"Dito ako titira? Kasama ka?" Tila hindi makapaniwalng sabi ni Marie nang makita ang bahay ni Iñigo.
Sinundan ni Marie si Iñigo ng tingin hanggang sa makapasok ito sa isang kwarto. Mayamaya ay lumabas din ito, at ngayon ay naka white plain longsleeve nalang. Napatanga si Marie sa ka-guwapuhan ng binata; suot ang reading glass at seryosong mukha. "May problema ba?" Kaagad na tanong ni Iñigo sa kanya. "Dalawa lang talaga tayo—Sir?" Tanging matatalas na tingin lang ang iginanting sagot ni Iñigo sa kanya dahilan para mapatungo si Marie sabay tampal ng bibug nito at tuktok ng kanyang ulo. "Ano ba kasi iniisip mo Marya?!" Saway ng dalaga sa kanyang sarili. Lumapit si Iñigo sa kanya at may inabot ito. "Read before you click." "Kontrata?" "Yes! Miss Caballero. Basahin mo muna at baka may gusto ka pang idadagdag diyan." Napangisi si Marie. "Babasahin ko nalang. May tiwala naman na ako sa 'yo, Sir. Hindi naman ako mananalo sa kaso ko kung 'di ako nagtiwala sa iyo." Nagtataka si Iñigo sa mga sinabi ni Marie sa kanya. "You want me to lose your game?" Umiling si Marie—nataranta. "Hindi naman, Sir. Sabi ko po, maraming salamat at tinulungan mo ako sa lahat. Pangako po, lahat gagawin ko makabawi lang ako sa inyo." "Everything?" Nagkrus ang mga braso ni Iñigo, saka humarap kay Marie. Dahil sa malalagkit na mga titig ni Iñigo sa kanya, bigla nalang ito yumakap sa kanyang sarili, dahilan para tumaas ang kaliwang kilay ni Iñigo sa kanya. "You're not my type." Kumunot ang noo ni Marie nang prangkahan siyang sinagot ni Iñigo. "Mas 'di kita type, Sir Iñigo. Sa itsura mong iyan, sigurado akong maraming naghahabol sa 'yo na magaganda at matatalino." "Nonsense. Read your contract, Xyrine Marie Caballero. Stop pissing me off!" "I'm done reading, Sir. Naintindihan ko po lahat na nakasulat sa kontrata." "Are you sure? Everything?" Sunod-sunod na tumango si Marie. "Everything! Periodt." Napabuga ng hangin sa kawalan si Iñigo nang hablunin nito ang kontrata. Mayamaya ay ipinabasa niya kay Marie ang nasa pangalawang pahina ng kontrata nito. "No boyfriend's allowed." Kalmadong pagkakasabi ni Iñigo sa harapan mismo ni Marie. "Ha? Bakit naman?" "Why? You're just tweenty, Miss Caballero." "Pwede naman na siguro. Ang iba nga diyan nasa kinse pa lang may mga jowa na. Sana lahat." "Teka nga! Ano ba pinangako mo sa akin?" "Sabi ko nga—no boyprend! Ito naman si Sir Iñigo hindi mabiro. Ikaw ba, Sir—may girlfriend ka na?" Imbes na sagutin ay umiwas ito ng tingin at saka ibinalik kay Marie ang kontrata nito. Napahaba na ang usapan ng dalawa dahil sa dami nang katanungan ni Marie. Nang matapos niya na itong permehan, hinatid ni Iñigo si Marie sa kanyang magiging kwarto. "This is your room. Anything you needs nandiyan na. If you need something else, you can ask Manuel to provide your needs. Those are my rooms; my master's bed and my office, and the other one—do not enter." "Anong meron diyan, at ayaw mong ipabuksan?" "Non of your business. Now! The kitchen is there; kompleto na. Kung marunong ka rin naman magluto, much better to cook your own foods." "Paano ka naman?