“I am willing to pay you any amount, Cattleya. Just consider my plan. This could be my last chance to save Armani. So please, help me.”
Kanina pa ako naririndi sa paulit-ulit niyang alok sa akin habang hindi mapakali na naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko.Para sa kanya ay mabigat na itong pinagdadaanan niya. Pero, sa totoo lang, wala pa ito sa kalahati ng kinakaharap na problema ngayon ng ibang tao.Ang mga mayayaman ay nagaagawan sa pera at titulo. Hindi pa sila makuntento sa kung ano ang meron sila. Habang ang mga mahihirap naman, ay lumalaban para magkaroon ng pagsasaluhan sa hapag.Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin, hindi ako papayag na magpakasal. Sapat na itong pagdalo ko sa dinner ng pamilya ninyo.”Saglit siyang tumigil sa paglalakad bago ako hinarap at tinapunan ng mapanghusgang titig.“A-Alam kong malaki ang pangangailangan ko sa pera ngayon.” nauutal kong dagdag dahil sa mga titig niya. “Pero, g-gusto ko pa rin naman na ang lalaking papakasalan ko ay katulad ni itay. Matagal ko nang pangarap ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal rin ako. Hindi isang katulad mo na pera lang ang kayang ibigay sa akin.” mariin kong tanggi habang hindi inaalis ang mga tingin ko sa kanya.“Don't you need the money to pay for your brother's medical expenses?”Kunot noo akong natigilan sa sinabi niya.“You know what, I can not only pay for his medical expenses. I can even get a professional doctor from America that has mastered the condition of your brother to exclusively treat him. If you worry about your mother, you don't have to. I can support their needs once we make a deal.”Umawang ang aking mga labi kasabay ng panlalaki ng mga mata ko sa pagkabigla. “P-Paano mo…” ungos ko.“You really expect I can work with you without checking your background?” Sumilay ang makabuluhang ngisi sa kanyang labi. “Now, can I hear your answer again? It's getting late. You still have to go back to your mother.”Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.Wala akong ideya na marami na pala siyang nalalaman tungkol sa akin. Ang akala ko, ay tanging mga pangalan lamang ang alam namin tungkol sa isa't isa.Natahimik ako sa ibinigay niyang alok sa akin. Mukhang alam ng lalaking ito kung paano gamitin ng tama ang pera niya.“Kailangan ko lang ba na magpakasal sa'yo?” muli kong tanong sa kanya.Kung ang kapalit ng pagpapakasal sa lalaking ito ay ang tuluyang paggaling ng kapatid ko, imposibleng tanggihan ko la ang inaalok niya. Hindi araw araw ay may taong magaalok sa akin para sagutin ang lahat ng gagastusin. Sino ba naman ako para humindi, hirap na nga ako sa gastusin.At isa pa, ang sabi niya ay professional na doctor galing Amerika ang gagamot kay Charles, malaki ang posibilidad na mapagaling niya ang kapatid ko.Nabigo na ako noon kay itay, hindi ko hahayaan na muli pa akong mabigo sa pag-ligtas sa kapatid ko.“Nothing more than that. You heard my father, didn't you? If we are not going to be married as soon as we can, the entire Armani would be transfered to my vicious stepbrother.” lita niya. “—and that is the least thing that I want to happen.”“Pero, hindi ka ba nag aalala sa iisipin ng fiance mo? Ang ibig kong sabihin, kahit naman niloko ka niya ay alam ko na mahal mo pa rin siya. Kaya mong magpakasal sa ibang babae kahit na may mahal ka pang iba?”Narinig ko ang mahina niyang tawa kasabay ng pagsilid ng kamay niya sa magkabilang bulsa.“Don't take our marriage seriously, Cattleya. Let's not go that far.”Hindi ako umimik at sinundan ko lamang ng tingin ang pagtungo niya sa isang upuan malapit sa vanity mirror. Saglit kaming natahimik ng tila napaisip siya.“How about, marry me for just one year? Let's sign a contract. Play as my wife for a year and after that, I will set you free. I no longer have the right to chase and prevent you from leaving once our contract ends.”Nalulula ako sa lahat ng ipinapasok niya sa utak ko ngayon at para banghindi ko maproseso ang bawat salitang sinasabi niya.