Napilit ko si Orlie na magpahatid na lang sa driver ni Dad kesa mamasahe pa pauwi, para magkaroon na rin ng peace of mind si Shobe kahit na medyo naiinis na naman ako sa kanya. “Tumawag ka o magtext man lang kapag nakauwi ka na, hindi ‘yung ni ha ni ho, wala! Baklang ‘to,” irap ni Shobe kay Orlie. “Ingat ka ha.”“Oo na!” pakli nya. Naririnig ko ang pagbubulungan nila ng salitang sila lang ang nakakaintindi pero sa tantiya ko ay nagbibilin si Orlie sa kanya na mag-ingat sya pero tinatawanan lang nya.“Knives, ditey na akis! Shelemet!” tinanguan ko lang sya nang mag-wave sya sa akin bago sya sumakay sa sasakyan. Tinanaw muna namin si Orlie ng tingin ni Shobe saka sabay kaming pumasok ng mansyon.“So Mike have seen your ‘shelf full of these’, huh?" I quoted Mike sa sinabi nya kanina.“Oo. May pinakisuyo lang ako sa kanya, tapos pumasok lang saglit,” she says, she keeps on cuddling the stuffed toy na para bang nang-aasar pa. “Bakit ako, hindi pwede?” “Isang beses lang ‘yon, Knives, h’w
In just seconds, binuksan nya rin ang pinto nya. I started grinning foolishly at her sa likod ni Atsi. Iniwasan nya lang ako ng tingin at binuksan nang maigi ang pinto para makapasok kami.“Sorry po, nagliligpit po kasi ako sa closet. Hindi ko narinig,” pagdadahilan nya. Kaswal na kaswal ang paghakbang ko sa loob ng dungeon nya. Inilapag ko ang Macbook sa kama nyang kulay green ang bedding at mabilis na iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Nakita ko ang makitid na shelf na sinasabi ni Mike na halos nagkakapatong-patong na lang ang mga maliliit na stuffed toys na nasa loob. And I saw the framed sketch that looks exactly like her na nakasabit sa gilid ng kama nya. Napakaganda, pang-exhibit ang dating. I can tell the artist was so inspired while he's doing it. I could've been more impressed kung hindi ko lang alam kung sino ang nagbigay nito sa kanya. “Hmmm… magpalinis ka ng kwarto sa maid. Marami kang gagawin, ‘di ba? May katulong naman. Tomorrow I’ll book a cleaning service, magp
I thought galit sya sa akin, hindi pala. I played it cool as I reach for the door to push it close. I prevented a smile to hide my delight but I knew my eyes betrayed me. I was standing right beside her for a good few minutes habang tinitingnan sya sa pagtutupi ng mga damit bago nya ako napansin. “Oh?” parang nagulat sya sa ‘kin, nagulat rin ako sa kanya. “Yes? You told me to close the door.” “Sabi ko isarado mo ang pinto paglabas mo,” turan nya na papantig ang pagsasalita na parang maliit na bata ang kausap nya. “Oooh! Ikaw, huh! Akala ko ano,” I laugh as if she’s telling me a joke tapos hinawakan ko ang mga kamay nya. Baka sakaling mabago ng ngiti at lambing ko ang isip nya at hayaan na nya akong tumambay sa kwarto nya. “Oooh!” tumawa rin sya pero may hint of sarcasm dahil bahagya syang napapangiwi. “Nakita mo na ang loob ng kwarto ko. Makalat, ‘di ba? Hindi gaya ng kwarto mo. Satisfied?” “I don’t care, gusto mo ako pa’ng maglinis eh,” I fondle her long hair. Hindi sya
“Hi!” I mouthed mine too. Buti na lang hindi nakaisip si Divine na makipag-video conference kundi hindi ko sya matititigan sa suot nyang manipis na silk nightie. Dumapa sya sa higaan ko at nagbasa sa dala nyang notebook na I think lesson plan nya. She is such a sight to see! Ang cute nyang tingnan habang nagbabasa suot ang kanyang salamin at pink na lingerie sa ibabaw ng kama ko. Napansin nya ang pagkatulala ko sa kanya kaya napahagikhik sya. May sinulat sya sa pinilas nyang papel ng kanyang notebook at ipinakita iyon sa akin. ‘Don’t mind me, dito lang ako.’ Napakaganda talaga ng cursive nyang penmanship. Na-i-inlove na naman ako. “Okay,” nakangiting anas ko sa aking attractive na ibon. “Okay, who? Kay MC Builders o kay RDT?” si Divine ang sumagot sa ‘okay’ na nasabi ko. “No. I’m going to read their bid proposals first,” sagot ko naman. “Pag-aaralan ko muna, I’ll get back to you as soon as I’ve read everything saka mo i-push ang meeting.” Nakita ko syang tumayo at in-
