Share

Kabanata 2-I'll save Her no matter what

CORRECTIONAL INSTITUTION for WOMEN (CIW)

Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang unang hearing sa kaso si Marie. Tatlong araw na rin gumugulo sa diwa niya ang baho nitong anogado na si Attorney Iñiho Alcantara.

Tahimik siyang nahñalakd ng hallway pabalik sa kanyang selda nang harangin siya nito ng limang babae; isang grupo ng mga kababaihan sa loob ng selda na tumagal na roon.

"Hoy! Huwag ka ngang paharang-harang sa daan namin! Ka-bago-bago mo palang rito akala mo kung sino ka na! Tabi! Tangina 'to!"

Hindi lider, ngunit isa sa mga sunod-sunuran sa kanilang grupo ng kakabihan.

Tumungo si Marie. "Paumanhin." Tumabi si Marie. Pero imbes na lalagpas ay nakatikim pa ito ng pananakit sa lima; suntok sa sikmura, sabunot, sampal sa magkabilaang pisngi dahilan para maluha si Marie.

Sinikap niyang maglakad hanggang sa makarating ito sa kanyang selda. May isang warden na nakapansin sa kanya roon, at kaagad naman siyang nilapitan.

"Caballero? Ayos ka lang ba? Sino'ng may gawa nito sa 'yo?"

Pero inbes na sagutin, ay minabuti nalang na tumahimik.

"Nadulas lang. Wala ito, Ma'am."

Awang-awa ang warden sa kanya. Alam nito kung sino ang may kagagawan—gusto niya lang kumpermahin kung tama ba ang hinala nito. Ngunit, nauunawan niya kung bakit ayaw magsalita si Marie. Napabuga nalang ito ng hangin sa kawalan, at naglakad-lakad na sa area nito.

Napayakap si Marie sa kanyang sarili habang tahimik na humihikbi. Mayamaya tinawag siya ulit ng warden na may bisita ito.

Nakapagtataka. Wika nito sa kanyang sarili. Simula nang maipasok siya rito sa CIW ay walang kamag-anak na dumadalaw sa kanya maliban nalang sa dati nitong abogado na dadalawin lang siya bago ang hearing.

Pinusasan siya ng warden at iginaya sa visiting area kung saan may naghihintay sa kanya. Napako ang kanyang sarili nang makita kung sino ang bisiti nito.

"Naalala mo pa ba ako? Ako ang bago mong abogado—Attorney Iñigo Alcantara."

"A-anong ginagawa mo rito? Hindi pa naman hearing bukas. Bakit ka nandito?"

Nagtaka si Iñigo sa sinabi ni Marie, ngunit hindi niya nalang ito pinansin.

Walang ekspresyon, kalmado at seryoso ang tindig ng abogado sa harapan ng dalaga.

"Ilang taon ka na? Ano'ng nangyari sa mukha mo? Sinasaktan ka ba nila dito?"

"Bente anyos po. Nadulas lang."

Hindi nakumbinsi ni Marie si Iñigo sa mababaw na alibi nito sa kanya. Alam ni Iñigo na kapag baguhan ka sa loob ng selda, ikaw ang magiging pulutan nila. Tradisyon sa loob ng selda; ikaw ang pagiinutan ng mga ito.

Tumikhim si Iñigo. Pinaupo niya si Marie habanh siya ay nakatayo lang sa harapan nito.

"Tutulungan kita basta tulungan mo rin ako. Magtulungan tayo. Okay lang ba? Ikaw lang din naman ang makakasagot sa mga katanungan na itatapon ng kalaban sa iyo. Willing ka ba na makipag-koopera sa akin?'

"Katulad din ba ng dati kong abogado—pinagdududahan niyo rin ako?"

"I work smart."

Hindi kaagad nakuha ni Marie ang sinabi ni Iñigo sa kanya. Umangat ang mukha ng dalaga nang hawakan ni Iñigo ang magkabilang kamay nito. Tinitigan siya ng diretso—mata sa mata.

"Sabihin mo ang lahat; buong detalye at kung ano'ng ginawa ng step-father mo sa iyo. Wala akong pakialam sa opinyon ng ibang tao—basta sa 'yo lang ako makikinig at maniniwala. Kung gusto mo makalabas kaagad sa lugar na ito, tulungan mo ang iyong sarili, at ako na ang bahala sa iba."

Hindi katulad sa dating abogado nito. Magaan ang pakiramdam ni Marie sa bagong aboagdo nitong si Iñigo. Bawat salita ni Iñigo ay nagbibigay ng pag-asa kay Marie. May kung anong saya at tuwa sa kanyang puso dahil sa mga positibong salita ni Iñigo sa kanya.

"Pangako mo sa akin na makakalaya ako. Ayaw ko sa lugar na ito. Hindi bale na babalik ako ng lansangan huwag lang ako tumagal rito. Sir, tulungan mo po ako na maipanalo ang kaso kong ito."

"Wala kang bahay? Ang nanay mo? Mga kapatid?"

