Maingat kong inalalayan ang katawan ni Jaxson ng basta-basta na lamang itong inihagis ni Finn sa kama.Dinig sa tahimik na paligid ng kwarto ang pagpapalitan namin ng Finn ng malakas na habol hininga. Inayos niya ang kwintas niyang bumaliktad na nang dahil sa pag akay niya kay Jaxson kanina.“I am seriously sick of doing this! I’ve had enough of seeing Jax acting this way all the time. Always going home wasted like a fucking loser. And I— can’t do this anymore.” Mariing utas niya bago kaunting sumandal sa gilid ng kama at saka ay ipinag-krus ang kanyang mga braso sa dibdib.Magkasabay na dumako ang aming mga mata kay Jaxson, na ngayon ay mahimbing na nagpapahinga habang bahagya pang gumagalaw ang mga labi at animo ay may kinakausap.“Bakit ba kasi siya nagpaka lasing ng ganito?” anas kong tanong.Narinig ko ang saglit na pagbuga ni Finn ng hangin sa kanyang ilong bago ilipat ang tingin sa akin. “Is that even a question? He literally just saw Daniella and Lance earlier, of course that
“My father became the Madrigal family attorney even before I was born. Ang sabi ni dad, he started before Jaxson’s mother and father got married. So I think he pretty much knows almost everything.” lita ni Finn, habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya at naghahanda na ng batya at tuwalya na gagamitin kong pamunas kay Jaxson sa itaas.“— Base sa mga naalala ko sa mga kwento ni dad tungkol sa pamilya Madrigal simula pa noong bata ako, their family has always been so wealthy and entitled in business, yet their small family still live a happy and simple life. He was an only child kaya naman ay spoiled siya sa kanyang ama at ina. However, Jax began to become lethargic when his dear mother said goodbye to them early. Everyone was shocked by its sudden death in an accident. Her body was found in a ravine inside the car and it was discovered that the brakes were broken, which caused the accident.”Tila yata mas lalo pa akong naaawa sa sitwasyon ni Jaxson habang mas lalo ko pang
“Sandali lang at titingnan ko kung ano ang pwede kong mailuto para sayo.” utas ko habang patuloy na kinakalkal ang pridyider na punong puno ng mga pagkain at karne. “Kung binitawan mo lang sana ako, e’di sana ay kumakain ka na ngayon.” Paglalabis ko.Nang sa wakas ay makakita ako ng pamilyar sa akin na karne ay agad ko nang inilabas ang manok. Chicken soup na lang siguro ang ihahanda ko para sa kanya. Tapos ay magtitira ako at ilalagay sa ref para iinitin na lang sa umaga. Sayang naman kasi ang pagod ko kung madodoble pa ako sa pagluluto. Mabuti na lang at sanay ako sa ganito. Kahit kasi nasa bahay si inay at kasama namin, mas pinipili ko na ako ang mag aasikaso sa kanila.Nang makuha ko na ang mga sangkap ay sinimulan ko nang magluto. Habang itong malaking lalaki na ‘to ay hindi pa rin nawawala sa aking likuran. Habang nagpapakulo ng tubig ay naisipan kong painumin na rin ulit ng tubig si Jaxson. Para kahit na papaano ay mabitawan niya muna ako. Para na kasi akong malalagutan ng hin
Tahimik lamang akong tinatapos ang niluluto ko, habang si Jaxson naman ay nasa kaharap na upuan kung saan ako nakatayo, tulala at tila ba may malalim na iniisip.Gusto kong sampalin ng napakalakas ang sarili ko dahil sa naging katauhan ko nang sandaling maramdaman ko ang mga labi niya sa akin.Para akong nawala sa katinuan at sa sarili ko kanina. Mabuti na lang at nagising ako sa katotohanan bago pa man mahuli ang lahat.Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jaxson ngayon at nakatulala lamang siya sa kawalan. Kanina ay humingi siya ng pasensya sa akin matapos siyang mahimasmasan.Hindi ko mawari kung ano ang emosyon na naramdaman ko kanina nang humingi siya ng tawad sa paghalik sa akin. Pakiramdam ko kasi ay sa tingin niya isang kamalian ang bagay na iyon. Nang banggitin niya rin ang pangalan ko kanina, ay tila ba hindi niya alam na ako ang taong nasa harapan niya dahil sa gulat na kusmislap sa kanyang mga mata.Nang tuluyan nang matapos itong niluto kong Chicken noodle soup ay agad
Mabuti na lang at pumayag si Jaxson na sumama ako sa kanya. Baka kasi pag tuluyan niya akong iniwan doon sa bahay nila ay wala akong ibang makausap kung hindi ang masungit niyang ina sa labas.Siya ang pinaka ayaw kong tao na makasalubong doon. Kung alam niya lang. Nasa loob kami ng sasakyan ngayon kasama si Gunther na nasa harapan at katabi ang driver, ako naman at si Jaxson ay naririto sa likuran.Kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng text message mula kay inay na pasakay na sila sa eroplano. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe nila papunta ng America kaya naman ay aantayin ko na lang ang tawag ni inay.Nabasa ko na rin pala ang text message ni ipinadala sa akin ni Loren. Listahan iyon ng lahat ng activities na na missed ko at kailangan kong ihabol. Nabanggit rin niyang kailangan ko nang pumasok sa lalong madaling panahon. Hindi ako sigurado kung kailan ako makakapag umpisang pumasok na ulit sa university, pero mamaya ay tatanungin ko si Jaxson kung pwede ba akong pumasok
“Hindi ko tinatanggap ang alok mo.” Mariing tanggi ko kay Jaxson habang nasa loob kami ng sasakyan upang magtungo na sa Ruegold kung saan papasok si Jaxson.Hindi ko nagustuhan ang alok niya sa aking bahay at lupa, pagkatapos naming maikasal.Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung sapat ba ang ginagawa kong tulong sa kanya, tapos ay mas dadagdagan pa niya ang utang na loob na meron ako.“Don’t you think it’s for your own good?” ulit niyang giit.“Alam mo, Jax? Nasobrahan ka na sa pagiging mapagbigay. Sapat na sa akin ang pagpapagamot sa kapatid ko. Para saan pa na magtatapos ako ng pag aaral kung aasa lang rin pala ako sa’yo?” Hindi ko napigilang magtaas ng boses sa kanya dahil sa inis. “Minsan nga ay matuto ka rin na magtira ka rin para sa sarili mo.”“You’re overreacting, Cattleya. A house and lot won’t affect my wealth as much as you are imagining. I can earn it back again in just a month.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi siya marunong makinig at makaintindi sa sinas
“Hey, curly haired lady. I need your service.” “What would you like to have for a drink, sir?” “No. I don't mean a bottle service. I need you to play as my date for just one night.” “Pero sir, hindi ganoon ang trabaho ko. I can only serve your drinks-” “Money serves as a reward for services rendered. Does this job pay you more than I can?” _______________________[Cattleya] Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko para muling ayusin ito matapos ang nangyaring insidente kanina. “Pasensya na Cattleya, hindi talaga maiiwasan ang ganoong customer dito sa club. Ikaw kasi ang naging top service last week kaya pinabalik ka ng manager.” Tinapunan ko lamang ng tingin ang kaibigan kong si Loren. Siya ang nagpasok sa akin dito sa nightclub bilang isang bottle service girl. Noong una ay naging maayos naman ang takbo ng trabaho na ito. Pero kanina, yung isang matandang lalaki na hindi ata nagustuhan ang drink niya ay ibinato sa akin ang bote ng
“Cattleya...”Narinig ko ang tawag sa akin ni Loren ngunit hindi ko magawang lingunin siya.“Catt, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Tapos na ang klase natin at pwede na daw tayong umuwi.”Doon ko lamang inilibot ang aking mga mata sa paligid. Wala na nga ang professor namin at kaunti na lang ang mga estudyante sa loob ng silid.“May nangyari ba?”Nilingon ko si Loren at sinalubong ako ng malungkot at nag aalala niyang mga tingin.“Sinugod kasi ang kapatid kong si Charles sa ospital kagabi…” ungos ko. “Ang sabi ng doctor ay namana raw ng kapatid ko ang sakit na ikinamatay ni itay. May Thalassemia rin daw si Charles at kapag hindi mabibigyan ng agarang operasyon ay maaaring lumala at kumalat sa katawan niya. Ngayon, si inay ay naghihintay sa akin sa ospital at umaasa na may maiuuwi akong pera pambayad ng bills ni Charles. Pero, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera?