Share

The Billionaire's Playdate
The Billionaire's Playdate
Author: sybth

Chapter 1

Author: sybth
last update Huling Na-update: 2022-03-30 11:05:05

“Hey, curly haired lady. I need your service.”

“What would you like to have for a drink, sir?”

“No. I don't mean a bottle service. I need you to play as my date for just one night.”

“Pero sir, hindi ganoon ang trabaho ko. I can only serve your drinks-”

“Money serves as a reward for services rendered. Does this job pay you more than I can?”

_______________________

[Cattleya]

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko para muling ayusin ito matapos ang nangyaring insidente kanina.

“Pasensya na Cattleya, hindi talaga maiiwasan ang ganoong customer dito sa club. Ikaw kasi ang naging top service last week kaya pinabalik ka ng manager.”

Tinapunan ko lamang ng tingin ang kaibigan kong si Loren. Siya ang nagpasok sa akin dito sa nightclub bilang isang bottle service girl.

Noong una ay naging maayos naman ang takbo ng trabaho na ito. Pero kanina, yung isang matandang lalaki na hindi ata nagustuhan ang drink niya ay ibinato sa akin ang bote ng alak. Mabuti na lang at nakailag ako. Pero hindi naiwasan na mabasa ng alak ang buhok ko kaya naman kinailangan ko itong banlawan.

Pangalawang linggo ko na ito bilang isang bottle service girl. At masasabi ko na hindi madali ang trabahong ito.

Some people categorize this job as pretty imbeciles na nagtatrabaho lang sa ganitong klaseng lugar. When in fact, this job pays for a lot of expenses na napupunta sa groceries, rent, hospital bills, school, at personal na mga bagay.

Oo, nag-eenjoy ako sa trabaho na ito. Pero ang gusto kong malaman ng ibang tao ay hindi ko ginagawa ito para sa pansariling kasiyahan. Kung may pagpipilian lang ako, nasa bahay na ako ngayon at natutulog pagkatapos ng nakakapagod na araw sa university, o kaya ay lumalabas tuwing Biyernes ng gabi kasama ang mga kaibigan.

Pero, ito ay isang trabaho. Trabaho na akma sa schedule ko at nagsisilbing magandang income bilang isang college student na may sinusuportahang pamilya.

“Ngayon ko lang nakita ang natural na pagka-kulot ng buhok mo. Mas bagay sayo 'yan kaysa ang straight mong buhok.”

Nang marinig ko iyon kay Loren ay ibinalik ko ang aking atensyon sa salamin at muling pinagmasdan ang sarili ko. Pagkatapos patuyuin ng buhok kong nabasa ng alak ay bumalik ito sa pagka-kulot. Hindi rin kasi pwedeng hindi ko ito huhugasan dahil maaamoy ako ng ibang customers.

Bumaba ang aking mga mata patungo sa red lingerie dress na suot ko ngayon. Kahit kailan ay hindi ko naisip na makapagsusuot ako ng ganitong klase ng damit. May kakabit itong silky satin straps sa hita bago ang isang mahabang boots na kapareho lang ng kulay. Sa sobrang iksi nito ay makikita na ang kaluluwa ko kung dadampot ako ng barya sa sahig. Kung makikita lang ako ng inay ngayon, siguradong hihimatayin iyon.

“Tara na, Loren. Bumalik na tayo sa labas.” tipid kong utas.

Nang tuluyan akong makalabas ng silid ay sinalubong ako ng isang maingay na tunog at nakakasilaw na mga ilaw.

Saglit akong huminto upang isuot ang invisible kong maskara, ang aking mga pekeng ngiti, bago muling naglakad papunta sa customers.

Kapansin-pansin na hindi gaano karami ang customers dito kung ikukumpara noong nakaraang linggo. Kaya naman, hindi rin marami ang bibigyan namin ng serbisyo.

Lumakad na lang muna ako sa bar counter upang doon ay maghintay ng customer na tatawag sa akin. Mas madali kasing makita sa pwesto na ito.

“Jax, pare, ano nang plano mo?”

Naagaw ang atensyon ko ng dalawang lalaki na hindi kalayuan ang pwesto sa akin. Sapat lang ito para marinig ko ang mga boses nila.

“—Kung maglalasing ka lang dito hanggang sa makalimot, magmumukha ka lang talunan sa pamilya ninyo.”

