“BAKA GUSTO mong samahan ang exboyfriend mong mamasyal?” Paismid na tanong ni Matt kay Natalia, “Marami siguro kayong namiss sa isa’t-isa. Bibigyan kita ng ilang oras para makasama siya kung gusto mo?” Pakiramdam ni Natalia ay nagseselos ito sa tono ng pananalita nito, “Okay lang ba saiyo kung sasamahan ko siyang mamasyal?” Bigla ay natanong niya. Wala naman siyang balak sumama kay Enrico, tini-testing lang niya si Matt. “Ah talagang sasama ka nga sa kanya?” Nakaangat ang isang kilay na tanong nito, “Hindi ka na nahiya. Alam nyang mag-asawa tayo, tas sasama ka sa kanya?” “Akala ko ba okay lang saiyo?” Matiim na tanong niya ditto, “Huwag mong sabihing nagseselos ka?” Bigla itong tumuwid ng tindig, “Bakit naman ako magseselos?” Yamot na tanong nito sa kanya, “Wala sa bukabularyo ko ang salitang ‘yan.” “Okay, sinabi mo eh,” kibit balikat na turan niya, “So, pumapayag kang mamasyal ako na kasama siya?” Biglan
HANGGANG makabalik ng Maynila ay masama pa rin ang loob ni Natalia. Hindi maalis sa utak niya ang gusto nitong ipagawa sa kanya ng nagdaang araw. Gusto nitong isa-isa niyang hubarin ang damit niya sa harapan nito, pagkatapos ay ano? Mabuti man lang sana kung asawa talaga ang turing nito sa kanya, pero hindi eh. Gusto lang nitong ipamukha sa kanya na pag-aari siya nito at kailangang maging sunod-sunuran sya sa bawat sabihin nito. Napapakagat labi sya kapag naiisip ang mga sinabing iyon ni Matt sa kanya. Napakababa talaga ng tingin nito sa kanya. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi ba at inialok niya ditto ang kanyang sarili nuong galit na galit siya kay Timothy? Kaya paano niya makukuha ang respeto nito kung sa umpisa pa lang ay siya na ang nagpakita ng pagiging agresibo. At hanggang ngayon, kapag naalala niya ang sandaling iyon ay talagang gusto niyang iuntog ang ulo sa pader. Bakit naman kasi naglasing siya, nawala tuloy siya sa
TAHIMIK lamang si Natalia habang pinipilit ang sariling kumain. Manaka-naka ay nagsasalubong ang mga paningin nila ni Matt ngunit kung hindi man siya ang unang umiiwas ay ito ang umiiwas na para bang ni ayaw man lamang magtama ang kanilang mga paningin. Maya-maya ay tumayo na siya at bumalik sa kanyang kuwarto. Ilang minuto pa ay nanduon na si Vicky, hinatdan siya ng dessert at apple juice na paborito niya. “Salamat,” aniya ditto. Akala niya ay lalabas na ito ng pinto pagkalapag sa mesa ng dessert niya pero naupo pa ito at waring nais makipagkwentuhan sa kanya. “Ma’m, ayaw talaga kayong magutom ni Sir, ano?” kinikilig na sabi nito sa kanya, “Pinahatdan pa kayo ng dessert nang mapansing di kayo nag-dessert.” May pait sa mga labing ngumiti siya dito, “Nanghihinayang sigurong walang kumain ng mga pinahanda niya sa mesa.” “Naku Ma’m, talagang binili ni Sir ang mga tart na ‘yan para sa inyo. Napansin kasi niyang ‘yan ang palag
HINDI mapakali mula sa kanyang kinauupuan si Nathan. Ang totoo, kaya siya nagbalik ay dahil nabalitaan niyang ubod ng yaman ang napangasawa ng Ate Natalia niya. Kailangan niya ng pera para sa panganganak ng kinakasama niya. Hindi naman kasi sapat ang kinikita niya sa trabaho para ditto lalo pa at nalaman nilang cesarian ito. Kaya nga nang magkita sila ni Natalia ay nagpakitang gilas siya. Syempre kailangan muna nitong makita na may malasakit siya sa pamilya para mautangan niya ito ng pera. Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Kanina pa niya kinabisa ang mga linyang sasabihin niya sa kanyang Ate Natalia. Praktisadong-praktisado na siya. Kabisado na niya ito. Madali itong maawa kaya alam niya kung paano ito mabobola. Matapos maubos ang isang stick ng sigarilyo ay tinawagan na niya ang kapatid. Nakailang ring din yata bago nito sagutin ang tawag niya, “Busy ka ata, Ate. . .” “Hindi naman. Wala naman akong ginagawa ditto. Nasa banyo la
