NANG HAPUNAN ay hindi na pumayag si Matt na hindi lumabas ng kuwarto si Natalia para kumain. Napilitan siya dahil gaya ng panakot nito, iaawas sa mga katulong ang hindi niya pagkain. Kaya wala siyang choice kundi makita si Regine. Nangigigil talaga siya sa hilatsa ng mukha nito lalo pa at panay ang himas nito sa katawan ni Matt habang kumakain. Para siyang masasamid. Nawawalan siya ng ganang kumain. This is so annoying, daing ng utak niya habang palihim na pinagmamasdan ang kilos ni Regine. Mistula itong octupos kung makahawak kay Matt. Bahagya pa siyang napaismid nang magtama ang kanilang mga paningin. Parang gustong sabihin sa kanya ni Regine na: Inggit ka ‘no? Ako lang ang may karapatang pumulupot ng ganito kay Matt. Inirapan na lamang niya ito at kaagad nang tinapos ang pagkain.“BAKIT IPAPAHATID MO NA AKO? I thought we’re going to spend the night together?” Nagproprotestang sabi ni Regine nang utusan niya si Rigor na ihatid na ito sa co
DUMATING SI IRINE kasama ni Elena sa bahay ni Matt. Hindi maipinta ang mukha ng mga ito lalo na nang malaman ng mga itong natutulog si Matt kasama ni Natalia. “Gisingin mo sila,” utos ni Irine sa mayordoma ni Matt na si Aida. “Pero senyora. . .” “Kinakalaban mo na ba ang utos ko?” Tanong niya sa matandang mayordoma nang mabasa ang pag-aalinlangan sa mukha nito. “Sige na,gisingin mo silang dalawa. Gusto ko silang makausap!” Ngunit may pag-aalinlangan sa mukha ni Aida. Alam kasi nitong masamang magalit si Matt at delikado ang lagay nito kung lalabag ito sa ipinag-uutos nito. Ngunit nakakatakot ring magalit ang ina nito kaya naguguluhan ito ng mga oras na iyon. Yamot na naglakad ang ina ni Matt. Dumiretso ito sa kuwarto ni Matt. “Senyora. . .” Sabi ni Rigor sa matanda nang akmang bubuksan niya ang kuwarto ni Matt, “Nagpapahinga si Sir at. . .” “I don’t care!” Ipiniksi ng matanda ang kamay ni Rigor.
“H-HINDI nila ako titigilan hangga’t nandito ako sa mansion kaya mas mabuti pang hayaan mo na lang akong makabalik sa bahay,” pakiusap ni Natalia kay Matt nang balikan siya sa kuwarto ng lalaki. Tinitigan siya ni Matt, “Sa palagay mo, hahayaan kong panghimasukan nila ang buhay ko?” Tanong nito sa kanya, “Besides, gusto mo ba talagang bumalik sa inyo?” Napatungo siya. Alam niyang alam naman na nito ang damdamin niya para dito. Nilapitan siya nito at siniil ng halik sa mga labi, buong init niyang tinugon ang mga halik na iyon. Hanggang masumpungan na lamang niyang ibinibigay na naman niya ng buong-buo ang kanyang sarili ditto. Ilang beses siya nitong inangkin. At nagpa-angkin naman siya kahit na kalahati ng utak niya ay gusto na siyang pagtawanan sa ginagawa niyang ito. Sinong matinong babae ang ibibigay ang sarili sa lalaking wala namang hangad kundi ang katawan lamang naman niya? Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya nito kailangan. Alam niyang
“IPINASUSUNDO ako ni Matt? Asan ba siya?” Nagtatakang tanong ni Natalia nang sabihin ng katulong sa kanya na gumayak siya. Naghihintay si Rigor sa itaas. Duon ay mayroong helipad kung saan naroroon ang helicopter na sasakyan nila. “Nasa Mindanao raw po M’am. Huwag na raw kayong magdala ng mga gamit. May pinamili na raw gamit ninyo si Sir.” Napailing siya. Dis oras ng gabi, bigla na lamang siya nitong ipapasundo papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung ma-e-excite o maiinis siya sa kung anumang tumatakbo sa utak nito ngayon. Para siyang isang robot na hindi pwedeng magreklamo. Kailangan lang sumunod sa kung ano ang ididikta nito sa kanya. Nagbihis lang siya ng simpleng white shirt at kupasing maong. Naghihintay na si Rigor sa loob ng helicopter nang umakyat siya sa itaas. Inalalayan siya ng isang lalaki pasakay sa loob ng helicopter. Ilang sandali pa ay lumilipad na sila. “Saan ba ang punta natin?” “Sa Mindanao,”
“NAG-AALALA na ako kay Matt,” sabi ni Irene sa asawang si Peter nang puntahan niya ito sa opisina nito. Biglang nag-angat ng mukha si Peter at tila natatawang tiningnan ang asawa, “Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa anak mo?” May sarcasm na tanong nito sa kanya. “Hindi nakakatawa ang biro mong ‘yan, Peter,” singhal niya sa kalbo at matabang lalaki, kumunot ang nuo niya, “Hindi ka na yata lumalabas para mag-golf? Kulay papel ka na sa sobrang putla. Bakit? Don’t tell me hiniwalayan ka na ‘nung maganda mong sekretarya?” Aniyang bahagyang napangisi, “Nagsawa na siguro sa kulubot mong. . .” “Ako ang nakipaghiwalay sa kanya!” Giit nito, Nag-angat siya ng isang kilay, “Oh, really?” may katuwaan sa mga matang tanong niya sa matandang lalaki. “Hindi yan ang dinig ko. May pakpak ang balita, Peter. Alam kong isang lingo kang nag-inom nang sumama sa isang foreigner ang girlfriend mo!” Sabi niyang tumawa pa ng malakas. Alam niyang
WALA na sa hotel suite si Matt nang magising si Natalia kinabukasan. Hindi siya makapaniwalang napahimbing masyado ang tulog niya kaya alas-nuebe na nang magising siya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng kulay asul na bestida at pumps na mustard yellow. Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Matt ang saktong sukat ng mga paa niya. Bilib na talaga siya sa mga tauhan nito. Lumabas siya ng kuwarto, nakita niya sa mya pinto ang isa sa mga tauhan nito. Obvious na hinihintay lamang siyang magising. “Ma’m, naghihintay sa inyo sa lobby si Sir para mag-almusal.” Tumango siya. Sinamahan siya nito pababa sa lobby. “Maaga ba siyang nagising?” Tanong niya sa lalaki nang nasa elevator na sila. “Alas-sais. May mga ka-meeting kasi siya kanina. Dinalaw rin niya ang planta,” pormal na sagot nito sa kanya. Hindi na siya nag-usisa pa. Nang makarating sila sa lobby ay nakita niya si Matt, umiinom
HANGGANG makarating sa hotel suite ay hindi nagsasalita si Matt. Tahimik lang itong pumasok sa banyo at naligo. Hindi rin siya umimik. Mahirap nang may mali siyang sabihin at bigla siyang palayasin sa kuwarto. Naiiyak na naman siya kapag naiisip ang sitwasyon niya. Mabuti sana kung nasa Maynila sila, baka mas matuwa pa siya kung ipagtabuyan siya nitong palabas ng kuwarto. Pero ditto sa Mindanao? Pagkalabas nito ng banyo ay siya naman ang naligo. Sinadya niyang tagalan ang paliligo. Kung maari nga lamang ay sa loob na lamang siya ng banyo magpalipas ng buong magdamag. Ngunit parang nahihilo na siya. Mahigit isang oras at kalahati na siya sa loob ng banyo kaya kahit ayaw niya ay napilitan na rin siyang lumabas. Tulog na si Matt nang makita niya. Napaismid siya habang minamasdan itong natutulog. Mabait talaga pag tulog ang lalaking ito. Ngunit bakit ba kahit na anong gawin nito sa kanya, mas lalo siyang nahuhumaling ditto? Daha
BUMANGON si Natalia dahil hindi siya makatulog. Nagbihis siya at lumabas ng suite. Pagbaba niya sa lobby ay nagulat siya nang tawagin ng isang lalaki ang pangalan niya. “Natalie?” Hindi makapaniwalang bulalas nito. Nangunot ang nuo niya, pamilyar ang mukha nito. “Natalie, I can’t believe nakalimutan mo na ako. Enrico Sandoval!” “Ohmyghad, Enrico!” Bulalas niya. Bahagya pang namula ang kanyang mga pisngi. Si Enrico Sandoval ay ang first boyfriend niya nuong highschool. Puppy love at first heartbreak rin niya. “Akalain mong ditto pa tayo magkikita.” “Yeah, I know. Kumusta ka na?” Nagkibit balikat siya, “Heto,” may pait sa mga labing sabi niya, “I-ikaw? Anong ginagawa mo ditto?” “Binisita ko lang iyong nabili kong farm. Nagpapatayo rin ako ng bahay ditto pero sa Canada pa rin ako naka-base,” sabi nitong nahuli niyang tiningnan ang mga kamay niya, “I guess, single ka pa rin at. . .” Bago pa ito ma