Mabuti na lang at pumayag si Jaxson na sumama ako sa kanya. Baka kasi pag tuluyan niya akong iniwan doon sa bahay nila ay wala akong ibang makausap kung hindi ang masungit niyang ina sa labas.Siya ang pinaka ayaw kong tao na makasalubong doon. Kung alam niya lang. Nasa loob kami ng sasakyan ngayon kasama si Gunther na nasa harapan at katabi ang driver, ako naman at si Jaxson ay naririto sa likuran.Kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng text message mula kay inay na pasakay na sila sa eroplano. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe nila papunta ng America kaya naman ay aantayin ko na lang ang tawag ni inay.Nabasa ko na rin pala ang text message ni ipinadala sa akin ni Loren. Listahan iyon ng lahat ng activities na na missed ko at kailangan kong ihabol. Nabanggit rin niyang kailangan ko nang pumasok sa lalong madaling panahon. Hindi ako sigurado kung kailan ako makakapag umpisang pumasok na ulit sa university, pero mamaya ay tatanungin ko si Jaxson kung pwede ba akong pumasok
“Hindi ko tinatanggap ang alok mo.” Mariing tanggi ko kay Jaxson habang nasa loob kami ng sasakyan upang magtungo na sa Ruegold kung saan papasok si Jaxson.Hindi ko nagustuhan ang alok niya sa aking bahay at lupa, pagkatapos naming maikasal.Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung sapat ba ang ginagawa kong tulong sa kanya, tapos ay mas dadagdagan pa niya ang utang na loob na meron ako.“Don’t you think it’s for your own good?” ulit niyang giit.“Alam mo, Jax? Nasobrahan ka na sa pagiging mapagbigay. Sapat na sa akin ang pagpapagamot sa kapatid ko. Para saan pa na magtatapos ako ng pag aaral kung aasa lang rin pala ako sa’yo?” Hindi ko napigilang magtaas ng boses sa kanya dahil sa inis. “Minsan nga ay matuto ka rin na magtira ka rin para sa sarili mo.”“You’re overreacting, Cattleya. A house and lot won’t affect my wealth as much as you are imagining. I can earn it back again in just a month.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi siya marunong makinig at makaintindi sa sinas
“Hey, curly haired lady. I need your service.” “What would you like to have for a drink, sir?” “No. I don't mean a bottle service. I need you to play as my date for just one night.” “Pero sir, hindi ganoon ang trabaho ko. I can only serve your drinks-” “Money serves as a reward for services rendered. Does this job pay you more than I can?” _______________________[Cattleya] Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko para muling ayusin ito matapos ang nangyaring insidente kanina. “Pasensya na Cattleya, hindi talaga maiiwasan ang ganoong customer dito sa club. Ikaw kasi ang naging top service last week kaya pinabalik ka ng manager.” Tinapunan ko lamang ng tingin ang kaibigan kong si Loren. Siya ang nagpasok sa akin dito sa nightclub bilang isang bottle service girl. Noong una ay naging maayos naman ang takbo ng trabaho na ito. Pero kanina, yung isang matandang lalaki na hindi ata nagustuhan ang drink niya ay ibinato sa akin ang bote ng
“Cattleya...”Narinig ko ang tawag sa akin ni Loren ngunit hindi ko magawang lingunin siya.“Catt, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. Tapos na ang klase natin at pwede na daw tayong umuwi.”Doon ko lamang inilibot ang aking mga mata sa paligid. Wala na nga ang professor namin at kaunti na lang ang mga estudyante sa loob ng silid.“May nangyari ba?”Nilingon ko si Loren at sinalubong ako ng malungkot at nag aalala niyang mga tingin.“Sinugod kasi ang kapatid kong si Charles sa ospital kagabi…” ungos ko. “Ang sabi ng doctor ay namana raw ng kapatid ko ang sakit na ikinamatay ni itay. May Thalassemia rin daw si Charles at kapag hindi mabibigyan ng agarang operasyon ay maaaring lumala at kumalat sa katawan niya. Ngayon, si inay ay naghihintay sa akin sa ospital at umaasa na may maiuuwi akong pera pambayad ng bills ni Charles. Pero, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera?