BWISIT na nagpalakad-lakad sa maliit na apartment niya si Nathaniel. Kailangang makakuha siya ng pera sa Ate Natalia niya. Dalawang buwan na lamang ang hinihintay niya at manganganak na ang kanyang kinakasama. Unang baby nila ito kaya excited siya at the same time ay nag-aalala. Umuwi siya ng bahay nila. Nagbabakasakaling may naitatagong pera ang Papang niya. O kaya’y ito ang pakukunin niya ng pera sa Ate niya. “Tumigil ka nga Nathan. Napalaking pera niyang hinihingi mo!” “Pang, kailangan ko lang po talaga sa panganganak ni Lydia.” “Ewan pero wala akong maipapahiram saiyo at pwede ba, huwag mo ng gambalain ang kapatid mo. Masyado ng malaki ang nasakrapisyo ng Ate mo.” Anang Papang niya. “Sa inyo, pero sa akin, wala. Kung pinag-aral man niya ako ‘nung college, obligasyon naman niya iyon. Kung hindi naman siya nagkasakit nuon, di naman magkakanda-letse-letse ang buhay natin!” Asar na sabi niya sa ama. Dumi
NIYAYA NI ELENA SI Nathan sa loob ng sasakyan niya para duon sila makapag-usap ng maayos. “Anong atraso saiyo ni Ate?” Tanong ng lalaki sa kanya, “Paano kita matutulungan?” “Inagaw niya sa akin si Matt!” “Inagaw ni Ate saiyo si Matt?” Kumunot ang nuo nito, “Nasa tamang wisyo naman siguro si Matt nang pakasalan niya si Ate, hindi ba?” “So, pinalalabas mong sinungaling ako?” Yamot na tanong niya ditto. “Hindi naman kaya lang kung di ka magsasabi sakin ng totoo, paano kita matutulungan,” sagot nito sa kanya. “Si Natalia ang sagabal sa buhay ko para mapasakin si Matt.” Bahagya itong napangisi, “In short, ayaw saiyo ni Matt pero gusto mo siya?” Nag-angat siya ng mukha. Hindi tulad ni Timothy na parang napakahina ng loob, pakiramdam niya ay magkakasundo sila ng kapatid na ito ni Natalia, “At gagawin ko ang lahat para makuha ko ang atensyon niya.” Napailing ito, “Parang masyadong ma
PUMASOK SA ISANG MAMAHALING CLUB si Matt. Alam na ng manager na VIP siya kaya ibinigay sa kanya ang pinakamaganda at pinakasariwang babae duon. Pati si Rigor at ang kanyang mga body guards ay binigyan niya ng tig iisang babae. In-order niya ang pinakamahal na alak para sa kanila. “Ang gwapo mo,” bulong ng babaeng katable niya habang kinakalikot ang isang tenga niya. Tinanggal niya ang kamay nito sa tenga niya pati na rin ang isang kamay nitong nakahawak sa pagitan ng kanyang mga hita. “Masyado pang maaga para sa bagay na ‘yan,” pasuplado niyang sabi ditto, “Saka hindi ‘yan ang hanap ko. Gusto ko lang may kasalo kaming uminom.” “Hmm, suplado ka, I like it,” nakangising sabi nito sa kanya. Iniangkla nito ang mga braso sa leeg niya, akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis siyang tumayo. “Hindi ka ba nakakaintindi?” Iritadong sabi niya rito saka lumipat ng pwesto malayo sa babae. Pulang-pula ang mukha ng babae habang naka
NAPALINGON SI NATALIA nang bumukas ang library. Nakita niya si Matt, namumungay ang mga mata nito, halatang nakainom habang papalapit sa kanya. “Did you miss me?” Tanong nito nang hapitin ang bewang niya, amoy niya ang alak sa hininga nito ngunit sa halip na maturn off ay nakapagpadagdag pa iyon ng sex appeal ng lalaki kaya naman biglang nag-init ang katawan niya. Hinalikan siya nito sa mga labi, ramdam niya ang kasabikan sa mga kilos nito. Napayakap siya rito. Iniupo siya nito sa ibabaw ng piano habang mabilis ang mga kamay nitong tinatanggal ang mga damit nila. Inangkin nito ang kanang dibdib niya. Napaliyad siya sa kiliting idinulot niyon sa kanya, “Matt,” mahinang sambit niya sa pangalan nito, nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, waring nagdidiliryo siya sa sensasyong idinudulot niyon sa kanyang buong katawan. “You’re so beautiful,” narinig niyang bigkas nito saka binuhat siya at iniupo sa mahabang sofa. Ibinuk
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah