Share

Chapter 3

Author: sybth
last update Huling Na-update: 2022-03-30 11:17:33

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagaayos nila sa buong pagkatao ko mula ulo hanggang paa, ay narito na ako ngayon sa harapan ng isang malaking pintuan.

Ang narinig ko kanina nang makarating kami ay ito daw ang mansion kung saan nakatira ang pamilya Madrigal.

Hindi na rin ako magtataka dahil sa halata namang pang mayaman ang mala-kastilyong bahay na ito. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay mahigit dalawampung tauhan na ang nakikita ko.

Pinasadahan kong muli ng tingin ang kulay pulang dress na suot ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ito ang kulay na pinili nilang ipasuot sa akin at masyado pang revealing ang likurang bahagi. Wedding celebration dinner kasi ang pupuntahan namin, kaya naman hindi maganda ang ganitong kulay dahil baka magdala ng malas sa ikakasal.

Hindi na lang rin ako umangal pa dahil kailangan ko lang naman gampanan ang trabaho na ibinigay sa akin, at pagkatapos ay maiuuwi ko na sila inay mula sa hospital. Pagkatapos rin ng gabing ito ay hindi na kami magkikita pang muli ng lalaking kasama ko ngayon.

“Remember everything that I told you. Tonight, you are my girlfriend.” bulong niya sa akin bago kinuha ang aking kamay at isinabit sa kanyang braso.

Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang ipinaalala sa akin iyan.

Nagsimula na kaming humakbang papasok ng bigla akong napahinto dahil sa aking naalala.

“Sandali lang,” tigil ko sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan mo? Mahirap naman kasing magpanggap na mahal kita kung hindi ko man lang alam ang pangalan mo.”

“Jaxson. But, you can just call me Jax.” Sambit niya. “Or, you can call me babe if you want to be more convincing-”

“Jax.”

Sumilay ang ngisi sa mga labi niya ng marinig ang sagot ko.

Saglit akong humugot ng malalim na hininga bago muling magsalita. Masyado kasing nakakaloko ang mga ngiti na ibinibigay niya sa akin at pakiramdam ko ay hinihigop nito ang natitirang hangin ko sa katawan.

“Ako naman si Cattleya. Pwede mo akong tawaging Catt.”

“I love cats.”

Tipid ko lang siyang nginitian dahil hindi na bago sa akin ang birong iyon. Pero siya naman ay halos mapunit na ang labi sa kakangisi. Hindi ako sigurado kung nasiraan na sa utak ang lalaking ito dahil sa bigat ng pinagdadaanan niya ngayon. Sa isang kisapmata kasi ay nagbabago ang ugaling ipinapakita niya.

“Let's go.”

Bahagya akong tumango bago muling kumapit sa braso ni Jax.

Kailangan ay galingan ko ang pagpapanggap ngayong gabi dahil baka hindi ako bayaran ng lalaking ito ng sapat na pera para pambayad sa ospital kapag pumalpak ang plano niya.

“Jaxson, my son! You came.” Salubong sa amin ng isang babae na ilang taon lang yata ang tanda sa akin.

Pinagmasdan ko lang sila ng halikan niya sa pisngi ang lalaking katabi ko ngayon bilang pagbati.

Siya pala ang ina ni Jax. Sa unang tingin ay hindi siya mukhang nanay na. Ang bata pa ng kanyang itsura para maging ina.

“Why would I not?”

Itinago ko ang kaunting pagkunot ng aking noo sa pagtataka kung bakit hindi man lang ngumiti o bumati pabalik si Jaxson sa kanya.

“Catt,” nakangiting nilingon niya ako. “This is my step-mother.”

“Catt?” tanong ng babae at doon lamang niya ako tinapunan ng tingin na para bang ngayon lang niya ako nakita. Kahit na hindi naman binibitawan ni Jaxson ang kamay ko kanina pa.

Hindi ko maintindihan kung bakit para bang hindi totoo ang mga ngiting ipinapakita ni Jaxson ngayon. Ibang iba ito sa mga ngiti niya kanina.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at itinuon ang aking atensyon sa sinabi niyang step-mother.

