WALA na sa hotel suite si Matt nang magising si Natalia kinabukasan. Hindi siya makapaniwalang napahimbing masyado ang tulog niya kaya alas-nuebe na nang magising siya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng kulay asul na bestida at pumps na mustard yellow. Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Matt ang saktong sukat ng mga paa niya. Bilib na talaga siya sa mga tauhan nito. Lumabas siya ng kuwarto, nakita niya sa mya pinto ang isa sa mga tauhan nito. Obvious na hinihintay lamang siyang magising. “Ma’m, naghihintay sa inyo sa lobby si Sir para mag-almusal.” Tumango siya. Sinamahan siya nito pababa sa lobby. “Maaga ba siyang nagising?” Tanong niya sa lalaki nang nasa elevator na sila. “Alas-sais. May mga ka-meeting kasi siya kanina. Dinalaw rin niya ang planta,” pormal na sagot nito sa kanya. Hindi na siya nag-usisa pa. Nang makarating sila sa lobby ay nakita niya si Matt, umiinom
HANGGANG makarating sa hotel suite ay hindi nagsasalita si Matt. Tahimik lang itong pumasok sa banyo at naligo. Hindi rin siya umimik. Mahirap nang may mali siyang sabihin at bigla siyang palayasin sa kuwarto. Naiiyak na naman siya kapag naiisip ang sitwasyon niya. Mabuti sana kung nasa Maynila sila, baka mas matuwa pa siya kung ipagtabuyan siya nitong palabas ng kuwarto. Pero ditto sa Mindanao? Pagkalabas nito ng banyo ay siya naman ang naligo. Sinadya niyang tagalan ang paliligo. Kung maari nga lamang ay sa loob na lamang siya ng banyo magpalipas ng buong magdamag. Ngunit parang nahihilo na siya. Mahigit isang oras at kalahati na siya sa loob ng banyo kaya kahit ayaw niya ay napilitan na rin siyang lumabas. Tulog na si Matt nang makita niya. Napaismid siya habang minamasdan itong natutulog. Mabait talaga pag tulog ang lalaking ito. Ngunit bakit ba kahit na anong gawin nito sa kanya, mas lalo siyang nahuhumaling ditto? Daha
BUMANGON si Natalia dahil hindi siya makatulog. Nagbihis siya at lumabas ng suite. Pagbaba niya sa lobby ay nagulat siya nang tawagin ng isang lalaki ang pangalan niya. “Natalie?” Hindi makapaniwalang bulalas nito. Nangunot ang nuo niya, pamilyar ang mukha nito. “Natalie, I can’t believe nakalimutan mo na ako. Enrico Sandoval!” “Ohmyghad, Enrico!” Bulalas niya. Bahagya pang namula ang kanyang mga pisngi. Si Enrico Sandoval ay ang first boyfriend niya nuong highschool. Puppy love at first heartbreak rin niya. “Akalain mong ditto pa tayo magkikita.” “Yeah, I know. Kumusta ka na?” Nagkibit balikat siya, “Heto,” may pait sa mga labing sabi niya, “I-ikaw? Anong ginagawa mo ditto?” “Binisita ko lang iyong nabili kong farm. Nagpapatayo rin ako ng bahay ditto pero sa Canada pa rin ako naka-base,” sabi nitong nahuli niyang tiningnan ang mga kamay niya, “I guess, single ka pa rin at. . .” Bago pa ito ma
“BAKA GUSTO mong samahan ang exboyfriend mong mamasyal?” Paismid na tanong ni Matt kay Natalia, “Marami siguro kayong namiss sa isa’t-isa. Bibigyan kita ng ilang oras para makasama siya kung gusto mo?” Pakiramdam ni Natalia ay nagseselos ito sa tono ng pananalita nito, “Okay lang ba saiyo kung sasamahan ko siyang mamasyal?” Bigla ay natanong niya. Wala naman siyang balak sumama kay Enrico, tini-testing lang niya si Matt. “Ah talagang sasama ka nga sa kanya?” Nakaangat ang isang kilay na tanong nito, “Hindi ka na nahiya. Alam nyang mag-asawa tayo, tas sasama ka sa kanya?” “Akala ko ba okay lang saiyo?” Matiim na tanong niya ditto, “Huwag mong sabihing nagseselos ka?” Bigla itong tumuwid ng tindig, “Bakit naman ako magseselos?” Yamot na tanong nito sa kanya, “Wala sa bukabularyo ko ang salitang ‘yan.” “Okay, sinabi mo eh,” kibit balikat na turan niya, “So, pumapayag kang mamasyal ako na kasama siya?” Biglan
HANGGANG makabalik ng Maynila ay masama pa rin ang loob ni Natalia. Hindi maalis sa utak niya ang gusto nitong ipagawa sa kanya ng nagdaang araw. Gusto nitong isa-isa niyang hubarin ang damit niya sa harapan nito, pagkatapos ay ano? Mabuti man lang sana kung asawa talaga ang turing nito sa kanya, pero hindi eh. Gusto lang nitong ipamukha sa kanya na pag-aari siya nito at kailangang maging sunod-sunuran sya sa bawat sabihin nito. Napapakagat labi sya kapag naiisip ang mga sinabing iyon ni Matt sa kanya. Napakababa talaga ng tingin nito sa kanya. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi ba at inialok niya ditto ang kanyang sarili nuong galit na galit siya kay Timothy? Kaya paano niya makukuha ang respeto nito kung sa umpisa pa lang ay siya na ang nagpakita ng pagiging agresibo. At hanggang ngayon, kapag naalala niya ang sandaling iyon ay talagang gusto niyang iuntog ang ulo sa pader. Bakit naman kasi naglasing siya, nawala tuloy siya sa
TAHIMIK lamang si Natalia habang pinipilit ang sariling kumain. Manaka-naka ay nagsasalubong ang mga paningin nila ni Matt ngunit kung hindi man siya ang unang umiiwas ay ito ang umiiwas na para bang ni ayaw man lamang magtama ang kanilang mga paningin. Maya-maya ay tumayo na siya at bumalik sa kanyang kuwarto. Ilang minuto pa ay nanduon na si Vicky, hinatdan siya ng dessert at apple juice na paborito niya. “Salamat,” aniya ditto. Akala niya ay lalabas na ito ng pinto pagkalapag sa mesa ng dessert niya pero naupo pa ito at waring nais makipagkwentuhan sa kanya. “Ma’m, ayaw talaga kayong magutom ni Sir, ano?” kinikilig na sabi nito sa kanya, “Pinahatdan pa kayo ng dessert nang mapansing di kayo nag-dessert.” May pait sa mga labing ngumiti siya dito, “Nanghihinayang sigurong walang kumain ng mga pinahanda niya sa mesa.” “Naku Ma’m, talagang binili ni Sir ang mga tart na ‘yan para sa inyo. Napansin kasi niyang ‘yan ang palag
HINDI mapakali mula sa kanyang kinauupuan si Nathan. Ang totoo, kaya siya nagbalik ay dahil nabalitaan niyang ubod ng yaman ang napangasawa ng Ate Natalia niya. Kailangan niya ng pera para sa panganganak ng kinakasama niya. Hindi naman kasi sapat ang kinikita niya sa trabaho para ditto lalo pa at nalaman nilang cesarian ito. Kaya nga nang magkita sila ni Natalia ay nagpakitang gilas siya. Syempre kailangan muna nitong makita na may malasakit siya sa pamilya para mautangan niya ito ng pera. Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Kanina pa niya kinabisa ang mga linyang sasabihin niya sa kanyang Ate Natalia. Praktisadong-praktisado na siya. Kabisado na niya ito. Madali itong maawa kaya alam niya kung paano ito mabobola. Matapos maubos ang isang stick ng sigarilyo ay tinawagan na niya ang kapatid. Nakailang ring din yata bago nito sagutin ang tawag niya, “Busy ka ata, Ate. . .” “Hindi naman. Wala naman akong ginagawa ditto. Nasa banyo la
BWISIT na nagpalakad-lakad sa maliit na apartment niya si Nathaniel. Kailangang makakuha siya ng pera sa Ate Natalia niya. Dalawang buwan na lamang ang hinihintay niya at manganganak na ang kanyang kinakasama. Unang baby nila ito kaya excited siya at the same time ay nag-aalala. Umuwi siya ng bahay nila. Nagbabakasakaling may naitatagong pera ang Papang niya. O kaya’y ito ang pakukunin niya ng pera sa Ate niya. “Tumigil ka nga Nathan. Napalaking pera niyang hinihingi mo!” “Pang, kailangan ko lang po talaga sa panganganak ni Lydia.” “Ewan pero wala akong maipapahiram saiyo at pwede ba, huwag mo ng gambalain ang kapatid mo. Masyado ng malaki ang nasakrapisyo ng Ate mo.” Anang Papang niya. “Sa inyo, pero sa akin, wala. Kung pinag-aral man niya ako ‘nung college, obligasyon naman niya iyon. Kung hindi naman siya nagkasakit nuon, di naman magkakanda-letse-letse ang buhay natin!” Asar na sabi niya sa ama. Dumi