—Sir?" "Don't mind me. Help yourself to survive alone in this house while I'm away. And Miss Caballero... stop asking. You have no right to ask about your employer's privacy." "So—sorry po..." "Now, I'm leaving. Magpahinga ka kung gusto mo, at kung nagugutom ka naman—magluto ka ng makakain mo. Gabi na ako makakauwi. Make it sure na nakasarado ang main door. Nakuha mo ba lahat ng hinabilin ko?" Matagal bago nakasagot si Marie dahil inisa-isa niyang kinabisado ang lahat ng mga sinabi ni Iñigo sa kanya. Napansin iyon ng binata kaya napabuntong hininga nalang ito. "I'll go ahead—" "Teka lang Sir—" "What?!" "Hindi ba ako mawawala dito sa bahay mo?" Napapikit nalang ng mata si Iñigo sa sinabi ni Marie sa kanya. "Miss Caballero... maliit lang 'tong bahay—" "Maliit pa ba 'to sa lagay na ito? Parang kalahati ng mansyon doon sa unang pinuntahan ko." "Marie? Matayog lang ang bahay pero hindi ka mawawala rito? Kung ano lang 'yong sinabi konsa iyo... iyon lang ang susundin mo. Okay? Main door, kitchen, my room's and this lobby." Lobby. Oo lobby lang siya, pero hindi siya basta lobby lang; parang lobby ng isang five star hotel dito sa Maynila sa sobrang lawak ay masasabi mong pwede ka nanh makipaghabulan rito. "Bukas may housekeeping na darating—sina Ate Joan at Ate Jolan. Dalawa sila—magkapatid ang mga iyon." "Okay. Noted. Last nalang talaga na tanong." "Really?! What it is?" "Ano'ng trabaho ko sa 'yo kung may housekeeping ka naman pala." "Taga-bantay ng bahay!" "Ha? Eh—" "That's enough! Okay? Stop asking me, may meeting pa ako with my new client." "Ah? Good luck po, Sir Iñigo." Nakangiting sabi ni Marie sa kanya habang tumaas pa ang dalawang braso nito. Napatabingi ng ulo si Iñigo, ngunit may kaunting ngiti sa labi. Bumalik saglit ng kwarto si Iñigo. Paglabas nito suot niya na ulit ang coat na hinubad niya kanina. Ang totoo, wala naman talagang meeting si Iñigo. Alibi niya lang iyon kay Marie dahil medyo naiilang pa ang binata sa dalaga. Bente anyos si Marie, maganda at maganda ang hubog ng katawan. Sa suot nitonh bestida ay humihulma ang balingkinitan nito, kaya nakaramdam ng kakaibang sensasyon si Iñigo sa katawan. Ayaw niyang mag-isip ng masama o kalaswahan dahil mali iyon na pinapatasya ang isang inosenteng babae na katatapos lang manalo sa kaso. At isa pa—Abogado si Iñigo; alam ang tama at mali. Kaya siya na ang kumusang dumistansya sa dalaga. Pero gayun pa man ay napapakalma nito ang sarili kapag may ibang libangan. Hindi siya nadidistract sa mga iyon dahil malinis ang konsensya niya. "Where's Marie? How is she?" tanong ng amang si Alfonso sa kanyang pagkaapak palang nito sa loob ng mansyon nila. "She's fine. Don't worry about her, Judge. By the way, thank you for helping me." "May batas tayong sinusunod, pero kung ang batas ay hindi tama—tayo ang tatama ng batas para sa mga inosenteng sibilya; katulad nalang ni Caballero. I hope she'll be fine, and please son, don't attempt to seduce her." "Really, Dad? What the—" "Binibiro ka lang ng ama mo, seseryosuhin mo din kaagad. Marie is fragile. She like a glass; bawal mabasag." Biglang sumingit ang inang si Isabela. "Ano 'yung naririnig kong pangalan ng babae? Marie ba kamu? Who is she?" maya ay nakisalita na rin sa usapan ang nakababatabg kapatid ni Iñigo—si Xavier. Ipinatong kaagad i Xavier ang braso nito sa balikat ng kanyang nakatatandang kapatid na si Iñigo, at doon nakiusyuso. "Girlfriend mo? Maganda ba?" Kaagad iwinaksi ni Iñigo ang braso ni Xavier saka naupo katabi ang inang si Isabela. Nagtsa-tsaá ang pamilya. "Your