“Hello, ma'am. Good evening.” bati ko sa kanya ngunit awang lang ang mga labi nito na tila ba nakakita ng isang multo.

“Emily, this is Cattleya, my girlfriend.” simpleng sabat ni Jaxson na binigyang diin na ako ang bagong babae niya.

Hindi man lang niya binigyang galang ang kanyang ina, o hindi kaya naman ay tawagin itong nanay Emily. Halatang hindi maganda ang relasyon nila.

Nang kaunting gumilid ang step-mother ni Jaxson, ay doon ko lamang namalayan na nasa harapan pala kami ng iba pang bahagi ng pamilya Madrigal.

Halos walang pinagkaiba ang mga reaksyon nila na tila ba isa akong multo na bumangon mula sa hukay.

Hindi siguro sila makapaniwala na nakahanap agad ng bagong girlfriend si Jaxson matapos ang nangyari. Wala silang ideya na plano niya lamang ang lahat ng ito upang hindi siya mapahiya.

Kakaiba ang pamilya nila, wala akong nadarama kahit na katiting na pagmamahalan.

Nang lumakad na kami patungo sa lamesa, ay saglit akong tumigil sa isang matipunong lalaki na nakaupo sa dulo nito.

“Magandang gabi po, Mr. Madrigal. Ako po si Cattleya, ang girlfriend ni Jax.” magalang kong bati.

Ilang segundo ang itinagal bago niya ako nilingon.

“Welcome to the family, hija. Please take a seat and make yourself at home.”

Sinuklian ko ng ngiti ang pagbati niya bago sumunod kay Jaxson ng marahan niya akong hilahin patungo sa isang upuan.

Kahit na nahihiya ako dahil sa pulang kasuotan ko ngayon na umaangat sa mga nude at simpleng white attires nila ay pilit ko lamang itong tinakpan ng ngiti. Sanay naman ako na magpanggap kaya maliit na problema lang sa akin ito.

Nang tuluyan na akong makaupo, agad kong hinanap gamit ang aking mga mata yung sinasabing ex-fiance ni Jaxson na nabuntis ng step-brother niya, at ngayon ay magpapakasal na.

Natagpuan ko siya malapit sa step-mother ni Jaxson.

Kaya naman pala halos magpakalunod na ang lalaking ito noong gabi sa club. Napakaganda naman pala kasi ng babaeng mahal niya.

Para akong nakakakita ng isang sikat na artista habang nakatitig sa kanya. Ang kutis niya ay mala porselana na mas pinatingkad ng itim na itim at mahaba niyang buhok. Napakalinis niyang tingnan at tila ba inukit ng isang magaling na artist ang kanyang ilong at iba pang parte ng mukha.

Diretso ang mga tingin niya sa katabi kong si Jaxson, kaya naman ay natitigan ko rin ang mabibilog niyang mga mata. Kumikinang ang mga ito at mistulang parang kuting na nawawala sa kalsada. Napaka-perpekto niya.

Sayang lang at nabuntis siya ng ibang lalaki. Kung iisipin, ay bagay sila ni Jaxson dahil sa pareho nilang artistahing mga mukha.

“Alright. Since we're all here. We may now begin the celebration for the upcoming wedding of Lance and Daniella. And of course, the new Madrigal that we are expecting!” galak na bulalas ng step-mother ni Jax. “Help yourselves and let's eat.”

Umangat ang ibabang labi ko habang pasimpleng nilingon si Jax sa aking tabi. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya sa sinabing iyon ng kanyang ina.

Parang ang insensitive ng pamilyang ito na kinabibilangan niya. Hindi man lang nila naisip ang nararamdaman ni Jaxson ngayon at tila nakangiti pa silang lahat.

Hindi ba nila alam kung gaano nasasaktan ngayon si Jaxson dahil sa lahat ng pangyayari?

Nang magsimula nang kumain ang lahat ay itinuon ko ang aking pansin sa plato na nakapwesto sa aking harapan. Alam ko na ang tawag sa pagkain na ito ay T-Bone steak, ngunit hindi ko alam kung paano ito kinakain.

Pasimple kong tiningnan ang iba upang malaman kung paano ito. Ayoko naman kasi na mapahiya sa pagkain lalo na sa harapan ng mga mayayaman.

“Why aren't you eating?” malakas na tanong sa akin ni Jax.

Magkatabi lang naman kami, bakit kailangan niya pang isigaw? Ako tuloy ang nahihiya. Hindi pa nga ako tapos pagmasdan ang iba.

Tinitigan ko si Jax at sinubukan na sensyasan siya gamit ang aking mga mata. Kaso, nabigo ako ng tingnan niya lang ako pabalik ng may magka salubong na mga kilay at halatang nagtataka.

Bahagya akong umabante at inilapit ang bibig ko sa kanyang tainga. “Paano ba kinakain 'to, Jax? Ngayon lang kasi ako makakakain ng steak.” maingat kong bulong.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Follow me.” bulong niya pabalik sa akin at saka ay marahang dinampot ang tinidor at kutsilyo sa kanang kamay.

Inipit niya ang karne at saka ay sinimulang hiwain ito gamit ang kutsilyo. Sinundan ko ang bawat kilos ni Jax, at nang sandaling sabay naming hiwain ang steak ay tila gusto ko na lang tumakbo palabas ng pinto at maglaho.

Umusog lang ang steak palabas ng plato ko pero hindi ito nahiwa kagaya ng ginawa ni Jax.

Mistulang isang gatilyo ng baril ang kinalabit na nagpakawala ng malakas na tawa ni Jaxson sa tabi ko. Umalingawngaw ito sa buong paligid na kumuha ng atensyon ng lahat papunta sa amin.

Napapikit na lamang ako sa hiya dahil sa kagagawan ko. Imbis na tulungan ako ng lalaking ito ay pagtawa ang inuna niya.

Paano kung hindi ko makumbinsi ang ama niya? Ano na lang ang ipambabayad ko sa hospital?

“Cattleya, you don't know how to eat a steak?”

Inaasahan ko na ang tanong na yan mula sa isang tao na ipinanganak sa yaman.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang ina ni Jax.

“Yes, ma'am.” peke akong ngumiti bago isinalba ang steak at ibinalik sa plato ko.

“My god, why? Are you a vegan?” maarteng tanong nito sa akin. “Or are you… Where are you from? What's your family name, by the way?”

Nabigla ako sa tanong niya pero sinubukan kong i-compose ang sarili ko upang maayos na sumagot. “S-Santos po, ma'am. I'm from Tondo Mani-”

“I mean, your family's status.” singit niya.

“P-Po?” umawang ang bibig ko kasabay ng pag angat ng aking kilay. “A-Ah, wala pong trabaho ang inay ko. Ako ang nagtatrabaho para sa pamilya namin magmula ng mawala ang itay.”

“What? And you said you're Jaxson's new-”

“Enough.” mariing bulalas ni Mr. Madrigal na nagpatigil sa step-mother ni Jax. “We're here to celebrate Lance's engagement, and not to get to know my son's new girlfriend.”

“Right, and your plan for the Armani Corporation.” sabat ng lalaki sa tabi ng ex-fiance ni Jaxson. Sa palagay ko ay siya ang step-brother na tinutukoy nila noong gabi sa club. Abot tenga ang mga ngiti niya habang nakatingin sa kanilang ama. “Now that I am having a successor, I can now take care of the corporation. Besides, I have been studying how to run our business for the past 18 years. I am confident about continuing our family's legacy, father.”

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkuyom ng kamao ni Jax pati na ang pagtalas ng kanyang panga.

Tama nga ang sinabi ng kaibigan niya noong gabi sa nightclub. Ito na nga ang susunod na mangyayari.

“Since you are now expecting your own family with Daniella, whose father is a big contributor to our business. I am planning to transfer the entire Armani Corporation to you Lance. Which is originally for my son, Jax.” utas ni Mr. Madrigal.

Hindi ko na rin napigilan ang pag ngitngit ng aking ngipin dahil sa nadama kong inis at simpatya kay Jaxson.

“My decision won't diminish. Unless, Jaxson marries his new girlfriend Cattleya, as soon as possible.”

Naramdaman ko ang marahang paglaki ng aking mga mata kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ko.