Nang umangat ang tingin ng lalaking kaharap niya ay doon ko lang nasilayan ang kabuuang mukha nito.

“What do you mean?” mataim niyang sambit. Napansin ko ang pagkalugmok sa kanyang mga mata at ang garalgal niyang boses. Sa unang tingin palang, walang duda na malalim ang kinakaharap niya ngayon.

“Ano ba, Jax? Hindi mo ba naisip na gustong patunayan ng step-brother mong si Lance na mas angat siya sayo? Palibhasa kasi, masiyado kang nagpaloko at nagtiwala sa kanila!” galit na bulalas ng isang lalaki. Mababakas ang pagkayamot sa nagngangalit nitong ngipin at tono ng pananalita. “Now, look at you! They fooled you that the child inside Daniella's womb is yours. When in fact, it's Lance's. Ang isang taong pinagkatiwalaan mo. He knocked your fiance to be the first one to have a child— and guess what will happen next? He's the one getting the entire Armani Corporation. Leaving you with no piece.”

Natamaan ng aking tingin ang bahagyang paggalaw ng panga nito at ang mariin na pagkuyom ng kanyang kamao. “What do you want me to do then?”

Nagsalubong ang aking kilay ng tugunan lamang ito ng tipid na kibit-balikat ng lalaki.

Hindi naman sa nanghihimasok ako sa problema nila, pero tila gusto kong marinig pa ang tungkol sa nangyayari.

“I don't know. He already took a slice of your life by getting your fiance pregnant. Now, if you want to continue drowning yourself in alcohol here, it's up to you, Jax. Pero ang gusto ko lang malaman mo, sa ganitong paraan ay mas pinapadali mo ang mga balak ni Lance na tuluyan kang pabagsakin. You are slowly being a shame to the family, at sigurado akong pinagtatawanan ka na nila.”

Matapos iwanan ang mga salitang iyon ay tumayo na ang lalaking kasama niya at iniwan siyang mag-isa at tulala.

Grabe naman, yung fiance niya ay nabuntis ng ibang lalaki? Hindi ba parang ang sakit naman na pangloloko yun? Kahit nga ang magkaroon lang ng ibang kinakasama ang mahal mo, ay masakit na.

Nang matauhan ako sa aking sinabi ay parang gusto ko na lang matawa. Akala mo kung sinong makapag-salita, kahit kailan naman ay hindi ako nagkaroon ng boyfriend.

Iginala ko na lang muli ang mga mata ko upang maghanap ng customers. Mukhang hindi malaki ang maiuuwi ko dahil wala masyadong customers ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako bago muling sulyapan ang lalaki kanina.

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na umiwas nang magtama ang aming mga tingin.

Tila nailigtas ako sa bingit ng panganib ng tumunog ang phone niya na nakalapag sa table, kaya naman ay naagaw nito ang kanyang atensyon.

“Geo?”

Hindi ko maiwasan ang mapa sulyap sa tuwing naririnig ko ang malalim at malamig niyang boses.

“A dinner? Why so sudden?”

Gusto kong sampalin ang sarili ko ng kumunot ang aking noo kasabay ng pagkunot niya.

Masiyado kang napaghahalataan Cattleya!

“They suddenly call for a family dinner on Friday, for what? To make everyone see how devastated I am- A WHAT?! Wedding?”

Umawang ang aking mga labi dahil kahit na hindi ko naririnig ang kausap niya sa kabilang linya ay alam kong malaking tiyansa na kasal ng fiance niya at ng lalaking nakabuntis rito ang pinag uusapan nila.

That's so cruel...

“No. Why would you cancel my invitation? I am going.”

Bahagyang umangat ang ibabang labi ko sa sinabi niya.

Bakit siya pupunta doon kahit na alam naman niyang masasaktan lang siya? Grabe, iba na talaga ang mga tao ngayon. Medyo may pagka-martyr pagdating sa taong mahal nila.

Muli akong nag-iwas ng tingin ng ibaba niya na ang phone at ibinalik sa akin ang matatalim niyang titig.

Baka napansin niya na kanina pa ako nakikinig sa kanila. Huwag naman sana siyang magalit at magreklamo sa manager namin.

Gusto kong tumakbo at magtago nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na tumayo ito sa kanyang upuan at nag umpisang lumakad papunta sa direksyon ko.