kuya's client—Si Marie. Nakakaawa siya, pero nakikita ko sa kanya kung paano niya nilabanan ang lahat na pinagdaan nito. I want her to work with me." "Mom? Stop, okay? Pinabalik ko siya sa pag-aaral; atleast makapagtapo man lang siya ng Señior high niya't nakadepende na rin sa kanya kung ipagpapatuloy niya ito sa koliheyo. It's her choice. Huwag natin siyang pangunahan." Mahabang piliwanang ni Iñigo sa kanyang pamilya. Mayamaya ay tumahimik ang lahat—may kung anong ngiti na gumuhit sa labi ng kanyang ina habang si Alfonso ay napatikhim nalang at nagpatuloy sa binabasa nitong libro. Si Xavier naman ay napasilip sa mukha ni Iñigo—gustong asarin ang kapatid ngunit mas pinili nitong huwag nalang. "I want to meet that girl." Tatango-tanging wika ni Xavier. "Where is she? Nasa bahay mo ba?" Humakbang na paatras si Xavier—handa nang umalis anuman oras. "X? What are you trying to do?" Angil ni Iñigo sa kapatid. "I have some errand to do." Nang aasara na sabi ni Xavier sa kapatid. "Errand, huh?" "Yeah! See you later." Patakbo na itong lumabas ng mansyon nila. Hindi naman inaasahan na susundan siya nito ni Iñigo which is ngayon niya lang nagawa dahil iba ang kutob ni Iñigo sa kapatid nito. "I'm go ahead, Mom-Dad. See you later." "Okay, Son. Ingat!" Napahigop ng tsaá ang inang si Isabela habang nakangiti sa dalawang bunatang anak nito habang si Alfonso ay napapailing nalang. "May pinagmanahan naman talaga, ano?" Ang ngiti sa labi na ngayon ay napalitan ng mahinang tawa. "Well..." Maiksing sagot ni Alfonso ngunit maraming ibig sabihin at sasabihin. Kapag ang pamilya ay walang problema, tuloy ang saya."Hello? Is anyone there?" Diretso ang pasok ni Xavier habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng bahay ng kapatid nitong si Iñigo. Nang tuluyan ng makapasok, doon naman lumitaw si Marie galing ng kusina. Malapad na ngiti ang binungad ni Xavier sa dalaga nang makita ang pustura nito.Mayamaya ay pumasok din si Iñigo—na ngayon ay pinagtataka na rin ni Marie bakit nagmamadali itong pumasok at hinarangan si Xavier na makalapit sa kanya."Really, X? What are you doing here?""And what are you doing here, too? You are supposed in our house, right? Attorney Iñigo Alcantara?""This is my house, and now get out here and leave me alone, Engineer Xavier Alcantara!"Imbes na sundin ang sinasabi ng kapatid ay mas lalo pa itong na-excite nang lumapit si Marie sa kanila. Patulak niyang nilampasan si Iñigo, at nagpakilala ito kay Marie."Hi? You are Marie?" tumango ang dalaga, saka tumingin kay Iñigo nang makita ang nakasalubong na mga kilay. "Don't mind him. He's a grumpy—I mean, I'm his brother. I
"Is this all? What is this? You said Marie is from an orphanage? Why is there no record of her birth? Where is that orphanage?" "Nilibot ko na sa buong Maynila, Sir Benjo, pero dito ko lang talaga natagpuan ang pangalan ni Marie sa ampunan na ito; Hospicio de San Jose. Sanggol pa lang si Marie iniwan na raw siya sa bukana ng gusali. Tapos pinagalaman ko na rin, taon 2003 inampon ni Aling Ester si Marie. 'Yung ina niya ngayon." "She's eight at that time." Ilang araw lang ang pagsasaliksi o paghahalungkat sa pagkatao ni Marie dahil sa mga nalaman ni Iñigo noong nasa hearing palang sila ay talagang nagkainteres ito sa dalaga—hindi dahil naawa siya sa dalaga, kundi dahil kliyente niya ito. At ngayon ay nasa poder niya na si Marie, mas mas lalo niya pang huhukayin ang buhay nito. "Hindi mo ba natanong Sir Benj kung kailan ang kaarawan niya?" Napabuntong hininga si Iñijo at saka umiling. Mayamaya ay tumayo ito. "I'll ask her," aniya saka naglakad padulog sa kwarto ng dalaga. Suba
