Share

Chapter 2

Author: ashtrizone
last update Last Updated: 2022-04-05 02:10:17

"Naiintindihan mo naman ang lahat ng sinabi ko, 'di ba?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Ate Cray.

"Uh, oo, walang problema," sagot ko at tipid na ngumiti sa kaniya.

"Buti naman, Zrei. Aasahan kita bukas. Sabay na tayong pupunta sa office ni Tredore para isagawa 'yong plano, okay?" nakangiting sabi niya sa akin.

Tumango ako. "Pero, Ate... kinakabahan pa rin ako sa gusto mong ipagawa."

Bumuntonghininga siya. "Don't be, okay? Nandito naman ako. Hindi naman kita pababayaan kapag naging successful ang plano natin."

Siguradong-sigurado siya na magtatagumpay ang gusto niya.

"Alright," tanging sagot ko na lang.

"By the way, hindi mo pa nakikita ang mukha ni Tredore, right?" nakangiting tanong ng kapatid ko.

"Hindi pa," sagot ko.

Nakangiti niyang inilabas ang kaniyang cell phone at nagsimulang magpindot-pindot doon. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi kaya wala sa sariling napangiti rin ako. Tama lang siguro na pumayag ako sa mga plano niya dahil isa naman iyon sa ikakasaya niya.

Sino ba naman ako para ipagkait ang kasiyahan niya, 'di ba?

"Here." Inilapit niya sa akin ang kaniyang cell phone at may picture iyon ng isang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo.

Malalim akong napalunok at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon!

"Siya si T-Tredore?" utal na tanong ko at pilit na itinatago ang matinding pagkagulat.

Nag-umpisa na ring manginig ang aking mga kalamnan at pati mga kamay ko, pero pinigilan ko iyon para hindi makahalata si Ate Cray.

"Yes!" kinikilig na sabi niya. "Ang guwapo niya, 'di ba?"

Sunod-sunod ang naging paglunok ko at itinuon ulit ang atensyon sa picture na nasa cell phone ni Ate. Nanunuyo na lang ang lalamunan ko dahil sa labis na kaba at pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho bigla.

Ano 'tong pinasok ko?!

"Ayos ka lang, Zrei?" nag-aalalang tanong ni Ate Cray. "You look pale."

Pilit akong tumawa at umiling. "A-Ayos lang ako, Ate."

Ibinalik ko sa kaniya ang cell phone niya. HIndi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.

Si Tredore na sinasabi ni Ate ay siya ring substitute teacher ko kanina!

Damn! Gusto ko na lang talaga maglaho sa hangin!

"Bukas, Zrei, ah. Sabay tayo papuntang office ni Tredore." Kumindat pa siya sa akin bago magiliw na lumabas ng kwarto ko.

Nanatili naman akong nakatulala dahil hindi pa matanggap ng sistema ko ang nakita ko ngayon-ngayong lang.

Bakit siya pa?

Bakit siya pa si Tredore?

Bakit hindi ko man lang alam na si Tredore na pala ang kasama ko kanina study room?

Bakit...

Argh! Malaki na agad ang kasalanan ko kay Ate...

Nang dahil doon ay sumagi na naman sa isip ko ang mga nangyari sa study room kanina.

"Stay fucking still, Zreinessa." Napapitlag ako nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa balat ng leeg ko.

"S-Sir, anong ginagawa mo? Uhmm..." Hindi ko na napigilan ang pagiging mas malambing ng boses ko nang maramdaman ang paglapat ng mga labi ni Sir sa leeg ko.

Sobrang bago ito sa pakiramdam ko. Hindi ko alam pero para na akong nag-aapoy sa mga oras na 'to. Wala akong experience sa mga ganitong karanasan dahil halos nasa bahay lang ako.

"Damn..." mahinang sabi ni Sir. "I'm sorry..."

Napadilat ako nang tumigil siya sa kaniyang paghalik sa leeg ko. Nagtama ang mga paningin namin. Ang mga mata niyang namumungay at parang lasing na nakatitig sa akin. Nakabuka pa ang kaniyang bibig. Bumagsak ang tingin ko ro'n nang basain niya iyon gamit ang kaniyang dila.

Para akong inaakit ng mga labi niya kaya naging sunod-sunod ang paglunok ko.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy sa sistema ko nang mailapat ko ang aking kamay sa kaniyang pisngi. Nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya dahil sa ginawa ko.

"Bakit ganito, Sir...?" kinakabahang tanong ko.

Hinahagod-hagod ko gamit ang aking hinlalaking daliri ang kaniyang pisngi at siya naman ay napapikit na tila ba dinadama ang haplos na ibinibigay ko sa kaniya.

"Hmm?" tanging usal niya.

Napalunok ulit ako. "Ang bilis ng tibok ng puso ko..."

Nag-igting ang kaniyang panga at marahas na idinilat ang mga mata niya. Muling nagtama ang mga paningin namin. Ang mga titig niya na parang pinapasok maging ang kaluluwa ko.

Ano itong ginagawa niya sa akin?

Ang init ng pakiramdam ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tama ba 'tong ginawa namin?

Napabalik ako sa huwisyo dahil doon. Agad na inalis ko ang aking kamay sa kaniyang pisngi na para bang napaso ako roon. Nagsalubong naman ang mga kilay niya at naging matindi ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

Mali ito! Ano bang nangyayari sa akin?! Teacher ko siya! Ano'ng pumasok sa isip ko at napunta kami sa ganitong sitwasyon?

Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan nang muli niyang higpitan ang kapit niya sa aking baywang. Hinapit niya ako palapit sa kaniya kaya bumagsak ang katawan ko sa matipuno niyang dibdib.

"S-Sir..." kinakabahang sabi ko.

Gusto kong matigil ito dahil mali, pero mayroon sa kaloob-looban ko na parang gustong ipagpatuloy ito.

"You can make me really crazy... effortless, Zreinessa," aniya.

Napatili ako nang bahagya niya akong inangat at pinirmi sa kaniyang kandungan. Pinaghiwalay niya ang dalawang hita ko na ngayon ay nakapulupot sa magkabilang baywang niya.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang mawawasak na ang ribcage ko ano mang oras.

"Zreinessa, look at me." Malambing ang boses niya na mas lalong nagpausbong sa kung anong sensasyon na nararamdaman ko ngayon.

"Sir..." mahinang tugon ko. Wala na rin akong mabigkas na tamang salita sa mga oras na 'to. Nagtatalo rin ang kaloob-looban ko kung ano ang nararapat na gawin.

"Can I kiss you?" tanong niya.

Bahagya akong napanganga dahil sa tanong niya.

Shit! Mali ito pero bakit parang gusto ko mangyari 'yon? Hindi ko alam na may pagkahalay pala ang utak ko!

Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang mamasa-masang mga labi. Nakakapang-akit iyon at hindi ko na lang namalayan ang sarili na hinahalikan ko na siya.

Napaungol ako nang maging malalim ang halikang pinagsasaluhan namin. Ang mga braso ko ay pumulupot sa kaniyang batok at mas lalo kong idiin ang sarili sa kaniyang katawan.

"Uhmm..." Hindi ko akalain na mas may ilalambing pa ang boses ko dahil sa nangyayari ngayon. Ni halos hindi ko na makilala na boses ko pala 'yon.

Mas lalong naging malalim ang aming paghahalikan nang matagpuan ng kaniyang dila ang loob ng aking bibig. Nagmistulang mga espada ang aming mga dila at ninamnam ang bawat isa.

"Fuck!" ungol ni Sir.

Gusto kong matawa dahil hindi ko man lang pala alam ang pangalan ni Sir.

Napatingala ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. Mas lalong nag-init ang kung anong sensasyon na lumulukob sa sistema ko. Nawawala ako sa ulirat.

Naramdaman ko ang isang kamay ni Sir na bumagsak sa hita ko. Tanging floral dress lang ang suot ko at bahagya pang naangat iyon dahil sa pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan. Dahan-dahan ang kaniyang paghaplos doon. May kung ano naman sa loob ko na para bang hindi makuntento sa haplos na ibinibigay niya.

"Touch me, Sir..." paos na sabi ko.

"Damn, baby. Your sexy moans and pleas sound music to my ears..." nang-aakit na bulong niya.

Napasinghap ako nang bahagya niyang ibaba ang suot kong floral dress sa may bandang dibdib. Ibinaba niya iyon at tanging itaas na bahagi ng dibdib ko lang ang nakikita. Bumaba ang halik niya roon at napaungol ako nang s******n niya ang balat ko sa bahaging iyon.

Ang sarap sa pakiramdam ng mga labi niya sa balat ko. Hindi ko na rin maipaliwanag ang mga nagiging kilos ko, basta ang alam ko lang ay nakakadala ang mga halik at haplos niya sa aking balat.

Napabalik ako sa ulirat nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng aking kuwarto. Nawala ang mga ala-alang kanina lang nangyari.

"Madam, dinner na raw po!" Narinig ko ang boses ng kasambahay namin sa labas ng kuwarto.

"Susunod na po!" magalang sa sigaw ko pabalik.

Bumuntonghininga ako at pilit na iwinawaksi ang pangyayaring iyon. Hindi tama 'yon at napakalaking kasalanan no'n kay Ate Cray.

Bakit ba kasi hindi ko muna inalam ang pangalan ng substitute teacher ko? Alam ba ni Daddy na si Tredore ang naging substitute teacher ko ngayon?

Sa ideyang iyon ay pakiramdam ko ay parang nawalan ng kulay ang mukha ko. Mas maigi na lang yata na hindi alam ni Daddy dahil baka mabanggit niya pa kay Ate Cray. Alam na alam pa naman nila kung nagsisinungaling ako sa mga salitang sinasabi ko o hindi.

Napabuntonghininga na lang ulit ako at lumabas ng kwarto para sa dinner.

KINABUKASAN, gaya nang sinabi ni Ate Cray ay sabay kaming pumunta sa opisina ni Tredore. Hindi pa rin nawawala ang mga bodyguards na nakabuntot sa amin kapag kasama ako ni Ate na lumalabas ng mansyon.

Hindi na ako nabigla nang makarating kami sa kompanya nila Sir Tredore. Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si Ate sa lalaki. Si Sir Tredore Reverio lang naman ang CEO ng Reverio Corporations. One of the most richest family ang mga Reverio at sobrang lago ng company nila.

Hindi na ako nagulat pa dahil halata naman sa karangyaan si Sir Tredore kahapon na sumisigaw ng pagka-bilyonaryo ang buong pagkatao, at marami naman talaga ang nagkakandarapa sa kaniya sa pagkakaalam ko. Social media was really a big use today. Kahit nasa bahay lang ay alam ko pa rin ang ibang issues sa business industry.

Speaking of, nakahinga talaga ako nang maluwag kagabi nang malamang hindi naabutan ni Daddy ang pagdating ni Sir Tredore sa mansyon, dahil umalis na rin agad siya papuntang The Neri, ang hotel namin.

Nag-umpisang manlamig ang mga kamay ko nang pumasok kami sa mataas na gusali ng Reverio Corporations. Taas noo namang naglakad si Ate Cray sa loob habang ako ay nakabuntot lang sa likod niya at nakayuko.

Hindi ako sanay sa titig ng mga tao na ibinibigay sa akin. Alam kong curious sila sa pagkatao ko dahil bihira lang ako lumabas— ang isang anak ni Zeino Nerillano. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagsunod kay Ate Cray hanggang sa makasakay kami ng elevator.

Napabuntonghininga ako.

"You okay, li'l sis?" tanong sa akin ni Ate Cray.

"Yes. ayos lang ako," sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Pinakalma ko ang aking sarili at inayos ang pananamit ko.

"Ako na ang bahala na maglagay ng drug sa inumin niya. Papasok ka ng opisina kapag lumabas ako, okay?" ilang ulit na habilin niya.

Wala naman akong nagawa kung 'di ang tumango sa gusto niyang mangyari. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sang-ayon tungkol doon, pero pumayag na ako.

Lalagyan niya ng drug ang inumin ni Sir Tredore. Kapag nagkaroon na raw ng epekto ang drug sa kaniya ay saka niya ako papapasukin at gagawin ang gusto niyang mangyari. Ang makipag-sex ako kay Sir Tredore at kapag nabuntis ako ay mapupunta kay Ate Cray ang batang nasa sinapupunan ko, dahil wala siyang kakayahan na magkaanak.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hand bag na dala ko. Tama ba 'tong pinasok ko?Para naman sa kasiyahan ito ni Ate kaya sa tingin ko ay wala namang mali sa naging desisyon ko.

Napabuntonghininga na lang ako at umupo sa waiting area sa labas ng opisina ni Sir Tredore kung saan pumasok na si Ate Cray, at isinasagawa ang gusto niyang mangyari.

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ba 'to o hindi...

DESIREDINK

Related chapters

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 3

    Warning: SPGNapabalikwas ako sa aking kinauupuan nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Tredore. Mula ro'n ay lumabas si Ate Cray.Malaki ang pagkakangiti niya kaya sa palagay ko ay nagtagumpay siya sa unang hakbang ng kaniyang plano."A-Ate..." Hindi ko maiwasan na mautal. Halos bumigay na rin ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba.Kung kanina ay gusto ko na lang umalis dito, pero heto pa rin ako, gagawin ang bagay na labag sa prinsipyo ko para sa kasiyahan ng aking kapatid."The rest is on you, Zrei. I trust you," nakangiting sabi niya sa akin. She then tapped my right shoulder as if she was calming me.Napabuntong hininga ako. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking hand bag. Inilibot ko pa ang paningin sa buong palapag na 'to kung nasaan ang opisina ni Sir Tredore, pati na rin ang front desk ng secretary at waiting lobby area. Walang ibang tao maliban sa amin."Don't be nervous. I'm sure na hindi ka niya

    Last Updated : 2022-04-05
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 4

    KINABUKASAN, wala akong maramdaman kung 'di pagkahabag. Nagsisisi ako na pumayag ako sa mga plano ni Ate Cray.Alam kong simula pa lang ay maling-mali na ang gusto niyang mangyari pero ano ang ginawa ko?Pumayag ako.Pumayag ako sa kaisipang, kasiyahan niya ang magiging kapalit no'n. Pumayag ako dahil mahal na mahal ko ang kapatid ko at ayokong nakikita siyang nahihirapan, lalo pa't wala siyang kakayahan na magbuntis kaya sa akin siya umaasa.Pero nang dumating sa punto na nakita ko si Tredore na nagpipigil at kinokontrol ang sarili ay natauhan ako bigla. May taong naghirap dahil sa plano ni Ate.Akala ko ay magiging madali lang ang lahat pero hindi pala...Nang makita ko siya kung paano niya pigilan ang sarili na huwag akong mahawakan man lang ay siyang nagpasikip sa dibdib ko.Hindi ko alam...Hindi ko alam kung anong emosyon ang naramdaman ko noong mga sandali na 'yon.Hindi ko maipaliwanag...

    Last Updated : 2022-04-05
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 5

    WEEKS had passed as Ate Cray's plan happened. Ilang linggo na ang lumipas simula noon at sa loob ng mga araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang unti-unting ilayo ang sarili ko sa kanila.I felt guilty. Kahit kailan ay madadala ko na yata ang pakiramdam na 'to dahil sa nangyari. I knew that what Ate Cray has planned was out of the line, yet I still did it for the sake of my sister's happiness.Kung sakali mang magbunga ang nangyari hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, lalo pa't alam kong sa huli ay hindi mapupunta sa akin ang batang mabubuhay sa sinapupunan ko.Why sulking now, Zreinessa? Kasalanan ko pa rin ang nangyari. I have the choice to refuse about Ate Cray's plan, but in the end, I tolerated it for her happiness in exchange.Nawala ang mga iniisip ko nang maramdaman na parang maduduwal ako. Hindi ko na napigilan at agad na kumaripas ng takbo patungo sa banyo ng kwarto.I vomited. Nakaluhod ako sa