[Kataleia’s POV] Napabalikwas ako sa higaan nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Naknang! Kanina pa pala ‘to nag-a-alarm, napipindot ko lang ang snooze. Maaga pa naman ako dapat ngayon dahil may flag ceremony. Nagmadali na akong tumayo. Sumilip muna ako sa labas at nakiramdam kung mayroon bang tao saka ako kumandirit papasok ng kwarto ko. Agad-agad akong naligo. Wala pa nga pala akong uniform, nasa baba pa. Hindi pa naiakyat ni Pearl o ni Yvonne, paano’y naging busy ang lahat sa kasal nina Mama. Kung minamalas pa akong talaga ngayong umaga na ito ay mamamalantsa pa ako. Dapat pala noong naalala ko na kagabi ay binaba ko na ito para naihanda. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na muna ako ng pink kong bathrobe saka bumaba ng hagdan para magtungo sa laundry area at tingnan kung naroroon ang brown na blouse at itim na pencil cut kong palda na uniform namin tuwing Lunes. “Kuya, good morning!” bati ko kay Kuya Mike nang masalubong at malampasan ko sya sa living room. “Male-late
“Dito na ‘ko, Ahya, h’wag ka nang mag-park,” bumaba na ako agad ng kotse pagkahinto nya sa harap ng gate. “Shobe! Ang baon mo!” hinabol pa nya ako ng sigaw. “Ay oo nga pala! Thanks po!” inabot ko sa bintana nya ang lock and lock tapos nagtatakbo na ako. Habang papalapit na ako sa quadrangle ay naririnig ko na ang pag-aassemble ng mga estudyante para sa flag ceremony. Nasalubong ko si Master Seiji sa may corridor papuntang faculty room. “Baka madapa ka, hindi ka pa naman gano’n ka-late,” natatawang wika nya sa akin. “Akin na ‘yan, ako na lang ang maglalapag sa table mo. Pumunta ka na ro’n, nagkakagulo na ang mga estudyante,” sabay abot nya ng mga dala-dala ko. Nagpasalamat ako sa sa kanya tapos tumakbo na ‘ko. Pawis na pawis talaga ako, dumidikit na sa leeg ko ang buhok ko sa pawis. Naalala ko ang panyo ko sa bag kaya bumalik ako kay Master Seiji, naabutan ko pa rin syang nakatayo sa pinag-iwanan ko sa kanya at tinitingnan ang laman ng lock and lock na dala ko. “Teka l
“Jayden, Ross, hali nga muna kayo rito,” tawag ko sa dalawang malalaking bulas na Grade 5 na estudyante sa pangalawang klase ko. “Pasuyo naman, pakibuhat naman ‘tong mga kwaderno at pakilagay sa lamesa ko sa faculty room. Baka makunan si Ma’am sa bigat ng mga kwaderno nyo.” At mabilis naman silang tumalima sa utos ko. “Buntis kayo ma’am?!” agad na tanong ng intrigerang babaeng estudyante na nakaupo sa harapan ko nang marinig nya ako. “Hindi ‘no! Biro ko lang ‘yon. Ikaw talaga!” natawa naman ako sa kanya. Ang batang ‘to, ang liit ng bibig pero napakahilig sa intriga, tsismosa rin siguro ang magulang nya kaya tsismosa rin sya. Pero napaisip na rin ako, dapat siguro nagpi-pills na ako kasi mayroon akong official fubu (fuck buddy) ngayon para kahit mag-unli kineme kami ay hindi ako mabubuntis. Mahirap na ring malusutan, okay lang sana kung binata pa ang kumakarat sa akin. ‘Yung medyo mahal na ang bibilhin ko para may glowing effect na rin sa balat. +++++ Magtatanghali na nang m