Pabalik-balik ang sulyap ko sa kanya upang masigurado kung dito nga siya pupunta.

“Hey, curly haired lady.”

Kaunti kong iginilid ang aking katawan upang magpanggap na sa ibang direksyon nakatutok ang aking atensyon.

“I need your service.”

Nang bitawan na niya ang salitang iyon ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang lingunin siya. Labag sa aming trabaho ang pagtanggi sa customers at maaaring masira ang pangalan ko sa manager kung magkataon.

Marahan akong lumingon at pilit na tinakpan ng ngiti ang aking kaba. “Sure, what do you want to have for a drink, sir?”

“No. I don't mean a bottle service.” lita niya.

“Pero sir, 'yun lang ang trabaho ko dito sa nightclub. To serve the customers with their drinks.”

Iyon lamang ang tanging trabaho namin bilang bottle service girls at wala nang iba pa. It's our mission to make the customers buy more drinks than they plan, and then we get the commission on their bills. Hindi pa kasama doon ang tips na binibigay nila sa amin.

“I just need you to play as my date for one night.”

Pinagmasdan ko ang kabuuang mukha niya upang malaman kung nagbibiro lamang siya o hindi kaya naman ay lasing na. Madalas kasi na nagiging ganito na ang customers sa tuwing tinatamaan na sila ng alak.

Hindi niya inalis sa akin ang mga mata niyang puno ng desperasyon. Gumalaw pa ito pababa sa aking mga paa bago muling bumalik sa akin. Halos hindi na makita ang tunay na kulay ng kanyang mga mata dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito. Tila ba matamlay at walang mababakas na emosyon.

Natagalan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

“Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, sir. Pero hindi ganoon ang trabaho ko dito sa club. Ibang serbisyo ang ibinibigay ko sa customers. Malinis akong babae at kahit kailan ay hindi ako sumama sa kahit sinong hindi ko kilala. Kung wala na kayong ibang kailangan, please excuse me.” mariin kong sambit bago nagsimulang humakbang paalis.

“Does this job pay you more than I can?”

Natigilan ang mga paa ko dahil sa sinambit niya.

“How much do they pay you for a night here? I can triple it up.”

Hindi ko siya hinarap ngunit nanatili lang na nakahinto ang aking mga paa at nakatitig sa sahig. Naramdaman ko ang marahang pagkuyom ng kamao ko.

“Alright. Since you seem too tough and tight with your red clothes, I'll let you name your price.”

Doon ko lamang siya marahas na tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa tuktok ng ulo dahil sa inis. Bumilis rin ang aking paghinga.

“Excuse me lang, sir. Alam kong bottle girl ang trabaho ko dito sa club at dapat na pagsilbihan ko kayo. Pero, sobra naman ata ang pangbabastos na ginagawa ninyo?” nagngangalit ang mga ngipin kong bulalas sa kanya at hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses. “Hindi ibig sabihin na ganito ang kasuotan ko ay may karapatan na kayong bastusin at sabihan ako ng kung ano ano-”

“Cattleya!”

Natigilan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng manager sa club.

Kasabay nito ang paghawak ni Loren sa mga braso ko. “Catt, kumalma ka lang.” bulong niya sa akin. “Alam mo naman na marami talagang customers na katulad niyan. Kaya dapat ay habaan mo ang pasensya mo.”

Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil nakapako pa rin ang aking mga mata sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Alam kong may pinagdadaanan siya sa fiance niya, pero hindi ibig sabihin nun ay may karapatan na siyang mambatos ng ibang babae.

“Mr. Madrigal, we apologize for her behavior. Hindi kasi maganda ang gabi niya ngayon dahil we also handled an incident earlier. Cattleya may just be stressed out. I hope you can understand, sir.”

Pilit kong kinakalma ang sarili ko sa mga ngisi at makabuluhang titig niya sa akin.

“Alright, accept this.”

Sinundan ko ng tingin ang kamay niya ng gumalaw ito papunta sa bulsa upang kunin ang kanyang wallet. Inilabas niya dito ang isang calling card at inilapag sa side bar counter.

“—Call me once you have decided. I'll wait until Friday night.”

Matapos akong bigyan muli ng makahulugang ngiti ay tumalikod na ito sa amin at dirediretsong umalis. Iniwan akong pinagmamasdan ang kanyang likuran.

