“Wear this ring.”
Gumapang ang tingin ko sa kamay ni Jaxson na nakalahad sa aking harapan.
Bahagya akong natulala sa isang singsing na nakalagay sa palad niya dahil sa makinang na dyamante nito.
Ito yata ang unang beses na nakakita ako ng tunay na dyamante. Totoo nga na nakakabulag ang kinang nito gaya ng sabi ng ilan. Napakalinis ng bagay na 'to at walang makikitang kahit na anong bakas ng gasgas. Mistulang napakalinaw na tubig at kahit na madilim na ang kapaligiran ay hindi maitago ang kinang na ipinapakita nito. Sadyang nakamamangha.
“What are you staring at?”
Naagaw ni Jaxson ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kaya naman ay tahimik na umangat lang muli ang mga mata ko sa kanya.
“–What’s with that face? Don’t you wanna wear it?” masungit niyang tanong ng may magkaparehong nakataas na kilay.
“Hindi naman sa ayaw kong suotin. Anong lang kasi…” nahihiya kong tugon bago mag iwas ng tingin sa kanya.
Parang hindi naman kasi bagay sa akin ang magsuot ng ganyang klase ng mga bagay. Atsaka, ano na lang ang ipangbabayad ko kung magkataon na maiwala ko ang mamahalin na singing na iyan? Nakakatakot.
“Do I have to kneel down in front of you with this ring just so you will accept it?”
Marahas na bumalik ang mga tingin ko kay Jaxson dahil sa sinambit niya. “T-Talaga? Gagawin mo 'yun?”
“Pfft— of course not!” Bungisngis niya. “Look, Cattleya. You shouldn’t expect anything like-”
“Good evening, Mr. Madrigal.” Bati ko sa ama niyang papalapit patungo sa direksyon namin na siyang umagaw rin ng pansin ni Jaxson ng marinig niya ako.
Sana lang at walang narinig ang ama niya sa usapan namin.
“What are you two doing outside?” salubong niyang tanong. “Shouldn’t you guys be resting in your room now, Jax?”
Pakiramdam ko ay gumuhit ang isang patalim sa lalamunan ko ng marahas akong mapalunok sa gulat. Agad kong tinakpan ng ngiti ang nanlalaki kong mga mata dahil sa aking narinig.
Anong ibig niyang sabihin doon? Sa iisang silid lang kami mananatili ni Jaxson?!
Hindi pwede! Hindi dapat!
Hindi ko inakala na may mas ilalala pa pala ang kasunduan naming dalawa.
Nahagip ng mga mata ko ang pasimpleng pagsilid ni Jaxson ng singsing pabalik sa bulsa niya.
Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang daliri sa kamay ko.
Tila may nagwawala sa loob ng puso ko ngayon dahil sa bilis at lakas ng kalabog nito.
Ito ang unang beses na mahawakan ng isang lalaki ang kamay ko.
Nakaramdam ako ng mabilis na pag akyat ng aking dugo pati ang pag init ng aking mga pisngi. Nakakahiya. Huwag naman sana itong mamula.
Natakot ako ng sumilay ang gusot sa noo ng ama ni Jaxson dahil sa naging reaksyon ko. Kaya naman pinagdikit kong muli ang nakaawang kong mga labi at binigyan siya ng ngiti bago tugunan ang paghawak ni Jaxson sa kamay ko.
“Cattleya and I are just talking about something important, Dad. We will get inside after a few minutes.” Kalmadong utas ni Jaxson habang pinisil ng malakas ang aking kamay.
“Ah– Opo ga-ganun nga, Mr. Madrigal.” Gusto kong mamilipit sa sakit ng pagpisil niya pero kailangan kong tiisin at panatilihin ang ngiti sa mga labi ko.
Bahagya siyang tumango sa amin. “By something important, does that include your marriage? Where is the ring? You still haven’t proposed to her yet?”
Iginilid ko ang aking ulo palayo sa mga tingin nila at mariing isinara ang aking mga mata.
Naku, Cattleya. Malilintikan ka talaga! Bakit kasi hindi ko pa tinanggap ang singsing kaagad? Para sana naisuot ko na ito bago pa kami maabutan ng ama niya.
“Uh, tungkol po diyan-”
“I haven’t yet, Dad.” Pag agaw ni Jaxson sa mga salita ko.
Mabilis na lumipat ang mga mata ko sa kanya na tila hindi makapaniwala.
“Cattleya, Hija?”
Hindi ko inaasahan ang pagtawag niya sa akin gamit ang pangalan ko kaya naman pigil hininga ko siyang nilingon.
Huwag naman sana siyang magalit kay Jaxson o kaya naman ay hindi na ituloy ang kasunduan nila. Kapag nagkataon, wala na akong ibang maisip na paraan upang maipagamot pa si Charles.
“You can go inside now and find Elsie. She will help you find Jaxson’s room where you can wait for him. My son and I have an important matter to talk about.” mahinahon niyang sambit bago tapunan ng makahulugang tingin si Jaxson sa tabi ko na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay.
“O-Okay, po…” halos hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa pangamba. Marahan kong nilingon si Jaxson upang kunin ang kamay ko mula sa kanya. “Papasok na muna ako sa loob,” utas ko ng hindi niya pa rin ito bitawan.
Nilingon ko ang ama niya upang sulyapan ang reaksyon nito dahil sa ginagawa ni Jaxson. Diretso lamang itong nakatingin sa amin na para bang hinihintay ang mga susunod na mangyayari.
“I'll see you inside, okay?” malambing na ani ni Jaxson.
Mabilis akong napailag ng lumapit ang mukha niya sa akin.
Muli namang sumilay ang kunot sa noo ni Mr. Madrigal na siyang ikinabahala ko kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na inilagan ang paglapit ni Jaxson.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa balat ko.
Saglit akong natulala bago tuluyang manlambot ang mga tuhod ko dahil sa ginawa niya. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Jaxson bago pa ako sumalampak sa lupa.
“Alright, go now.” narinig kong bulong niya sa akin.
Kusang tumango ang aking ulo bago magsimulang humakbang at iwan silang tulala at hindi kumukurap.
Kulang ang isang buong araw para ma-proseso ko ang lahat ng nangyari.
Ito ang unang beses na mahawakan ng isang lalaki ang kamay ko. Pero hindi lang pala doon natatapos. Ngayong gabi rin ang unang halik na natanggap ko maliban sa mga magulang ko.
Marahang umangat ang kamay ko sa aking pisngi kung saan nag iwan ng halik si Jaxson.
Bakit ganito kainit ang mukha ko? Halos nakakapaso na itong hawakan. Kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon, sigurado na para akong hinog na kamatis sa sobrang pula.
“Ms. Cattleya?”
Binalik ako sa reyalidad ng isang boses na tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko ang pinanggalingan nito at nakita ang matandang babae na nakabihis ng unipormeng pang-kasambahay.
“Kayo po ba si Ma'am Elsie?” magalang kong tanong sa kanya ng lumakad siya patungo sa direksyon ko.
“Ako nga iyon, Ms. Cattleya.” sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, pero baka dahil ito kay Mr. Madrigal.
“May maipaglilingkod ba ako sa inyo? Kayo ba ay nagugutom, gusto niyo bang kumain muna?”
“H-Hindi na po,” iwinagayway ko ang aking mga kamay sa harapan niya. “Ayos lang po, Ma’am Elsie. Kaya ko po kayo hinahanap ay dahil nabanggit ni Mr. Madrigal na kayo ang magtuturo sa akin kung saan ang kwarto ni Jaxson.”
“Ganun ba? Sige halika, sumunod ka sa akin, Hija. At siya nga pala, huwag mo na rin akong tawaging Ma’am dahil hindi naman ako ang amo rito. Pwede mo akong tawagin na Manang Elsie na lang.”
Tumango lang ako ng may ngiti bilang tugon sa sinabi niya at saka ay sinundan ang mga yapak niyang tumungo papunta sa isang malaki at gintong hagdan.
Habang pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan namin ay hindi ko maiwasan na mapansin ang mga ngiti sa labi si Manang Elsie. Kakaiba, hindi ba siya nangangalay ngumiti ng ganyan kalawak at abot tainga?
Iniisip ko tuloy kung tunay ang mga ngiting ipinapakita niya sa akin at hindi gaya ng ginagawa ko sa customers ng club.
Bigla ko tuloy naisip ang trabaho ko sa nightclub. Ano kaya ang iisipin ni Manager Richard Sol kapag bigla na lamang akong hindi na nagpakita sa kanya. Siguro ay ipapadaan ko na lang kay Loren ang bayad ko sa mga ipinahiram niyang pera sa akin para makabayad ako.
“Nandito na tayo,”
Huminto kami sa harap ng isang napakataas na itim na pintuan. Grabe ang laki ng pinto ng kwarto na ito.
Kailangan ba talaga na kasing laki ng pinto ng simbahan ang nakakabit sa silid ng mayayaman? Itim na itim pa talaga ito. Pero sandali, hindi ko makita ang hawakan kung saan ito pwedeng buksan.
Pinagmasdan ko si Manang Elsie ng humakbang siya papalapit sa pintuan.
Kunot noo na ipinag taka ko ang ginawa niya. Inilapat niya ang kamay niya sa malaking pintuan na tila may hinihintay.
“Hala ka!!” Sigaw ko habang mabilis na umatras sa gulat ng kusang gumalaw ang pinto na para bang sasakay kami sa elevator.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Manang Elsie kaya naman ay tinapunan ko siya ng tingin na may pagtataka.
“Ganyan na ganyan ang reaksyon ko ng unang beses kong makita ang pintong ito.” Sambit niya habang mahinang tumatawa. “Mahilig sa mga ganitong bagay si Jax kaya naman masanay ka na, Cattleya. Marami ka pang matutuklasan sa loob. Wala pa ang pintuan na ito sa kalahati.”
“Ah… Ganun po ba…” Nagpakawala na lamang ako ng awkward na tawa dahil sa mga tawa ni Manang Elsie na tila natutuwa talaga siya sa naging reaksyon ko. “M-Mas okay siguro kung dito ko na lang sa labas hihintayin si Jaxson…” takot kong anas.
Umiling lang sa akin si Manang Elsie at saka ay nagsimula nang humakbang papasok ng nakakatakot na silid. Kaya naman ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sundan siya.
Tipid ang mga hakbang ko dahil sa kabang binigay niya sa akin.
Ano kaya ang mayroon dito sa loob?
Nang tuluyan kaming makapasok ay ipinagtaka ko kung bakit taliwas ito sa nabanggit niya. “Hindi naman po pala nakakatakot ang loob nito. Mas maliwanag kaysa sa inaasahan ko. At saka, mukha naman itong normal na kwarto ng mayayaman.” Nakangiti kong sabi nang makahinga ako ng maluwag.
“Mabuti naman kung ganun. Umupo ka muna.” Sumenyas ang kamay niya patungo sa gilid ko kaya naman ay napatingin rin ako.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng kusang gumalaw ang isang sofa papalapit sa kinatatayuan ko.
“Mama!!” Matinis kong sigaw kasabay ng pagtakbo ko sa likod ni Manang Elsie.
“Umupo ka muna habang hinihintay mo si Jax.” kalmadong usal nito na para bang wala lang sa kanya ang nangyari.
“Ano ba itong silid na 'to? Hindi naman siguro possessed ang bahay na 'to, hindi ba?” tumaas ang tono ng pananalita ko habang habol hininga dahil sa mga nakakagulat na pangyayari.
Muling natawa si Manang Elsie sa akin. “Walang sapi ang silid na ito, Cattleya. Sadyang may dahilan sa likod ng paggalaw ng mga gamit na iyan. Pero hahayaan ko nang ang nobyo mo ang magpaliwanag sa iyo at lalabas na muna ako upang maghanda para sa agahan.”
Awang ang mga labi na tumango ako sa kanya at nanatiling tulala.
“Sige, Cattleya. Maiwan na kita dito.” mahinahon niyang sambit bago ako talikuran at tumungo sa pintuan. Binuksan niya ito gaya ng ginawa niya kanina.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa buong araw na ito. Halo halong emosyon ang naranasan ko sa isang araw lang.
Bagaman ay natatakot ako sa sofa ay pinilit ko pa rin na umupo dito dahil sa napapagod na rin ang mga paa ko. Inabot na rin kasi kami ng hating gabi.
Nang tuluyan akong makaupo ay mabilis na nakaramdam ako ng pagbigat ng mga talukap kasabay ng paghikab. Ihiniga ko ang aking ulo sa malambot na pwesto upang kahit papaano ay makapag pahinga ako bago sumapit ang liwanag.
Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Sana bukas, ay mas maging maayos ang lahat. At sana, wala nang iba pang nakakabaliw na pangyayari dahil hindi ko alam kung hanggang saan pa ako maka katagal bago tuluyang mawala sa tamang pag iisip.
“Ms. Cattleya, hindi pa po ba kayo babangon riyan?”Kumunot ang aking noo dahil sa tinig na narinig ko ngunit nanatili lamang na nakapikit ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko ngayong araw na ito. Lalo na ang mga paa kong halos hindi ko na maramdaman. Daig pa nito ang magdamag na pagsusuot ng mataas na takong sa sapatos.Bahagya akong umikot ng pwesto ng pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang balikat ko.Ginapang ko ang aking kamay upang haplusin ang malambot na hinihigaan ko dahil tila kakaiba ito. Naramdaman ko ang gusot sa aking noo ng makaamoy ako ng hindi pamilyar na bango.“Kung ako sa iyo, Cattleya, Hija. Mas bubutihin kong tumayo na para makapag-ayos ng sarili bago pa kayo tawagin para bumaba sa garden.”Sandali…“Manang Elsie?” marahas akong napabangon kasabay ng paglipad ng aking kamay sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pananakit nito.“Ako nga, Cattleya. Umakyat na
“It’s really my father’s idea.” utas ni Jaxson na muling kumuha ng atensyon ko.Sa totoo lang ay halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga paliwanag niya dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagkahilo sa labis na gutom. Hindi pa rin kasi ako nakakakain dahil matapos ang nangyaring public proposal niya kanina ay hinatak na ako ni Jaxson patungo rito sa loob ng bahay nila. Iniwan ang mga tao sa labas na tulala at tila hindi makapaniwala sa salitang binitawan ni Jaxson.Ang sabi niya sa akin ay may kailangan raw kaming pag-usapan tungkol sa nangyari kanina.“My father urged that I make the proposal public so that a great number of people are aware of our engagement. And introduce you to everybody.” Patuloy niyang paliwanag sa akin. Saglit na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad patungo sa silid niya, kaya naman ay nakuha ko ang atensyon ni Jaxson. Mataim ang titig niya sa aking mga mata na halos hindi mabasa ang emosyon na binibigay nito.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga
“I also want you to be aware that I won't be able to assist you with our wedding preparations,” pagpapatuloy ni Jaxson. “I assume my father won't settle for a simple ceremony, so that would be a huge preparation you have to deal with. Meanwhile, I have to go to Ruegold because, of course, I can't just stay here at the manor and carefully plan my wedding. I should be out there, making sure that none of them forgets my name.”Nakatulala na lamang ako habang pinakikinggan ang mga salitang pinapasok niya sa pagod kong utak. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman ang iba sa mga sinasabi niya. Wala lang akong ganang magsalita dahil sa tuwing ibinubuka ko ang bibig ko ay mas lalo lamang kumukulong itong tiyan ko sa gutom.“They should never neglect that I am still the Madrigal's successor, and certainly not my nasty little brother Lance.”Walang duda na mas mahirap pang makasama ang lalaking ito buong araw, kaysa ang masungit kong professor sa university. Panay nalang kasi ang mga utos at bi
Matapos ang ilang minutong kasama si Gunther sa loob ng walang kasing tahimik na silid, ay sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin at nakarinig ng mga boses galing sa ibang tao. Kanina kasi ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang katahimikan, na halos marinig ko na pati ang paggalaw ng dugo ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili at makalaya na sa kwartong iyon.Hindi ko maiwasan ang maisip at matuwa nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Gunther kanina. Si Jaxson pala ang dahilan ng pag akyat niya upang dalhan ako ng makakain. Ang akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin at tanging ang trabaho ko lang rito ang nasa isip niya dahil hindi naman niya ako tinatanong. Nang maramdaman kong muli ang kusang pag taas ng slit ng suot kong dress ay kaunti at pasimple ko itong hinila pababa sa laylayan dahil umaabot na ito sa itaas ng aking hita.Malayo kasi ang pagkakaiba ng katawan ng ex fiance ni Jaxson na si Daniella
Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba at gulat ni Gunther nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng matatalim na tingin ni Jaxson kaya bigla na lamang siyang nawalan ng balanse kanina at naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa tubig.Nakaligo tuloy kami ng wala sa oras sa napakalamig na tubig sa pool. At hindi sinasadya ring nabasa ko itong damit ni Daniella na pinahiram lang sa akin.“Mali ang iniisip mo.” mariin kong anas kay Jaxson habang pinatutuyo ang aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang itsura niyang tila nag iisip.“What do you mean, Cattleya? I’m not thinking about anything.” Mataim niyang tugon bago nag umpisang pumwesto sa kaharap na upuan ko. “Nothing else, except another fiance of mine having an affair with someone I trust.”Nalaglag ang aking mga panga dahil sa salitang binitiwan niya.Awang ang mga labi ko na sinusubukan humanap ng mga salita. Ngunit nang sandaling iimik na sana ako ay sakto naman na pagdating ng isang lalaki. Siguro ay siya na nga an
Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan. Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng katiting na pa
Ilang oras na ang nakalipas nagmula ng iwanan ako ni Jaxson dito sa silid niya. Matapos akong magpalit ng damit na hiniram ko sa mga gamit ni Jaxson ay wala na akong sumunod na ginawa at tila ba nagmistulang isang bilanggo sa malaking kulungan na ito at nakatulala.Hindi ko na rin nakita si Gunther pagkatapos ng nangyari kanina sa pool. Marahil ay nagpapahinga na rin siya dahil lumalalim na ang gabi. Nabasag ang katahimikan ng umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa ring tone ng telepono ko.Halos mapatalon ako sa tuwa habang nagmamadaling hinahanap ito sa loob ng bag ko. Dahil baka kasi si inay na itong tumatawag. Nang tuluyan kong makuha ito sa bag ay halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang lawak ng aking mga ngiting sumilay ng sandaling makita ko ang pangalan ni inay sa screen.Wala akong pinalagpas na segundo at agad na sinagot ang tawag.“Hello, inay!” Lumipad ang kamay ko sa aking bibig ng mapalakas ang boses ko dahil sa pagkasabik na makausap siya.“Hello?” Muling ta
Maingat kong inalalayan ang katawan ni Jaxson ng basta-basta na lamang itong inihagis ni Finn sa kama.Dinig sa tahimik na paligid ng kwarto ang pagpapalitan namin ng Finn ng malakas na habol hininga. Inayos niya ang kwintas niyang bumaliktad na nang dahil sa pag akay niya kay Jaxson kanina.“I am seriously sick of doing this! I’ve had enough of seeing Jax acting this way all the time. Always going home wasted like a fucking loser. And I— can’t do this anymore.” Mariing utas niya bago kaunting sumandal sa gilid ng kama at saka ay ipinag-krus ang kanyang mga braso sa dibdib.Magkasabay na dumako ang aming mga mata kay Jaxson, na ngayon ay mahimbing na nagpapahinga habang bahagya pang gumagalaw ang mga labi at animo ay may kinakausap.“Bakit ba kasi siya nagpaka lasing ng ganito?” anas kong tanong.Narinig ko ang saglit na pagbuga ni Finn ng hangin sa kanyang ilong bago ilipat ang tingin sa akin. “Is that even a question? He literally just saw Daniella and Lance earlier, of course that