    Last Updated : 2022-04-05
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 6

    WEEK had passed after the revelation about my pregnancy. Hindi rin nagkulang si Rosel sa pagpapaalala at pagtatanong sa mga nararamdaman ko. Nakakatuwa na sa lumipas na isang linggo ay normal ang mga pagkilos ko. Mas ginanahan din ako na magpatuloy sa class session ko kay Sir Gresena para matapos ang degree ko sa susunod na dalawang buwan.I already made a decision. After I officially graduated with my homeschool business degree, I decided to flew overseas— in Spain. Mayroon kaming hotel doon at gagawin ko iyong dahilan upang maitago ang pagbubuntis ko sa kanilang lahat pero maliban sa isang tao. I can't afford to keep this situation to my father. He needs to know what's happening to me.Kaya ngayon ay nasa harap ako ng kaniyang office dito sa mansyon. Hindi siya nagtungo sa hotel at sinabing dito muna siya sa mansyon magtatrabaho. Wala naman si Ate Cray kaya panatag ang loob ko.I let out a heavy sigh. Hinawakan ko ang door handle at dahan-dahan na binuksan ang pinto. My heart was h

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 7

    I ARRIVED at Spain perfectly fine. Since si Daddy mismo ang nag-assign sa akin dito sa Spain, hindi magkakaroon ng hinala si Ate Cray. Sa huli ay pinagbigay alam na lang namin kay Ate Cray na sa Spain ako magtatrabaho muna at hindi sa U.S.Before I left the Philippines, they threw a simple despedida party for me. Buong tauhan namin sa bahay ay nakisalo. Gustuhin ko man na isama si Rosel sa akin ay hindi ko na ginawa dahil malalayo siya sa kaniyang pamilya. Well, we have each other's contact numbers, so we could still talk if we wanted."I'm already here at the hotel, Dad," sabi ko habang hawak ang cell phone na nasa kanang tainga ko."Thank God, you arrived safely," he muttered.I chuckled. "You opt to use the private plane of course, that would be less hassle.""It's safer for my princess and my grandson," aniya."You're really assured that my angel's a baby boy, Dad," naiiling na sabi ko.Sa mg araw na magkasama kami ni Daddy ay walang araw na hindi niya ipinagpipilitan na lalaki an

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 8

    ILANG minuto akong nanatili sa likod ng pader, sinisigurado na sa paglabas ko ay wala na sina Sathel at Tredore.Kadarating ko lang dito sa Spain tapos makikita ko agad si Tredore?I can't believe this!I'm hiding from him and yet, he's here?Lumabas ako sa pinagtataguan ko makalipas ang ilang minuto. Nakahinga ako nang maluwag nang wala na sina Sathel at Tredore.Napagpasyahan ko na lang maglibot-libot sa paligid. Doon ako nagsimula sa likod para hindi makatakaw ng pansin. Hindi lang isang building ang The Neri, apat na building ang nakapalibot sa paligid ko. That's the NeA, NeB, NeC, and NeD. Kasalukuyan akong nandito sa NeA.Hindi lang ako ang naglilibot-libot sa paligid. Karamihan sa mga nakikita ko ay mukhang mga turista na pinili ang hotel namin para kanilang masilungan. Napapangiti ako tuwing may nakikitang mga tao na mukhang tuwang-tuwa habang nanatili rito.I'm glad that they're please as they stay in our hotel.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na pala ako

