Share

CHAPTER 70

WALA na sa hotel suite si Matt nang magising si Natalia kinabukasan. Hindi siya makapaniwalang napahimbing masyado ang tulog niya kaya alas-nuebe na nang magising siya. Nagtungo siya sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng kulay asul na bestida at pumps na mustard yellow. Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Matt ang saktong sukat ng mga paa niya. Bilib na talaga siya sa mga tauhan nito.

Lumabas siya ng kuwarto, nakita niya sa mya pinto ang isa sa mga tauhan nito. Obvious na hinihintay lamang siyang magising.

“Ma’m, naghihintay sa inyo sa lobby si Sir para mag-almusal.”

Tumango siya. Sinamahan siya nito pababa sa lobby.

“Maaga ba siyang nagising?” Tanong niya sa lalaki nang nasa elevator na sila.

“Alas-sais. May mga ka-meeting kasi siya kanina. Dinalaw rin niya ang planta,” pormal na sagot nito sa kanya. Hindi na siya nag-usisa pa. Nang makarating sila sa lobby ay nakita niya si Matt, umiinom
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status