Nakipag-meetup sya sa isang lalakeng Intsik na Henson Yee ang pangalan sa isang restaurant. Pagkatapos naming kumain ay nag-convoy sila papunta sa isang napakalawak na bakanteng lote sa may Taguig. Hindi ko gaaanong maintindihan ang pag-uusap nila kasi intsikan lang sila ng intsikan mula pa kanina, bumubuntot-buntot lang ako sa kanila.Medyo nagda-dalawa ang paningin ko sa kakatitig sa malawak na kawalan at sa nakakasilaw na init ng araw kaya naglayo-layo muna ako sa kanila. Naisipan kong tawagan si Miss Nori kasi nag-alala ako sa ibang mga notebooks ng mga estudyante ko na hindi ko pa nakukuha.“Miss Nori, pakisuyo na lang ha. Pi-pickup-in ko mamaya sa school pagkatapos namin dito, biglaan kasi ang lakad eh.”“Hmp, oo na, sige! Kahit hindi man lang ako natirhan ng Jabee,” na-imagine ko ang mukha nyang nagpapairap-irap habang nagsasalita. Naalala ko bigla ang sinabi ni Miss Isabel na tawagin si Miss Nori kaso hindi na ako nakaakyat pa sa classroom nya dahil umalis na kami agad ni Ahya
“Good morning, Kat,” nakangiting bati ni Divine nang madatnan kon syang nag-a-almusal sa comedor nang mag-isa. “Tulog pa si Knives, ewan ko kung saan ‘yun nagsuot kagabi. Umaga na dumating," tuluy-tuloy nyang banggit kahit hindi ko naman sya tinatanong. Although frustrated sya sa kanyang asawa ay ngiting-ngiti pa rin. Kung malalaman lang nyang kasama ko lang naman ang mahal nyang asawa magdamag ay siguradong mabubura ang matamis na ngiti nyang iyon sa kanyang mga labi. Wala na akong balak na mag-almusal pa rito dahil gusto ko nang makaalis agad-agad. Sinabi ko na iyon kay Nanay Myrna kanina paglabas ko nang maka-receive ako ng text mula kay Seiji na susunduin nya ako at ihahatid sa klase. Nakikita ko nga ngayon ang kotse nya na nakaparada sa labas ng gate. Loko talaga ‘tong tao na ‘to, wala naman akong sinabing sunduin nya ako; hindi ko nga sya nire-reply-an eh, pero naroroon sya, kausap ang gwardya at kanina pa naghihintay sa akin. “Magandang umaga rin po, Ate Divine. Aalis na
“At saan ka galing, enday?” pupungas-pungas na tanong ni Orlie nang pagbuksan nya ako ng pinto sa likuran sa may bandang kitchen. Naka-pink na silk robe si bakla. Hula ko kay Atsi Olivia ‘yun kasi nakita ko na ‘yun kay Atsi dati. “Napag-lock-an ako, kinausap ko si Mama sa may pool tapos pagbalik ko locked na ang mga pinto... May damit ka ba sa loob n’yan?” Napabungisngis ako sa mabilis nyang pag-ilag nang nag-akma akong dadakmain ang harapan nya. “Alisto si bakla!” tudyo ko sa kanya. “Gaga! Wala akong shorts.” “Edi naka-panty ka?” tinaasan ko sya ng kilay tapos pumasok na ako sa loob. Instead na brief o boxer brief na tulad ng sinusuot ni Knives ay brief panty ang madalas nyang gamit. Minsan kapag trip nyang magpaka-girl ay mayroon syang mga laced pero madalang lang nyang gamitin. Kahit siguro sya nasasagwaan sa itsura nya kapag naka-laced panty lang sya. “Hindi rin,” sabay tawa nya nang marahan. “Ibig sabihin wala? Kadiri ka!” mahina kong sambit na nakakunot ang noo nang maisip
“You can’t keep on running away from arguments, babe. I find this really frustrating,” anas nya habang binabalanse nya ako sa kanyang balikat. “Ibaba mo mo ‘ko! Sige, sisigaw ako nang malakas,” banta ko kahit na wala naman talaga akong balak magsisigaw. Syempre ayoko rin namang may makakita sa amin sa pag-e-eksena namin dito sa labas at maghinala sa aming dalawa. “I’m telling you, kapag sumigaw ka at may makarinig sa ‘yo, hindi na magiging secret ang secret natin. Babalik tayo sa kubo kasi doon lang tayo pwedeng mag-stay, naiwan ko ang susi ko sa taas kaya we have no choice, kesa manggising tayo ng kasambahay at makita tayong magkasama nang ganitong oras,” hingal na hingal sya sa pagsasalita nya habang naglalakad. Kinukuru-kurot ko sya sa likod bilang sign of protest pero hindi ganoon kalakas, iniisip ko pa rin ang mala-porselanang kutis nyang ito na hindi mabahiran ng sugat dulot ng mga kuko ko kahit galit ako sa kanya. “Hahanapin ka ni Ate Divine kapag nagising ‘yun, hindi ka
