[Knives’s POV] “Ang bilis mo ah.” It was a little more than an hour passed noong inutusan ko syang kuhanin sa store ang in-order ko online and yet naririto na sya. “Walang trapik, ser!” sagot sa akin ng driver. “Nar’yan na rin daw po ang mga pina-i-install nyo.” Binuklat ko ang wallet ko and gave him a decent tip for the deed. Inalok ko sya ng isang bote ng beer na although hesitant ay tinanggap rin naman nya. “Salamat po, ser. Tsaka dito,” tukoy nya sa beer at sa isang libong piso na ngiting-ngiti sa akin. “Paki-carwash ang kotse ko. Gagamitin ko bukas ng umaga,” sunod ko pang utos sa kanya. “Sige, ser. Salamat po ulit.” Nagpasalamat din ako sa kanya sa mabilis na serbisyo nya tapos tumalikod na sya at umalis. And it was so satisfying to see the astonishment on her face habang pinagmamasdan nya ang malaking puting paper bag na inilapag ng driver sa harap ko. “You don’t need to buy her one, Orlie,” I said while I’m unboxing it. “Nakabili na ‘ko.” “Ooooh… Macbook
“Oooh… Nice one, Shoti!” Atsi patted me on the back when she returned and saw the laptop I bought.“Ayaw nya tanggapin,” pinagmamasdan ko sya habang nakatayo ako sa likod nya hawak ang bote ng beer na iniinom ko.“But why, Shobe? You don’t like it?” “Hindi naman po sa gano’n, mahal po kasi nito eh. Nakakahiya naman kay Ahya,” she awkwardly tucked her bangs at the back of her ears.“That’s no biggie, Shobe! I was about to give you my other Macbook nga, since hindi ko naman ginagamit... Tanggapin mo na ‘yan. Barya lang ‘yan kay Shoti,” Atsi chuckled. “H’wag kang mahihiya, we’re family. It’s very normal for siblings to help each other. I could give you one of my cars if you’d ask for it. I wouldn’t shrug a shoulder.”“Hindi po ako nagpapabili sa kanya,” depensa nya sa sarili, twitching her fingers. “Uhm… Thank you po, Ahya. Babayaran ko po, kapag nakaluwag,” kahit hindi nya ako nilingon ay alam ko ang nakarehistrong hiya sa mukha nya.I grinned. Alam kong mape-persuade sya agad ni Atsi
Napilit ko si Orlie na magpahatid na lang sa driver ni Dad kesa mamasahe pa pauwi, para magkaroon na rin ng peace of mind si Shobe kahit na medyo naiinis na naman ako sa kanya. “Tumawag ka o magtext man lang kapag nakauwi ka na, hindi ‘yung ni ha ni ho, wala! Baklang ‘to,” irap ni Shobe kay Orlie. “Ingat ka ha.”“Oo na!” pakli nya. Naririnig ko ang pagbubulungan nila ng salitang sila lang ang nakakaintindi pero sa tantiya ko ay nagbibilin si Orlie sa kanya na mag-ingat sya pero tinatawanan lang nya.“Knives, ditey na akis! Shelemet!” tinanguan ko lang sya nang mag-wave sya sa akin bago sya sumakay sa sasakyan. Tinanaw muna namin si Orlie ng tingin ni Shobe saka sabay kaming pumasok ng mansyon.“So Mike have seen your ‘shelf full of these’, huh?" I quoted Mike sa sinabi nya kanina.“Oo. May pinakisuyo lang ako sa kanya, tapos pumasok lang saglit,” she says, she keeps on cuddling the stuffed toy na para bang nang-aasar pa. “Bakit ako, hindi pwede?” “Isang beses lang ‘yon, Knives, h’w
In just seconds, binuksan nya rin ang pinto nya. I started grinning foolishly at her sa likod ni Atsi. Iniwasan nya lang ako ng tingin at binuksan nang maigi ang pinto para makapasok kami.“Sorry po, nagliligpit po kasi ako sa closet. Hindi ko narinig,” pagdadahilan nya. Kaswal na kaswal ang paghakbang ko sa loob ng dungeon nya. Inilapag ko ang Macbook sa kama nyang kulay green ang bedding at mabilis na iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Nakita ko ang makitid na shelf na sinasabi ni Mike na halos nagkakapatong-patong na lang ang mga maliliit na stuffed toys na nasa loob. And I saw the framed sketch that looks exactly like her na nakasabit sa gilid ng kama nya. Napakaganda, pang-exhibit ang dating. I can tell the artist was so inspired while he's doing it. I could've been more impressed kung hindi ko lang alam kung sino ang nagbigay nito sa kanya. “Hmmm… magpalinis ka ng kwarto sa maid. Marami kang gagawin, ‘di ba? May katulong naman. Tomorrow I’ll book a cleaning service, magp
I thought galit sya sa akin, hindi pala. I played it cool as I reach for the door to push it close. I prevented a smile to hide my delight but I knew my eyes betrayed me. I was standing right beside her for a good few minutes habang tinitingnan sya sa pagtutupi ng mga damit bago nya ako napansin. “Oh?” parang nagulat sya sa ‘kin, nagulat rin ako sa kanya. “Yes? You told me to close the door.” “Sabi ko isarado mo ang pinto paglabas mo,” turan nya na papantig ang pagsasalita na parang maliit na bata ang kausap nya. “Oooh! Ikaw, huh! Akala ko ano,” I laugh as if she’s telling me a joke tapos hinawakan ko ang mga kamay nya. Baka sakaling mabago ng ngiti at lambing ko ang isip nya at hayaan na nya akong tumambay sa kwarto nya. “Oooh!” tumawa rin sya pero may hint of sarcasm dahil bahagya syang napapangiwi. “Nakita mo na ang loob ng kwarto ko. Makalat, ‘di ba? Hindi gaya ng kwarto mo. Satisfied?” “I don’t care, gusto mo ako pa’ng maglinis eh,” I fondle her long hair. Hindi sya
“Hi!” I mouthed mine too. Buti na lang hindi nakaisip si Divine na makipag-video conference kundi hindi ko sya matititigan sa suot nyang manipis na silk nightie. Dumapa sya sa higaan ko at nagbasa sa dala nyang notebook na I think lesson plan nya. She is such a sight to see! Ang cute nyang tingnan habang nagbabasa suot ang kanyang salamin at pink na lingerie sa ibabaw ng kama ko. Napansin nya ang pagkatulala ko sa kanya kaya napahagikhik sya. May sinulat sya sa pinilas nyang papel ng kanyang notebook at ipinakita iyon sa akin. ‘Don’t mind me, dito lang ako.’ Napakaganda talaga ng cursive nyang penmanship. Na-i-inlove na naman ako. “Okay,” nakangiting anas ko sa aking attractive na ibon. “Okay, who? Kay MC Builders o kay RDT?” si Divine ang sumagot sa ‘okay’ na nasabi ko. “No. I’m going to read their bid proposals first,” sagot ko naman. “Pag-aaralan ko muna, I’ll get back to you as soon as I’ve read everything saka mo i-push ang meeting.” Nakita ko syang tumayo at in-
[Kataleia’s POV] Napabalikwas ako sa higaan nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Naknang! Kanina pa pala ‘to nag-a-alarm, napipindot ko lang ang snooze. Maaga pa naman ako dapat ngayon dahil may flag ceremony. Nagmadali na akong tumayo. Sumilip muna ako sa labas at nakiramdam kung mayroon bang tao saka ako kumandirit papasok ng kwarto ko. Agad-agad akong naligo. Wala pa nga pala akong uniform, nasa baba pa. Hindi pa naiakyat ni Pearl o ni Yvonne, paano’y naging busy ang lahat sa kasal nina Mama. Kung minamalas pa akong talaga ngayong umaga na ito ay mamamalantsa pa ako. Dapat pala noong naalala ko na kagabi ay binaba ko na ito para naihanda. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na muna ako ng pink kong bathrobe saka bumaba ng hagdan para magtungo sa laundry area at tingnan kung naroroon ang brown na blouse at itim na pencil cut kong palda na uniform namin tuwing Lunes. “Kuya, good morning!” bati ko kay Kuya Mike nang masalubong at malampasan ko sya sa living room. “Male-late
“Dito na ‘ko, Ahya, h’wag ka nang mag-park,” bumaba na ako agad ng kotse pagkahinto nya sa harap ng gate. “Shobe! Ang baon mo!” hinabol pa nya ako ng sigaw. “Ay oo nga pala! Thanks po!” inabot ko sa bintana nya ang lock and lock tapos nagtatakbo na ako. Habang papalapit na ako sa quadrangle ay naririnig ko na ang pag-aassemble ng mga estudyante para sa flag ceremony. Nasalubong ko si Master Seiji sa may corridor papuntang faculty room. “Baka madapa ka, hindi ka pa naman gano’n ka-late,” natatawang wika nya sa akin. “Akin na ‘yan, ako na lang ang maglalapag sa table mo. Pumunta ka na ro’n, nagkakagulo na ang mga estudyante,” sabay abot nya ng mga dala-dala ko. Nagpasalamat ako sa sa kanya tapos tumakbo na ‘ko. Pawis na pawis talaga ako, dumidikit na sa leeg ko ang buhok ko sa pawis. Naalala ko ang panyo ko sa bag kaya bumalik ako kay Master Seiji, naabutan ko pa rin syang nakatayo sa pinag-iwanan ko sa kanya at tinitingnan ang laman ng lock and lock na dala ko. “Teka l