Nababaliw na siya. Ano bang akala niya sa akin?

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 2

    “Cattleya...”Narinig ko ang tawag sa akin ni Loren ngunit hindi ko magawang lingunin siya.“Catt, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Tapos na ang klase natin at pwede na daw tayong umuwi.”Doon ko lamang inilibot ang aking mga mata sa paligid. Wala na nga ang professor namin at kaunti na lang ang mga estudyante sa loob ng silid.“May nangyari ba?”Nilingon ko si Loren at sinalubong ako ng malungkot at nag aalala niyang mga tingin.“Sinugod kasi ang kapatid kong si Charles sa ospital kagabi…” ungos ko. “Ang sabi ng doctor ay namana raw ng kapatid ko ang sakit na ikinamatay ni itay. May Thalassemia rin daw si Charles at kapag hindi mabibigyan ng agarang operasyon ay maaaring lumala at kumalat sa katawan niya. Ngayon, si inay ay naghihintay sa akin sa ospital at umaasa na may maiuuwi akong pera pambayad ng bills ni Charles. Pero, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera?

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 3

    Matapos ang mahigit dalawang oras na pagaayos nila sa buong pagkatao ko mula ulo hanggang paa, ay narito na ako ngayon sa harapan ng isang malaking pintuan. Ang narinig ko kanina nang makarating kami ay ito daw ang mansion kung saan nakatira ang pamilya Madrigal.Hindi na rin ako magtataka dahil sa halata namang pang mayaman ang mala-kastilyong bahay na ito. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay mahigit dalawampung tauhan na ang nakikita ko.Pinasadahan kong muli ng tingin ang kulay pulang dress na suot ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ito ang kulay na pinili nilang ipasuot sa akin at masyado pang revealing ang likurang bahagi. Wedding celebration dinner kasi ang pupuntahan namin, kaya naman hindi maganda ang ganitong kulay dahil baka magdala ng malas sa ikakasal.Hindi na lang rin ako umangal pa dahil kailangan ko lang naman gampanan ang trabaho na ibinigay sa akin, at pagkatapos ay maiuuwi ko na sila inay mula sa hospital. Pagkatapos rin

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 4

    “I am willing to pay you any amount, Cattleya. Just consider my plan. This could be my last chance to save Armani. So please, help me.”Kanina pa ako naririndi sa paulit-ulit niyang alok sa akin habang hindi mapakali na naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko.Para sa kanya ay mabigat na itong pinagdadaanan niya. Pero, sa totoo lang, wala pa ito sa kalahati ng kinakaharap na problema ngayon ng ibang tao.Ang mga mayayaman ay nagaagawan sa pera at titulo. Hindi pa sila makuntento sa kung ano ang meron sila. Habang ang mga mahihirap naman, ay lumalaban para magkaroon ng pagsasaluhan sa hapag.Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin, hindi ako papayag na magpakasal. Sapat na itong pagdalo ko sa dinner ng pamilya ninyo.”Saglit siyang tumigil sa paglalakad bago ako hinarap at tinapunan ng mapanghusgang titig.“A-Alam kong malaki ang pangangailangan ko sa pera ngayon.” nauutal kong dagdag dahil sa

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 5

    “Wear this ring.” Gumapang ang tingin ko sa kamay ni Jaxson na nakalahad sa aking harapan. Bahagya akong natulala sa isang singsing na nakalagay sa palad niya dahil sa makinang na dyamante nito. Ito yata ang unang beses na nakakita ako ng tunay na dyamante. Totoo nga na nakakabulag ang kinang nito gaya ng sabi ng ilan. Napakalinis ng bagay na 'to at walang makikitang kahit na anong bakas ng gasgas. Mistulang napakalinaw na tubig at kahit na madilim na ang kapaligiran ay hindi maitago ang kinang na ipinapakita nito. Sadyang nakamamangha. “What are you staring at?” Naagaw ni Jaxson ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kaya naman ay tahimik na umangat lang muli ang mga mata ko sa kanya. “–What’s with that face? Don’t you wanna wear it?” masungit niyang tanong ng may magkaparehong nakataas na kilay. “Hindi naman sa ayaw kong suotin. Anong lang kasi…” nahihiya kong tugon bago mag iwas ng tingin sa kanya. Parang hi

    Huling Na-update : 2022-04-17
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 6