“I will make sure that before our contract ends, the Armani Corporation will be transferred to me and your brother will completely recover from his illness.” Bahagya siyang tumigil para bigyan ako ng banidosong ngisi. “What do you think, Cattleya? In the end, both of us will get what we want.”Kaunting bumaba ang mga mata ko sa sahig habang pinagsalikop ko ang aking mga kamay. “Totoo ba na… Magagawa mong humanap ng doctor na kayang makapag pagaling sa kapatid kong si Charles?”“I can do that right away as soon as you move here in Madrigal.”Agad na bumalik ang mga tingin ko sa kanya. “S-Sandali, kailangan ko rin na manatili rito?”Simple siyang tumango. “Of course, you are marrying me. We can't get married and live separately, don't we? Once you get married to me and carry the Madrigal's name, you will be followed by people who want to overthrow Armani and are just waiting for the opportunity to destroy our family’s reputation. So, every move must be calculated. No one else can know that the wedding that will take place is fake, except you, me, and my lawyer.” sambit niya.Iniisip ko pa lang ang mga susunod na mangyayari, ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Masiyado kasing nakakalula ang karangyaan na mayroon ang pamilya nila, kaya naman, mahihirapan akong makibagay.“Hahayaan mo pa rin ba akong makapag-aral?” muli kong tanong.“You can finish your studies at the same university you are currently in. But, I can't promise that you can attend your classes everyday. Being my wife and a part of Madrigal, is not just a typical living. You would definitely attend events and interviews that you can't cast aside. Nevertheless, if you fail your studies, I can contact the school to-”“Hindi na.” mariin kong putol sa kanya. “Hindi mo na kailangan na gawin 'yon. Gusto kong makapagtapos gamit ang sarili kong kakayahan.”“No problem.” sabat niya.Magiging mahirap man sa oras, sisikapin ko pa rin na maitawid ko ang pag aaral ko. Nasa huling taon na ako bago ang graduation namin, kaya naman, kailangan kong mas magsumikap.Sapat na ang tulong na ibibigay ni Jax kay Charles, kaya naman, hindi ko na kailangan na gamitin pa ang koneksyon na meron siya para lamang makapasa ako.Muli akong nagpakawala ng buntong hininga. Talagang nakakapagod ang araw na ito kumpara ang isang gabi sa nightclub bilang isang bottle girl. Hindi lang ang physical ang pagod sa akin, kundi pati na rin ang isip ko sa dami ng kailangan kong iproseso.“Kailangan ko na munang umalis ngayong gabi para magpaalam kay inay. Ayoko na mag alala siya sa akin habang wala ako.” mahina kong sambit bago tahimik na tumayo mula sa pwesto ko.“Let me drive you home.”“Hindi na, salamat nala-”“Let me, drive you home.” putol niya sa akin kaya naman ay napaismid ako.“Hindi naman kita tatakasan.”“I can't risk it.” wika niya._________________________Mula sa pangalawang palapag ng ospital ay sumilip ako sa bintana upang tingnan ang kotse na nakaparada sa harapan.Talaga bang hihintayin niya ako sa labas? Hindi ko naman siya tatakasan. Kung ituring niya ako, ay tila pagmamay-ari niya. Ano pa kaya kung kasal na kaming dalawa?“Catt? Anak.”Naagaw ang aking atensyon ng marinig ko ang boses ni inay sa hindi kalayuan. Natanaw ko ang pagod niyang mga mata ng sandaling lingunin ko ito.“Nay,” tawag ko bago lumapit sa kanya upang alalayan patungo sa mga upuan.“Masyado nang malalim ang gabi, Catt. Bakit ngayon ka lang nakabalik?”“Kumain na ba kayo inay? Ito ho at may dinala akong hapunan.” inalahad ko sa kanya ang pagkain na binili ko bago kami dumiretso dito sa ospital. “Ihatid ho muna ninyo sa silid ni Charles, pagkatapos ay bababa muna ako upang bayaran ang hospital bills.”Nasilayan ko ang pagaliwalas ng mukha ni inay ng marinig niya ang sinabi ko.“Talaga, Catt? May ipambabayad ka sa ospital?”Tinugunan ko ang mahihigpit niyang kapit sa balikat ko ng isang ngiti. “Oo, inay, at hindi lang ho iyan. Nakahanap rin ako ng trabaho sa ibang bansa... Kaya naman, mas malaki na ang maibibigay ko sa inyo. Mabait rin ho ang amo ko kaya naman ay sasagutin niya ang pagpapagamot kay Charles sa oras na magsimula na akong magtrabaho.” Nang mapansin ko ang pagbaba ng sulok ng kanyang mga mata ay mas nilawakan ko ang aking ngiti upang pigilan ang lungkot niya. “Huwag kayong mag-alala inay. Isang taon lang akong magtatrabaho sa kanila.”