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 9

    I HAVE a peaceful life living here in Spain. It's been a week since I arrived here. Talagang nakatutulong sa akin ang pagtatrabaho sa hotel dahil nawawala sa aking isip kung ano ang mga iniwan ko sa Pilipinas.Wala rin akong balita kay Ate Cray. Hindi niya pa ako natatawagan sa nakalipas na isang linggo. Maybe she's busy being with Tredore, right?Wait! I sounded like a jealous woman.Napailing na lang ako sa isip ko. Naalala ko pa noong mga unang araw ko rito kung saan nandito rin si Tredore. Nagawa kong hindi magkrus ang mga landas namin. Halos hindi na ako lumabas ng opisina ko hanggang sa mabanggit sa akin ni Sathel na umalis na siya ng Spain at bumalik ng Pilipinas.I'm glad right now that I shouldn't worry about him being around here anymore. Mas kampante ako ngayong alam ko na wala siya.Nawala ako sa mga iniisip ko nang makarinig ng katok sa pinto ng aking opisina. Kasunod noon ay pagbukas at iniluwan si Sathel na may dalang dokumento."Madam! Good afternoon!" he greeted as h

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 10

    "THE baby's well productive, Miss Nerillano." Napangiti ako sa sinabi ni Doc. Annie, ang bago kong OB na kinuha ni Daddy."It's good to hear, Doc," I softly said as I touched my stomach tenderly.May kalakihan na ang tiyan ko pero hindi kasinglaki ayon sa buwan nito. Tatlong buwan na lang ang hihintayin ko at makikita ko na ang pinakamamahal kong anghel."Are you sure that you don't want to know its gender?" nakangiting tanong sa akin ni Doc. Annie.I shook my head. "I want to surprise myself po.""Well, you'll be really surprised." She shrugged her shoulders."Madam, may gusto ka pong kainin?" tanong ng aking personal nurse na si Kyla."Wala pa naman, Kyla," sagot ko sa kaniya at ngumiti.Naupo ulit si Doc. Annie sa isang couch at may binabasang dokumento. Tumabi naman sa akin si Kyla. Mula pa sila Pilipinas at dahil kay Daddy kaya sila nandito ngayon sa tabi ko."Ayaw mo talaga malaman 'yong gender, Madam?" pang-uusisa ni Kyla.I smiled. "Ayoko talaga, Kyla. Gusto kong malaman sa mi

    Last Updated : 2022-08-06

Latest chapter

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Epilogue

    "MR. FUENTES, you may now start your presentation." I just remained quiet when I heard my father's voice echoed the board room meeting.Our father already gave Theodore and I the responsibility for the Reverio Corporations, but he's still here. Wala naman akong pakialam kung ano ang mga gustong gawin ni Daddy sa mga kompanya. Sa kaniya naman nagmula ang lahat nang 'yon at ipinamana lamang sa amin."Aren't we gonna wait for Mr. Nerillano?" Mrs. Dela Torre asked, another board member of Reverio Corporations.My father sighed. "He's gonna be late. I'll just let him in later."I just shrugged my shoulders. Hindi ako masyado pamilyar sa mukha ni Mr. Nerillano, pero ang alam ko ay malapit sila na magkaibigan ni Daddy at may hotel-chains ito. He's an investor in our company, and the same as my father was also in their hotel-chains.Natahimik ang lahat nang umpisahan ni Mr. Fuentes and presentation niya. He reported all the transactions this month in REV Shipping Lines. It was fine to listen

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 40

    MALALIM akong bumuntonghininga nang matapos ang pagmi-make-up sa mukha ko. Nakatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. I requested my look to be simple. Ayokong masyadong makolorete ang mukha ko kahit araw 'to ng kasal ko. Yes, ikakasal na kami ni Tredore ngayong araw. Sa nakalipas na isang buwan ay ang kasal namin ang pinagtuunan namin ng pansin.Inayos ng isang staff ang belo sa ulo ko. Hindi pa 'yon nakatabing sa mukha ko dahil inaayusan pa ako.I smiled at my reflection. I'm wearing my wedding dress. Mamaya lang ay maglalakad na ako sa altar papunta sa lalaking mahal na mahal ko.Napatingin ako sa pinto mula sa salamin nang bumukas 'yon at iniluwa si Clara. Ngumiti ako sa kaniya. She waved her hand as she took her steps inside the room."Wala talagang kupas ang ganda mo, Madam!" puri niya nang makalapit sa akin.Nakasuot siya ng beige long gown. Siya ang maid of honor ko habang si Theodore naman ang kinuhang best man ni Tredore. Naalala ko pa na nagsagutan na naman sila nina H