[Kataleia's POV] “Bakit dito? Ayoko rito! Matutulog na ‘ko, gabing-gabi na. May pasok pa ‘ko bukas!” inis na inis talaga ako. Tama bang isumbong ako sa Mama ko, kahit pahaging lang ‘yung mga sinabi nya binigyan na rin nya ‘yun ng clue. Hinihintay ko na lang na tumawag ‘yun sa ‘kin para sermunan na naman ako nang pagkahaba-haba. Akala ko naman magkakasundo kami dahil pinagtakpan nya ako sa kinuha kong Masteral course, hindi pala. Napakakitid talaga ng utak nitong ugok na ‘to minsan. “Bakit ka ba nagagalit? Totoo naman ‘yun eh, ‘sweet’ ka sa lahat! Hindi ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na h’wag kang makalapit-lapit sa Mike na ‘yun? Ano’ng ginawa mo kanina? Naghihilot ka ng nakaharap ‘yang mga dibdib mo sa pagmumukha nya, binibigyan mo sya ng motibo!” sinisigawan pa nya ako kaya lalong nag-iinit ang tumbong ko. “Ano’ng motibo?! Napakadumi naman ng isip mo!” “If that’s how you get back at me for Divine, I have nothing to do with it. Wala akong sinabing makipag-inuman ka at ihatid mo
Hindi ko napigilan ang matawa nang lalong tumindi ang pagnanasa nyang makuha ang phone nya. Lumalayo na ako sa kanya pero hinahatak nya ang damit ko at pilit na inaabot ang phone nya sa kamay ko. Medyo masasakit na rin ang mga hatak nya sa braso ko at lumalaginit ang mga tahi ng suot kong t-shirt pero hinding-hindi ko ito ibibigay sa kanya hangga't hindi kami natatapos mag-usap ng Mama nya. I intend to make her realize what she has done at ipaalala sa kanya ang authority ko as her guardian habang wala ang kanyang ina. “Kung may oras ka Knives baka pwede mong pakibantayang maigi si Kataleia para sa ‘kin. Ayokong magulat na lang ako isang araw na magpapaalam na syang mag-aasawa na. Baka mamaya teacher din lang ang makatuluyan nya. Dyusko! Maghihikahos sya habambuhay nya.” My eyes glimmer as I grin from ear-to-ear nang marinig ko iyon. It appears Atsi’s assumption was wrong, hindi magugustuhan ng Mama nya si Seiji para sa kanya. Somehow nakaramdam ako ng relief. “Sure, Tita Marisa
I can clearly tell she’s in a panic state. Hinawakan ko sya sa braso, trying to console her. “We’re good, Tita, thanks for asking. Where are you at right now?” “Ano ba ‘yun?” mouthing my words as I ask Kataleia para hindi ako marinig ng nasa kabilang linya. Pero wala akong maintindihan sa magulo at natatarantang pagcha-charades nya. “Nandito kami sa hotel sa Dubai ngayon. Kagagaling lang namin sa tour namin sa Safari Park at sa Burj Khalifa. Worth it kahit nakakapagod nang husto. Pag-uwi namin dito sa hotel nakatulog na agad ang Daddy mo... Uh, Knives, itatanong ko lang sana sa ‘yo, totoo bang kumukuha si Kataleia ng MBA?” tanong ni Tita Marisa. “MBA?” tinitigan ko si Kataleia na lintik ang pagtango-tango sabay pihit-pihit nya sa braso ko. “Ah yeah. MBA,” nahihiwagaan ako pero sumang-ayon na rin ako kahit alam na alam kong Master of Arts in Education ang inaaral nya. “That’s good news! Akala ko hindi nya ako pakikinggan eh, mabuti naman. Pero sabi nya online class lang daw, tot
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag