Share

Kabanata 4-Terms and Agreements

ALCANTARA MANSION

Kabado ngunit merong sayang nararamdaman sa kanyang puso dahil sa unang pagkakataon sa buong talang buhay ni Marie ay ngayon lang siya nagkaroon ng sinasabing tahanan.

"Dito tayo Miss Marie," wika ng butler na si Manuel nang pinagbuksan siya nito ng pintuan. "Ito ang magiging tahanan mo simula ngayon." Iginala ni Marie ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Mansyon kung ituturing ang tahanan ng residente ng mga Alcantara.

"Nakakalula ang bahay. Sino ang mga nakatira diyan Kuya Manuel?"

"Mga Alcantara. Mansyon ang tawag diyan. Halika na't igagaya na kita sa loob para makilala mo ang pamilya ni Sir Benjo."

Bumalik ang tingin ni Marie kay Manuel nang magbanggit ito ng ibang pangalan. Napangiti si Manuel.

"Ah? Si Sir Iñigo kako. Tara na."

Sumunod si Marie. Hindi niya alam o wala siyang ideya na ang magiging tahanan nito ay hindi lang basta bahay, kundi Mansyon. At napatanonh din siya sa kanyang sarili; bakit kailangan dito talaga siya dinala kung pwede naman dumiretso sa quarter ng mga kasambahay—dahil alam niyang magtatrabaho siya rito.

Pagpasok na pagpasok sa loob ay mas nalula si Marie sa sobrang ingrande ng sala nila. Bigla tuloy siyang nahiya nang maalala ang tahanan tinitirnan nito sa St. Ana—makipot, mabaho ang paligid at dikit-dikit ang mga pamamahay. Napatungo siya nang makita ang sahig na gawa sa mamahaling marmol—pwedeng gawin salamin na dahil sa sobrang kintab nito.

"Marie? Ayos ka lang ba?" Pukaw ni Manuel sa kanya.

"Ah? O-opo... Pasensya na po Kiya Manuel, ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito mansyon—ang linis, mabango at sobrang laki. Ang gaganda ng mga gamit at mamahalin pa."

"Sobrang yamab talaga nila, kaya ang swerte ko na si Sir Ben—este Sir Iñigo ang naging amo ko."

"Bahay niya ba ito?"

Umiling si Manuel. "Bahay nila, ng pamilya Alcantara. May sariling bahay din si Sir Iñigo. Halika ka rito—dadalhin kita sa Annex."

Tumango si Marie. "Sige po."

Sunod-sunuran si Marie kay Manuel. Habang papalapit sa Annex ay biglang may nagsalita sa kanilang likuran—galing sa pangalawang palapag ng Mansyon.

"Manuel?" Boses ng babae. Nang lingunin na ito, napaawang ang bibig ni Marie nang makita ang babaeng maladiyosa ang ganda.

"Ma'am Isabela... pasensya na po hindi ko po kayo napansin. Ano kasi—si Marie po pala... siya 'yung kliyente ni Sir Benjo."

Maganda ang mga ngiti nito habang pababa ng hagdan. Lumapit si Isabela sa kanila at tinansya ng tingin si Marie.

"Nasaan si Iñigo? Bakit kayonh dalawa lang ang nandito?" hindi umalis ang mga tingin ni Isabela kay Marie. "Tawagan mo nga nang makausap ko siya." Wika pa nito.

"I'm here. What are you doing here?" Sabay-sabay silang napabaling sa bukana ng main door nang marinig ang boses ni Iñigo na papalapit sa kanila.

Magiliw na tinignan ng ina ang panganay na anak—si Iñigo.

"This is my house? At ikaw, bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa naghihintay 'tong si Marie sa iyo."

Paklang ngumiti si Marie dahil sa sinabi ni Isabela.

"Ah? Hindi po Ma'am. Ayos lang po." Sabat ni Marie.

"I had a discussion with her, and it was just for us." sagot ni Iñigo sa kanyang ina at saka humalik sa noo nito. "Manuel, pakihandaan nga ng makakain si Marie, and you Miss Caballero... follow me." Bago umalis si Iñigo sa lugar na iyon ay pinigilan muna siya ng kanyang ina.

"Be good to her, son. She's not familiar here... she's under your responsibility. English na iyon para maintindihan mo Attorney Iñigo Alcantara."

"I will. Let's go Miss Caballero."

Humarap muna si Marie sa ina ni Iñigo na si Isabela.

"Maraming salamat po Ma'am..."

