BWISIT na nagpalakad-lakad sa maliit na apartment niya si Nathaniel. Kailangang makakuha siya ng pera sa Ate Natalia niya. Dalawang buwan na lamang ang hinihintay niya at manganganak na ang kanyang kinakasama. Unang baby nila ito kaya excited siya at the same time ay nag-aalala. Umuwi siya ng bahay nila. Nagbabakasakaling may naitatagong pera ang Papang niya. O kaya’y ito ang pakukunin niya ng pera sa Ate niya. “Tumigil ka nga Nathan. Napalaking pera niyang hinihingi mo!” “Pang, kailangan ko lang po talaga sa panganganak ni Lydia.” “Ewan pero wala akong maipapahiram saiyo at pwede ba, huwag mo ng gambalain ang kapatid mo. Masyado ng malaki ang nasakrapisyo ng Ate mo.” Anang Papang niya. “Sa inyo, pero sa akin, wala. Kung pinag-aral man niya ako ‘nung college, obligasyon naman niya iyon. Kung hindi naman siya nagkasakit nuon, di naman magkakanda-letse-letse ang buhay natin!” Asar na sabi niya sa ama. Dumi
NIYAYA NI ELENA SI Nathan sa loob ng sasakyan niya para duon sila makapag-usap ng maayos. “Anong atraso saiyo ni Ate?” Tanong ng lalaki sa kanya, “Paano kita matutulungan?” “Inagaw niya sa akin si Matt!” “Inagaw ni Ate saiyo si Matt?” Kumunot ang nuo nito, “Nasa tamang wisyo naman siguro si Matt nang pakasalan niya si Ate, hindi ba?” “So, pinalalabas mong sinungaling ako?” Yamot na tanong niya ditto. “Hindi naman kaya lang kung di ka magsasabi sakin ng totoo, paano kita matutulungan,” sagot nito sa kanya. “Si Natalia ang sagabal sa buhay ko para mapasakin si Matt.” Bahagya itong napangisi, “In short, ayaw saiyo ni Matt pero gusto mo siya?” Nag-angat siya ng mukha. Hindi tulad ni Timothy na parang napakahina ng loob, pakiramdam niya ay magkakasundo sila ng kapatid na ito ni Natalia, “At gagawin ko ang lahat para makuha ko ang atensyon niya.” Napailing ito, “Parang masyadong ma
PUMASOK SA ISANG MAMAHALING CLUB si Matt. Alam na ng manager na VIP siya kaya ibinigay sa kanya ang pinakamaganda at pinakasariwang babae duon. Pati si Rigor at ang kanyang mga body guards ay binigyan niya ng tig iisang babae. In-order niya ang pinakamahal na alak para sa kanila. “Ang gwapo mo,” bulong ng babaeng katable niya habang kinakalikot ang isang tenga niya. Tinanggal niya ang kamay nito sa tenga niya pati na rin ang isang kamay nitong nakahawak sa pagitan ng kanyang mga hita. “Masyado pang maaga para sa bagay na ‘yan,” pasuplado niyang sabi ditto, “Saka hindi ‘yan ang hanap ko. Gusto ko lang may kasalo kaming uminom.” “Hmm, suplado ka, I like it,” nakangising sabi nito sa kanya. Iniangkla nito ang mga braso sa leeg niya, akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis siyang tumayo. “Hindi ka ba nakakaintindi?” Iritadong sabi niya rito saka lumipat ng pwesto malayo sa babae. Pulang-pula ang mukha ng babae habang naka
NAPALINGON SI NATALIA nang bumukas ang library. Nakita niya si Matt, namumungay ang mga mata nito, halatang nakainom habang papalapit sa kanya. “Did you miss me?” Tanong nito nang hapitin ang bewang niya, amoy niya ang alak sa hininga nito ngunit sa halip na maturn off ay nakapagpadagdag pa iyon ng sex appeal ng lalaki kaya naman biglang nag-init ang katawan niya. Hinalikan siya nito sa mga labi, ramdam niya ang kasabikan sa mga kilos nito. Napayakap siya rito. Iniupo siya nito sa ibabaw ng piano habang mabilis ang mga kamay nitong tinatanggal ang mga damit nila. Inangkin nito ang kanang dibdib niya. Napaliyad siya sa kiliting idinulot niyon sa kanya, “Matt,” mahinang sambit niya sa pangalan nito, nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, waring nagdidiliryo siya sa sensasyong idinudulot niyon sa kanyang buong katawan. “You’re so beautiful,” narinig niyang bigkas nito saka binuhat siya at iniupo sa mahabang sofa. Ibinuk