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 39

    "I HAVE decided to go back in Spain," Sathel informed.I sighed as I nodded. "Hindi kita pipigilan sa gusto mo, Sath. Salamat sa lahat ng ginawa mong kabutihan para sa 'kin at sa anak ko. I'm sorry if I can't give back your feelings for me."Another week had passed. Isang linggo akong nanatili sa ospital para mabawi ko ang lahat ng lakas na nawala sa akin. Hindi ko naman naramdaman na nag-iisa ako dahil lahat sila ay asikasong-asikaso sa akin.Nalaman ko na rin ang nararamdaman ni Sathel para sa 'kin. Matagal ko nang nararamdaman na may iba pa siyang nararamdaman sa akin, bukod sa pagiging malapit naming magkaibigan. Hindi ko lang binigyan ng pansin 'yon dahil hindi rin naman niya binubuksan ang usaping 'yon, at sinasabi ko lang sa sarili ko na hanggang magkaibigan lang naman talaga kami."Hey, don't be sorry. Ilang beses ko ng sinabi na huwag kang mag-sorry," sabi niya at bahagyang tumawa. "It's not your fault for liking you, Zrei. Sino ba kasi ang hindi mahuhulog sa 'yo? Kahit si Th

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 38

    "FIX yourself, Tredore! You look a mess right now!" I heard Tita Aren's voice, but all I can see was darkness.Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa iminumulat ang aking mga mata. Gusto ko munang magmasid sa paligid. Alam kong nasa ospital ako ngayon dahil sa nangyari."How, Mom? She's still not awake." Tredore's hoarse voice echoed.Kahit boses niya lang ang narinig ko ay nagwawala ang kaloob-looban ko, pero tunog nanghihina ang kaniyang boses. He seemed tired and weak."Zreinessa won't be happy seeing you like this! Fix yourself, hmm?" malambing na sabi ni Tita Aren na talagang hinihikayat si Tredore."I want to see her awake first," Tredore replied. "I won't leave here."Tita Aren heavily sighed. "Babalik ako rito mamaya kasama sina Rean. You better fix yourself. Huwag kang humarap sa mga anak mo na ganiyan ang hitsura."Walang naging tugon si Tredore. Sunod na narinig ko ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang umalis na si Tita Aren."Baby..." Tredore's hoarse voice invaded

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 37

    TREDORE ADAMANT REVERIO"ZREINESSA!" I screamed as she lose her consciousness.I almost lose my sanity when she spat blood in front of me."FUCKING MOVE!" sigaw ko at namang nagkandaugaga sa pagkilos sa pagkilos ang mga tauhan ko.Binuhat ko si Zreinessa na ngayon ay wala nang malay. I saw a gun shot at her back near on her waist. Mukhang malala ang tama no'n dahil napabuga siya ng dugo sa harap ko."Mommy!" Napalingon ako sa mga anak namin na umiiyak habang pinipigilan sila nina Daddy na lumapit sa akin.My father nodded at me, and I took it as a sign to leave the place first. Kailangan ko munang madala sa ospital si Zreinessa.I would fucking kill who the hell dare to hurt my woman!I would fucking strangle them to death!I would not show any fucking mercy!Ano'ng karapatan nila na saktan ang asawa ko?Damn!Mas inutusan ko pa si Renz na bilisan ang pagmamaneho ng sasakyan. Bawat segundo na lumilipas ay hindi nawawala ang kaba ko hangga't nakikita kong walang malay ang babaeng mahal