Matamis na ngiti ang iginanti ni Isabela kay Marie bago tinalikuran ang dalawa.

Samantala. Habang nasa Annex building sina Iñigo at Marie, tahimik lang ang dalaga habang hinihintay na magsalita si Iñigo dahil abala ito sa mga papeles na hawak hawak niya kanina pa.

"Kumain ka muna bago ko i-discuss sa iyo ang kontrata na hawak ko."

"Kontrata? Para saan?"

"Terms and Conditions. Kontrata sa trabaho mo. Ayaw mo ba?"

"Wala naman akong alam na trabaho. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral sa high school. At ang tanging alam ko lang ay sa loob ng bahay. Pwede ba iyon?"

Napatitig si Iñigo sa kanya. Iniisip niya nalang—paano nalang kung iniwan niya ito sa korte pagkatapos ng huling hearing ng kaso niya, talagang babalik at babalik si Marie sa kung saan man siya nanggaling.

Napabuntong hininga si Iñigo at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mayamaya ay dumatuming si Manuel na may dala-dalang tray ng pagkain. Biglanh natakam si Marie nang makita ang mga hinanda ni Manuel.

"Miss Marie, kumain ka muna habang mainit pa ang pagkain. Sir Iñigo, kape niyo po."

Inilapag ni Manuel ang dalang tray sa hapag at saka suminyas kay Marie na lumapit. Nahihiya man ay kailangan niyang kumain dahil kaninang umaga pa ito hindi kumain dahil sa sobrang takot at kaba sa loob ng korte.

"Sir Iñigo?" tawag ni Manuel sa abalang abogado. "Magpapaalam muna ako. Tumawag kasi ang biyanan ko—manganhanak na ang asawa ko."

"Ngayon na ba 'yun?"

"Yes, Sir. Iwan ko na muna si Miss Marie sa iyo."

"Okay!"

Madaling kausap si Iñigo. Ayaw niya nang maraming salita, at alam din naman niya na buntis ang asawa ng kanyang butler.

"Salamat, Sir. Sige po alis na muna ako. Miss Marie? Kumain ka lang diyan, ubusin mo iyan."

Bago umalis si Manuel ay binigyan pa siya nito ni Iñigo ng kaunting regalo. Tseke. At nagkakahalaga ng tatlongput libong peso. Para raw sa asawa nito at sa magiging anak nila.

Nang makaalis si Manuel ay naging tahimik ulit ang paligid. Tahimik na kumakain si Marie habang si Iñigo ay tinatapos ang mga papeles—kontrata. Sampung minuto nang magsalita si Iñigo sa kanya ng maramdaman na tapos nang kumain si Marie.

"Miss Caballero?"

"Sir?"

"You promised me something before the final hearing of your case, didn't you? Don't speak first. And you said, even if you work on it with my family. There are many maids here in the Mansion, so instead of working for my family, you will work for me. Work for me; you have a salary, you have a place to stay and if you want to finish your high school education I will let you. But on one condition—just home and school. Manuel will pick you up directly from my house, and you do everything I tell you. Are we clear and understood all of them? Gusto mo pa bang tagalugin ko para mas maintindihan mo?"

Hindi man nakapagtapos ng high school ay nakakaintindi naman kahit papaani ng Engles si Marie. Kaya bilang sagot ng dalaga, tumango ito at walang maraming tanong.

"Good. Ito ang kontrata mo; fuve years. After five years pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo without my permision."

"Five years?" Balik tanong ni Marie.

Tinignan lang siya ni Iñigo. Nakuha naman kaagad ni Marie kung ano ang ibig sabihin nun. Silents means; yes.

"Basahin mo—"

"Maraming salamat, Sir. Pangako; gagawin ko lahat ng makakaya ko. Kahit huwag mo na akong sahuran basta may tutuluyan at makapag-aral lang ulit ako ay malaking tulong na po iyon sa akin. Maraming salamat Sir Iñigo."

Hindi alam ni Iñigo kung ano ang isasagot kay Marie, basta nalang ito tumikhim at umuwas ng tingin sa dalaga.

"I am a lawyer. Of course I know what I'm doing."

"Maraming salamat pa rin po."

Akmang lalapitan ni Marie si Iñigo nang umiwas ito. May kung anong naramdaman kasi si Iñigo nang makitang ngumiti ng matamis ang dalaga sa kanya. Pinaluwag ang kurbata na kanina ay maayos ang pagkakaayos nito sa kanyang leeg.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status