Share

Chapter 2

“Cattleya...”

Narinig ko ang tawag sa akin ni Loren ngunit hindi ko magawang lingunin siya.

“Catt, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Tapos na ang klase natin at pwede na daw tayong umuwi.”

Doon ko lamang inilibot ang aking mga mata sa paligid. Wala na nga ang professor namin at kaunti na lang ang mga estudyante sa loob ng silid.

“May nangyari ba?”

Nilingon ko si Loren at sinalubong ako ng malungkot at nag aalala niyang mga tingin.

“Sinugod kasi ang kapatid kong si Charles sa ospital kagabi…” ungos ko. “Ang sabi ng doctor ay namana raw ng kapatid ko ang sakit na ikinamatay ni itay. May Thalassemia rin daw si Charles at kapag hindi mabibigyan ng agarang operasyon ay maaaring lumala at kumalat sa katawan niya. Ngayon, si inay ay naghihintay sa akin sa ospital at umaasa na may maiuuwi akong pera pambayad ng bills ni Charles. Pero, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera? Kakabayad ko lang kasi ng tuition fee noong nakaraang linggo…” napa buntong hininga na lamang ako dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Naging mahirap na nga ang buhay namin simula ng namayapa na si itay. Sapat lang ang kinikita ko para sa pagkain at pagpapaaral. Tapos ngayon, ay naipasa pa ang sakit sa bunso kong kapatid na si Charles. 

“Gustuhin ko man na tulungan ka Cattleya, alam mo naman na wala rin ako… Subukan mo kayang bumale ulit kay Manager?”

Pinasadahan ko lang ng tingin si Loren at saka ay tipid na umiling. “Malaki na ang utang ko kay Manager Sol dahil humiram din ako sa kanya ng pandagdag sa tuition na binayad ko.”

“Heto,” inilabas niya ang isang maliit na papel mula sa bag niya at saka ay pilit na inipit ito sa aking kamay. “Ito na lang siguro ang maitutulong ko. Itinago ko ang calling card ng lalaki na nag-iwan niyan noong isang gabi. Hindi ba ang sabi niya ay maghihintay siya hanggang biyernes? Ito na ang huling pagkakataon mo dahil biyernes ngayon. Mukhang mayaman ang lalaking iyon at interesado siya sayo Cattleya. Alam kong mahirap para sa iyo dahil malaki ang respeto mo sa sarili, pero… May iba ka pa bang pagpipilian sa mga oras na ito?” 

Matapos iwanan sa akin ang papel ay nag umpisa na rin siyang ligpitin ang kanyang gamit at lumabas na ng silid.

Marahang bumaba ang aking tingin sa calling card na iniwan ni Loren sa kamay ko. 

“Armani Corporation…” anas kong basa sa nakasulat dito. Kumunot ang aking noo dahil tila narinig ko na ang pangalan na iyon ngunit hindi ko maalala kung saan.

Pinaikot-ikot ko ang calling card sa aking mga daliri habang pinagmamasdan ito.

Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang sumama sa lalaking iyon at tanggapin ang alok niya. Hindi ako sigurado kung ano ang nais niyang gawin sa akin. Pero, wala namang ibang dahilan ang isang mayaman na lalaki para yayain ang isang tulad ko na lumabas kung hindi para gawin ang isang maruming bagay.

Tama man o mali, wala nang ibang paraan para maiuwi si inay at Charles mula sa hospital. Saka na lang ako maghahanap ng paraan sa pagpapagamot kay Charles. Ang importante, ay maiuwi ko muna sila sa bahay.

Agad na kinuha ko ang aking telepono at sinimulang i-dial ang number na nasa card. Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig kong nag-ring ito. Nanginginig ang aking mga kamay habang naghihintay sa pagsagot niya ng tawag.

[“Hello, this is Armani Corporation. Who's calling?”]

Saglit kong inilayo ang phone mula sa tenga ko ng marinig ang hindi pamilyar na boses.

“U-Uh… Nandyan ba si…” inangat ko ang calling card na aking hawak. “S-Si… Jaxson Madrigal?”

Parehong nakaangat ang aking mga kilay habang naghihintay ng sagot niya.

[“Yes, miss. May I know the purpose of your call? Do you have an appointment with Mr. Madrigal today?”]

“H-Huh? A-Appointment..?” kinagat ko ang aking labi sa kaba. “Wala akong-”

[“Who's calling?”]

Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Sigurado akong siya ang lalaking iyon noong gabi. Walang katulad ang malalim at garalgal niyang boses.

[“Hello, miss? May I know your name, please?”]

“U-Uh… Cattleya.” utas ko. “Cattleya Santos.”

[“She said she's Cattleya Santos, Mr. Madrigal.”]

[“Transfer the call to my office.”]

Narinig ko ang pag uusap nila at ako naman ay nanatili lang na nakikinig habang hindi pa rin natatanggal ang aking kaba.

[“As I expected, you changed your mind.”]

Napabalikwas ako nang marinig ng mas malapit ang kanyang boses.

“K-Kasi… Ano sana… Gusto kong tanggapin ang alok mo.” napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa hiya habang hinihintay ang magiging tugon niya.

[“Send me your location.”]

“Oka-” naputol ako ng bigla niyang ibaba ang tawag. 

Matapos maisend ang location ko ay agad kong niligpit ang aking mga gamit bago tuluyang lumabas ng silid upang doon na lamang hintayin sa labas ng gate ang lalaki.

Ilang minuto lang akong naghintay bago ko natanaw ang agaw pansin na sasakyan. Tila ba kumikinang ito sa sobrang linis at halatang mamahalin. Marahil ay ito na nga ang lalaking iyon. Hindi naman kasi araw araw ay may dumadaan na ganitong sasakyan dito sa harap ng university kahit pa may ilan ring mayayaman na nag aaral dito.

Bumukas ang bintana ng sasakyan nito kasabay ng pagtigil sa aking harapan. Kaunti siyang yumuko upang makita ko ang mukha niya, at saka ay kusang bumukas ang pintuan ng kotse.

Tipid ang mga ginagawa kong kilos dahil sa pagkailang ko sa kanya, habang pilit na iniiwasan ang kanyang mga titig.

 

“You're still a student?” agad niyang tanong sa sandaling sumara na ng kusa ang pinto ng sasakyan.

Tipid lang rin akong tumango ng hindi siya tinapunan ng tingin. 

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko ngayon sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. Kinakabahan ako at natatakot sa mga papalapit na pangyayari.

“In what year?”

“Fourth year.” halos hindi ko na maibuka ng maayos ang aking bibig dahil sa pagkailang sa kanya. 

Nakakahiya talaga na makasama ang mga tunay na mayayaman. Para bang sobrang linis nila at amoy palang ay sosyal na. Pasimple ko ring sinulyapan ang kamay ng lalaking katabi ko ngayon habang nasa manebela ito. Napakakinis at flawless ng complexion niya. Halatang hindi ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

Mas mukha pa tuloy pambabae ang kamay niya kaysa sa akin.

“So, you're a graduating student. Okay.”

Kaunti lamang akong ngumiti bilang tugon ngunit hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa mukha niya.

Muling binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan. Kahit ang paghinga ko ay pinipigilan ko na dahil pakiramdam ko'y naririnig na rin ito.

“You look scared. Just relax.”

Nang sambitin niya iyon nang may malamig at kalmadong boses ay hindi ito nakatulong at mas lalo lamang na nagkarera ang puso ko. 

“K-Kinakabahan kasi ako…” ungos ko.

“Why?”

“H-Huh? Ah kasi… First time ko ito.” bahagya akong yumuko at ibinaba ang aking tingin sa magkasalikop kong mga kamay na nakapatong sa aking hita. “Hindi ko pa kasi nararanasan iyon kahit na kailan, kaya naman hindi ko maiwasan ang kabahan at matakot. Ang akala ko rin kasi, ay gagawin ko ang unang beses na ito kasama ang taong mahal ko...”

“You never had dinner before?”

Natigilan ako sa tanong niya. Pakiramdam ko ay naging isang malaking bloke ng yelo ang aking katawan. Marahan ko siyang nilingon at pinagmasdan ang kanyang mukha. 

“D-Dinner?”

Tumango siya bilang tugon. “I know that you should be with someone you love for dinner. But, you have never been to a dinner with your family or friends before?”

“U-Uh?” nalaglag ang aking panga kasabay ng pag angat ng aking mga kilay.

“You look so confused over a dinner. Are you perhaps expecting a different scenario?”

Muli kong ibinalik ang aking mga tingin sa harapan. Anong ibig niyang sabihin na dinner? Mali ba ang naisip ko? 

“Hindi ba inaya mo akong lumabas para sa isang gabi? Ang akala ko…”

“What? That I will take you to bed?” Narinig ko ang mahina niyang tawa. “God! Your mind is pretty wild. Do I really look like someone who would actually buy a woman for those kind of pleasures?”

“P-Pero... Bakit ako ang inaya mo? Hindi naman kita kilala.”

“I know you heard everything about my current situation.”

Natahimik ako sa sinambit niya.

“—It will be easier for you because you already know what's going on and I don't need to explain further. I just need you to play as my date for dinner together with my family. I want to show them that I am not affected by what they have done.” napansin ko ang biglang pagbaba ng tono ng kanyang boses pati na ang pagbabalik nito sa madilim at garalgal na tinig. “After this one night, I can pay you any amount that you desire. I also promise that I will never show my face to you again.”

Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, napansin niya ang pakikinig ko sa usapan nila. 

“A-Attend lang ba ng dinner ang kondisyon mo?” 

Nagsisi ako sa aking tanong nang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. 

“Don't expect anything else.”

Nakakalito ang ugali ng lalaking ito. Bigla na lamang nagpapalit ang katauhan niya mula sa seryoso, papunta sa maloko.

“—Oh, and one more thing.” dagdag pa niya. “You have to act as my girlfriend. Be sweet to me and do as much as you can to look like you are in love with me. Take note that the person that you should convince more is my father.”

“A-Ano?” gulat na bulalas ko.

“Calm down for now. You should relax before our dinner tonight. Also, I'm bringing you for some transformation. You can't attend a dinner looking like that, with all your papers and filthy uniform. I don't want to hear them say that my new girlfriend looks like an nasty hideous person. I didn't personally pick you just to be called like that.”

Natulala na lamang ako sa kawalan matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na dito ko pala magagamit ang lahat ng pinag aralan ko sa contemporary arts. Mas mabuti na rin ito kaysa ang una kong naisip na gagawin namin. Hindi na rin ito masama upang kumita ng pera. Kaysa naman ang ibibigay ko ang katawan ko sa lalaking ito.

Sana lang ay hindi kami masyadong gabihin dahil hindi na sapat hanggang bukas ang iniwan kong pera kay inay para sa pagkain nila. Gusto ko na rin silang maiuwi ngayong gabi dahil mas lalo lang lalaki ang bayarin namin sa hospital kung mas tatagal pa ang pananatili nila doon. Ayaw ko rin kasi na bumalik sa ala-ala ng aking ina ang nangyari noon kay itay. Alam ko na nahihirapan rin siya gaya ng kung gaano ako nahihirapan ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status