    “Ms. Cattleya, hindi pa po ba kayo babangon riyan?”Kumunot ang aking noo dahil sa tinig na narinig ko ngunit nanatili lamang na nakapikit ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko ngayong araw na ito. Lalo na ang mga paa kong halos hindi ko na maramdaman. Daig pa nito ang magdamag na pagsusuot ng mataas na takong sa sapatos.Bahagya akong umikot ng pwesto ng pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang balikat ko.Ginapang ko ang aking kamay upang haplusin ang malambot na hinihigaan ko dahil tila kakaiba ito. Naramdaman ko ang gusot sa aking noo ng makaamoy ako ng hindi pamilyar na bango.“Kung ako sa iyo, Cattleya, Hija. Mas bubutihin kong tumayo na para makapag-ayos ng sarili bago pa kayo tawagin para bumaba sa garden.”Sandali…“Manang Elsie?” marahas akong napabangon kasabay ng paglipad ng aking kamay sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pananakit nito.“Ako nga, Cattleya. Umakyat na

    Huling Na-update : 2022-04-19
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 7

    “It’s really my father’s idea.” utas ni Jaxson na muling kumuha ng atensyon ko.Sa totoo lang ay halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga paliwanag niya dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagkahilo sa labis na gutom. Hindi pa rin kasi ako nakakakain dahil matapos ang nangyaring public proposal niya kanina ay hinatak na ako ni Jaxson patungo rito sa loob ng bahay nila. Iniwan ang mga tao sa labas na tulala at tila hindi makapaniwala sa salitang binitawan ni Jaxson.Ang sabi niya sa akin ay may kailangan raw kaming pag-usapan tungkol sa nangyari kanina.“My father urged that I make the proposal public so that a great number of people are aware of our engagement. And introduce you to everybody.” Patuloy niyang paliwanag sa akin. Saglit na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad patungo sa silid niya, kaya naman ay nakuha ko ang atensyon ni Jaxson. Mataim ang titig niya sa aking mga mata na halos hindi mabasa ang emosyon na binibigay nito.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 8

    “I also want you to be aware that I won't be able to assist you with our wedding preparations,” pagpapatuloy ni Jaxson. “I assume my father won't settle for a simple ceremony, so that would be a huge preparation you have to deal with. Meanwhile, I have to go to Ruegold because, of course, I can't just stay here at the manor and carefully plan my wedding. I should be out there, making sure that none of them forgets my name.”Nakatulala na lamang ako habang pinakikinggan ang mga salitang pinapasok niya sa pagod kong utak. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman ang iba sa mga sinasabi niya. Wala lang akong ganang magsalita dahil sa tuwing ibinubuka ko ang bibig ko ay mas lalo lamang kumukulong itong tiyan ko sa gutom.“They should never neglect that I am still the Madrigal's successor, and certainly not my nasty little brother Lance.”Walang duda na mas mahirap pang makasama ang lalaking ito buong araw, kaysa ang masungit kong professor sa university. Panay nalang kasi ang mga utos at bi

    Huling Na-update : 2022-04-26
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 9

    Matapos ang ilang minutong kasama si Gunther sa loob ng walang kasing tahimik na silid, ay sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin at nakarinig ng mga boses galing sa ibang tao. Kanina kasi ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang katahimikan, na halos marinig ko na pati ang paggalaw ng dugo ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili at makalaya na sa kwartong iyon.Hindi ko maiwasan ang maisip at matuwa nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Gunther kanina. Si Jaxson pala ang dahilan ng pag akyat niya upang dalhan ako ng makakain. Ang akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin at tanging ang trabaho ko lang rito ang nasa isip niya dahil hindi naman niya ako tinatanong. Nang maramdaman kong muli ang kusang pag taas ng slit ng suot kong dress ay kaunti at pasimple ko itong hinila pababa sa laylayan dahil umaabot na ito sa itaas ng aking hita.Malayo kasi ang pagkakaiba ng katawan ng ex fiance ni Jaxson na si Daniella

