‘OK.’ Iyon lang ang reply nya sa dami ng tawag at text ko sa kanya. Humaba ang nguso ko. Pero okay na rin at least alam kong buhay pa rin ang best friend ko.“Tara na, aalis pa tayo, ‘di ba?” “Ah, oo nga pala. Pero hindi ba pwedeng mamaya nang konti? Nagde-demand pa kasi sya ng isa pang bout, baka magtampo ‘pag hindi pinagbigyan,” nguso nya sa mamula-mulang masel na nakakabit sa kanya na tulad nya ay hindi rin marunong magpahinga. “Baka gabihin na tayo sa daan, babe… hoy!” Napapabunghalit na ako ng tawa habang inaawat ko sya. “Aalis ka na ba bukas?! Ginagawa mong pakyawan eh!”“Hindi, hindi ako aalis.” Napaka-cute talaga ng ngiti nya. Humiga sya sa puno ng aking dibdib at napapahigit ng hingang niyakap nya ako nang mahigpit. “Ayoko nang umuwi, shit! Dito na lang ako.”Nangingiti ako habang hinahaplos ko at dinadampian ng halik ang buhok nya. Kuntentong-kuntento ako talaga sa kanya. Pakiramdam ko nga tuloy sya na ‘yun, ‘yung sinasabi ni Father Erin sa akin na katapat ko. Kaso, baki
May mga text si Winston na hindi nya binasa, hinahanap din sya ng jowa nya. May text din si Ahya pati na ang isa nyang TL sa pinagtatrabahuan. “May pasok ka ba dapat ngayon?” tanong ko sa kanya. “Mayroon, mamaya. Actually after nito, papasok na ‘ko. Dumaan lang ako rito saglit para makita kita... Blooming ka, beks! Ganda ng cheeks, parang naka-blushon!” tudyo nya sa akin. Kinurot nya po ako nang bahagya sa pisngi. Alam na nyang nadiligan talaga akong nang bonggang-bongga kaya para akong masamyong bulaklak na namumukadkad ngayon. Napabungisngis ako pero agad ko ‘yon binawi. Inangilan ko sya, sabay irap ko nang pagkalagkit-lagkit sa kanya. “Oo nga. Glowing si Shobe ngayon, nag-date siguro kayo ng nanliligaw sa ‘yo kanina,” natatawang sinusugan naman sya ni Atsi. “Hindi po ah! Si Atsi naman…” tugon ko na napapakamot sa pisngi ko na kinurot ni Orlie. “Magagalit po si Mama.” Si Master Seiji ang pinatutungkulan nya, pero hindi sya ang dahilan kung bakit flushing ang beauty ko ngayon.
Lalo akong lumubog sa hiya nang bumunghalit ng tawa si Ahya Knives. “Oh my God! Okay,” Napapunas sya sa mukha nya. “So hindi na tayo magde-date?” “A-ano’ng date?!? Wala tayong date!” depensa ko agad. “I mean, hindi na tayo aalis? Aren’t we supposed to come over to Orlie’s apartment? He’s here safe and sound, so we’re not leaving? Kung hindi na, edi uminom na lang tayo... Magpakuha ka ng beer, Atsi,” pumangalumbaba si Ahya sa lamesa at sinulyapan ako sa gilid ng mga mata nya. Syet! Kinikilig talaga ako sa mga titig nyang gano’n. Naiilang na hinagod ko ng kamay ang aking nakatirintas pang buhok at nagbaling sa iba ng tingin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako talaga kinikilig nang ganito sa isang lalake. Ako kasi ang madalas sumulyap ng pakilig. Ewan ko ba, ilang beses na kaming nagkasumpungan sa kama pero hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko kapag tinitingnan nya ako. Nangingiti ako na parang may tumutusok sa tagiliran ko na hindi ko maintindihan. “Nice! Bonding tayo t
Okay rin naman pala sa palagay ko, basta h’wag lang akong ma-hangover bukas. Isip-isip ko pagkatapos kong lagukin ang isang baso ng malamig na beer. Hindi pa nakabalik si Atsi Olivia, umakyat daw ng kwarto para asikasuhin ang asawang umuwi ng lasing. Wala pa rin si Ahya, hindi pa sila nakabalik ng driver sa paglalakad-lakad nila. Masarap din ang mga pulutang hinatid nina Nanay Myrna at Pearl kasabay ng ilang bote ng beer na pinahanda ni Atsi Olivia na nakalagay sa cooler. "Ma'am, meron pang iniihaw roon, dadalhin ko po rito pagbalik ko," ani Nanay Myrna. "Sige po, salamat po. Kumuha na rin kayo ng sa inyo, marami naman na masyado eh hindi naman kami magmamagdamag ng inom." "Sige, Ma'am, salamat rin po," pagkuwa'y lumakad na sila ni Pearl pabalik sa mansyon. Itinaas ko ang isa kong tuhod sa upuan at sinimulang lantakan ang sisig na maraming siling green. Naging kumportable rin ako sa pagkakaupo ko kasi wala sina Atsi. Kapag naririto sila parang ang hirap kumilos lalo na
[Knives’s POV] “Ang bilis mo ah.” It was a little more than an hour passed noong inutusan ko syang kuhanin sa store ang in-order ko online and yet naririto na sya. “Walang trapik, ser!” sagot sa akin ng driver. “Nar’yan na rin daw po ang mga pina-i-install nyo.” Binuklat ko ang wallet ko and gave him a decent tip for the deed. Inalok ko sya ng isang bote ng beer na although hesitant ay tinanggap rin naman nya. “Salamat po, ser. Tsaka dito,” tukoy nya sa beer at sa isang libong piso na ngiting-ngiti sa akin. “Paki-carwash ang kotse ko. Gagamitin ko bukas ng umaga,” sunod ko pang utos sa kanya. “Sige, ser. Salamat po ulit.” Nagpasalamat din ako sa kanya sa mabilis na serbisyo nya tapos tumalikod na sya at umalis. And it was so satisfying to see the astonishment on her face habang pinagmamasdan nya ang malaking puting paper bag na inilapag ng driver sa harap ko. “You don’t need to buy her one, Orlie,” I said while I’m unboxing it. “Nakabili na ‘ko.” “Ooooh… Macbook
“Oooh… Nice one, Shoti!” Atsi patted me on the back when she returned and saw the laptop I bought.“Ayaw nya tanggapin,” pinagmamasdan ko sya habang nakatayo ako sa likod nya hawak ang bote ng beer na iniinom ko.“But why, Shobe? You don’t like it?” “Hindi naman po sa gano’n, mahal po kasi nito eh. Nakakahiya naman kay Ahya,” she awkwardly tucked her bangs at the back of her ears.“That’s no biggie, Shobe! I was about to give you my other Macbook nga, since hindi ko naman ginagamit... Tanggapin mo na ‘yan. Barya lang ‘yan kay Shoti,” Atsi chuckled. “H’wag kang mahihiya, we’re family. It’s very normal for siblings to help each other. I could give you one of my cars if you’d ask for it. I wouldn’t shrug a shoulder.”“Hindi po ako nagpapabili sa kanya,” depensa nya sa sarili, twitching her fingers. “Uhm… Thank you po, Ahya. Babayaran ko po, kapag nakaluwag,” kahit hindi nya ako nilingon ay alam ko ang nakarehistrong hiya sa mukha nya.I grinned. Alam kong mape-persuade sya agad ni Atsi
Napilit ko si Orlie na magpahatid na lang sa driver ni Dad kesa mamasahe pa pauwi, para magkaroon na rin ng peace of mind si Shobe kahit na medyo naiinis na naman ako sa kanya. “Tumawag ka o magtext man lang kapag nakauwi ka na, hindi ‘yung ni ha ni ho, wala! Baklang ‘to,” irap ni Shobe kay Orlie. “Ingat ka ha.”“Oo na!” pakli nya. Naririnig ko ang pagbubulungan nila ng salitang sila lang ang nakakaintindi pero sa tantiya ko ay nagbibilin si Orlie sa kanya na mag-ingat sya pero tinatawanan lang nya.“Knives, ditey na akis! Shelemet!” tinanguan ko lang sya nang mag-wave sya sa akin bago sya sumakay sa sasakyan. Tinanaw muna namin si Orlie ng tingin ni Shobe saka sabay kaming pumasok ng mansyon.“So Mike have seen your ‘shelf full of these’, huh?" I quoted Mike sa sinabi nya kanina.“Oo. May pinakisuyo lang ako sa kanya, tapos pumasok lang saglit,” she says, she keeps on cuddling the stuffed toy na para bang nang-aasar pa. “Bakit ako, hindi pwede?” “Isang beses lang ‘yon, Knives, h’w
In just seconds, binuksan nya rin ang pinto nya. I started grinning foolishly at her sa likod ni Atsi. Iniwasan nya lang ako ng tingin at binuksan nang maigi ang pinto para makapasok kami.“Sorry po, nagliligpit po kasi ako sa closet. Hindi ko narinig,” pagdadahilan nya. Kaswal na kaswal ang paghakbang ko sa loob ng dungeon nya. Inilapag ko ang Macbook sa kama nyang kulay green ang bedding at mabilis na iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Nakita ko ang makitid na shelf na sinasabi ni Mike na halos nagkakapatong-patong na lang ang mga maliliit na stuffed toys na nasa loob. And I saw the framed sketch that looks exactly like her na nakasabit sa gilid ng kama nya. Napakaganda, pang-exhibit ang dating. I can tell the artist was so inspired while he's doing it. I could've been more impressed kung hindi ko lang alam kung sino ang nagbigay nito sa kanya. “Hmmm… magpalinis ka ng kwarto sa maid. Marami kang gagawin, ‘di ba? May katulong naman. Tomorrow I’ll book a cleaning service, magp