Tumaas ang kaliwang kilay ni Iñigi nang halikan siya ni Marie na walang permeso. Napatungo pa rin siya sa dalaga habang si Marie ay hindi alam ang sasabihin dahil sa hinding inaasahan paghalik niya kay Iñigo. "Masaya lang po ako Sir Iñigo. Huwag po ninyo bigyan ng malisya." "Next time if you do that again... you'll gonna regret, Marie." "Hindi na mauulit." "Ulitin mo lang—hindi kita palalampasin." Tiklop. Hindi nakapagsalita si Marie sa sinabi ni Iñigo sa kanya. Isang gurong babae ang sumalubong sa kanilang nang nasa loob na sila ng Academy. Naigala ni Marie ang kanyang mga tingin sa lugar. Napangiti siya dahil mararanasan niya ulit ang pumasok sa eskwela, at sisiguraduhin niyang makapagtapos siya at babawi sa taong tumulong sa kanya. "Good morning Attorney Alcantara. Dean Mariposa Alcantara she's waiting for your arrive. How are you, Attorney?" "I'm great. Thank you. Let's go Marie." Ang daming estudyante nakatingin sa kanila—lalo na kay Iñigo na agaw pansin at atens
"Parang puyat ka, Miss Marie?" Hindi nagdalawang-isip na magtanong si Manuel kay Marie nang mapamsin ang dalaga na panay hikab nito sa loob ng sasakyan. Unang ara nito sa klase pero parang hindi ito natutuwa dahil hindi maganda ang wisyo ng dalaga. "Kuya Manuel? Pwede magtanong?" Napadungaw sa bintana ng sasakyan si Marie—ang tayog ng iniisip. "Sige lang. Ano ba 'yon?" "May girlfriend na ba si Sir Iñigo? I mean, nagka-girlfriend na na siya?" Saglit na napabaling si Manuel kay Marie. Nasa labas pa rin ang tanaw ng dalaga kaya napangiti si Manuel sa kanya. "Sir Benjo? Ibig kong sabihin, si Sir Iñigo? Alam mo ba kung paano ko nakilala si Si Iñigo? Magkaklase kami noong high school. Alam mo ba na maraming babae ang naghahabol diyan sa kanya—hanggang ngayon may gusto ngang pakasalan siya..." "Magkaklase kayo no'ng high school? Paano ka napunta sa kanya?" "Mababait ang angkan ng lahi ni Sir Iñigo. Sa makatuwid, tito niya nga ang tumulong sa nanay ko na mapagaling sa sakit. 'Yung tano
Bakas sa mukha at ekspresyon ni Iñigo ang galit, ngunit kalmado lang ito habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanyang bahay. Mayamaya ay niluwagan niya ang kurbata na suot nito sa leeg, at pinaharurot ang sasakyan—nagmamadaling makauwi.Pagdating sa bungad ng main gate niya ay nakaabang si Manuel doon. Huminto ang sasakyan at saka bumaling kay Marie. Napabuntong hininha si Iñigo at saka kinabig ang balikat ng dalaga."Bahay na tayo," mahina niya sabi kay Marie at saka in-unlocked ang seltbelt sa katawan ng dalaga. "Go to your room and take a rest for now. I call the doctor to check on you." Pagkasabi ni Iñigo ay nagsalita si Marie."Huwag na pi Sir Iñigo. Ayos lang po ako."Sinilip ni Iñigo ang mukha ni Marie habang nakatungo ito. Umiiyak at nanginginig pa rin ang mga kamay dahil sa nangyaring pambu-bully ng mga estudyante aa kanya."You're not okay. You want me to carry you?"Biglang umalisto si Marie at umalma."Hi-hindi na po. Kaya ko na po maglakad."Gumuhit ang labi ni Iñigo.
