Share

Kabanata 3-To give her shelter

TRIAL COURT, MANILA

"The jury have unanimously decided... to accept the deffendants case as self-defense. Case close."

Napatungo sa sariling upuan si Marie nang inanunsyo ng nakatataas na hukom ang pahkawalang bisa ng kanyang kaso sa kanyang Tiyuhin Oscar.

Self-defense is governed by Article 11 of the Revised Penal Code of the Philippines (Republic Act No. 3815).

"Congratulations," wika ni Iñigo kay Marie na nakatungo pa rin sa sariling upuan. "Malaya ka na, Caballero." Mahinahon na pagkakasabi ni Iñigo sa kanya. Ang malapad na palad ng kamay ay nasa likod ng dalaga—pinapakalma niya ito.

Umangata ang mukha ni Marie. Nagpunas ito ng luha at ngumiti sa kanyang abogado. Hindi alintana ni Marie na napayakap na pala siya rito. Ganun nalanh ang pagkakagulat ni Iñigo nang gawin iyon ni Marie. Napalitan ng ngiti sa labi ang ekspresyon sa mukha ni Iñigo.

"Well done. Well done." Tinabig ulit nito ang likod ng dalaga.

"Maraming salamat, Attorney Alcantara. Kung hindi dahil sa tulong ninyo ay hindi ako mahkakaroon ng kalayaan. Maraming salamat."

"No, thank you. Tinulungan mo rin ako. Kaya maraming salamat sa iyo, Miss Caballero."

Kumalas sa pagkakayakap si Marie. Pormal itong nakipagkamay sa kanyang abogado at matamis na ngumiti kahit pa ang mga mata nito ay muktong-mukto na dahil walang araw na hindi umiiyak ito.

Lumapit din si Prosecutor Forth para batiin ang dalawa. Totoong magkalaban sila sa loob ng korte dahil trabaho nila ang depensahan ang bawat kliyente nila. Ngunit sa likod nito ay maganda ang relasyon ng dalawa—magkaibigan.

Umapila ang pamilya ng Tiyuhin ni Marie. Maging ang sariling ina nito ay hindi matanggap ang hatol ng hukom sa kanya. Gigil, galit, at pagkadismaya ang nakikita sa mukha ng ina, ngunit hindi maitatanggi na may mali din sa kanya.

"Let'd go?" Anyaya ni Iñigo kay Marie na lumabas na ng korte dahil marami ang nagaabang sa kanila sa labas—makikiusyuso ang iilang media sa kanya tungkol sa kaso.

"Attorney, saglit lang." napatingin si Iñigo sa kinaroroonan ng ina ni Marie. Akma nang lalapit si Marie sa ina nito nang hawakan ni Iñigo ang pulsuhan ng dalaga. "Ayos lang ako." Pilit na ngumiti ni Marie kahit alam niyang masasaktan siya sa mga sasabihin ng kanyang ina.

Lumapit si Marie sa kanyang ina na nakatayo habang masama ang mga titig sa kanya; kulang nalang ay dudukutin ang mga mata nitonsa sobrang galit. Nakayumos ang mga kamay dahil sa kaba at takot, subalit naglakas loob pa rin ito na lapitan at kausapin ang ina.

"'Nay—"

"Pinuputol ko na ang ugnayan ko sa iyo! Huwag na huwag mo na akong tatawagin na Nanay dahil hindi naman talaga kita anak! Simula nang dumating ka sa buhay ko, akala ko giginhawa ako dahil mapapakinabangan kita—nagkamali pala ako; mas naging miserable ang buhay ko ng dahil sa 'yo! Pinatay mo ang asawa ko, at sa palagay mo ba matutuwa ako na makitang kang nada labas ng rehas?! Hindi! Kahit kailan hinding hindi kiya mapapatawad—hanggang sa hulinh hininga ko, Xyrine Marie!"

Nagsimulang maglandas ang mga luha ni Marie sa mga itinatapon na salita ng ina nito sa kanya. Mas gugustuhin pa ni Marie na saktan siya ng physical dahil madali lang ito mawala, kumpara sa mga masasakit na salita na binibitawan ng kanyang inay Ester sa kanya; habang-buhay niya iyon mararamdaman.

"Kahit isang beses minahal mo ba ako bilang isang anak mo? Dahil kung ako ang tatanungin; sobrang mahal kita 'Nay. Masaya ako na kahit papaano ay nakita ko na pinañaki mo ako ng maayos-pinasalamatan ko iyon sa Diyos. Hindi ko pinagsisihan na naging nanay kita. Maraming salamat po sa pag-aruga mo sa akin. Patawad din sa pagkawala ni Tiyo Oscar."

Sa hindi inaasahan. Isang malakas na sampal ang matanggap ni Marie sa kanyang nanay Ester. Haños mabingi ang dalaga sa ginawa nito sa kanya. Napaluha nalang si Marie dahil hindi na ito nakapagsalita. Parang punyal na sumaksak sa puso nito ang bawat salita na binibitawan ng nanay niya sa kanya.

"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!"

Akma sana ulit na sampalin nang pumagitna si Iñigo sa mag-ina. Hinuli ni Iñigo ang pulsuhan ng ina ni Marie at saka winaksi.