“SA PAANONG PARAAN ko mababawi si Natalia? Hindi mo ba alam kung gaano kayaman ang Matt na iyon? Mukhang pasweldo nga nun mga pulis ditto sa Maynila!” Sabi ni Timothy. Tiningnan niya ang lalaki, “Ano bang kahinaan ni Ate?” Makahulugang tanong nito ditto. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Timothy, “Gagamitin moa ng sarili mong pamilya para. . .” “Hindi ba ginamit rin naman ng Matt na iyon ang pamilya namin para makuha niya si Ate? Pwes, iyon din ang gagamitin natin.” Kumunot ang nuo nito, “Bakit mo ito ginagawa?” Nagdududang tanong nito sa kanya, “Don’t tell me gusto mo lang akong tulungan, I won’t buy it, Nathan, kilala kita!” Naiiling na sabi nito sa kanya, “Alam ko may ibang dahilan!” Sabi nitong biglang natigilan, napakurap saka matiim siyang tiningnan, “Don’t tell me may kinalaman si Elena ditto?” Hindi siya umimik. “Ngayon pa lang binabalaan na kita, mapanganib ang babaeng iyon kaya gang maari wag na w
“ATE. . .”Biglang kinabahan si Natalia, dinig niya ang boses ni Nathan habang umiiyak. “Bakit, anong nangyari?” “Tulungan mo ako, Ate. Puntahan mo ko ditto sa address na sasabihin ko. Papatayin nila ako, Ate kapag di ka nagpakita.” “Sinong papatay saiyo?” Naguguluhang tanong niya dito. “Basta puntahan mo na lang ako ditto sa pinagtataguan ko. Kailangan ko ng tulong mo, Ate Nat,” umiiyak na sabi ng kapatid niya sa kabilang linya. “Nandito ako ngayon sa bahay ni Timothy, Ate.” “Okay, pupunta na ako dyan!” Mabilis na niyang inihang ang telepono at tinawagan si Matt para ipaalam na uuwi muna siya dahil namimiss na niya ang kanyang mga kapatid. Hindi na niya sinabi ang tungkol kay Nathaniel dahil baka makialam na naman ito at mas lalo lang maging magulo ang sitwasyon. Pumayag naman si Matt na umuwi muna siya. Ipinahatid pa siya nito kay Rigor pauwi ng bahay. Pagkaalis na pagkaalis ni Rigor ay tinawagan ulit ni
“IUURONG ko na ang demanda kay Timothy,” nakayukong sabi ni Natalia sa mahinang boses. Napahinto sa pagsubo ng pagkain si Matt. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kutsara at tinidor, kunot-nuong tumingin sa kanya, “Pinaiiral mo na naman ang puso mo? Muntik ka na niyang gahasain, nakalimutan mo na ba iyon?” Tanong niya dito, maya-maya ay bilang napaismid, “Oh baka naman nagustuhan mo rin iyong ginawa nya?” May sarcasm sa tonong tanong niya dito. Parang gusto niyang magwala sa galit kapag naiisip niya ang ginawang iyon ni Timothy. Nag-angat ito ng mukha, “Bakit, ano bang pagkakaiba ng ginawa sakin ni Timothy sa ginawa mo? Hindi ba sapalitan mo kong dinala ditto?” Napalunok siya. Bumuga siya ng hangin saka matiim na tumingin sa kanya, “Kailan ba kita pinilit na makipag-sex?” Hindi ito makasagot. May pait sa mga labing napangiti siya, “Kahit kelan, hindi ko gawaing mamwersa ng mga babae para lang makipagtalik kaya
“NATALIA. . .” Nabosesan kaagad ni Natalia ang tinig ni Dela sa kabilang linya, “May kailangan ka?” Malamig ang tonong tanong niya ditto. Umiiyak ito nang muling magsalita, “S-Salamat sa pag-urong mo sa demanda kay Timothy. A-alam kong marami akong kasalanan saiyo. Napakasama kong kaibigan. P-Pero gusto kong malaman mo na wala akong ;pinagsisihan sa ginawa ko. A-at uulitin koi yon kung kinakailangan. Ganun ko siya kamahal. K-kaya sana, huwag mo ng guluhin pa ang buhay niya. Magkakaanak na kami. . .” Nagulat siya sa ipinagtapat nito. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa friendship nila ni Dela. Hindi siya makapaniwalang nagawa siya nitong traydurin sa kabila ng kabutihan at pagmamahal na ipinakita niya ditto. Or siguro naiiyak siya dahil ngayon niya natiyak na wala na talaga siyang nararamdaman ni katiting na pagmamahal kay Timothy. At siguro, kaya a