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang pambu-bully kay Marie noong unang araw nito sa Academy. Nalaman din kaagad ni Iñigo kung kaninong angkan galing ang limang estudyanteng iyon."Do you know that I have too many clients today to waste my time on this useless meeting today?! What did my son do to make you summon me here now, Miss Dean?!""Miss Dean? I have an appointment hearing case today. Ano ba ang meron, at bakit kailangan pang ipatawag kami ngayon?""Just make it fast Miss Dean. You're wasting our time.""Ano ba ang nagawang kasalanan ng mga anak namin? Kung common problem lang naman, pwede naman natin pag-usapan sa telepono at magbibigay kami ng donations para sa School na ito. Tapos!""Ito ang tseke, pwede na ba kami makaalis?"Samo't saring reklamo ng limang magulang nang pinatawag sila ng Miss Dean Mariposa dahil sa isyung nangyari. Aminado si Miss Mariposa na abala ang mga ito, ngunit kailangan din pagtuunan ng pansin ang mga kabataan. Hindi lingid sa kaalaman ng
Bumuga ng hangin sa kawalan si Iñigo nang makapasok ito ng sasakyan niya. Mayamaya ay bumukas ang pintuan ng passenger seat's nang pumasok si Marie—tahimik lang siya.Napabuntong hininga si Iñigo saka inabutan ng bottled water si Marie."I'm starving. What do you want to eat?""Ikaw?""Huh?""Ang ibig ko pong sabihin Sir Iñigo—ikaw po ang bahala. Hindi pa naman ako guto.."Napatingin si Iñigo kay Marie. Nakatungo pa rin sa mga paa nito at nakayumos ang mga kamay. Madalas ito napapansin ni Iñigo kapag natatakot siya o kinakabahan."Miss Caballero?""Po? Sir Iñigo?" Saka lang umangat ang mukha ni Marie nang tawagin siya ni Iñigo. Mayamaya ay umiling ito at nag-start ng makina ng sasakyan."Let's go—nakakagutom ang mga tao sa loob ng Dean's office. Steak for lunch is excellent with red wine.""Ah? Sir Iñigo?""Hmm...""Ano po ang mangyayari sa kanila?""Sila? Ikaw ba—ano gusto mong mangyari sa kanila?"Gumuhit ang ngiti sa labi ni Iñigo nang makita ang reaksyon ni Marie dahil sa tanong n
Maaga nagising kinabukasan si Marie. Parang panaginip sa kanya ang nangyari sa kanila ni Iñigo nang gabing iyon, at hindi pa rin siya makapaniwala na gagawin ni Iñigo iyon sa kanya. Bagaman, lasing iyon at sigurado siyang hindi niya na ito maaalala pagising niya mamaya. Napabuga ng hangin sa kawalan si Marie nang makita ang lobby na wala pa ang binata roon. Dahan-dahan siyang tumungo ng kusina para ihanda ang kanyang almusal ngunit nasindak nalang ito nang makita ang lalaking iniiwasan. "Si-sir Iñigo?" Kaagad naman siyang binalingan ni Iñigo pagkatapos magtimpla ng binata ng kape nito. Naupo sa maatas na silya sa bandang gilid ng kusina nila at saka tahimik na nagbasa ng dyaryo. Mayamaya ay nagsalita ito. "Good morning. Your breafast is ready, kumain ka na bago pumasok sa eskwela." Nilingon ni Marie ang hapag na may nakahandang almusal. Napayumos pa ang dalaga ng kanyang kamay dahil nahiya na ito kay Iñigo. Alas-cico y medya palang ng umaga. Sinadya niyang magising upang ma
