayan niya ba ako?Bakit ngayon lang siya kumilos?Hindi. Hindi ako makapapayag na makuha pa si Zeirode sa akin. Hinding-hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin gaya nang pagkawala ni Zreandra."Madam, may bibilhin lang ako sa department store. Saglit lang po ako," paalam ni Clara nang matapos kami kumain."Samahan ka na namin?" I offered.She shook her head. "Hindi na po! Saglit lang po talaga ako. M