    Huling Na-update : 2022-05-02

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 18

    “Hindi ko tinatanggap ang alok mo.” Mariing tanggi ko kay Jaxson habang nasa loob kami ng sasakyan upang magtungo na sa Ruegold kung saan papasok si Jaxson.Hindi ko nagustuhan ang alok niya sa aking bahay at lupa, pagkatapos naming maikasal.Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung sapat ba ang ginagawa kong tulong sa kanya, tapos ay mas dadagdagan pa niya ang utang na loob na meron ako.“Don’t you think it’s for your own good?” ulit niyang giit.“Alam mo, Jax? Nasobrahan ka na sa pagiging mapagbigay. Sapat na sa akin ang pagpapagamot sa kapatid ko. Para saan pa na magtatapos ako ng pag aaral kung aasa lang rin pala ako sa’yo?” Hindi ko napigilang magtaas ng boses sa kanya dahil sa inis. “Minsan nga ay matuto ka rin na magtira ka rin para sa sarili mo.”“You’re overreacting, Cattleya. A house and lot won’t affect my wealth as much as you are imagining. I can earn it back again in just a month.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi siya marunong makinig at makaintindi sa sinas

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 17

    Mabuti na lang at pumayag si Jaxson na sumama ako sa kanya. Baka kasi pag tuluyan niya akong iniwan doon sa bahay nila ay wala akong ibang makausap kung hindi ang masungit niyang ina sa labas.Siya ang pinaka ayaw kong tao na makasalubong doon. Kung alam niya lang. Nasa loob kami ng sasakyan ngayon kasama si Gunther na nasa harapan at katabi ang driver, ako naman at si Jaxson ay naririto sa likuran.Kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng text message mula kay inay na pasakay na sila sa eroplano. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe nila papunta ng America kaya naman ay aantayin ko na lang ang tawag ni inay.Nabasa ko na rin pala ang text message ni ipinadala sa akin ni Loren. Listahan iyon ng lahat ng activities na na missed ko at kailangan kong ihabol. Nabanggit rin niyang kailangan ko nang pumasok sa lalong madaling panahon. Hindi ako sigurado kung kailan ako makakapag umpisang pumasok na ulit sa university, pero mamaya ay tatanungin ko si Jaxson kung pwede ba akong pumasok

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 16

    Tahimik lamang akong tinatapos ang niluluto ko, habang si Jaxson naman ay nasa kaharap na upuan kung saan ako nakatayo, tulala at tila ba may malalim na iniisip.Gusto kong sampalin ng napakalakas ang sarili ko dahil sa naging katauhan ko nang sandaling maramdaman ko ang mga labi niya sa akin.Para akong nawala sa katinuan at sa sarili ko kanina. Mabuti na lang at nagising ako sa katotohanan bago pa man mahuli ang lahat.Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jaxson ngayon at nakatulala lamang siya sa kawalan. Kanina ay humingi siya ng pasensya sa akin matapos siyang mahimasmasan.Hindi ko mawari kung ano ang emosyon na naramdaman ko kanina nang humingi siya ng tawad sa paghalik sa akin. Pakiramdam ko kasi ay sa tingin niya isang kamalian ang bagay na iyon. Nang banggitin niya rin ang pangalan ko kanina, ay tila ba hindi niya alam na ako ang taong nasa harapan niya dahil sa gulat na kusmislap sa kanyang mga mata.Nang tuluyan nang matapos itong niluto kong Chicken noodle soup ay agad

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 15

    “Sandali lang at titingnan ko kung ano ang pwede kong mailuto para sayo.” utas ko habang patuloy na kinakalkal ang pridyider na punong puno ng mga pagkain at karne. “Kung binitawan mo lang sana ako, e’di sana ay kumakain ka na ngayon.” Paglalabis ko.Nang sa wakas ay makakita ako ng pamilyar sa akin na karne ay agad ko nang inilabas ang manok. Chicken soup na lang siguro ang ihahanda ko para sa kanya. Tapos ay magtitira ako at ilalagay sa ref para iinitin na lang sa umaga. Sayang naman kasi ang pagod ko kung madodoble pa ako sa pagluluto. Mabuti na lang at sanay ako sa ganito. Kahit kasi nasa bahay si inay at kasama namin, mas pinipili ko na ako ang mag aasikaso sa kanila.Nang makuha ko na ang mga sangkap ay sinimulan ko nang magluto. Habang itong malaking lalaki na ‘to ay hindi pa rin nawawala sa aking likuran. Habang nagpapakulo ng tubig ay naisipan kong painumin na rin ulit ng tubig si Jaxson. Para kahit na papaano ay mabitawan niya muna ako. Para na kasi akong malalagutan ng hin

