[Knives’ POV] “Knives, you called!” “Well, yeah. Obviously,” walang anong sagot ko kay Divine habang inilalabas ang mga gamit ko sa aking Tourister. Iginala ko ang paningin sa kwarto ko. Malaki, looks okay. Nakita ko ang contentment sa mga mata ni Dad no’ng makita akong dumating na dala-dala ang mga gamit ko nang ihatid ko si Atsi Olivia dito sa mansyon. Mukhang magkakaro’n na naman kami ng ‘family’ dinner mamaya kasi narinig ko syang binibilinan ang mga katulong na mag-asikaso bago sila nakaalis ni Tita Marisa papunta sa kanyang opisina. “Wala ka sa hotel?” tanong ni Divine. Napansin nya siguro ang background ko na may pagka-antique looking although freshly painted pa ang mga walls at ceiling. “Yeah,” bumuntung-hininga ako. Tinitigan ko sya sa screen ng laptop ko. Nakangiti sya sa akin. I figure, nakakuha ako ng magandang timing para magtanong ng update. So I immediately went down to business habang abala ako sa pagtutupi ng mga damit kong bahagyang nakusot sa loob n
“One grande Cafe Americano extra hot for K.” Ibinigay ko ang aking mastercard habang iginagala ang tingin sa loob ng kabuuan ng coffee shop. Kabisado na ng mga crew dito ang ino-order ko, halos araw-araw ba naman akong naririto kakaabang ko kay K bago ako pumunta ng disco bar para abangan naman sya doon. Naupo muna ako sa upuan malapit sa counter na naging pwesto ko na kapag naririto ako, para maulinigan ko ang pangalan ng mga umo-order, baka sakaling may dumating na K din ang pangalan. “Matanong ko, sir, h’wag kayong magagalit ha,” pauna sa akin ng lalakeng crew na nag-serve sa akin ng kape ko. Sya rin ang pinagbigyan ko ng mga pinamili ko noong unang beses akong napunta dito sa coffee shop nila. “Spit it out,” anas ko habang hinihigop ko ang aking kape. “Lagi ko kayong nakikita dito na palingon-lingon, are you looking for somebody?” Nakita ko sa gilid ng mata ko ang ilang babaeng crew na nagkumpulan sa gilid at nakangiting nagbubulungan habang nakatingin sa direksyon k
[Kataleia's POV] Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Naku, Panginoon ko! Naikot ang paligid! Pumikit akong muli. Sobrang sakit ng ulo ko, parang bibiyak na hindi ko maintindihan. Hindi ko matandaan kung nangyari na ba sa akin ito dati pero nanghihilakbot talaga ako sa nararamdaman kong kakaiba. Sinapo ko ang aking noo, mayroon akong bimpo na nakapatong sa noo ko na medyo maligamgam na. Narinig kong may nagtatalo sa bandang ulunan ko, si Orlie at isa pang lalake pero hindi ka-boses ni Winston. Mayroon silang hindi pinagkakasunduan pero hindi sila nagsisigawan, nagbubulungan lang sila. Kinapa ko ang hinihigaan ko, napakalamig na sofa na makitid lang, hindi nga kasya ang mga binti ko pero pwede ko namang iunat. May humawak sa kamay ko pati na rin sa kamay ko na nakasapo sa bimpo sa aking noo. “Beks? Okay ka lang? Gusto mo dalhin ka namin sa ospital?” Nagdilat ako kaso umiikot pa rin talaga ang paningin ko. Parang naaninag ko ang gwapong mukha ni Chinito pero boses ni Orl
“N-nasa’n tayo?!” bulong ko na medyo nagpa-panic. “Nandito tayo sa hotel. Akala ko talaga hindi na kita makikitang muli,” anas ni Chinito habang tinutupi ang kapipiga palang nyang bimpo para ilagay sa noo ko. Nakangiti sya sa akin. “H-huh? Motel o hotel?” Nawala ang mata nya nang matawa sya sa senseless kong tanong. “Hotel, babe. We’re at a hotel. Iuuwi sana kita sa tinitirhan mo pero your friend over there doesn’t seem to trust me. It’s totally fine, though. Naintindihan ko naman sya,” hinaplos nya ang braso kong nangingilabot sa lamig ng aircon at sa lagnat. Inayos nya ang kumot ko. Nilingon ko si Orlie sa kabilang kama, 'yon siguro ang pinagtatalunan nila no'ng nakahiga palang ako sa backseat ng sasakyan ni Chinito. Nagka-initiative rin si bakla. Alam nya ang sine-set kong boundaries sa mga nagiging boylets ko. “Since ayaw mo rin magpadala sa hospital, I called my sister's friend doctor to checkup on you. Babalik sya mamaya, what you need to do for now is magpahinga
