Share

CHAPTER 71

HANGGANG makarating sa hotel suite ay hindi nagsasalita si Matt. Tahimik lang itong pumasok sa banyo at naligo. Hindi rin siya umimik. Mahirap nang may mali siyang sabihin at bigla siyang palayasin sa kuwarto.

Naiiyak na naman siya kapag naiisip ang sitwasyon niya. Mabuti sana kung nasa Maynila sila, baka mas matuwa pa siya kung ipagtabuyan siya nitong palabas ng kuwarto. Pero ditto sa Mindanao?

Pagkalabas nito ng banyo ay siya naman ang naligo. Sinadya niyang tagalan ang paliligo. Kung maari nga lamang ay sa loob na lamang siya ng banyo magpalipas ng buong magdamag. Ngunit parang nahihilo na siya. Mahigit isang oras at kalahati na siya sa loob ng banyo kaya kahit ayaw niya ay napilitan na rin siyang lumabas.

Tulog na si Matt nang makita niya. Napaismid siya habang minamasdan itong natutulog. Mabait talaga pag tulog ang lalaking ito. Ngunit bakit ba kahit na anong gawin nito sa kanya, mas lalo siyang nahuhumaling ditto?

Daha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status