Sunod-sunod na umiling si Marie. "Totoo 'yung sinabi ng step-father ko; na ampon lang ako ng nanay ko, kaya kahit na mabulok ako sa bilangguan ay wala siyang pakialam sa akin. Wala din akong mga kapatid. Hindi ko rin kilala ang tunay kong mga magulang."

Sa mga narinig ni Iñigo na testimonya galing kay Marie, ay natahimik ito. Napayukom nalang ang mag kamao at umigting ang panga sa gigil.

Maganda si Marie. Hindi maputi, hindi rin morena. Mahaba ang buhok ng dalaga at maamo ang mukha. Sa edad na bente anyos ay hindi maganda ang dinanas nito sa buhay. Awa ang nararamdaman ni Iñigo ngayon sa kanya. Kaya lahat ay gagawin nito mailigtas niya lang si Marie.

"Is that so?" mahinang wika ni Iñigo.

Naupo si Iñigo at mas lalong sineryoso ang usapan kay Marie. Ramdam ni Iñigo ang takot, kaba at pagdududa ni Mariensa kanya base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Huminga ng malalim si Iñigo at saka tumikhim. Handa ng magsalita nang inunahan siya ni Marie.

"Kapag naipanalo mo ang kaso ko, pangako buong buhay ko tatanawin na utang na loob iyon sa 'yo. Wala akong perang ibabayad sa serbisyon mo, pero kaya kong magtrabaho kahit anong oras—basta ipangako mo lang sa akin Sir—Attorney Alcantara na ipapanalo mo ang laban ko."

Hindi na napigilan ni Marie ang humikbinsa harapan ni Iñigo. Inabutan niya ito ng panyo at pinatahan ang dalaga.

"That's enough, Caballero."

"Pasensya na Sir—"

Napatitig nalang si Iñigo sa dalaga.

COURT TRIAL, MANILA

"Inaamin mo ang iyong kasalanan! Tama ba? Gamit ang patalim na ito—ang dahilan kung bakit binawian ng buhay iyong ama-amahan. Ngayon ang tanong ko; ano'ng pumasoknsa kukote mo bakit mo siya sinaksak no'ng araw na iyon? Gusto lang naman ng ama-amahan mo na kausapin ka dahil sa may nagawa kang mali sa kanya!"

Malakas na pagkakasabi ni Prosecutor Lim sa akusadong si Marie sa korte.

"Objection Your Honor!" bulalas ni Attorney Alcantara nang marinig ang maling akusasyon sa salarin.

"Hindi pa ako tapos magsalita! Tinatanong ko pa ang may sala!"

"You got a wrong question Prosecutor Lim!"

"I am asking the defendant, Attorney Alcantara!" bumaling si Prosecutor Lim sa hukom. "I have a right to ask anything about what happen that day, Your Honor. And by the way, I had some evidence here na ginusto raw ng salarin ang nangyari no'ng araw na iyon."

"Hindi po totoo iyan!" biglang tumahimik ang magkabilang panig na nagsasagutan. "Totoo na noon pa ma'y hindi na maganda ang relasyon ko sa aking ama-amahan dahil hindi rin maganda ang pakikitungo nito sa akin. Iñanh beses niya na akong pinagbabantaan—na kapag magsusumbong ako sa mga pulis ay papatayin niya ang aking ina. Ngunit, hindi ko inaakala na ang taong pinoprotektahan ko ay siya din pala ang magdidiin sa akin sa ganiting sitwasyon."

"Self-defense ang ginawa ko. Hindi ko sadyang mapatay si Tiyo Oscar. Kung kayo ba sa kalagayan ko, anong gagawin ninyo? Mali ba ako dahil iniligtas ko ang aking sarili sa taong gusto akong pagtangkaan na gahasain? At tama siya dahil sa inyong nakitang pananaksak ko sa kanya? Bente anyos lang ako. Hindi pa nakapagtapos sa pag-aaral, pero hindi ako bobo."

Nakita ni Iñigo kung gaano ka-tapang na hinarap ni Marie ang mainit na mga katanungan sa kanya. Himihikbi ang dalaga sa sobrang takot at kaba habang nagsasalita ito. Napansin iyon ni Iñigo—kaya mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga. Pinapakalma. Nagkaroon ng break matapos ang mainit na sagutan.

Nagkasalubong sina Iñigo at Forth sa hallway. Napahinto sa paglalakad si Iñigo nang tanungin siya nito ni Forth.

"Makukulong ba ang mali kung ang katwiran nito ay tama?"

"Magkakaroon ba ng hustisya ang namatay kung ang maling ginawa nito ay hindi tama?"

Napangiti si Forth sa sinabi ni Iñigonsa kanya.

"Work hard?"

"I work wise and smart. I will not allow my client to lose the case. I will help her as much as I can."

"You say so. Well, good luck Attorney Alcantara."

Bumalik ang dalawa sa loob ng korte makalipas ang ilang minutong pahinga. Huminto saglit si Iñigo sa paglalakad nang matagal niyang tinitigan si Marie sa kanyang kinauupuan. Iniisip niya nalang na... kailangan ako ng babaeng ito. Wika niya sa kanyang isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status