"Assault, including physical acts such as punching, is considered a criminal offense under the Revised Penal Code. Mag-ingat ka sa mha kinikilos mo, at baka sampahan kita ng kaso ngayon din." Kalmadong pagkakasabi ni Iñigo sa nanay ni Marie.

Napaatras siya ngunit hindi maalis ang sama ng tingin nito sa kanyang anak.

"Hindi kita mapapatawad Marie!"

"Patawad mo Inay." Alam ni Marie. Kilala niya ang nanay nito.

"Let's go, Marie."

Nanalo sa kaso, ngunit malungkot dahil wala na itong pamilyang uuwian. Wala na rin kag-anak na kukupkup sa kanya dahil sa nangyari, at higit sa lahat, galit ang nga ito sa kanya.

Para makaiwas sa media at pambabatikos kay Marie, napaghandaan na rin ni Iñigo kung saan sila dadaan o kung paano sila makaalis sa lugar na puno nang mapanghusga.

"Sir Iñigo? This way po." Isang lalaking naka-itim na uniporme ang sumalubong sa kanila habang naglalakad ang mga ito sa hallway ng Suprema. Kaagad naman hinubad ni Iñigo ang coat nito at inabot sa lalaking nakaitim na uniporme. Butler ni Iñigo.

Hindi alam ni Marie ang nagyayari, basta nalang siya sumusunod kay Iñigo dahil hawak-hawak nito ang kamay.

"Saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ni Marie.

Saglit siya binalingan ni Iñigo. "Gusto mo bang pagfiestahan sa labas ng suprema?"

Umiling si Marie.

"Good. Just follow me, then."

Napakagat labi nalang ang dalaga dahil bigla nalang umiba ang awra ni Iñigo; malayong-malayo sa awra nito kanina sa loob ng korte.

"Teka lang!" napahinto sa paglalakad si Iñigi at ang Butler nito nang magsalita si Marie. "Wala na akong uuwian." Mahinang wika niya sabay yuko ng kanyang ulo.

Nakabuga ng hangin sa kawalan si Iñigo bago nagsalita.

"I'll take you home."

Sa gulat ay biglang umangat ang ulo ng dalaga.

"Ho?"

Dahil sa reaksyon ni Marie, mahinang natawa ang butler ni Iñigo.

"May pinangako ka sa akin, hindi ba?"

Napaawang ang bibig ni Marie sa sinabi ni Iñigo.

"Ha?" Inosenteng tanong ulit ni Marie.

"Do you forget that you have a promise to me? My service is not free Miss Caballero. You choose; I'll leave you on the street or you will come with me."

Napanguso si Marie sa sinabi ni Iñigo. "Hindi mo naman sinabi na ngayon na pala iyon," napatungo siya. "Ang daya." Pabulong na sabi pa nito.

"Ah? Before I forgot, we need a sign contract."

"Contract? Ano na naman iyan?"

"Miss Marie? Kontrata na pepermehan ninyong dalawa ni Sir Iñigo. Patunay na empleyado ka na niya po."

Ang bilis. Sa isip-isip ni Marie ay hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagpahinga man lang pagkatapos ang buong araw na nakasalang sa korte. Napaisip tuloy siya na—siguro ganun talaga kapag wala kang ilalaban sa mga taong may pera. Walang imik na sumunod si Marie sa mga sinabi ni Iñigo hanggang sa makarating sila sa pinakalikod ng gusali ng Suprema.

Nalula si Marie sa haba ng sasakyan na naghuhintay sa kanila. Napaangat ang mukha nito kay Iñigo na ngayon ay nakatungo nang nakatingin sa kanya.

"Ano—"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Marie nang suminyas si Iñigo sa kanyang butler.

"Kayo nang bahala muna sa kanya. Make her comfortable." Wika ni Iñigo. Akma na sana itong papasok sa kanyang sariling sasakyan nang bigla nalang hinuli ni Marie ang pulsuhan niya.

"M—maraming salamat... Sir." Nahihiyang wika ni Marie sa kanya at saka inalis ang kamay sa pagkakahawak sa pulsuhan ni Iñigo.

Napatikhim ang binata. "Hmm... From now on, you're mine. I'm not done with you yet, we have a lot more to talk about. See you later."

Iyon ang huling usapan ng dalawa bago sila naghiwalay ng daan. Mayamaya ay napangiti si Marie nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan na kung tawagin ay Limousine.

"Miss Xyrine Marie Caballero?" Tawag ng butler sa kanya.

"Po? Sir?"

"Kuya Manuel nalang itatawag mo sa akin. Hindi naman kalayuan ang mga edad natin, Miss Marie."

"Ah? Opo, kuya Manuel. Ano po iyon?"

"Alam mo ba kung saan ka pupunta ngayon?"

Umiling si Marie. Totoo. Hindi niya alam o wala siya ideya kung saan siya dadalhin ni Kiya Manuel dahil hindi naman siya nagtanong o wala siyang karapatan magtanong.

"Sa Mansyon ng mga Alcantara."

Mansyon ng mga Alcantara?

Napatanong si Marie sa kanyang sarili. Gaano ba kayaman ang pamilya ni Sir Iñigo na kung tawagin ang bahay nila ay 'Mansyon'?

Napangiti nalang si Marie at hindi nagsalita, dahil hindi niya rin alam kung saan ba siya magsisimulang magtanong tungkol sa lalaking tumulong sa kanya na makalaya o makaalis sa empyernong lugar ng mga priso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status