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 36

    "THANK YOU so much for attending my father's funeral. This is an honor on behalf of my father. Thank you so much," panimula ko. Ako ang huling magbibigay ng mensahe kay Daddy bago na niya tuluyang lisanin ang mundong ibabaw."He has been the best father for me. He was always there to make me smile and my sister. Ayaw na ayaw niyang nakikita kaming malungkot ng kapatid ko. Paulit-ulit, pero hindi ako nagsasawang sabihin ang mga 'to kahit ilang beses pa." Ate Cray, kung alam mo lang kung gaano ka kamahal ni Daddy, hindi ka sana nagpabulag sa paggawa ng masama nang dahil sa inggit at inutos sa 'yo."I couldn't say that much, because God knows how much I love my father, sila ni Mommy. Hindi ko man alam ang lahat ng mabubuting naitulong o nagawa sa inyo ni Daddy, I am beyond grateful to witness all of you, that until he's very last moment with us, you all came. Masayang-masaya na si Daddy dahil ramdam ko ang pagmamahal ninyo sa kaniya." Ngumiti ako sa kanilang lahat. Lihim akong suminghap

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 35

    Zreinessa, my princess, I know you'd probably reading this after I left the world already. Hon, I'm so sorry if I didn't tell you, I don't want my illness to be a burden to you. I want to see to you smile always, even if you loose everyone. I want you to smile for yourself. I'd still watch you wherever I go, so don't you dare to cry.Hindi ko maiwasang mapaluha nang makita ang sulat-kamay ni Daddy. Gusto ko na naman umiyak nang umiyak habang binabasa ang sulat niya.Dad...All of our properties were already transfered to your name. Your friend, Sathel, and I processed it. You have nothing to worry about it, because it's really yours since the beginning. About the hotels, nothing to worry about as of now, as I have fixed them already. I'm sorry for giving you all the weights, but I left you.Ito yata 'yong mga panahong hindi ako hinayaan ni Daddy na magtrabaho sa hotel. Palaging siya ang kumikilos at maliliit na trabaho lang ang nagagawa ko. Pati si Sathel, kaya pala napapadalas ang pa

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 34

    ANG BILIS. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam na 'yong gabing 'yon na ang magiging huling ala-ala ko sa unang lalaking mahal na mahal ko.Sana hindi na lang natapos ang gabing 'yon. Sana ay kapiling ko pa si Daddy. Sana ay nag-e-enjoy pa kami dahil babawi ako sa mga taong nasa Spain pa kami ni Zeirode. Sana mas lalo kong ipinaramdam ang pagmamahal ko sa kaniya.Pero ang lahat ng 'yon... hindi ko na magagawa pa. Hindi ko na magagawa dahil iniwan na 'ko ni Daddy.Alam kong natapos na ang paghihirap niya, pero hindi ko naman agad matatanggap na ako na lang mag-isa. Na iniwan na niya talaga ako."Zrei?" Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko.Isang araw nang nakaburol si Daddy pero nawawalan ako ng lakas na humarap doon. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin na makita si Daddy na nakahimlay sa kabaong. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na sa 'kin si Daddy."Open the door, please? Nag-aalala na kami sa 'yo..." Rinig ko ang boses ni Sathel sa labas, pero nagtalukbong lang ak

  • The Billionaire’s Unexpected Twins   Chapter 33

    "ANG GANDA mo talaga, Madam!" puri ni Clara nang pumasok siya sa kuwarto ko rito sa mansyon ng mga Reverio. "Kaya hulog na hulog si Sir Tredore, eh!"I felt my cheeks flushed. "Tumigil ka nga, Clara!""Nahiya pa si Zrei!" Snundot niya pa ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin mula sa vanity mirror, pero tinawanan lang niya ako. "Pero, Madam, masyang-masaya talaga ako para sa 'yo."Mariin akong tumitig sa kaniya dahil bigla na lang naging seryoso ang mukha niya. Walang bakas ng pagbibro kaya hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin."Saksi ako kung paano mo pinalaki si Sir Zeirode nang mag-isa. Saksi ako sa lahat ng paghihirap mo para sa inyong dalawa, dahil ayaw mong dumepende kay Sir Zeino. Saksi ako sa kung gaano ka naging matatag sa mga nakalipas na taon, at alam kong magiging mas matatag ka pa sa mga susunod na taon." She held both of my hands as she squeezed them. Ngumiti ako sa kaniya.Clara and Sathel had been very close to me. I treasured them so much, dahil

DMCA.com Protection Status