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 14

    “My father became the Madrigal family attorney even before I was born. Ang sabi ni dad, he started before Jaxson’s mother and father got married. So I think he pretty much knows almost everything.” lita ni Finn, habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya at naghahanda na ng batya at tuwalya na gagamitin kong pamunas kay Jaxson sa itaas.“— Base sa mga naalala ko sa mga kwento ni dad tungkol sa pamilya Madrigal simula pa noong bata ako, their family has always been so wealthy and entitled in business, yet their small family still live a happy and simple life. He was an only child kaya naman ay spoiled siya sa kanyang ama at ina. However, Jax began to become lethargic when his dear mother said goodbye to them early. Everyone was shocked by its sudden death in an accident. Her body was found in a ravine inside the car and it was discovered that the brakes were broken, which caused the accident.”Tila yata mas lalo pa akong naaawa sa sitwasyon ni Jaxson habang mas lalo ko pang

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 13

    Maingat kong inalalayan ang katawan ni Jaxson ng basta-basta na lamang itong inihagis ni Finn sa kama.Dinig sa tahimik na paligid ng kwarto ang pagpapalitan namin ng Finn ng malakas na habol hininga. Inayos niya ang kwintas niyang bumaliktad na nang dahil sa pag akay niya kay Jaxson kanina.“I am seriously sick of doing this! I’ve had enough of seeing Jax acting this way all the time. Always going home wasted like a fucking loser. And I— can’t do this anymore.” Mariing utas niya bago kaunting sumandal sa gilid ng kama at saka ay ipinag-krus ang kanyang mga braso sa dibdib.Magkasabay na dumako ang aming mga mata kay Jaxson, na ngayon ay mahimbing na nagpapahinga habang bahagya pang gumagalaw ang mga labi at animo ay may kinakausap.“Bakit ba kasi siya nagpaka lasing ng ganito?” anas kong tanong.Narinig ko ang saglit na pagbuga ni Finn ng hangin sa kanyang ilong bago ilipat ang tingin sa akin. “Is that even a question? He literally just saw Daniella and Lance earlier, of course that

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 12

    Ilang oras na ang nakalipas nagmula ng iwanan ako ni Jaxson dito sa silid niya. Matapos akong magpalit ng damit na hiniram ko sa mga gamit ni Jaxson ay wala na akong sumunod na ginawa at tila ba nagmistulang isang bilanggo sa malaking kulungan na ito at nakatulala.Hindi ko na rin nakita si Gunther pagkatapos ng nangyari kanina sa pool. Marahil ay nagpapahinga na rin siya dahil lumalalim na ang gabi. Nabasag ang katahimikan ng umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa ring tone ng telepono ko.Halos mapatalon ako sa tuwa habang nagmamadaling hinahanap ito sa loob ng bag ko. Dahil baka kasi si inay na itong tumatawag. Nang tuluyan kong makuha ito sa bag ay halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang lawak ng aking mga ngiting sumilay ng sandaling makita ko ang pangalan ni inay sa screen.Wala akong pinalagpas na segundo at agad na sinagot ang tawag.“Hello, inay!” Lumipad ang kamay ko sa aking bibig ng mapalakas ang boses ko dahil sa pagkasabik na makausap siya.“Hello?” Muling ta

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 11

    Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan. Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng katiting na pa

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 10

    Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba at gulat ni Gunther nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng matatalim na tingin ni Jaxson kaya bigla na lamang siyang nawalan ng balanse kanina at naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa tubig.Nakaligo tuloy kami ng wala sa oras sa napakalamig na tubig sa pool. At hindi sinasadya ring nabasa ko itong damit ni Daniella na pinahiram lang sa akin.“Mali ang iniisip mo.” mariin kong anas kay Jaxson habang pinatutuyo ang aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang itsura niyang tila nag iisip.“What do you mean, Cattleya? I’m not thinking about anything.” Mataim niyang tugon bago nag umpisang pumwesto sa kaharap na upuan ko. “Nothing else, except another fiance of mine having an affair with someone I trust.”Nalaglag ang aking mga panga dahil sa salitang binitiwan niya.Awang ang mga labi ko na sinusubukan humanap ng mga salita. Ngunit nang sandaling iimik na sana ako ay sakto naman na pagdating ng isang lalaki. Siguro ay siya na nga an

DMCA.com Protection Status