Sobrang sweet naming dalawa habang sinusubuan nya ako ng pagkain. Pinupunas-punasan pa nya ang gilid ng labi ko. Parang matagal na naming mag-jowa. Bukod sa napaka-yummy nya ay napakasarap rin nyang mag-alaga. Dyusku! Kahit masakit-sakit pa rin ang ulo ko kilig na kilig talaga ako. Nakita ko ang ngiti sa akin ni Orlie habang kumakain naman sila sa lamesa ni Winston, nakakaramdam siguro si bakla na masaya akong talaga. Nasa gitna si Chinito ng pagpapakain sa akin nang may kumatok ulit. +++++ “Over-fatigue ka miss, you need to slow down a bit and take your vitamins as I prescribed. Iiwan ko na lang dito ang nurse para sya na'ng bahalang magtanggal ng suero mo kapag naubos, then you are good to go,” ngiti sa akin ng babaeng doktor pagkatapos nya akong checkup-in. “Here’s my calling card, puntahan mo ako kapag okay ka na para ma-check kita ulit, okay?” Inabot nya kay Orlie ang iba’t ibang klaseng gamot, reseta pati na rin ang tarheta nya. “Salamat po, doc," sambit ko sa magan
Kinakausap ni Chinito sina Orlie at pinakikiusapan din na hintayin sya pero si Winston lang ang nakatingin sa kanya, si bakla sa nasha-shock kong mukha nakatingin. Kagyat akong dinampian ni Chinito ng halik sa labi nang bumalik sya sa akin, ngumiti sya pagkuwa'y nangusap na naman ang kanyang mga mata saka nagmamadaling tinungo ang pinto. Ilang minuto rin ang lumipas na gano’n ang itsura ko. Hindi ako nakahuma du'n ah! Syet talaga! Na-mental block ako. “Anyare, beks? Para kang namatanda d’yan,” usisa nya sa pagkatulala ko nang lumapit sya sa akin. Hindi ko sya sinagot ang tanong nya, ang priority ko ngayon ay makaalis na agad-agad. “Uhm, pwede na bang tanggalin ‘tong suero?” binalingan ko ang nurse na nakaupo malapit sa pinto. “Yes, miss, pwede na. Paubos na rin naman na,” ngiti nya sa akin, prinepare na nya ang mga gagamitin sa pagtatanggal ng nakatusok sa kamay ko. “Anyare? Uuwi na ba tayo, beks?” tanong sa akin ni Orlie. “Oo, beks, may lakad pa ‘ko, remember?” kunwari coo
Napakaganda ng grand entrance ko! Lahat ng tao roon sa akin nakatingin! Hula ko hindi pa sila nakakapag-umpisa at ako na lang ang hinihintay. Napapangiwi ako sa sobrang hiya, nagtungo na lang ako ng tingin. Sinalubong ako ni Mama sa entrance ng garden. Hindi ako nakailag nang pa-simpleng kurutin ako ni Mama sa hita. “Ma, sorry po, masama po kasi ang pakiramdam ko,” anas ko sa matalim nyang tingin sa akin. “This way, miss,” sambit ng babaeng sa hula ko ay wedding coordinator. Iginigiya na nya ako agad sa pupuwestuhan ko sa entourage. “Bakit? Ano ba’ng nangyari sa ‘yo?” Napansin nyang medyo namumutla ako. Dinampian nya ng kamay ang aking noo. “May sinat ka ah!” Lumapit din si Tito Miguel at Ate Olivia sa amin para batiin ang kagandahan kong bahagyang nalalaos sa pagpapawis at pagkahilo. “Okay lang po, ‘Ma. Sinat na lang,” pilit ang ngiti ko sa kanya, medyo nanginginig pa ang kalamnan ko. Nagtatakbo rin kasi ako papasok sa loob ng events place pagbaba ko ng taxi. “Oo nga
“Shobe! I’m so excited to have you sa mansyon!” bulalas ni Ate Olivia nang makarating kami sa restaurant kung saan daw kami magle-late lunch, kinurot nya ako sa pisngi. “Excited din po ako, Ate, hehehe” ngiti ko sa kanya habang pa-simple kong pinahid ng kamay ang kinurot nya. Napakahilig nya talaga sa gan’on. Malamang sa mag-laylay ang pisngi ko nito kung sa tuwing makikita nya ako ay mangungurot sya kapag nasa mansyon na ako. “I’m so happy sa wakas kumpleto na tayo sa bahay! Si Ahya Knives mo sa bahay na rin nakatira eh, nakumbinsi ko rin ang matigas ang ulong kapatid ko na ‘yon. Actually nasa practice sya kanina kaso, ayun, no’ng natagalan mag-start, he just vanished. Nagmamadali, mayroon raw syang naiwan somewhere kung saan man sya nagpunta kagabi,” napabuntung-hininga pa sya, ‘yung kabila ko namang pisngi ang kinurot nya. Kinabahan ako. Malamang galit na naman sya sa ‘kin kasi late na naman ako! Kung bawiin ko na lang kaya kay Mama ang paglipat ko? Ayoko syang makadaupang-palad