Matapos ang mahigit dalawang oras na pagaayos nila sa buong pagkatao ko mula ulo hanggang paa, ay narito na ako ngayon sa harapan ng isang malaking pintuan. Ang narinig ko kanina nang makarating kami ay ito daw ang mansion kung saan nakatira ang pamilya Madrigal.Hindi na rin ako magtataka dahil sa halata namang pang mayaman ang mala-kastilyong bahay na ito. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay mahigit dalawampung tauhan na ang nakikita ko.Pinasadahan kong muli ng tingin ang kulay pulang dress na suot ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ito ang kulay na pinili nilang ipasuot sa akin at masyado pang revealing ang likurang bahagi. Wedding celebration dinner kasi ang pupuntahan namin, kaya naman hindi maganda ang ganitong kulay dahil baka magdala ng malas sa ikakasal.Hindi na lang rin ako umangal pa dahil kailangan ko lang naman gampanan ang trabaho na ibinigay sa akin, at pagkatapos ay maiuuwi ko na sila inay mula sa hospital. Pagkatapos rin
“I am willing to pay you any amount, Cattleya. Just consider my plan. This could be my last chance to save Armani. So please, help me.”Kanina pa ako naririndi sa paulit-ulit niyang alok sa akin habang hindi mapakali na naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko.Para sa kanya ay mabigat na itong pinagdadaanan niya. Pero, sa totoo lang, wala pa ito sa kalahati ng kinakaharap na problema ngayon ng ibang tao.Ang mga mayayaman ay nagaagawan sa pera at titulo. Hindi pa sila makuntento sa kung ano ang meron sila. Habang ang mga mahihirap naman, ay lumalaban para magkaroon ng pagsasaluhan sa hapag.Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin, hindi ako papayag na magpakasal. Sapat na itong pagdalo ko sa dinner ng pamilya ninyo.”Saglit siyang tumigil sa paglalakad bago ako hinarap at tinapunan ng mapanghusgang titig.“A-Alam kong malaki ang pangangailangan ko sa pera ngayon.” nauutal kong dagdag dahil sa
“Wear this ring.” Gumapang ang tingin ko sa kamay ni Jaxson na nakalahad sa aking harapan. Bahagya akong natulala sa isang singsing na nakalagay sa palad niya dahil sa makinang na dyamante nito. Ito yata ang unang beses na nakakita ako ng tunay na dyamante. Totoo nga na nakakabulag ang kinang nito gaya ng sabi ng ilan. Napakalinis ng bagay na 'to at walang makikitang kahit na anong bakas ng gasgas. Mistulang napakalinaw na tubig at kahit na madilim na ang kapaligiran ay hindi maitago ang kinang na ipinapakita nito. Sadyang nakamamangha. “What are you staring at?” Naagaw ni Jaxson ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kaya naman ay tahimik na umangat lang muli ang mga mata ko sa kanya. “–What’s with that face? Don’t you wanna wear it?” masungit niyang tanong ng may magkaparehong nakataas na kilay. “Hindi naman sa ayaw kong suotin. Anong lang kasi…” nahihiya kong tugon bago mag iwas ng tingin sa kanya. Parang hi
“Ms. Cattleya, hindi pa po ba kayo babangon riyan?”Kumunot ang aking noo dahil sa tinig na narinig ko ngunit nanatili lamang na nakapikit ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko ngayong araw na ito. Lalo na ang mga paa kong halos hindi ko na maramdaman. Daig pa nito ang magdamag na pagsusuot ng mataas na takong sa sapatos.Bahagya akong umikot ng pwesto ng pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang balikat ko.Ginapang ko ang aking kamay upang haplusin ang malambot na hinihigaan ko dahil tila kakaiba ito. Naramdaman ko ang gusot sa aking noo ng makaamoy ako ng hindi pamilyar na bango.“Kung ako sa iyo, Cattleya, Hija. Mas bubutihin kong tumayo na para makapag-ayos ng sarili bago pa kayo tawagin para bumaba sa garden.”Sandali…“Manang Elsie?” marahas akong napabangon kasabay ng paglipad ng aking kamay sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pananakit nito.“Ako nga, Cattleya. Umakyat na