“Ganun ba anak…” malamlam niyang ungos.Galak akong tumango kahit pa nararamdaman ko na ang pagbabadya ng aking mga luha. Pati na ang unti-unting pagbabara ng aking lalamunan. Pilit ko itong tinakpan ng mga ngiti.“Ito inay, tanggapin ninyo itong pera na paunang bayad sa akin ng amo ko. Ngayong gabi na ang lipad namin papunta sa ibang bansa kaya naman ay aalis na rin ako agad pagkatapos kong bayaran ang bills ni Charles.” isinilid ko sa kanyang mga kamay ang ibinayad sa akin ni Jaxson kanina. “Palagi ko ho kayong tatawagan para kamustahin. Huwag niyong pababayaan ang sarili ninyo inay.”Nang maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha ay agad ko siyang siniil ng yakap upang hindi niya ito makita.Pangako, inay, babalik ako pagkatapos ng isang taon naming kasunduan. Sa oras na iyon ay nakapagtapos na rin ako ng pag aaral at magkakaroon ng trabaho na sapat para suportahan ko ang pangangailangan namin.Pero sa ngayon, hindi ko magagawa na palampasin ang pagkakataon na ito para maisalba ang buhay ni Charles.“Halika na.” tipid kong sambit ng makapasok ako sa sasakyan niya. Bahagya kong inilihis ang aking mukha sa kanang bahagi upang hindi niya makita ang namumugto kong mga mata.“You're making me feel like a bad guy.”“Wear this ring.” Gumapang ang tingin ko sa kamay ni Jaxson na nakalahad sa aking harapan. Bahagya akong natulala sa isang singsing na nakalagay sa palad niya dahil sa makinang na dyamante nito. Ito yata ang unang beses na nakakita ako ng tunay na dyamante. Totoo nga na nakakabulag ang kinang nito gaya ng sabi ng ilan. Napakalinis ng bagay na 'to at walang makikitang kahit na anong bakas ng gasgas. Mistulang napakalinaw na tubig at kahit na madilim na ang kapaligiran ay hindi maitago ang kinang na ipinapakita nito. Sadyang nakamamangha. “What are you staring at?” Naagaw ni Jaxson ang atensyon ko ng muli siyang magsalita. Kaya naman ay tahimik na umangat lang muli ang mga mata ko sa kanya. “–What’s with that face? Don’t you wanna wear it?” masungit niyang tanong ng may magkaparehong nakataas na kilay. “Hindi naman sa ayaw kong suotin. Anong lang kasi…” nahihiya kong tugon bago mag iwas ng tingin sa kanya. Parang hi
“Ms. Cattleya, hindi pa po ba kayo babangon riyan?”Kumunot ang aking noo dahil sa tinig na narinig ko ngunit nanatili lamang na nakapikit ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko ngayong araw na ito. Lalo na ang mga paa kong halos hindi ko na maramdaman. Daig pa nito ang magdamag na pagsusuot ng mataas na takong sa sapatos.Bahagya akong umikot ng pwesto ng pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang balikat ko.Ginapang ko ang aking kamay upang haplusin ang malambot na hinihigaan ko dahil tila kakaiba ito. Naramdaman ko ang gusot sa aking noo ng makaamoy ako ng hindi pamilyar na bango.“Kung ako sa iyo, Cattleya, Hija. Mas bubutihin kong tumayo na para makapag-ayos ng sarili bago pa kayo tawagin para bumaba sa garden.”Sandali…“Manang Elsie?” marahas akong napabangon kasabay ng paglipad ng aking kamay sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pananakit nito.“Ako nga, Cattleya. Umakyat na
“It’s really my father’s idea.” utas ni Jaxson na muling kumuha ng atensyon ko.Sa totoo lang ay halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga paliwanag niya dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagkahilo sa labis na gutom. Hindi pa rin kasi ako nakakakain dahil matapos ang nangyaring public proposal niya kanina ay hinatak na ako ni Jaxson patungo rito sa loob ng bahay nila. Iniwan ang mga tao sa labas na tulala at tila hindi makapaniwala sa salitang binitawan ni Jaxson.Ang sabi niya sa akin ay may kailangan raw kaming pag-usapan tungkol sa nangyari kanina.“My father urged that I make the proposal public so that a great number of people are aware of our engagement. And introduce you to everybody.” Patuloy niyang paliwanag sa akin. Saglit na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad patungo sa silid niya, kaya naman ay nakuha ko ang atensyon ni Jaxson. Mataim ang titig niya sa aking mga mata na halos hindi mabasa ang emosyon na binibigay nito.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga
“I also want you to be aware that I won't be able to assist you with our wedding preparations,” pagpapatuloy ni Jaxson. “I assume my father won't settle for a simple ceremony, so that would be a huge preparation you have to deal with. Meanwhile, I have to go to Ruegold because, of course, I can't just stay here at the manor and carefully plan my wedding. I should be out there, making sure that none of them forgets my name.”Nakatulala na lamang ako habang pinakikinggan ang mga salitang pinapasok niya sa pagod kong utak. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman ang iba sa mga sinasabi niya. Wala lang akong ganang magsalita dahil sa tuwing ibinubuka ko ang bibig ko ay mas lalo lamang kumukulong itong tiyan ko sa gutom.“They should never neglect that I am still the Madrigal's successor, and certainly not my nasty little brother Lance.”Walang duda na mas mahirap pang makasama ang lalaking ito buong araw, kaysa ang masungit kong professor sa university. Panay nalang kasi ang mga utos at bi
Matapos ang ilang minutong kasama si Gunther sa loob ng walang kasing tahimik na silid, ay sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin at nakarinig ng mga boses galing sa ibang tao. Kanina kasi ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang katahimikan, na halos marinig ko na pati ang paggalaw ng dugo ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili at makalaya na sa kwartong iyon.Hindi ko maiwasan ang maisip at matuwa nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Gunther kanina. Si Jaxson pala ang dahilan ng pag akyat niya upang dalhan ako ng makakain. Ang akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin at tanging ang trabaho ko lang rito ang nasa isip niya dahil hindi naman niya ako tinatanong. Nang maramdaman kong muli ang kusang pag taas ng slit ng suot kong dress ay kaunti at pasimple ko itong hinila pababa sa laylayan dahil umaabot na ito sa itaas ng aking hita.Malayo kasi ang pagkakaiba ng katawan ng ex fiance ni Jaxson na si Daniella
Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba at gulat ni Gunther nang sandaling magtagpo ang mga mata nila ng matatalim na tingin ni Jaxson kaya bigla na lamang siyang nawalan ng balanse kanina at naging dahilan ng pagkahulog naming dalawa sa tubig.Nakaligo tuloy kami ng wala sa oras sa napakalamig na tubig sa pool. At hindi sinasadya ring nabasa ko itong damit ni Daniella na pinahiram lang sa akin.“Mali ang iniisip mo.” mariin kong anas kay Jaxson habang pinatutuyo ang aking buhok nang mahagip ng aking tingin ang itsura niyang tila nag iisip.“What do you mean, Cattleya? I’m not thinking about anything.” Mataim niyang tugon bago nag umpisang pumwesto sa kaharap na upuan ko. “Nothing else, except another fiance of mine having an affair with someone I trust.”Nalaglag ang aking mga panga dahil sa salitang binitiwan niya.Awang ang mga labi ko na sinusubukan humanap ng mga salita. Ngunit nang sandaling iimik na sana ako ay sakto naman na pagdating ng isang lalaki. Siguro ay siya na nga an
Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan. Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng katiting na pa
Ilang oras na ang nakalipas nagmula ng iwanan ako ni Jaxson dito sa silid niya. Matapos akong magpalit ng damit na hiniram ko sa mga gamit ni Jaxson ay wala na akong sumunod na ginawa at tila ba nagmistulang isang bilanggo sa malaking kulungan na ito at nakatulala.Hindi ko na rin nakita si Gunther pagkatapos ng nangyari kanina sa pool. Marahil ay nagpapahinga na rin siya dahil lumalalim na ang gabi. Nabasag ang katahimikan ng umalingawngaw ang malakas na tunog galing sa ring tone ng telepono ko.Halos mapatalon ako sa tuwa habang nagmamadaling hinahanap ito sa loob ng bag ko. Dahil baka kasi si inay na itong tumatawag. Nang tuluyan kong makuha ito sa bag ay halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang lawak ng aking mga ngiting sumilay ng sandaling makita ko ang pangalan ni inay sa screen.Wala akong pinalagpas na segundo at agad na sinagot ang tawag.“Hello, inay!” Lumipad ang kamay ko sa aking bibig ng mapalakas ang boses ko dahil sa pagkasabik na makausap siya.“Hello?” Muling ta