“Only then will my selection for the Madrigal inheritor alter.”

Tama ba ang narinig ko?

Anong kasal ang sinasabi ng ama niya?

Isang gabi lang ang usapan namin ng lalaking ito!

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 4

    “I am willing to pay you any amount, Cattleya. Just consider my plan. This could be my last chance to save Armani. So please, help me.”Kanina pa ako naririndi sa paulit-ulit niyang alok sa akin habang hindi mapakali na naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko.Para sa kanya ay mabigat na itong pinagdadaanan niya. Pero, sa totoo lang, wala pa ito sa kalahati ng kinakaharap na problema ngayon ng ibang tao.Ang mga mayayaman ay nagaagawan sa pera at titulo. Hindi pa sila makuntento sa kung ano ang meron sila. Habang ang mga mahihirap naman, ay lumalaban para magkaroon ng pagsasaluhan sa hapag.Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin, hindi ako papayag na magpakasal. Sapat na itong pagdalo ko sa dinner ng pamilya ninyo.”Saglit siyang tumigil sa paglalakad bago ako hinarap at tinapunan ng mapanghusgang titig.“A-Alam kong malaki ang pangangailangan ko sa pera ngayon.” nauutal kong dagdag dahil sa

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 5

    “Wear this ring.” Gumapang ang tingin ko sa kamay ni Jaxson na nakalahad sa aking harapan. Bahagya akong natulala sa isang singsing na nakalagay sa palad niya dahil sa makinang na dyamante nito. Ito yata ang unang beses na nakakita ako ng tunay na dyamante. Totoo nga na nakakabulag ang kinang nito gaya ng sabi ng ilan. Napakalinis ng bagay na 'to at walang makikitang kahit na anong bakas ng gasgas. Mistulang napakalinaw na tubig at kahit na madilim na ang kapaligiran ay hindi maitago ang kinang na ipinapakita nito. Sadyang nakamamangha. “What are you staring at?” Naagaw ni Jaxson ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kaya naman ay tahimik na umangat lang muli ang mga mata ko sa kanya. “–What’s with that face? Don’t you wanna wear it?” masungit niyang tanong ng may magkaparehong nakataas na kilay. “Hindi naman sa ayaw kong suotin. Anong lang kasi…” nahihiya kong tugon bago mag iwas ng tingin sa kanya. Parang hi

    Huling Na-update : 2022-04-17
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 6

    “Ms. Cattleya, hindi pa po ba kayo babangon riyan?”Kumunot ang aking noo dahil sa tinig na narinig ko ngunit nanatili lamang na nakapikit ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko ngayong araw na ito. Lalo na ang mga paa kong halos hindi ko na maramdaman. Daig pa nito ang magdamag na pagsusuot ng mataas na takong sa sapatos.Bahagya akong umikot ng pwesto ng pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang balikat ko.Ginapang ko ang aking kamay upang haplusin ang malambot na hinihigaan ko dahil tila kakaiba ito. Naramdaman ko ang gusot sa aking noo ng makaamoy ako ng hindi pamilyar na bango.“Kung ako sa iyo, Cattleya, Hija. Mas bubutihin kong tumayo na para makapag-ayos ng sarili bago pa kayo tawagin para bumaba sa garden.”Sandali…“Manang Elsie?” marahas akong napabangon kasabay ng paglipad ng aking kamay sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pananakit nito.“Ako nga, Cattleya. Umakyat na

    Huling Na-update : 2022-04-19
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 7

    “It’s really my father’s idea.” utas ni Jaxson na muling kumuha ng atensyon ko.Sa totoo lang ay halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga paliwanag niya dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagkahilo sa labis na gutom. Hindi pa rin kasi ako nakakakain dahil matapos ang nangyaring public proposal niya kanina ay hinatak na ako ni Jaxson patungo rito sa loob ng bahay nila. Iniwan ang mga tao sa labas na tulala at tila hindi makapaniwala sa salitang binitawan ni Jaxson.Ang sabi niya sa akin ay may kailangan raw kaming pag-usapan tungkol sa nangyari kanina.“My father urged that I make the proposal public so that a great number of people are aware of our engagement. And introduce you to everybody.” Patuloy niyang paliwanag sa akin. Saglit na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad patungo sa silid niya, kaya naman ay nakuha ko ang atensyon ni Jaxson. Mataim ang titig niya sa aking mga mata na halos hindi mabasa ang emosyon na binibigay nito.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 8

