Share

Kabanata 1-I am Attorney Iñigo Kang Alcantara

TRIAL COURT, MANILA PHILIPPINES

"Call the case." Panimula ng Korte.

"For hearing. Criminal case number 01234, People of the Philippines versus Xyrine Marie Caballero." Malakas na pagkakawika ng Interpreter sa korte.

"Appearances." Wika ulit ng korte.

"For the Government." Sagot ni Prosecutor Forth Lim.

"For the defense." Sagot din ni Attorney Fuentes—ang lawyer ni Xyrine Marie.

"Ready?" Wika ng korte.

"Ready Your Honor." Kalmadong sagot ni Prosecutor Forth Lim, at saka tumingin sa nasasakdal na si Marie.

"Call your witness to the witness stand." Kaagaran na wika ng korte kay Prosecutor Lim.

Nagsimula ang unang hearing ng kaso ni Marie laban sa kanyang Tiyo Oscar—kinakasama ng kanyang Nanay Ester.

Meanwhile.

ALCANTARA RESIDENCE

Lunes ng umaga nang magsama-sama ang buong pamilya sa hapag-kainan. Madalas ito ang nangyayarinsa kanila kahit abala ang bawat isa sa kani-kanilang trabaho.

"Dad? Have you heard about the incident that happened in Sta. Ana?" Binungad kaagad ni Iñigo ang kanyang ama tungkol sa isang balitang naging usap-usap ng buong madla.

Hindi lingid sa kaalaman ni Iñigo na ang kanyang ama na si Alfonso Alcantara ay isa ng hukom sa korte.

Umangat ang mukha ng ama at saka bumunting hininga.

"Where have you been for a long time, Benjo?" palayaw na pangalan ni Iñigo ang madalas na tinatawag sa kanya kapag ang usapan ay hindi kabilang sa trabaho. "May plano ka bang magtrabaho sa akin?" Umikot ang bilog na mga mata ni Iñigo nang tanungin ulit siya ng ama nito tungkol sa trabahong matagal nang inaalok sa kanya ng kanyang butihing ama.

Maalam ngunit mas pinili ni Iñigo ang bumyahe sa iba't ibang bansa dahil may gusto pa itong alamin tungkol sa trabahong inaalok ng ama nitonsa kanya.

Nagkibit balikat si Iñigo at ngumiti sa ama nang makitang naging seryoso na ang pustur ng kanyang ama.

"I don't want to work with you, instead sent me to Ninong Atlas Sakamoto. I hear, he's not with anyone in his law firm—except that woman Attorney Avil Velasco? I guess. That's right. I'll be there first."

"You kidding me, right?"

Lumapad ang ngiti ni Iñigo sa sinabi ng ama at sunod-sunod itong umiling.

"I'm not. I'm already twenty-six, Dad. Hayaan mo nalang muna akong makapagdesisyon ng sarili ko. Simula nang isinilang ako ni Mama Isabela, kayo na ang nagturo sa akin lahat. I owe you bigtime, Judge Alfonso Alcantara."

Natahimik ang ama at hindi na nagsalita. Mayamaya ay dumating ang ina nitong si Isabela na nakangiti.

"Bayaan mo na iyang panganay mo, Evo. May sariling pag-iisip na iyan at desisyon sa sarili. Babalik din naman iyan sa iyo kapag napagod na. Trust me."

"Thanks, Mom. You're the best."

Nagpatuloy ang almusal ng tatlon. Ngunit hindi rin nawala sa hapag-kainan ang usapang trabaho.

"I'll call your Ninong Atlas. Siya raw ang hahawak ng kaso do'n sa St. Ana kapag napakiusapan nito ang lawyer ng salarin."

"Really? That's great."

Umiling ang ama. "I ask him na ikaw ang hahawak ng kasong iyon. That's your first assignment."

"But, Dad—"

"No, buts, Attorney Iñigo Alcantara."

"Fine."

"First hearing mamaya, baka gusto mong pumunta?"

Napaisip kaagad si Iñigo na kung pupunta siya ay makikilala nito ang unang kliyente niya. Bigla ay nagkaroon ng kislap sa kanyang mga mata.

"Okay! I'll go ahead."

Nakatingin lumabas ng mansyon si Iñigo. Napabuga siya ng hangin sa kawalan bago ito pumasok sa kanyang sasakyan. Kalaunan ay nakatanggap ito ng tawag mula sa kanyang Ninong Atlas.

"I'll be there Ninong. Dadaan muna ako ng condo ko then diretso na ako sa korte. Thank you."

TRIAL COURT, MANILA

Nagsisimula na ang unang hearing nang dumating si Iñigo. Naupo ito sa likuran at saka nakinig ng pagpupulong sa loob. Ngunit tila'y may hinahanap ang mga mata nito sa loob—at iyon ay ang salarin. Tumanga siya at tumingin sa kanan bahagi ng korte kung saan naroon si Marie—nakaupo at nakatungo. Hindi makitaan ng takot sa mukha nang umangat ang mukha nito. Tumabingi ang ulo ni Iñigo nang biglang bumaling ng tingin si Marie sa kanya. Inalis ni Iñigo ang salamin sa mata at inataas ng kilay ang dalaga.

"Good to see you." Aniya na pabulong.

"Miss Caballero? May sasabihin ka pa ba?" Wika ng korte—iyon ay ang ama ni Iñigo na si Alfonso Alcantara.

Umiling si Marie. "Kapag ba sinabi kong depensa sa sarili ko lang 'yong ginawa ko ay maniniwala kayo? Kapag ba sinabi ko na hindi ko sinadya iyon dahil sa takot ko na—magahasa ako ng kinakasama ng aking ina ay maniniwala ba kayo? Hindi. Hindi ba, Your Honor? Sino ba naman ako para kampihan ng kung sino? Ultimo sarili kong ina ay kinamumuhian ako dahil sa ginawa ko—kayo—sila pa kaya?"

Kumunot ang noo ni Iñigo nang marinig ang mga sinabi ni Marie sa korte. Napatingin siya sa reaksyon ng kanyang amang hukom na tahimik lang. Mayamaya ay bumaling ang tingin nito sa isang babaeng nasa singkwenta anyos ang edad na humagulhol—hindi dahil naawa sa anak—kundi dahil sa pagkawala ng kinakasama nitong si Tiyo Oscar.

Natapos ang unang pagpupulong. Hindi pa rin umaalis sa kinauupuan si Iñigo hangga't hindi niya makaharap ang salarin na si Marie. Naghintay siya na dumaan ito sa kanyang harapan ngunit nabigo ito dahil tatlong warden na babae ang nakaalalay sa dalaga.

"Excuse me? Can I talk to you Attorney—"

"Attorney Legaspi—yes?"

"Oh! Attorney Legaspi. Can I talk to you first?"

"Let's talk about later? Or please come with me if you have any questions. I need to talk also to my client."

Sunod-sunod na tumango si Iñigo bilang pagsasang-ayon sa sinabi ni Attorney Legaspi. Sumama nga ito hanggang nabigyan ng privacy ang dalawa. Sa loob ng investigation room naroon si Marie—at hihintay sa kanyang abogado. Nakatungo ito at tahimik.

Inabot ng sampung minuto bago pumasok ang dalawang abogado, which is sina Attorney Legaspi at Attorney Alcantara.

"Kumust, Marie? Pasensya na kung natagal ang pagbalik ko. By the way, ito nga pala ang bago mong abogado—Attorney Iñigo Alcantara."

Umangat ang mukha ng dalaga nang ipinakilala sa kanya ang bago nitong abogado. Matagal silang nagkatitigan, ngunit mayamaya ay bumawi din si Marie, at tumungo ulit.

"Atorney Legaspi? Pasensya na po kung inabala ko pa kayo," mahina wila ng dalaga. "Alam ko naman po na wala akong laban dahil totoo naman na pinatay ko ang kinakasama ng nanay ko." Nagsimula nang mangarag ang mga boses niya.

Lumapit si Attorney Legaspi at saka tinabig ng mahina ang balikat ni Marie.

"Self-defense ang ginawa mo, Marie. Hindi ka mapapatawan ng kaparusahan," wika ni Attorney Legaspi sa kanya. "Si Attorney Alcantara ang magpapatuloy na dumepensa sa iyong kaso. Nagkaroon lang talaga kasi ng emergency sa pamilya ko—kaya kailangan ko munang lumipas ng Amerika. From now on, siya na ang bago mong abogado."

Nagkatingin sina Attorney Legaspi at Attorney Alcantara.

"Hindi niyo na kailangan na pakiusapan ako. Kusa kong ibibigay ito sa inyo. Nakausap na ako ni Attorney Sakamoto na ikaw raw ang kakausapin ko tungkol dito. I trust you bigtime, Attorney Alcantara. Please... huwag mo siyang pababayaan."

Bumaling ang tingin ni Iñigo kay Marie. Mayamaya ay lumapit ito sa dalaga at saka nag squat sa harapan nito.

"Your name?" Kalmadong wika ni Iñigo kay Marie.

"Xyrine Marie Caballero." Mahinang sagot naman ng dalaga sa kanya.

"Xyrine Marie Caballero," inulit ni Iñigo ang pangalan ng dalaga. "I am Attorney Iñigo Kang Alcantara—I'm your new lawyer from now on. Trust me, and I will win your case."

Tila na may kung anong kiliti sa tainga ni Marie nang marinig niya ang malamig ngunit kalmadong boses na iyon galing kay Iñigo. Umangat ang mukha ng dalaga at tinitigan ng diretso sa mga mata si Iñigo. May kung anong kakaibang dulot sa kanyang puso ang mga titig na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status