Share

The Billionaire's Lawyer (R18+)
The Billionaire's Lawyer (R18+)
Author: Mhai Villa Nueva

Prologo

TAON 2018, PILIPINAS

"Huwag po Tiyo. Pangako, hindi ako magsasabi kay nanay."

"Kahit magsumbong ka pa, wala naman may maniniwala sa iyo! Ako pa rin ang paniniwalaan ng iyong ina! Bakit? Dahil mas mahal niya ako kesa sa iyo na ampun niya lang!"

Takot na takot si Marie habang pinipilit na itago ang sarili sa manipis na kurtina sa kanyang masikip na kwarto. Papag lang ang bahay nila at malapit lang din ito sa dinadaanan ng reles.

Maingay. Maliban sa mga kapit-bahay na walang pakialam sa nangyayari, dumagdag pa ang huni ng tren na subrang ingay.

"Tiyo Oscar, maawa po kayo." Hikbi na nagmamakaawang wika ni Marie.

"Hihimasin ko lang naman ang balat mo, e. Wala naman akong ibang gagawin sa iyo, Marie."

Sunod-sunod na umiling si Marie. Umiiyak pa rin dahil sa takot. Hindi sukat akalain ni Marie na tatratuhin siya ng kanyang madrasto ng ganito. Ang buong akala nito ay ituturing na siya na parang tunay na anak dahil sa ito ang bagong kinakasama ng kanyang ina—si Mariella. Tatlong taon na rin na nagsasama ang mga ito, at ngayon lang nagbigay ng motibo ang tiyuhin sa kanya nang madalas wala ang kanyang nanay sa kanilang bahay.

"Marie? Halika ka dito. Huwag mong galitin si Tatay. Mag-uusap lang tayo, anak."

"Ayaw ko po!" Umangat ang mukha ng dalaga nang makahanap ng paglulusutan at para takasan ang tiyuhin nito. Subalit bagaman datapwat ay nabigo siya nang bigla nalang hablutin ni Tiyo Oscar ang kanyang paa. Napasubsob ang dalaga sa papag. Akma na sanang babangon nang bigla siyang tambagin ni Tiyo Oscar sa ibabaw ng katawan nito.

"Huwag po!"

"Sabi na mag-uusap lang tayo, eh!"

Dahil sa pagpupumiglas ni Marie, napunit ang manipis nitong bistidang suot dahilan para lumitaw ang maputi ang malusog nitong dibdib. Nanlaki ang mga mata ng kanyang tiyuhin nang makita ito. Parang takaw na takaw sa nakita at gustong sunggaban ito.

Buong lakas na itinulak ni Marie ang Tiyuhin dahil humandusay ito sa papag. Mabilis na nakabangon ang dalaga at patakbong dumulog sa maliit nilang kusina at saka kumuha ng kutsilyo para depensahan ang sarili sa tiyuhin nitong naghahabol sa kanya.

"Huwag kang lalapit! Hindi ako magddalawang isip na ibaon sa iyo ito!"

"Marie, anak—pag-usap natin ng maayos ito."

"Diyan ka lang! Itinuring kita na totoong ama ko, tapos ito lang pala ang gagawin mo sa akin! Hayup ka! Ang baboy mo!"

"Xyrine Marie, tatay mo ako—"

"Tangina ka! Wala akong amang manyak at demonyo!"

Nanginginig ang mga kamay. Alam ni Marie ang ginagawa nito, ngunit kung hindi niya naman gagawin ay talagang mappaahamak siya sa kanyang tiyuhin na nay masamang balak.

"Marie? Isa!" humakbang papalapit ang tiyuhin nito sa kanya. "Ibaba mo 'yang kutsilyo at mag-uusap tayo!" Singhal ng tiyuhin sa kanya.

Nakatutok ang matalim na kutsilyo sa harapan ng kanyang tiyuhin. Himihikbi—natatakot.

Dahil do'n, mabilis nakalapit ng tiyuhin ni Marie sa kanya, at binalibag ang kamay dahilan para mabitawan ang patalim na hamak. Humandusay si Marie sa papag nang pagbuhatan siya ng tiyuhin Oscar nito ng kamay. Dahil lakas ng pagsampal, dumugo ang gilid ng labi ng dalaga dahilan para manghina ito. Humakbang ulit papalapit ang tiyuhin at walang sabing pinunit ang natitirang saplot sa kanyang katawan. Nagsisigaw sa takot si Marie. Denidepensahan ang sarili na hindi mahawakan ng kanyang tiyuhin. Bagaman ay hindi talaga nagpatalo ang tiyuhin nito sa kanya. Pumaibabaw si Tiyo Oscar sa katawan ni Marie, at walang sabing gumawa ng hindi maganda—pinaulanan ng halik sa leeg na may kasamang pananakal. Halos mawalan ng hangin si Marie sa ginagawa ng kanyang tiyuhin. Humahagulhol sa iyak ang dalaga at nanginginig sa sobrang takot.

Ngunit, hindi nagpatinag ang dalaga. Napnasin nito na isang dangkal lang ang layo ng patalim sa kamay niya. Sinikap ng dalaga na abutin iyon. At sa huling pagkakataon na iyon, walang ibang maisip si Marie kundi ang iligtas ang sarili sa kapahamakan nito sa kanyang tiyuhin Oscar. Buong lakas na binaon ni Marie ang patalim sa tagiliran ng kanyang Tiyo Oscar, dahilan humandusay na itonsa papag. Nakabaon pa rin ang patalim sa tagiliran ito subalit walang balak na hugutin ito ng dalaga. Napatitig si Marie sa kanyang tiyuhin na duguan at humihingi ng tulong sa kanya. Hagulhol, takot at panginginig ang nararamdaman nito sa mga oras na iyo.

Mayamaya ay napatingin si Marie sa kanyang mga kamay na naliligo sa pulang likido.

"Marie—" agaw buhay na tawag ng tiyuhin Oscar sa kanya.

Walang may maisaboses ang dalaga kundi ang malakas na sigaw at hagulhol dahil sa sobrang takot. Ang sumunod na nangyari, dumating ang nanay nito galing trabaho nang naabutan ang dalawang naka handusay sa papag. Ang isa; ang kinakasama nitong si Oscar ay wala ng buhay at ang anak nitong si Marie na tulala, nanginginig sa sobrang takot dahil sa nagawang pagkakamali. Ngunit para sa kanya ay isa lang iyon depensa sa kanyang sarili dahil sa pagtangkang pangagahasa ng kanyang Tiyuhin Oscar sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status