“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of
[Knives’ POV]“What are you doing?” I ask Divine when I see her moving my things onto my Tourister.“Packing up,” she softly answers. “Ako na’ng gagawa n’yan. May tinatapos lang ako, pero gagawin ko ‘yan,” I retorted, gazing not at her but at my MacBook. I really don’t like anyone touching my stuff—not even her. Our flight’s a few days away. Divine already bought the tickets; kailangan ko nang makauwi at harapin ang aberyang nangyayari sa isang site namin sa downtown Manhattan. My secretary went MIA a few days back—for no reason whatsoever. Investors keep bugging me about the construction delay, so I need to be there as soon as I can. ‘As soon as I can,’ I tell myself. But honestly, I couldn’t. My mind keeps telling me I should leave; kaya na ni Yee itayo ang mall kahit wala ako. Nasa kanya na lahat ng plano at resources para matapos ang project; in-assure na rin naman nya ako na he’ll keep in touch. But my heart keeps telling me otherwise, because it feels really empty, longing f
“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.”“Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, lalo na’
“Atsi! Bakit gising ka pa? Hindi na ako nakapagpaalam kasi sumakit bigla ang ulo ko.” At iyon na ang magiging opisyal na dahilan ko kung sakaling may magtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala sa inuman kagabi. “Hindi ako makatulog, sabi ni bestie darating daw sya ng madaling araw eh. Hihintayin ko na lang,” kahit madilim ang kwarto ko ay kitang-kita ko ang mapuputi nyang ngipin sa kanyang pagngiti pati na ang nangingitim na paligid ng kanyang mga mata sa pagkakalat ng eyeliner nyang hindi pa nya natanggal. “Nakita kitang lumabas ng kwarto kaya naisip ko lang na silipin ka. Kaso, matagal kang bumalik.”“Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nanay Myrna,” sagot ko naman habang pinupungas-pungas ang mabibigat kong mga mata. Inilapag ko ang dala kong pitsel at baso sa side drawer ng kama at naupo patalikod sa kanya, sinuot ko ang salamin ko at nagkunwaring may kinakalikot ako roon para hindi nya mapansin na nag-iiyak ako mula pa kagabi. “I’m pregnant, Shobe,” mahinang sambit nya. “Huh?
Hatinggabi na nang bumangon ako sa kama ko. Kinurap-kurap ko ang namamaga at pagod na mga mata at tinungo ang banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto ko. Tahimik na ang buong mansyon. Wala na ang malakas na tugtog ni Atsi Olivia sa living room. Tapos na ang welcome home party nina Tito Miguel. Minasdan ko ang siwang sa ibaba ng nakapinid na pinto ng kwarto ni Knives, ngayong gabi lang madilim ang kwarto nya sa lahat ng mga gabi na naaaninag ang liwanag mula sa desk lamp nyang iniiwan lang nyang bukas magdamag. Nanariwang muli sa akin ng hapdi ng pagtatalo namin kanina at ang ginawa kong pakikipaghiwalay, nabasa na na naman ng luha ang paligid ng mga mata kong saglit lang na napreskuhan nang basain ko ang aking mukha. Bumaba ako sa hagdan, kanina pa tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya kukuha ako ng maiinom. Napaatras ako nang madatnan ko si Nanay Myrna sa comedor na nakaupo at nagkakape. Ngumiti ako pero iniwas ko ang aking tingin at dumiretso sa kusina. Na
Atubiling sumunod sila sa utos ni Knives. Nadama nila siguro ang tensyong namumuo sa amin kahit na ngiting-ngiti ako. Binilin ni Nanay Myrna ang karneng malapit nang maluto at lumakad palayo nang pasimpleng nagbubulungan. “Hindi ka na nahihiya talaga, ano?!” marahas ko syang tinulak nang tuluyan nang makapasok sina Pearl sa likurang pintuan kung saan kami nanggaling. Tumalikod ako sa kanya at akma na ring babalik sa loob pero pinigilan nya ako, pagalit na hinatak nya ako sa isang braso. “Don’t walk away from me! Mag-uusap tayo ngayon!” “Ano ba, Knives!” inis na pumiksi ako nang may ilang metro sa kanya. “Lasing ka, baka may makakita sa ‘tin, and’yan lang ang mama ko sa loob. Sa susunod na lang tayo mag-usap,” tumalikod ako ulit sa kanya sabay lakad ko nang mabilis palayo. “Mag-uusap lang naman tayo ah! Why do you always wanna get away from arguments, Kataleia, huh?! You’re not walking away from me again. We’ll talk. Now!” hinatak nya akong muli sa braso sabay yakap nya sa
Natigilan si Mama saglit, nangusap ang mga mata nyang tiningnan ako. Nagtataka sya siguro o nahiya sya bigla. Nang makahuma sya ay wari naman syang nabalisa na paalisin na agad si Seiji.“Ahh… Gawin mo na ‘yung fruits ni Ahya mo, ‘nak, ako na lang ang maghahatid kay Seiji sa labas. Naku! Gabing-gabi na pala, ano? Hindi ko na napansin ang oras! Si Miguel kasi parang ano, ang daldal! Dyusme, gusto ko na nga rin magpahinga eh. ‘Kamo may novena sa school n’yo bukas? Pwede ba ang outsider do’n? Kung pwede ang outsider, makikipag-novena ako. Para mapasyalan ko na rin ang pinagtuturuan ni Kataleia. Tara na, ihahatid na kita,” tuluy-tuloy na salita ni Mama. Nadidismayang tiningnan na lang ni Seiji ang hawak nyang baso na may laman pa sabay tungga. “Mag-magte-text ako kapag nakauwi na ‘ko,” Iyon na lang ang nasabi ni Seiji sa akin kasi hawak na ni Mama ang braso nya at iginigiya na sya palabas ng kusina at iniwan kami ni Knives.“Wow! Ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sa ‘yo. Sino’ng bumil
“Thank you for driving her home safe, Seiji. Pero sana nagpaalam kayo para hindi ako naghanap kay Kataleia, but anyways, thank you,” saad nya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalutan ako ng tensyon sa pasaring nyang iyon. Siguradong makakarinig na naman ako ng dramatic na litanya ni Knives once na makapag-solo kami.Inip na inip na ako sa paghuhuntahan nila sa dining table pero mukhang wala pang balak tapusin ni Tito Miguel ang gabing ito, ganyak na ganyak pa rin sya sa pagkukwento nya roon. Nakipag-shot pa sya ng isang whiskey sa mga lalake, kami namang mga babae, wine ang tinitira. Wala rin ni isa ang tumayo sa lamesa, nagpatuloy lang ang paghahain nina Nanay Myrna ng pika-pika at kung anu-ano pang pinapaluto ni Tito Miguel sa kanya.Parang hindi napagod si Tito Miguel sa biyahe nila. Samantalang ako, parang sinisilihan ang pwet ko sa pagkakaupo sa harap ng hapag. Nag-excuse na nga ako na pupunta na sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Mama kasi mayroon pang bisita. +++++“Kukuha l
“Welcome back, Mrs. Tuazon! So nice to finally meet you,” bati ni Seiji na ngiting-ngiti. Kinuha nya ang kanang kamay ni Mama at humalik sa likod ng palad nya. Pinagmamasdan ko ang blankong expression ng mukha ni Mama na nakatitig kay Seiji. Inaasahan kong babawiin nya ang kamay nya at magsusungit, pero hindi, hinayaan lang nyang madampian ito ni Seiji ng halik. “Uhm, ‘Ma? Si Seiji po, ka-work ko,” pakilala ko kay Seiji. “Ka-work?” blanko rin ang expression ni Mama pagsulyap nya sa akin tapos ibinalik nya ulit ang tingin kay Seiji. “‘Kala ko boyfriend mo na itong matangkad at poging lalakeng ‘to.” Napaismid ako. Kung hindi rin ako nagkakamali ng hula ay kasalukuyang name-mesmerize si Mama ng lalakeng nasa harapan nya ngayon. Sa edad kong ito ngayon ko lang nakitang namangha si Mama sa lalakeng pinakikilala ko. Literal na galit kasi sya sa lahat ng lalakeng dumadalaw sa bahay namin noon kaya nga nasanay na akong sa mga relasyong lihim lang sa kaalaman nya. “Kataleia, I missed yo