EPILOGUE—PART TWO—DESTINED WITH YOU TAON 2025, MAY—PHILIPPINES Maganda ang mga ngiti ni Iñigo habang papalapit sa kanya ang babaeng minahal niya na simula pa noong una. Mayamaya, ang magandang ngiti ay napalitan ng luha; luha ng kagalakan. "You destined with me," mahinang sambit ni Iñigo. Nakikita niya ang batang Marie na humihikbi. "I'm so inlove with you." Aniya't nagpunas ng luha sa mga mata. "Pangalawang kasal mo na ito, ngayon ka pa talaga iiyak?" "Wala kang alam—" "May alam ako. May nagsabi sa akin—isa sa mga naging ka-klase mo noon—Marie is your first love. Bro, child abuse ginawa mo!" "She's already fifteen that time. Bata lang siyang tignan dahil hindi naman siya katangkaran." "Bata pa rin 'yun Benjo! Bente uno ka noon, kinse lang siya. Baka nga 'di pa nagdadalaga 'yun!" "Shut up will you? How about you? Akal mo ba hindi ko alam na nandito 'yung—" "Ipapakilala ko na siya mamaya kina Mom at Dad. Wala kang dapat na alalahanin." "Pssh!" Natigil lang ang us
EPILOGUE—PART ONE; THE PLOT TWIST TAON 2010, PHILIPPINES TWENTY-ONE YEARS OLD, IÑIGO ALCANTARA—FOURTH YEAR COLLEGE "Benjo, let's go to the café! You're leaving tomorrow—you can treat us to a free meal." "You guys can go—I'm leaving." "Hoy! Sandali naman! Wala man lang despedida diyan? Grabe ka naman sa amin Iñigo! Ang yaman-yaman ninyo tapos ayaw mo kaming i-libre! Tara na nga mga Par! Kung ayaw niyang ilibre tayo_e di libre natin sarili natin!" Hindi pinansin ni Iñigo ang mga ka-klase. Ang totoo ay lalapitan lang naman siya ng mga iyon dahil alam nila na mapera ang binata. Napabuga ng hangin sa kawalan si Iñigo saka umihis ng daan. Mayamaya ay napahinto siya nang may napansin batang babae na nakatungo at tahimik na humikhikbi. Akma niya sanang lapitan nang may lumapit na ginang sa batang babae. Nagulat na lang si Iñigo nang biglang sampalin ng ginang ang bata. Napayukom siya ng kamao nito't lalapitan sana nang biglang tumunog ang telepono niya. Napahinto siya sa paglal
APRIL 2025 PHILIPPINES "Case number 2025-PH-9090. I'll deliver the sentence. Despite the cruel nature of the crimes... and the clear evidence, the defendant made excuses that were imposible to believe, refuse to show remorse. The defendant, Lucio Salazar is sentenced to life in prison." Samo't saring reaksyon ang naririnig sa loob ng korte matapos bigyan ng panghabang buhay na pagkabilango si Lucio. Nag-ingay ang social media at maging ang media roon. Napasinghap ng hangin sa kawalan si Iñigo habang si Marie ay tahimik lang at nakatitig lang kay Lucio. Nang patayuin na siya ng mga warden—posas kaagad at saka siya inilabas ng korte. Binungad ng maraming media reporter sa labas ang salarin habang tulala na lang ito na naglalakad. "His family is here." Wika ni Iñigo. "Wala naman na magagawa ang pamilya niya kundi ang tignan na lang siya sa malayo." Salita din ni Marie. Nang lumingon si Lucio sa kinaroroonan nina Iñigo at Marie, saglit itong nagpaalam sa dalawang pulis na kakausapin
Gabi, at nasa St. Miguel Chapel inilamay ang abo ng ina ni Marie. Walang kamag-anak na pumunta—tanging sina Iñigo at ang pamilya niya ang pumunta para bigyan ng dasal. "Bukas na ihahatid ang ina mo, qala ka babg sasabihin?" Wika ni Iñigo. Umiling si Marie. "Wala." Saka siya naupo sa gilid at nakatitig lang sa puting banga kung saan naroon ang abo ng kanyanh ina. "Okay. " "Iñigo, huwag na kayong pumunta ng sementeryo—ako na bahala ang maghatid ng abo niya sa libingan ni Tiyo Oscar." "Marie, hindi ako papayag na ikaw lang—asawa mo ako at karapatan kong samahan ka. Huwag mong isipin na naging pabigat na ito sa amin dahil hindi ko naisip iyan. Kahit man lang sa huling hantungan ng ina mo, mabigyan siya ng magandang burol." Binalingan ni Marie si Iñigo. Paklang ngumiti at nagpasalamat sa asawa. "Maraming salamat sa inyong lahat. Kahit papaano nairaos din ang paglagay ng abo ni inay sa kanyang hulinh hantungan." "Walang anuman Marie, anak. Makapagpahinga na ng tuluyan ang nan
Nakatayo sa harapan ng pintuan; nagdadalawang isip kung papasok ba si Iñigo sa loob o hindi upang hikayatin ang asawang si Marie na dalawin ang inang si Ester. Mayamaya ay napalingon siya sa kanyang likuran nang may pumatong na kamay sa kanyang balikat—ang amang si Alfonso. Kauuwi lang galing ng ospital. "Dad? How are you? Kumusta si Kid?" "Stable na mga vital sign niya. Me and your Tito Viktor nauna nang umalis pero babalik iyon si Viktor dahil siya ang mag-aasikaso kay Kid habang nasa ospital pa ang pinsan mo. Ako naman may aasikasuhin akong kaso; 'yung salarin sa pananaksak kay Kid sa Boracay. Kailangan kong bumalik ng Boracay para makausap ang salarin." "Thank you so much Dad. I'm sorry I can not able to assist you. Marie's mom died last night; she's sick. Abd now I need convince her na puntahan namin." "Is that so? Sige, sent my condolences and flowers to her burial." "Yes, Dad. Ingat ka papunta roon—tumawag ka." "Suyuin mo 'yan nang nabisita niya ang nanay nito kahit
MANILA, PHILIPPINES—ALCANTARA RESIDENCE "Dahan-dahan—ang mga bata ipasok na ninyo sa kanilang kwarto. Naneng, tabihan mo muna si Amber, ha? Pasensya, masyado lang abala. Magoahinha ka na rin. Joan—Jolan, kung naguguyom kayo—idamay niyo na si Lili. Ako na bahala kina Tita Ana at Mommy. Ihahatid ko lang si Marie sa kwarto namin." Isa-isang nagsinuran sa mga sinabi ni Iñigo. Nakarating na sila sa mansyon ng Alcantara, at lahat ay pagod. Paglapag ng eroplano sa NAIA 4, dumiretso na kaagad ang tatlong magkapatid na sina Alfonso, Viktor, at Lemuel—kasama ang bunsong anak na si Caleb patungong ospital—maneho ni Manuel ang sasakyan. Sakay ng ambulansya, mabilis nailipat si Kid. "Iñigo magpahinga ka na rin muna. Alam namin na mas pagod ka dahil sa nangyari." Wika ng ina.. Tumango si Iñigo. "Yes, Mom. Magpahinga na kayo. Tita Ana, ayos lang po ba kayo? Bukas pupuntahan natin si Kid—sa ngayon mas kailangan mong magpahinga." "Maraming salamat Benjo. Sige na't papasok na rin ako ng kwarto
Kumalipas ng takbo si Iñigo nang makitang bumagsak si Marie. Dali-dali niyang kinarga ang asawa at patakbong inilabas kahit walang sasakyan; mabuti na lang may taxi na nakaabang kaagad kaya mabilis na naisugod ang asawa sa pagamutan. "I'll pay you later, Sir. I forgot my wallet. I'm sorry." "Ayos lang po Sir." Tinulungan ng driver si Iñigo na maisugod sa loob ng emergency room si Marie. "Nurse? Please, help my wife—she passed out." "This way Sir." Kaagad naman sila inasikaso ng nurse na nakaduty roon. Hindi umalis si Iñigo sa tabi ng asawa. Mamg matapos lagyan ng IV fluid si Marie ay hindi pa rin panatag si Iñigo dahil nha sa hindi pa nagigising ang asawa. "Sir, pwede na po si Ma'am ilipat ng kwarto." "Yes please, and I want VIP suite for my wife, if there is a chance?" "Sige po, Sir. Ito po ang application form. Paki-fill-up na lang then proceed na tayo sa kwarto ni Ma'am." "Thank you so much." Nag fill-up ng application si Iñigo. Nang matapos ay kaagad din na-aprobahan at sa
THREE HOURS AGO "Miss? I am Xyrine Marie Alcantara—ako 'yung nakausap ng management dahil sa cancelation ng wedding. Can I speak to the organizer and manager?" "Ah? Yes po. Hello po Ma'am Alcantara. Sasamahan ko na lang po kayo sa head office ng manager ng hotel." Napangiti si Marie. "Great! Ngayon na ba?" "Yes po Ma'am. One second po." Panay ang pagmamasid ni Marie sa kanyang paligid. Alam niyang delikado na lumabas dahil kay Lucio na nasa Boracay lang din naman. Payapa at mahinahon ang bawat torista at mga bisita ng hotel kaya panatag si Marie na walang may masamang mangyari. "Tara na po Ma'am?" Wika ng isang staff ng hotel at nauna na itong naglakad—nakasunod si Marie sa kanyang likuran. Pagdating ng dalawa sa harapan ng elevator saka naman nagsalita ang nasa tabi nilang lalaki—mikaniko ng elevator. "Out of service po muna mga magagandang Ma'am. Pasensya na po." "Matagal pa po ba iyan Kuya?" Salita ng babaeng staff. "Abutin pa po ng isang oras Ma'am—under maitena
BORACAY, PHILIPPINES "I'm asking you na huwag muna tayong lalayo sa area natin, as soon as possible," binalingan ni Iñigo si Marie. "Stay here. Xavier, Dad, Tito Viktor, and Tito Lemuel will come with me. Kid please look at them, okay? This is importante matter. I'm asking for your cooperation." Nasa lobby ng hotel ang buong pamilya. Maliban kay Manuel ay nauna na itong umalis—tumungo sa lugar na binigay ng Chief. Labis-labis man ang pag-aalala ng pamilya ni Manuel—sinisigurado naman ni Iñigo na ligtas ito. "I want to come with you guys, but it's better to stay here. Don't worry, I'll take care of them. Now, go!" Saad ni Kid. "Mag-iingat kayo." Nag-aalalang salita ni Marie. "Tumawag kayo kaagad kapag nahuli na siya." Sabi naman ng inang si Isabela. "Dong, ang habilin ko—" hindi natapos ang sasabihin ni Anastasia nang yakapin siya ni Lemuel. "Oo." Maiksing sagot nito. Napayakap na rin si Iñigo kay Marie bago sila tuluyan na umalis. Napabuga ng hangin sa kawalan si Marie