    “I also want you to be aware that I won't be able to assist you with our wedding preparations,” pagpapatuloy ni Jaxson. “I assume my father won't settle for a simple ceremony, so that would be a huge preparation you have to deal with. Meanwhile, I have to go to Ruegold because, of course, I can't just stay here at the manor and carefully plan my wedding. I should be out there, making sure that none of them forgets my name.”Nakatulala na lamang ako habang pinakikinggan ang mga salitang pinapasok niya sa pagod kong utak. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman ang iba sa mga sinasabi niya. Wala lang akong ganang magsalita dahil sa tuwing ibinubuka ko ang bibig ko ay mas lalo lamang kumukulong itong tiyan ko sa gutom.“They should never neglect that I am still the Madrigal's successor, and certainly not my nasty little brother Lance.”Walang duda na mas mahirap pang makasama ang lalaking ito buong araw, kaysa ang masungit kong professor sa university. Panay nalang kasi ang mga utos at bi

    Huling Na-update : 2022-04-26
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 9

    Matapos ang ilang minutong kasama si Gunther sa loob ng walang kasing tahimik na silid, ay sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin at nakarinig ng mga boses galing sa ibang tao. Kanina kasi ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang katahimikan, na halos marinig ko na pati ang paggalaw ng dugo ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili at makalaya na sa kwartong iyon.Hindi ko maiwasan ang maisip at matuwa nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Gunther kanina. Si Jaxson pala ang dahilan ng pag akyat niya upang dalhan ako ng makakain. Ang akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin at tanging ang trabaho ko lang rito ang nasa isip niya dahil hindi naman niya ako tinatanong. Nang maramdaman kong muli ang kusang pag taas ng slit ng suot kong dress ay kaunti at pasimple ko itong hinila pababa sa laylayan dahil umaabot na ito sa itaas ng aking hita.Malayo kasi ang pagkakaiba ng katawan ng ex fiance ni Jaxson na si Daniella

    Huling Na-update : 2022-05-02
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 10

    Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba at gulat ni Gunther nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng matatalim na tingin ni Jaxson kaya bigla na lamang siyang nawalan ng balanse kanina at naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa tubig.Nakaligo tuloy kami ng wala sa oras sa napakalamig na tubig sa pool. At hindi sinasadya ring nabasa ko itong damit ni Daniella na pinahiram lang sa akin.“Mali ang iniisip mo.” mariin kong anas kay Jaxson habang pinatutuyo ang aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang itsura niyang tila nag iisip.“What do you mean, Cattleya? I’m not thinking about anything.” Mataim niyang tugon bago nag umpisang pumwesto sa kaharap na upuan ko. “Nothing else, except another fiance of mine having an affair with someone I trust.”Nalaglag ang aking mga panga dahil sa salitang binitiwan niya.Awang ang mga labi ko na sinusubukan humanap ng mga salita. Ngunit nang sandaling iimik na sana ako ay sakto naman na pagdating ng isang lalaki. Siguro ay siya na nga an

    Huling Na-update : 2022-05-16
  • The Billionaire's Playdate   Chapter 11

    Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan. Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng katiting na pa

    Huling Na-update : 2022-05-22

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 18

    “Hindi ko tinatanggap ang alok mo.” Mariing tanggi ko kay Jaxson habang nasa loob kami ng sasakyan upang magtungo na sa Ruegold kung saan papasok si Jaxson.Hindi ko nagustuhan ang alok niya sa aking bahay at lupa, pagkatapos naming maikasal.Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung sapat ba ang ginagawa kong tulong sa kanya, tapos ay mas dadagdagan pa niya ang utang na loob na meron ako.“Don’t you think it’s for your own good?” ulit niyang giit.“Alam mo, Jax? Nasobrahan ka na sa pagiging mapagbigay. Sapat na sa akin ang pagpapagamot sa kapatid ko. Para saan pa na magtatapos ako ng pag aaral kung aasa lang rin pala ako sa’yo?” Hindi ko napigilang magtaas ng boses sa kanya dahil sa inis. “Minsan nga ay matuto ka rin na magtira ka rin para sa sarili mo.”“You’re overreacting, Cattleya. A house and lot won’t affect my wealth as much as you are imagining. I can earn it back again in just a month.” Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi siya marunong makinig at makaintindi sa sinas

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 17

    Mabuti na lang at pumayag si Jaxson na sumama ako sa kanya. Baka kasi pag tuluyan niya akong iniwan doon sa bahay nila ay wala akong ibang makausap kung hindi ang masungit niyang ina sa labas.Siya ang pinaka ayaw kong tao na makasalubong doon. Kung alam niya lang. Nasa loob kami ng sasakyan ngayon kasama si Gunther na nasa harapan at katabi ang driver, ako naman at si Jaxson ay naririto sa likuran.Kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng text message mula kay inay na pasakay na sila sa eroplano. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe nila papunta ng America kaya naman ay aantayin ko na lang ang tawag ni inay.Nabasa ko na rin pala ang text message ni ipinadala sa akin ni Loren. Listahan iyon ng lahat ng activities na na missed ko at kailangan kong ihabol. Nabanggit rin niyang kailangan ko nang pumasok sa lalong madaling panahon. Hindi ako sigurado kung kailan ako makakapag umpisang pumasok na ulit sa university, pero mamaya ay tatanungin ko si Jaxson kung pwede ba akong pumasok

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 16

    Tahimik lamang akong tinatapos ang niluluto ko, habang si Jaxson naman ay nasa kaharap na upuan kung saan ako nakatayo, tulala at tila ba may malalim na iniisip.Gusto kong sampalin ng napakalakas ang sarili ko dahil sa naging katauhan ko nang sandaling maramdaman ko ang mga labi niya sa akin.Para akong nawala sa katinuan at sa sarili ko kanina. Mabuti na lang at nagising ako sa katotohanan bago pa man mahuli ang lahat.Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jaxson ngayon at nakatulala lamang siya sa kawalan. Kanina ay humingi siya ng pasensya sa akin matapos siyang mahimasmasan.Hindi ko mawari kung ano ang emosyon na naramdaman ko kanina nang humingi siya ng tawad sa paghalik sa akin. Pakiramdam ko kasi ay sa tingin niya isang kamalian ang bagay na iyon. Nang banggitin niya rin ang pangalan ko kanina, ay tila ba hindi niya alam na ako ang taong nasa harapan niya dahil sa gulat na kusmislap sa kanyang mga mata.Nang tuluyan nang matapos itong niluto kong Chicken noodle soup ay agad

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 15

    “Sandali lang at titingnan ko kung ano ang pwede kong mailuto para sayo.” utas ko habang patuloy na kinakalkal ang pridyider na punong puno ng mga pagkain at karne. “Kung binitawan mo lang sana ako, e’di sana ay kumakain ka na ngayon.” Paglalabis ko.Nang sa wakas ay makakita ako ng pamilyar sa akin na karne ay agad ko nang inilabas ang manok. Chicken soup na lang siguro ang ihahanda ko para sa kanya. Tapos ay magtitira ako at ilalagay sa ref para iinitin na lang sa umaga. Sayang naman kasi ang pagod ko kung madodoble pa ako sa pagluluto. Mabuti na lang at sanay ako sa ganito. Kahit kasi nasa bahay si inay at kasama namin, mas pinipili ko na ako ang mag aasikaso sa kanila.Nang makuha ko na ang mga sangkap ay sinimulan ko nang magluto. Habang itong malaking lalaki na ‘to ay hindi pa rin nawawala sa aking likuran. Habang nagpapakulo ng tubig ay naisipan kong painumin na rin ulit ng tubig si Jaxson. Para kahit na papaano ay mabitawan niya muna ako. Para na kasi akong malalagutan ng hin

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 14

    “My father became the Madrigal family attorney even before I was born. Ang sabi ni dad, he started before Jaxson’s mother and father got married. So I think he pretty much knows almost everything.” lita ni Finn, habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya at naghahanda na ng batya at tuwalya na gagamitin kong pamunas kay Jaxson sa itaas.“— Base sa mga naalala ko sa mga kwento ni dad tungkol sa pamilya Madrigal simula pa noong bata ako, their family has always been so wealthy and entitled in business, yet their small family still live a happy and simple life. He was an only child kaya naman ay spoiled siya sa kanyang ama at ina. However, Jax began to become lethargic when his dear mother said goodbye to them early. Everyone was shocked by its sudden death in an accident. Her body was found in a ravine inside the car and it was discovered that the brakes were broken, which caused the accident.”Tila yata mas lalo pa akong naaawa sa sitwasyon ni Jaxson habang mas lalo ko pang

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 13

    Maingat kong inalalayan ang katawan ni Jaxson ng basta-basta na lamang itong inihagis ni Finn sa kama.Dinig sa tahimik na paligid ng kwarto ang pagpapalitan namin ng Finn ng malakas na habol hininga. Inayos niya ang kwintas niyang bumaliktad na nang dahil sa pag akay niya kay Jaxson kanina.“I am seriously sick of doing this! I’ve had enough of seeing Jax acting this way all the time. Always going home wasted like a fucking loser. And I— can’t do this anymore.” Mariing utas niya bago kaunting sumandal sa gilid ng kama at saka ay ipinag-krus ang kanyang mga braso sa dibdib.Magkasabay na dumako ang aming mga mata kay Jaxson, na ngayon ay mahimbing na nagpapahinga habang bahagya pang gumagalaw ang mga labi at animo ay may kinakausap.“Bakit ba kasi siya nagpaka lasing ng ganito?” anas kong tanong.Narinig ko ang saglit na pagbuga ni Finn ng hangin sa kanyang ilong bago ilipat ang tingin sa akin. “Is that even a question? He literally just saw Daniella and Lance earlier, of course that

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 12

    Ilang oras na ang nakalipas nagmula ng iwanan ako ni Jaxson dito sa silid niya. Matapos akong magpalit ng damit na hiniram ko sa mga gamit ni Jaxson ay wala na akong sumunod na ginawa at tila ba nagmistulang isang bilanggo sa malaking kulungan na ito at nakatulala.Hindi ko na rin nakita si Gunther pagkatapos ng nangyari kanina sa pool. Marahil ay nagpapahinga na rin siya dahil lumalalim na ang gabi. Nabasag ang katahimikan ng umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa ring tone ng telepono ko.Halos mapatalon ako sa tuwa habang nagmamadaling hinahanap ito sa loob ng bag ko. Dahil baka kasi si inay na itong tumatawag. Nang tuluyan kong makuha ito sa bag ay halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang lawak ng aking mga ngiting sumilay ng sandaling makita ko ang pangalan ni inay sa screen.Wala akong pinalagpas na segundo at agad na sinagot ang tawag.“Hello, inay!” Lumipad ang kamay ko sa aking bibig ng mapalakas ang boses ko dahil sa pagkasabik na makausap siya.“Hello?” Muling ta

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 11

    Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan. Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng katiting na pa

  • The Billionaire's Playdate   Chapter 10

    Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba at gulat ni Gunther nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng matatalim na tingin ni Jaxson kaya bigla na lamang siyang nawalan ng balanse kanina at naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa tubig.Nakaligo tuloy kami ng wala sa oras sa napakalamig na tubig sa pool. At hindi sinasadya ring nabasa ko itong damit ni Daniella na pinahiram lang sa akin.“Mali ang iniisip mo.” mariin kong anas kay Jaxson habang pinatutuyo ang aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang itsura niyang tila nag iisip.“What do you mean, Cattleya? I’m not thinking about anything.” Mataim niyang tugon bago nag umpisang pumwesto sa kaharap na upuan ko. “Nothing else, except another fiance of mine having an affair with someone I trust.”Nalaglag ang aking mga panga dahil sa salitang binitiwan niya.Awang ang mga labi ko na sinusubukan humanap ng mga salita. Ngunit nang sandaling iimik na sana ako ay sakto naman na pagdating ng isang lalaki. Siguro ay siya na nga an

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status